Professional Documents
Culture Documents
https://www.kapitbisig.com/philippines/el-filibusterismo-ni-dr-jose-rizal-book-notes-summary-in-tagalog-kabanata-3-ang-mga-al
amat-ang-buod-ng-el-filibusterismo_95.html
Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na ang
nangasa kubyerta. Nagdaraingan ang mga prayle sa
pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa
simbahan. Dumating si Simoun. Sayang daw at di nakita ni
Simoun ang mga dinaanan ng bapor. Kung wala raw alamat
ay walang kuwenta sa kanya ang alinmang pook ayon kay
Simoun. Isinalaysay ng Kapitan ang alamat ng Malapad-na-
bato. Ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang
tahanan ng mga espiritu. Nang panahanan daw ng mga
tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, nasalin sa mga tulisan.
Sinabi ng Kapitan na may isa pang alamat na ukol kay Donya
Geronima. Si Padre Florentino ang nahingang magkuwento.
May magkasintahan daw sa Espanya. Naging Arsobispo sa
Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo ang babae. Naparito at
hinihiling sa Arsobispo na sundin nito ang pangako pakasal sila.
Iba ang naisip ng Arsobispo. Itinira ang babae sa isang yungib
na malapit sa Ilog Pasig. Nagandahan si Ben Zayb sa alamat.
Nainggit si Donya Victorina na ibig ding manirahan sa kuweba.
Tinanong ni Simoun si Padre Salvi: Sa inyong palagay, hindi ba
higit na mainam ay ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara?
Hindi raw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang Arsobispo,
ayon kay Padre Salvi. At upang mabago ang paksa ay
isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik
sa pagkamatay sa mga buwayang naging bato nang dasalan ng
Intsik ang santo.
Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan
kung saan sa lawa napatay ang isang Guevarra, Navarra o
Ibarra. Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya Victorina ng
bakas ng pagkamatay ng tubig labingtatalong taon matapos
mangyari iyon. Nakasama raw ng ama ang bangkay ng anak,
ani Padre Sibyla. Iyon daw ang pinakamurang libing, ayon kay
Ben Zayb. Nagtawanan ng iba! Si Simoun ay namumutla at
walang kibo. Ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay nahilo dahil
sa paglalakabay.
KABESANG
TALES
KABANATA IV
MGA TAUHAN
NG KABANATA IV
Tandang Selo
• Ama ni Tales
• Kumalinga kay Basilio sa
gubat noong tumakas
siya sa mga guwardiya
sibil
Telesforo
• Tinawag na Kabesang
Tales
• Naghahangad ng
Karapatan sa pagmamay-
ari ng lupang sinasaka sa
inaangkin ng mga prayles
• Isang Cabeza de barangay
Mga Prayle
• Ang tanging dahilan
kung bakit na lugi at
nalungkot si Kabesang
Tales dahil sa lupain
Juliana
• Anak ni Kabesang Tales at
ang kasintahan ni Basilio
Basilio
• Kasintahan ng anak ni
Kabesang Tales na si
Juliana
Hermana Penchang
• Matandang babae na
mayaman at madasalin
nga tumanggap kay Juli na
sa wakas ay may naawa na
sa kanya pero ito ay dapat
manilbihan sa kanya
Hermana Bali
• Batikang pangginggera
na kagaling lang sa
Maynila
• Tumulong din siya sa pag
lutas ng problema ni Juli
ANG BUOD
-KABESANG TALES-
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-4-kabesang-tales-el-filibusterismo-buod
Anak ni Tandang Selo si Kabesang Tales. May tatlong anak
naman ang Kabesa na sina Lucia, Tano, at Juli. Pumanaw si
Lucia dahil sa malaria.
Naging marangya ang buhay nila dahil sa sipag ni Tales.
Magbubukid siya at umasenso sa kaniyang tubuhan.
