You are on page 1of 10

KABANATA 1: Sa Ibabaw Ng Kubyerta

MGA TALASALITAAN

•Masasabalikat- magagampanan

•Hubog-hugis

•Tanawin-Panoorin

•Sumipol- pumito

•Maglayag- magbyahe

•Panukala- suhestiyon

•Nagkakawangis- nagkakatulad

•Kalakal- paninda

•Nahambalos- nahampas

•Hikayatin- ayain

MGA TAUHAN

•Donya Victorina- ang mapagpanggap na isang

Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.

•Simoun- ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y


tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik
upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.

•Ben zayb- ang mamamahayag sa pahayagan na si Ibañez.

•Padre Camorra- ang mukhang artilyerong pari

•Padre Salvi-ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.

•Padre Irene-ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang


Kastila.
BUOD

▪Naglalayag ang Bapor Tabo sa may Ilog Pasig, isang umaga ng Disyembre at
patungong Laguna. Nasa ibabaw ng kubyerta ang mga makakapangyarihan na tao
tulad nina Don Custodio, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Salvi, Padre Irene,
Ben Zayb, Donya Victorina, at Simoun.

Napapasama si Simoun sa mga mayayaman dahil kilala nila ito bilang isang
maimpluwensiyang alahero. Kilala siya sa buong Maynila dahil naiimpluwensiyahan ito
ng Kapitan Heneral.

Upang mapawi ang pagkainip sa mahaba at mabagal na biyahe, napag-usapan nila ang
pagpapalalim ng Ilog Pasig. Iminungkahi ni Don Custodio na mag-alaga ng itik.
Sinambit naman ni Simoun na kailagang gumawa nang tuwid na kanal na mag-uugnay
sa lawa ng lawa ng Laguna at sa Maynila.

Sandaling nagkainitan sina Don Custodio at ang ilang prayle dahil sa magkaiba nilang
suhestiyon at mithiing ipatupad. Ayaw naman ni Donya Victorina na makapag-alaga ng
pato sa kanilang lugar dahil darami raw ang balut na pinandidirihan niya.

MAHAHALAGANG PANGYAYARI

•Napag - usapan ang pagpapalalim ng Ilog Pasig.

•Nagmungkahi si Don Custodio na mag - alaga ng itik.

•Nagmungkahi si Simoun na gumawa ng tuwid na kanal na mag dudugtong sa lawa ng


Laguna at look ng Maynila.

•Nagkasagutan ang mga prayle at si Don Custodio.

•Inayawan ni Donya Victorina ang pag - aalaga ng pato sapagkat dadami ang balot na
kanyang labis na pinandidirihan.

ARAL- KABANATA 1

•Ang buhay kung minsan ay isang Bapor Tabo. Nasa itaas ang may kapangyarihan.
Ngunit hindi ito nangangahulugan na ligtas na sila sa mga suliranin dahil sila mismong
nasa taas ay ang gumagawa ng kanilang mga intindihin.

KABANATA 2: Sa Ilalim Ng Kubyerta

MGA TALASALITAAN
• Sumugat - manakit

• Tutulan - tanggihan; protesta; hindi sang-ayon

• Namula - napahiya

• Pinagpupugayan - ibinabalik ang pagbati; pagdiriwang

MGA TAUHAN

• Simoun-Siya ang nagbabalik na si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me


Tangere; mag-aalahas; pangunahing tauhan sa El FilibusterismoMayaman na Kapitan
sa San Diego; asawa ni Kapitana Tika; ama ni Sinang

• Kapitan Basilio-Mayaman na Kapitan sa San Diego; asawa ni Kapitana Tika; ama ni


Sinang

• Isagani-Pamangkin ni Padre Florentino; kasintahan ni Paulita Gomez

• Kapitan Tiyago-Kumupkop kay Basilio; ama-amahan ni Maria Clara; mayaman;


namatay ngunit nagkaroon ng magarang burol at libing

• Paulita Gomez-Naging kasintahan ni Isagani; napangasawa ni Juanito Pelaez;


pamangkin ni Donya Victorina

• Donya Victorina -Tiya ni Paulita Gomez; asawa ni Don Tiburcio

• Don Tiburcio De Espadaña-Pinagtaguan ang asawang si Donya Victorina; nagtungo


kay Padre Florentino

upang doon magtago

• Padre Camorra-Paring gumahasa kay Huli

• Padre Florentino-Amain ni Isagani; Pilipinong pari na pinuntahan at nakausap ni


