You are on page 1of 19

FILIPINO 10

ANG KAHON NI
PANDORA
MULA SA MITOLOHIYANG
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA GRIYEGO
1. Paano nakatutulong ang
mitolohiya sa pag-unlad ng
panitikang Pilipino

2. Paano mo maiuugnay ang


mitolohiyang binasa sa ating buhay

3. Bakit mahalagang pag-aralan ang


mitolohiya?
1. Sumanib ang magkapatid na Titan
sa mga Olimpian dahil alam na nila
ang mangyayari sa hinaharap.
Sumama sila para sa pansariling
kapakanan
2. Isang ginintuang kahon na may kalakip
na susi ang ipinadala ni Zeus bilang
handog sa kasal nina Pandora at
Epimetheus. Kasama rin sa regalo niya ang
babalang huwag bubuksan ang kahon
3. Hindi mapakali ang babae hangga’t
hindi niya nababatid kung ano ang laman
ng kahon. Kung nalalaman niya lamang
ay hindi na niya nanaising buksan ito
kailanman
4. Nakamata siya sa kahon at tulad
ng dati ay natutukso na namang
buksan ito. Ngayon ay nakatingin
siya sa susing nakasabit sa dingding
5. Isa ang paninibugho sa mga
bagay na lumabas mula sa
kahon. Ang pagseselos ay
maaaring makasira ng relasyon
lalo kung labis-labis na ito.
ANG
KAHON NI
PANDORA
Noong unang panahon ang magkpatid na sina Epimetheus at Prometheus
ay namuhay kasama ng mga diyos at diyosang Griyego. Ang magkapatid
ay mga Titan subalit sumanib sila sa mga Olimpian na pinamumunuan ng
diyos na si Zeus dahil ang panganay na si Prometheus ay may
kakayahang makita ang hinaharap at nababatid niyang sa huli ay
tatalunin ng mga Olimpian ang mga Titan.

Dahil sa katapatang ipinakita ng magkapatid sa mga Olimpian noong una ay


bingyan sila ni Zeus ng kapangyarihang lumikha ng mga nilalang para
manirahan sa daigdig. Binigyan din sila ng kapangyarihang mabigyan ng
kakayahang maproteksiyonan ng mga nilikha nila ang kani-kanilang sarili
subalit limitado lang ito sa mga mauunang malikha
Si Epimetheus ang lumikha ng mga hayop. Binigyan nya ng natatanging kakayahan ang bawat isa sa mga ito
kabilang na ang kakayahang maprotektahan ang kani-kanilang sarili tulad ng pagbibigay ng pakpak, balahibo,
tuka, at iba pa. Si Prometheus naman ay lumikha ng mga tao subalit dahil nagiging mas matagal siya ay
naubos at wala nang naiwang pamprotekta sa kanila dahil naipamigay nang lahat ni Epimetheus sa mga
nilikha niya

Dito naisip ni Prometheus na humiling ng isang bagay na


tanging mga diyos at diyosa lamang ang nakagagamit noong
una. “Haring Zeus, maaari po ba nating ipagamit ang apoy sa
mga tao? Kakailanganin po nila ito para sa kanilang
proteksiyon, sa paghahanda ng pagkain , at upang mapanatili
ang init sa panahon ng taglamig” ang pakiusap niya
“Hindi maaari!” Ang dumadagundong na sagot ni Zeus. “Ang apoy ay para
lamang sa mga diyos at diosa! Huwag kang magkakamaling ipagamit ito sa mga
tao dahil makakamit mo ang isang matinding kaparusahan!” ang pagbabanta na
kay Prometheus. Subalit umiiral pa rin kay Prometheus ang pagmamalasakit sa
mga tao dahil alam niyang labis nila itong kakailanganin. Tinungo nya ang
tirahan ni Hephaestos, ang diyos ng apoy at bulkan. Dahil dito’y kumuha siya ng
apoy nang walang paalam at ibinigay sa mga tao. Itinuro din niya sa kanila ang
tamang paggamit nito. Dahil sa paagsuway na ito ay labis na nagalit si Zeus
kaya’t matinding kaparusahan ang iginawad niya kay Prometheus. Ikinadena
niya ito sa malayong kabundukan ng Caucasus sa loob ng napakaraming taon.
Araw-araw niyang pinapapunta ang kanyang agila upang tukain ang atay ni
Prometheus na muli rin naming bumabalik sa dati pagkatapos.
Natigil lamang ang labis na pagpapahirap na ito nang mapatay ni Herakles ang
agila sa pamamagitan ng kanyang palaso at napalaya si Prometheus. Subalit hindi
dito natapos ang galit ni Zeus. Naniniwala siyang dapat ding maparusahan ang
mga sangkatauhan dahil sa pagtanggap nila ng handog na apoy mula kay
Prometheus. Naisip niyang gamitin ang kapatid ni Prometheus na si Epimetheus
para sa kanyang plano.