Ninais niyang pag-aralin si Juli ng kolehiyo upang makapantay
ang kasintahang si Basilio. Gayunman, tinaasan sila ng buwis
sa tubuhan hanggang sa inangkin ng mga prayle. Dinala ito sa
korte ngunit natalo siya.
Nakulong naman si Tales nang magdala ito ng patalim at may
nakitang pera sa kaniya. Pinatutubos naman siya sa halagang
500. Upang may pantubos sa ama, isinanla niya ang laket na
bigay ng kasintahan na noong ay pagmamay-ari ni Maria Clara.
Ngunit di ito sapat kaya namasukan siyang katulong kay
Hermana Penchang noong bisperas ng Pasko. Dahil sa
masalimuot na nangyari sa kanilang pamilya ay hindi na
nakapag-aral pa si Juli na pangarap ng kaniyang ama para sa
dalaga.
NOCHE BUENA
NG ISANG
KUTSERO
KABANATA V
MGA TAUHAN
NG KABANATA V
Basilio
• Dumating sa San Diego
upang pumunta sa bahay
ni Kapitan Tiago
Guardia Civil
• Ang dumakip sa kutsero
ng sinakyang karomata ni
Basilio dahil sa paglabag
ng batas
Sinong
• Ang kutsero ng sinakyang
karomata ni Basilio
• Dinakip dahil
nakalimutan niya ang
kanyang sedula at
namatay ang ilawan ng
kanyang karomata
Simoun
• Kausap nina Kapitan
Basilio, Kura Paroko, at
Alperes
• Mapagwalang-bahala
Kapitan Basilio
• Nakipag-usap kina kura
paroko, alperes at Simoun
tungkol sa mga alahas
• Nais makipagbutihan sa
alperes para hindi nito
pakialaman ang kanyang
manggagawa sa bukid
• Nais din niyang
makipagbutihan sa simbahan
Matandang katiwala Kura Paroko
• May malaking paggalang • Nangangailangan ng isang
kay Simoun dahil sa pares na hikaw kay
kanyang galing sa pag-opera
Simoun
• Nagdala ng mga balita kay
Basilio tungkol sa kalagayan Alperes
ng kanilang mga • Nangangailangan ng relo
manggagawa at mga kay Simoun
namatay na hayop
Mga Lalaki Mga batang
babae
• Malulungkot ang mga
mukha at parang May mga belo sa ilalim ng
napipilitan lamang kanilang mga baba
dumalo sa prusisyon Nagdasal din ng rosaryo
• Pasigaw na nagdasal ng
rosaryo
ANG BUOD
-NOCHE BUENA NG
ISANG KUTSERO-
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-5-ang-noche-buena-ng-isang-kutsero-el-filibusterismo-buod
Gabi na nang makarating si Basilio sa kanilang bayan. Nasabay
pa siya sa prusisyong pang-Noche Buena. Naabala pa sila dahil
binubugbog ang isang kutserong si Sinong na nalimutan ang
kaniyang sedula.
Matapos ay napag-usapan nila ang rebulto ni Metusalem, ang
pinakamatandang taong namalagi sa daigdig. Idinaan naman
ang rebulto ng tatlong Haring Mago na nakapagpaalala kay
Sinong kay Haring Melchor.
Itinanong naman ng kutsero kay Basilio kung nakaligtas na ang
kanang paa ng bayaning si Bernardo Carpio na naipit umano
sa bundok sa San Mateo. Pinaniniwalaan kasing hari ng mga
Pilipino si Carpio na makapagpapalaya sa kanila.
Nahuli muli si Sinong dahil namatay ang ilaw ng kaniyang
kalesa. Dinala na siya sa presinto at si Basilio ay naglakad na
lamang.
Sa paglalakad niya ay napansin niyang wala man lang parol at
tahimik ang bayan kahit Pasko na. Dumalaw si Basilio sa bahay
ni Kapitan Tiago at naisalaysay ang pangyayari kay Kabesang
Tales at Juli.