Simoun bago ito mamatay

BUOD

▪Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Masikip at siksikan doon dahil may mga
pasahero at naroon din ang mga bagahe at kargamenrto.
Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng medisina at si Isagani na isang makata mula sa
Ateneo. Kausap nila si Kapitan Basilio. Napag-usapan nila ang balak ng mga mag-aaral
tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila na hindi naging matagumpay.

Napag-usapan din ng dalawa ang nobya ni Isagani na si Paulita Gomez, pamangkin ni


Donya Victorina de Espadaña.

Maya-maya pa ay lumapit si Simoun kina Basilio at Isagani. Ipinakilala ni Basilio si


Simoun kay Isagani. Nagwika si Simoun na hindi siya nadadalaw sa lalawigan nina
Basilio at Isagani dahil mahirap ang lugar at walang bibili ng alahas.

Nagpatuloy ang usapan ng tatlo hanggang sa inalok ni Simoun ng serbesa ang dalawa.
Tumanggi sila at sinabi ni Simoun na ayon daw kay Padre Camorra, kaya mahirap at
tamad ang mga tao sa kanilang lugar ay panay tubig ang iniinom at di alak.

MAHAHALAGANG PANGYAYARI

•Nagkaroon ng dayalogo sina Kapitan Basilio, Basilio, at Isagani ukol sa akademiya na


magtu turo ng wikang kastila na nais ipatayo ni Simoun. Ayon sa matandang Basilio,
hindi matutuloy ang pagtatayo ng akademiya samantalang ang magkaibigan ay kapwa
naniniwalang matutuloy ang pagpapatayo nito.

•Kinausap ni Simoun ang magkaibigan ukol sa kanyang negosyong tindahan ng alahas.


Sinabi ni Isagani na ang kanyang pakay sa pagpunta sa lalawigan ni Basilio ay hindi
upang mamili ng alahas.

•Niyaya ni Simoun ang magkaibigan na uminom ng serbesa ngunit tumanggi ang


dalawa ngunit sa kabila ng pagtanggi sa pag - inom ng serbesa ay patuloy naman ang
balitaktakan nila ukol sa pagiging malawak at sulak ng karagatan. Nagbigay ng kuro
kuro ang dalawa ngunit natapos ang usapan ng magpasya na umalis si Simoun.

ARAL –KABANATA 2

Sinisimbolo ng ilalim ng Kubyerta ang diskriminasyon ng lipunan, na ang mahihirap ay


laging nasa ilalim. Ang hindi nila batid ay walang pinipiling katayuan sa buhay ang
pagiging mahusay at kapakipakinabang.

KABANATA 3: Alamat (Buod)


MGA TALASALITAAN

•Humupa- huminto

•Katakam-takam – masarap na masarap

•Isinalaysay- ikwinento

•Marubdob- Malaki

•Naglaho- nawala

•Nagpangalay- nagpangawit

•Kaumpok- kagrupo

•Neneng-nene- batang-bata

•Linangin- hasain

•Sagrado- kagalang-galang

MGA TAUHAN

•Padre Florentino-Amain ni Isagani; Pilipinong pari na pinuntahan at nakausap ni


Simoun bago ito mamatay

•Padre Irene-Paring nakikiisa sa pagtatatag ng akademya ng wikang Kastila

• Padre Camorra-Paring gumahasa kay Huli

•Simoun-Siya ang nagbabalik na si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me


Tangere; mag-aalahas; pangunahing tauhan sa El Filibusterismo

•Padre Salvi-Dating kura sa San Diego; pansamantalang nanungkulan sa Sta. Clara (ang
kumbento kung saan naroon si Maria Clara); malapit na kaalyado ng Kapitan Heneral

•Ben Zayb-Isang mamahayag na gumagawa ng sariling bersyon ng mga balita

•Donya Victorina-Tiya ni Paulita Gomez; asawa ni Don Tiburcio

BUOD

▪Nauwi ang usapan sa ibabaw ng kubyerta sa mga alamat. Nagsimulang ikuwento ng


Kapitan ang alamat ng Malapad-na-Bato. Ayon sa alamat, itinuturing daw na banal ng
mga katutubo ang lugar at tahanan ng mga espiritu.
Ngunit nang manirahan daw dito ng mga kriminal ay nawala ang pangamba sa mga
kaluluwang naroon. Sa mga tulisan na natakot ang mga tao.