Hiniling niya ang tulong ni Hephaestos sa paglikha ng isang babae mula sa


luwad. Pagkalikha ng babae ay nagtulong-tulong ang mga diyos at diyosa sa
pagbibigay ng mga hindi pangkaraniwang katangian sa kanya. Ang diyosang si
Athena ay nagbigay ng maningning niyang kasuotang hinabi mula sa
pinakamahusay na sutla at gintong sinulid.
Ipinutong din niya sa ulo ng babae ang tinuhog na pinakasariwang
bulaklak gayundin ang koronang purong ginto na sadyang ginawa ni
Hephaestos para sa kanya. Ginawaran naman siya ng hindi
pangkaraniwang kagandahan ng diyosang si Aphrodite. Ipinagkaloob
ni Hermes sa kanya ang mapanghalinang katauhan subalit may
mausisang kaisipan. Pinangalanan siyang Pandora ni Haring Zeus na
ang kahulugan sa wikang Griyego ay “lahat ay handog” bago niya
tinawag si Hermes para ihatid ang dalaga kay Epimetheus.
Binalaan na dati pa ni Prometheus ang kapatid na huwag na huwag
tatanggap ng anumang handog mula sa diyos at diyosa dahil tiyak na
kapahamakan lang ang dala nito.
Batid din ni Epimetheus na ang anumang manggagaling kay Zeus ay isang
patibong subalit ng makita niya ang kahali-halinang si Pandora ay agad siyang
umibig sa dalaga. Galak ang dulot sa kaniya ng pagdating ng babae at hindi niya
lubos maisip na ang isang nilalang na kasingganda ni Pandora ay maaaring
magdulot ng ng anumang bagay na makasasama sa iba.

Agad na inihanda ang kasal nina Epimetheus at Pandora na ikinatuwa ni Zeus


dahil nangyayari ang lahat ayon sa kanyang plano. Bilang handog sa kanilang
kasal, isang kahon ang ipinadala ni Zeus. May kalakip itong susi at babalang
“huwag itong bubuksan.” Pinakiusapan ni Epimetheus si Pandora tungkol sa
kahon. “Pinakamamahal ko, maaari mong tingnan ang kahon subalit nakikiusap
ako sa iyo na huwag itong bubuksan.”
Sumang-ayon naman ditto sa Pandora. Itinago din ni Epimetheus ang susi para
hindi ito magamit sa pagbubukas ng kahon. Pinilit ni Pandorang sundin ang lahat
ng tagubilin ni Epimetheus subalit dahil likas na mausisa ay hindi siya mapakali
hangga’t hindi niya nababatid kung ano ang laman ng kahon. Sa tuwing makikita
niya ito ay napapaisip siya ng magagandang bagay na maaaring laman ng kahon,
kung gintong alahas ba o naggagandahang sutla sa loob nito, at kung bakit ito
ipinadala sa kanya pero hindi naman niya puwedeng buksan.

Isang araw, maagang nagtungo si Epimetheus sa bukid at naiwang mag-isa si


Paandora. Nakatitig siya sa kahon at tulad ng dati ay natutukso na naman siyang
buksan ito. Naalala niya ang bilin ni Epimetheus kaya’t ginawa niya ang
makakaya niya para paglabanan ang tuksong tumatawag sa kanya
Hanggang sa pagtingala ay nakita niya ang susing isinabit pala ng asawa sa itaas
na bahagi ng dingding ng kanilang tahanan. Dali-dali niyang kinuha ang susi.
Susubukan ko lang kung ito nga ba ang susi. Hindi ko bubuksan ang kahon.
Ipinasok niya ang susi sa susian at agad itong kumasya. Nakarinig siya ng “click”
na ibig sabihi’y puwede na niyang iangat ang takip nito. Sisilipin ko lang.
Nanginginig ang kamay, mabilis ang tibok ng puso, at abot-abot ang paghinga,
dahan-dahan niyang iniangat ang takip ng kahon at sinilip ang laman nito.

“Whirl…..whiz…whiz…” Huli na ang lahat! Pag-angat pa lang ng takip ay agad


nagliparan palabas ang langkay-langkay na mga itim na insektong kumakatawan
sa iba’t ibang uri ng kasamaan sa mundo tulad ng galit, inggit, kasakiman,
digmaan, paninibugho, gutom, kahirapan, kamatayan at iba pa.
Lahat ng bagay na makasasama sa mundo ay napaalpas niya. Agad
isinara ng nanlalambot na si Pandora ang kahon. Humahagulhol siya
nang datnan ng asawa. Isang tingin lang ni Epimetheus ay nahulaan na
niya ang nangyari. Umiiyak na ipinakita ni Pandora ang loob ng wala
nang laman na kahon.

Subalit mula sa nakabukas na kahon ay lumipad ang isang maganda at


maningning na munting insekto. Ito ang espiritu ng pag-asa.
Napakawalan man ni Pandora ang lahat ng masasamang bagay sa
mundo ay nagawa rin niyang palabasin ang pag-asa na siyang
humihilom sa anumang sakit na dulot ng mga naunang umalpas na
masasamang bagay.
Subalit dahil huli niya itong napaalpas, karaniwang
laging sa huli rin dumarating ang pag-asa. Kaya
naman magpahanggang ngayon, kapag ang tao ay
nakararanas ng sunod-sunod na problema o
paghihirap, hindi nagtatagal at dumarating ang pag-
asa upang magbigay-lakas sa kanilang huwag
magpatalo sa mga pagsubok at ituloy lang ang
laban ng buhay.

You might also like