SI BASILIO
KABANATA VI
MGA TAUHAN
NG KABANATA VI
Basilio
• Malapit na siyang
maging doctor
• Pumunta sa libingan ng
kanyang inang si Sisa sa
San Diego
• Dadalaw sa mag-anak ni
Kabesang Tales
Sisa
• Ina ni Basilio na namatay
at inilibing sa San Diego
labintatlong taon na ang
nakalipas
Kabesang Tales
• Masipag na magsasaka
na ama ng katipan ni
Basilio na si Juli
Juli
• Katipan ni Basilio na anak
ni Kapitan Tales
Kapitan Tiago
• Ama ni Maria Clara na
namimighati dahil
pumasok ang kanyang
anak sa beateryo
• Kasama si Tiya Isabel
noong nakita si Basilio
• Hinimok si Basilio na
lumipat sa Ateneo
Mayamang
Di- kilalang lalaki Dominiko
• Nakatagpo ni Basilio at • Mahilig manudyo at
inutusan siyang gumawa magpatawa
ng siga para sunugin ang • Guro ni Basilio na tinangka
bangkay ng isang lalaki siyang ipahiya pero hindi
• Tumulong sa paglibing sa nagtagumpay dahil sa
kanyang ina panahong iyon, marunong
na palang mangastila si
Basilio
ANG BUOD
-SI BASILIO-
https://www.kapitbisig.com/philippines/el-filibusterismo-ni-dr-jose-rizal-book-notes-summary-in-tagalog-kabanata-6-si-
basilio-ang-buod-ng-el-filibusterismo_98.html
Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay
palihim na nagtungo sa gubat.
Paliit ang buwan. Kaya’t paaninaw na tinungo ni Basilio ang libing
ng kanyang ina. Ipinagdasal ang kaluluwa ng ina at gunita ng
nakaraang may 13 taon…
Namatay ang kanyang ina. May dumating na lalaking sugatan.
Pinahakot siya ng kahoy na ipinasusunog sa bangkay ng ina at
ng sugatang lalaki. May dumating pang isang lalaki. Tumulong
ito sa pagtatalsakan ng kahoy at paglilibing sa kanyang ina.
Umalis siya sa gubat. Lumuwas ng Maynila. Maysakit at gulanit
ang damit. Ninais nang pasagasa sa mga karuwahe dahil sa
hirap at gutom. Natagpuan niya sina Kapitan Tiyago na katatapos
dalhin sa beateryo si Maria Clara.
Kinuha siyang katulong o utusan. Pinag-aral sa Letran.
Unang taon: wala siyang nabibigkas kundi ang pangalan niya
at ang salitang adsum o narito po. Minaliit siya dahil sa luma
at gulanit na suot. Gayunman, ay lagi siyang nagsasaulo ng
leksiyon. At nang matuos niyang sa tatlo o apat na paraan sa
kanyang klase ay may 40 lamang ang nagtatanong di na
sumama ang loob niya. Nang magsulit, natugon niya ang
tanong sa kanya at ang marka niya para sa unang taon ay
aprovado. Ang siyam niyang kasamahan sa pagsusulit ay
nangag-ulit na lahat. Ikatlong taon. Naisipan ng professor na
Dominiko ang pagtanong kay Basilio na akala niya’y tanga
upang magpatawa sa klase.
Natugon ni Basilio ang tanong. Parang loro siya sa pagsagot.
Noo’y di na tinanong si Basilio. "Bakit pa tatanugin ito’y di
naman nakapag-papatawa sa klase?" Nawalan ng sigla sa
pag-aaral si Basilio. Nguni’t isang professor niya ang
nasiyahang tumanggap ng hamon ng mga kadete sa isang
pasyalan at nagyakag ng mga estudyante niya na inilaban
niya sa mga kadete sable laban sa baston. Namayani si
Basilio sa labanan. Nakilala ng professor. Nang magtapos:
sobresaliente at may mga medalya pa. Muhi si Kapitan Tiyago
sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara.
Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Malaki ang
natutuhan ni Basilio.
Nagsulit siya sa pagkabatsilyer. Ipinagmalaki siya ng
kanyang mga profesor. Nakasulit siya at kumuha ng
medisina. Pagkatapos, naging matiyaga at masigasig sa pag-
aaral si Basilio. Kaya di pa man nakakatapos ay
nakapanggamot na siya. At huling taon na ng pag-aaral ni
Basilio. Pagkatapos niya’y pakaksal na sila ni Huli.
SI SIMOUN
KABANATA VII
MGA TAUHAN
NG KABANATA VII
Simoun
• Makapangyarihan at
mayamang mag-aalahas
• Ilang taguri sa kanya ay
Indiong Ingles, Portuges,
Kardinal Moreno, at
maitim na tagapayo ng
Kapitan Heneral
Simoun
• Matapang at wala siyang
kinatatakutan sinuman sa
mga opisyal ng simbahan o
ng pamahalaan
• Matalim siyang magsalita at
lagging naghahamon nga
kakayahan sa mga
nakakausap
• Siya’y nagbabalat-kayo
Basilio
• Natuklasan niya ang lihim ni
Simoun nang di sinasadyang
Makita niya ito na
naghuhukay sa madilim na
kagubatan
• Patay na ang kanyang ina at
kapatid
• Nag-aaral siya ng Agham
Basilio
• Hindi sumasang-ayon sa
pakikipaghimagsikan dahil
hindi siya mahilig sa
politika at naniniwala
siyang hindi maibabalik ng
paghihiganti ang mga
buhay ng kanyang ina at
kapatid
ANG BUOD
-SI SIMOUN-
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-7-si-simoun-el-filibusterismo-buod
Sa kabanatang ito masisilayan ang talas ng kaisipan ng
dalawang tauhan na sina Simoun at Basilio.
Pagkatapos ng labing-tatlong taon ay muling nakita ni Basilio
ang misteryosong lalaki na tumulong sa paglilibing sa kanyang
inang si Sisa. Ito ay ang nagbabalat-kayong mag-aalahas na si
Simoun.
Si Basilio ang unang nakatuklas ng lihim ni Simoun. Bukod sa
kanyang huwad na katauhan ay batid din ng binata ang
binabalak ni Simoun na himagsikan laban sa mga mapang-
aping kasapi ng pamahalaan.
Inalok siya ni Simoun na makiisa sa kanyang layunin, ngunit ito
ay kanyang tinanggihan. Ang pangarap ni Simoun ay
makatapos ng medisina at matubos sa pagiging alila ang
kanyang kasintahan na si Huli.
Ang mga layunin na ito ay pinagtawanan at kinutya ni Simoun.
Sinabihan niya ang binata na walang kabuluhan ang buhay na
hindi inuukol sa dakilang layon. Ayon sa kanya ay dapat na
maging malaya muna sila sa mga mang-aalipin para makamit
nila ang mapayapang buhay.
Hindi naging sapat ang mga pangaral ni Simoun upang tuluyan
niyang makumbinsi ang binatang si Basilio.
