You are on page 1of 4

Modyul sa Filipino 10

Bilang ng
Aralin Blg. Pamagat Layunin Oras/Seksyon

ARALIN 1 Panitikan: Ang Nakikilala ang isa sa 1 oras


Kahon ni Pandora mga kuwentong
Wika: Pandiwa ( Uri nagmula sa
at Aspekto Nito ) Mitolohiyang
Griyego

Nakasasagot sa
mga katanungan
batay sa akdang
binasa

 Ang MITOLOHIYANG GRIYEGO ay koleksyon ng mga kuwentong tinatampukan


ng mga Diyos at Diyosa.
 PAG-IBIG, PAKIKIPAGSAPALARAN, PAKIKIDIGMA at PAGPAPAKITA NG
MGA IBA’T IBANG KLASENG KAPANGYARIHAN ang karaniwang nagiging
paksa ng ma kuwento mula sa Mitolohiyang Griyego.
 Ang pinakalumang bersiyon ng “Ang kahon ni Pandora” ay isinulat ni Hesiod.
Kung saan tinalakay ditto ang paglikha gayundin ang dahilan ng pagkakaroon ng
kasamaan sa mundo.
 Sa kuwento ni Hesiod, hindi kahon kundi banga ang katawagan niya sa kahon.
 Si Erasmus naman ang nagsalin sa kahon ng banga ni Hesiod at dinagdagan
ang orihinal na kuwento ni nito.
Ang Kahon ni Pandora
Noong unang panahon, ang magkapatid na sina Epimetheus at Prometheus ay
namuhay kasama ng mga Diyos at Diyosang Griyego. Ang magkapatid ay mga Titan
subalit sumanib sila sa mga Olympian na pinamumunuan ng Diyos na si Zeus, dahil
ang panganay na si Prometheus ay may kakayahang makita ang hinaharap at nabatid
niyang sa huli ay tatalunin ng mga Olympian ang mga Titan.
Dahil sa katapatang ipinakita ng magkapatid sa mga Olympian, noong una ay binigyan
sila ni Zeus ng kapangyarihang lumikha ng mga nilalang para manirahan sa daigdig. Si
Epimetheus ang lumikha ng mga hayop. Binigyan niya ng natatanging kakayahan ang bawat isa
sa mga ito. Kabilang na ang kakayahang maprotektahan ang kani-kanilang sarili tulad ng
pagbibigay ng pakpak, balahibo, tuka, at iba pa. Si Prometheus naman ay lumikha ng mga tao
subalit dahil naging mas matagal siya ay naubos at wala ng naiwang pamprotekta sa kanila
dahil naipamigay ng lahat ng Epimetheus.

Dito naisip ni Prometheus na humiling ng isang bagay na tanging mga Diyos at diyosa
lamang ang nakagagamit noong una. “Haring Zeus, maaari po ba nating ipagamit ang apoy sa
mga tao? Kakailanganin po nila ito para sa kanilang proteksiyon, sa paghahanda ng pagkain at
upang mapanatili ang init sa panahon ng tag-lamig.

“Hindi maaari!” ang dumadagundong na sagot ni Zeus. “ Ang apoy ay para lamang sa
mga Diyos at Diyosa. Huwag kang magkakamaling ipagamit ito sa mga tao dahil makakamit mo
ang isang matinding kaparusahan. Ang pagbanta niya kay Prometheus.

Subalit umiral pa rin kay Prometheus ang pagmamalasakit sa mga tao. Dahil alam
niyang labis nila itong kakailanganin. Tinungo niya ang tirahan ni Hephaestus, ang Diyos ng
apoy at bulkan. Dito’y kumuha siya ng apoy nang walang paalam at ibinigay sa mga tao. Itinuro
din niya sakanila ang tamang paggamit nito. Dahil sa pagsuway na ito ay labis na nagalit si
Zeus. Kaya isang matinding kaparusahan ang iginawad niya kay Prometheus. Ikinadena niya si
Prometheus sa malayong kabundukan ng Caucasus sa loob ng napakahabang mga taon.
Araw-araw niyang pinapapunta ang kanyang agila upang tukain ang atay ni Prometheus na muli
rin namang bumabalik sa dati pagkatapos. Natigil lamang ang labis na pagpapahirap na ito
nang mapatay ni erakles ang agila sa pamamagitan ng kanyang palaso at mapalaya si
Prometheus.

Subalit hindi dito natapos ang galit ni Zeus. Naniniwala siyang dapat ding maparusahan
ang sangkatauhan dahil sa pagtanggap nila ng apoy na handog ni Prometheus. Naisip niyang
gamitin ang kapatid ni Prometheus na si Epimetheus para sa kanyang plano.
Hiniling niya ang tulong ng Diyos na si Hepahestus sa paglilikha ng isang babae mula sa
luwad. Pagkalikha sa babae ay nagtulung-tulong ang mga Diyos adiyosa sa pagbibigay ng hindi
pangkaraniwang katangian sa kanya. Ang Diyosang si Athena ay nagbigay ng maningning
niyang kasuotang hinabi mula sa pinakamahuhusay na sutla at gintong sinulid. Ipinatong din
niya sa ulo ng babae ang tinuhog na pinakasariwang bulaklak gayundin ng koronang purong
ginto na sadyang ginawa ni Hephaestus para sa kanya. Gianawaran naman siya ng hindi
pangkaraniwang kagandahan ng diyosang si Aphrodite. Ipinagkaloob ni Hermes sa kanya ang
mapanghalinang katauhan subalit may mausisang kaisipan. Pinangalanan siya ng Pandora ni
Haring Zeus na ang kahulugan sa wikang Griyego ay “lahat ay handog” bao niya tinawag si
Hermes para ihatid ang dalaga kay Epimetheus.

