You are on page 1of 16

FILIBUSTE

RISMO
KABANATA
3
Ang mga alamat
MGA TALASALITAAN
• bangkete – handaan
• gulilat– nagulat
• hinaing – reklamo/ problema
• ipain – gamiting patibong
• makamkam – kunin nang walang bayad at paalam
• masisiba – matatakaw
• moog– tanggulan/ proteksyon
• naghihingalo – malapit nang mamatay
•Pag-uusisa – pagtatanong nang sunud-
sunod
•Pag-uyam – pang-iinis
•pinagkakagastahan– pinagkakagastusan
•sagrado – banal
•sumungaw– nilabas ang ulo/ lumabas
•tampalasanin– bastusin
•tumugis – humabol
Ang mga
alamat
ALAMAT
Ang alamat ay isang uri ng
kuwentong bayan at panitikan na
nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig
MGA TAUHAN:
-Padre Sibyla
-Padre Irene
-Padre Florentino
-Padre Camorra
-Simoun
-Kapitan Heneral
-Ben Zayb
 Pagbalik ni Padre Florentino sa taas ng kubyerta ay mahinahon na
ang mukha ng mga pari maliban na lamang kay Padre Sibyla.

 Galit na galit si Padre Sibyla dahil daw ang kanyang mga


paupahan, negosyo at mga ipinapatayong gusali ay unti-unti ng
nalulugi.

 Kinontra ni Padre Irene si Padre Sibyla dahil akala niya umuunlad


ang mga negosyo nito sa ibang bansa.

 Nag-uusap ang mga pari dahil sa hayagang pakikipagtalo ng mga


nangungupahan dahil sa labis na taas ng upa nila.
 Ayon naman kay Padre Camorra, nakakapagbayad naman daw sakanya ang
mga mamamayan sa mga buwis na sinisingil nito tulad ng binyag, kasal at iba
pa. at wala daw sila magagawa sapagkat siya ang kura paroko sa bayan nila.

 natigil lamang ang mga usapan nila nang dumating si Simoun.

 Nais ni Simoun na ang pagkuwentuhan nila ay tungkol sa mga alamat

 Sinunod nilang tinanong ang kapitan.


TATLONG ALAMAT
1. Alamat ng malapad na bato
2. Alamat ni Donya Geronima
3. Alamat ng San Nicolas
1. ALAMAT NG MALAPAD NA
BATO
Ang kapitan ang nagkuwento

Ito ay tungkol sa alamat ng sagradong bato


na pinaninirahan di- umano ng mga
espiritu at dito rin nagtatago ang mga
bandido ( tulisan ). Hinaharang nila ang
mga bangkang dumadaan.
2. Alamat ni Donya Geronima
Si Padre Florentino naman ang nagkuwento
nito.

Ang alamat na ito ay sadyang nakakalungkot

Ito ay nagustuhan ni Simoun


Ito ay tungkol sa dalawang magkasintahan. Nangako ang lalaki na
babalikan at pakakasalan niya ang babae sa tamang panahon dahil nga sila
ay mga bata pa noon. Subalit nalibang ang lalaki sa pag-aaral. Hindi na niya
nabalikan ang kasintahan na si Donya Geronima kaya naman ay tumandang
dalaga ito at patuloy na umaasa sa pangako ng kasintahan. Subalit nalaman
na lamang niya isang araw na ang lalaki ay ganap na palang pari at naging
arsobispo pa nga. Kaya naman pinuntahan ni Donya Geronima ang pari.
Nagdamit panlalaki ito at nagpakilalang siya ang kasintahang pinangakuan
niyang babalikan, at sinabi sa lalaki na tuparin ang pangako nito sa kanya at
iharap siya sa damdana. Dahil sa ayaw ng pari ng eskandalo ay ipinagawa
niya ng kuweba si Donya Geronima sa gitna ng lawa. Patagilid kung
pumasok si Donya Geronima sa kuweba dahil may kalaparan ang kanyang
katawan. Dahil namuhay ito ng mag-isa palagi siyang nagpapatawag ng mga
tao at mangingisda sa kanyang kuweba para magsaya. Napabalita rin na
maluho ang donya, lahat ng kasangkapan ay itinatapon lang sa ilog pag
napagsawaan kahit pa magaganda pa ito kaya naman ang ginagawa ng mga
tao ay naglalatag ng lambat at kinukuha ang mga kasangkapang iyon.
Isang-araw ay umapaw ang tubig sa lawa, napasukan ng tubig ang kuweba
at nalunod ang tinitirahan ng Donya at simula noon ay hindi na siya nakita.
Mga dalawang taon narin ang nakalilipas.
3. Alamat ng San Nicolas

Si Padre Salvi naman ang


nagkuwento nito
3. Alamat ng San Nicolas

Tungkol sa isang Intsik na nakasakay sa Bangka.


Nang namamangka siya at napadaan sa isang simbahan
ay bigla na lamang daw may lumabas na demonyo na
nag-aanyong buwaya at hinampas ang Bangka kaya
tumaob ang bangkang sinasakyan ng Intsik. Sa takot ng
Intsik ay binanggit niya ang pangalan ni San Nicolas at
nagpasaklolo, pagkatapos ay bigla na lamang naging
bato ang buwaya. Ayon sa mga nakasaksi, nakausli daw
ang bato at hindi malaman kung saan ang ulo at buntot.
Pagkatapos ng pagkukuwento ay napansin ni Ben Zayb
si Simoun na tila malalim ang iniisip.

Nang mapadaan sila sa lawa, kung saan may mga


pangyayari doon na hindi makakalimutan.

 Ito yung lawa kung saan tumalon si Elias na akala ng


lahat ay si Ibarra.

Muling nagtanong si Ben Zayb sa kapitan kung sino na


nga ba yung binatang pinatay rito.

You might also like