KABANATA VIII
MASAYANG PASKO
MGA TAUHAN
NG KABANATA VIII
Juli
• Ang magandang dalaga na
nagdasal sa birhen na
bigyan siya nng dalawang
daan at limampu
• Apo ni Tandang Selo na
napilitang mag trabaho ni
Hermana Penchang para
makalaya ang kanyang
amang si Kabesa Tales
Basilio
• Siya ay nangako kay Juli na
magiging matiwas ang
kanilang buhay
• Siya ang kasintahan ni Juli
na gustong maging doktor
Tandang Selo
• Isang matandang lalake
na walang maibigay sa
kanyang mga kamag-
anak sa araw ng pasko
• Siya ang lolo ni Juli na
nang magkita ang apo
nahihirapan ay napipi sa
sama ng loob
Kabesang Tales
• Ang ama ni Juli na
humihingi nang limandaag
piso para siya ay matubos
sa mga tulisan
• Anak ni Tandang Selo
Manang Penchang
• Siya ay ang magiging
amo ni Juli na
nangongolekta ng buwis
sa kanilang barangay
ANG BUOD
NG KABANATA VIII
Umaga ng pasko ay umalis si Juli sa kanilang tahanan upang
manilbihan kay Hermana Penchang dahil sa buwis na labing
dalawang piso na hinihingi ng mga prayle.
Pumunta sa bahay ni
Kabesang Tales upang
mamili ng alahas ni
Simoun
BUOD
NG KABANATA X
-KAYAMANAN AT KAGUSTUHAN-
Ang kabanatang ito ay tungkol sa dalawang mukha ng lipunan:
karalitaan at kayamanan. Ang mga maralita na kinabibilangan
ng pamilya ni Kabesang Tales kung saan pansamantalang
nakipanuluyan ang mayamang si Simoun. Ang hakbang na ito
ni Simoun ay upang akitin ang matandang kabesa na sumama
sa kanyang planong paghihimagsik. Habang namimili ng
alahas ang pamilya ni Kapitan Basilio ay namataan ni
Kabesang Tales ang isang hiyas na sa kanyang palagay ay
makapagsasalba sa kanya at sa kanyang pamilya. Ngunit ang
kanilang usapan ay natuon sa kuwintas na pagmamay – ari ni
Huli. Ang kuwintas na iyon ay nais bilhin ni Simoun makaraang
makilala na ito ay tunay na pagmamay – ari ni Maria Clara.
Tumanggi si Kabesang Tales na ipagbili ang kuwintas sapagkat
batid niya kung gaano ito kahalaga sa dalaga. Sinabi niya na
ipagpapaalam muna kay Huli ang tungkol dito at nagpasyang
umalis. Paglabas niya ng bahay ay nakita niya ang prayle, ang
bagong lalaking gumagawa sa kanyang luapin at ang kabiyak
nito. Nagtatawanan ang mga iyon at pakiramdam niya na siya
ay tila inaalipusta kaya’t nagpasiya siya na bumalik na lamang
sa kanyang tahanan. Kinakabukasan, naging matagumpay ang
plano ni Simoun sapagkat nagawa nitong akitin si Kabesang
Tales na kuhain ang kanyang rebolber na
ISYUNG PANLIPUNAN
Diskriminasyon
• Ang nangingibabaw na isyung panlipunan ay and diskriminasyon.
Diskriminasyon sa mahihirap. Ipinapakita ang diskriminasyon sa
simula palang ng nobela. Sa pabor tabo kung saan ang mahihirap ay
nasa ibaba ng bapor tabo.
Kakulangan Sa Edukasyon
• ang mga pilipino sa oras nga pamamahala ng kastila ay kulang sa
edukasyon. Gustong mag aral ng mga pilipino ng wikang kastila upang
maging pantay sa kanila ngunit natatakot ang mga kastila na
magkamalay ang mga pilipino sa kanilang masamang mga plano at
maghimagsik ang mga ito. Gayundin sa kasalukuyang panahon. Ang
ibang mga pilipino ay hindi nakararanas ng mabuting pag-aaral ang
isay dahilan dito ay kahirapan
Kahirapan
• Ito ay isang dahilan bakit hindi umuunlad ang mga pilipino, ang
pilipinas. Dahil sa kahirapan, nakararanas ng pagkagutom ang mga tao
at maari rin nila itong ikamatay. Ang kahirapan rin ay sanhi kung bakit
hindi makapag aral ng mabuti ang mga kabataan lalo na sa mga baryo
na malayo sa kabihasnan