Binalaan na dai pa ni Prometheus ang kapatid na wag tatanggap ng anumang handog


mula sa mga Diyos at Diyosa dahil tiyak na kapahamakan lang ang dala nito. Batid din ni
Epimetheus na ang anumang manggaling kay Zeus ay isang patibong subalit nang makita niya
ang napakaganda at kahali-halinang si Pandora ay agad siyang umibig sa dalaga. Galak ang
dulot sa kanya ng pagdating ng babae at hindi niya lubo maisip na ang isang nilalang na kasing-
ganda ni Pandora ay maaaring magdulot ng anuang bagay na makasasama sa iba.

Agad inihanda ang kasal nina Epimetheus at Pandora na ikinatuwa ni Zeus dahil
nangyayari ang lahat ayon sa kanyang mga plano. Bilang handog sa kanilang kasal, isang
ginintuang kahon ang ipinadala ni Zeus. May kalakip itong susi at babalang nagsasabing
“huwag itong bubuksan”.

Kinausap ni Epimetheus si Pandora tungkol sa kahon. “Pinakamamahal ko maaari mong


tignan ang kahon subalit nakikiusap ako saiyong sundin ang babala ni Zeus na huwag na
huwag itong bubuksan”, ang pakiusap niya sa asawa. Sumang-ayon naman dito si Pandora.
Itinago rin ni Epimetheus ang susi para hindi ito magamit ni Pandora sa pagbubukas ng kahon.

Pinilit ni Pandorang sundin ang lahat ng tagubilin ni Epimetheus subalit dahil likas siyang
mausisa ay hindi siya mapakali hangga’t hindi niya nababatid kung ano ang laman ng kahon.
Sa tuwing makikita niya ito, ay naiisip niya kung ano-ano kayang magagandang bagay ang
laman ng kahon, kung may mga gintong alahas ba o magagandang sutla sa loob nito at kng
bakit ito ipinadala sa kanya pero hindi naman niya puwedeng buksan.

Isang araw, maagang nagtungo si Epimetheus sa bukid at naiwang mag-isa sa bahay si


Pandora. Nakatitig siya sa kahon at tulad ng dati ay natutuksong buksan nanaman ito. Naalala
niya ang bilin ni Epimetheus kaya’t ginawa niya ang makakaya para mapaglaban ang tuksong
tila tumatawag sa kanya. Hanggang sa pagtingala, ay makita niya ang susing isinabit pala ng
asawa sa itaas na bahagi ng dingding ng kanilang tahanan. Dali-dali niyang kinuha ang susi.
“susubukan ko lang ito kung ito nga ba ang susi. Hindi ko bubuksan ang kahon”, ang sabi niya
sa sarili.

Ipinasok niya ang susi sa susian at agad itong kumasya. Nakarinig siya ng “click” na ang
ibig sabihi’y pwede na niyang iangat ang takip nito. “Sisilipin ko lang”, ang muli ay sabi niya sa
sarili. Nanginginig ang kamay, mabilis ang tibok ng puso, at abot-abot ang paghinga, dahan
dahan niyang iniangat ang takip ng kahon at sumilip.
“whirl…whiz..whiz…” Huli na ang lahat! Pag-angat pa lang ng takip ay agad nagliparan
palabas ang langkay-langkay na mga itim na insektong kumakatawan sa iba’t ibang uri ng
kasamaan sa mundo tulad ng galit, inggit, kasakiman, digmaan, panibugho, gutom, kahirapan,
kamatayan at iba pa. lahat ng bagay na makasasama sa mundo ay napaalpas niya.

Agad isinara ng nanlalambot na si Pandora ang kahon. Humahagulgol siya nang datnan
ng asawa. Isang tingin lang ni Epimetheus ay nahulaan na niya ang nangyari. Pagkakita niya
kay Epimetheus ay lalong lumakas ang kanyang pag-iyak sabay bukas sa kahon upang
ipakitang wala na itong laman.

Subalit nagkamali siya sapagkat mula sa nakabukas na kahon ay lumipad ang isang
maganda at maningning na munting insekto. Ito ang espiritu ng pag-asa. Napakawalan man ni
Pandora ang lahat ng masasamang bagay sa mundo, ay nagawa rin niyang mapasunod ang
pag-asa na siyang humihilom sa anumang sakit na dulot ng mga naunang umalpas na
masasamang bagay. Subalit dahil mas huli niya itong napalabas, karaniwang laging sa huli rin
dumarating ang pag-asa. Kaya naman magpa-hanggang ngayon, kapag ang tao ay
nakakaranas ng sunud-sunod na problema o paghihirap, dumarating ang pag-asa upang
magbigay lakas sa kanilang huwag magpatalo sa mga pagsubok at ituloy ang laban ng buhay.

You might also like