Si Padre Florentino naman ang nagsalaysay ng alamat ni Donya Geronima. Nagkaroon


dawn g kasintahan ang Donya ngunit naging arsobispo ito sa Maynila. Sinundan daw
ng babae ang katipan at kinulit sa alok na kasal. Upang makapagtago, nanahan ang
dalawa sa isang yungib malapit sa Ilog Pasig.

Nakuwento din ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa Intsik na muntik nang patayin
ng isang buwaya. Naging bato daw ang buwaya nang dasalan ng Intsik ang
santo.Nabling naman ang usapan sa lugar kung saan namatay si Ibarra. Ipinaturo ni
Ben Zayb kung saan iyon banda sa Ilog Pasig. Natahimik at namutla naman si Simoun.

MAHAHALAGANG PANGYAYARI;

•Pagkamulat ng mga Pilipino at pag – uusig sa mga bayarin sa simbahan.

•Pagdating ni Simoun sa ibabaw ngkubyerta ng Bapor Tabo.

•Pagsasalaysay ng kapitan heneral ng Alamat ng Malapad na Bato.

•Pagsasalaysay ni Padre Florentino ng Alamat ni Geronima.

•Ang tugon ni Padre Salvi sa tanong ni Simoun ukol kay Donya Geronima.

•Pagsasalaysay ni Padre Salvi ng Alamat ni San Nicolas.

•Pamumutla at pagsawalang – kibo ni Simounmatapos na mapag – usapan ang


pagkamatay ng isang Guevarra, Navarra, o Ibarra sa lawa.

ARAL – KABANATA 3

Mahilig ang mga Pilipino sa mga alamat. Sa mga kuwentong ganito ay nababatid ang
malikhaing dahilan ng pagkakabuo ng isang bagay na lubhang nakaaaliw at
kapupulutan din ng aral.

KABANATA 4: Kabesang Tales (Buod)

MGA TALASALITAAN

•Masikap- matiyaga
•Kakapusan- kakulangan

•Hinamaon- inanyayahang makalaban•Nagbubungkal- naghuhukay

•Pag-aagam-agam- pag-aalinlangan

•Kapagalan- kapaguran

•Nag-urirat- nag-usisa

•Paghuhusga- pagdedesisyon

•Tugon- sagot

•Sumisita- nagtatanong

MGA TAUHAN

•Tandang Celo- Ama ni Kabesang Tales; lolo ni Huli

•Kabesang Tales-Anak Tandang Selo; Ama ni Lucia, Huli at ni Tano; ginipit ng mga pari
sa pamamagitan ng pagbabayad ng malaking buwis

•Huli-Anak ni Kabesang Tales; apo ni Tandang Selo; kasintahan ni Basilio;


nagpakamatay dahil hinalay Padre Camorra

•Hermana-Ang nagsabi kay Huli na lumapit kay Padre Camorra upang humingi ng
tulong sa pagpapalaya kay Basilio

BUOD

▪Anak ni Tandang Selo si Kabesang Tales. May tatlong anak naman ang Kabesa na sina
Lucia, Tano, at Juli. Pumanaw si Lucia dahil sa malaria.

Naging marangya ang buhay nila dahil sa sipag ni Tales. Magbubukid siya at umasenso
sa kaniyang tubuhan.

Ninais niyang pag-aralin si Juli ng kolehiyo upang makapantay ang kasintahang si


Basilio. Gayunman, tinaasan sila ng buwis sa tubuhan hanggang sa inangkin ng mga
prayle. Dinala ito sa korte ngunit natalo siya.
Nakulong naman si Tales nang magdala ito ng patalim at may nakitang pera sa kaniya.
Pinatutubos naman siya sa halagang 500. Upang may pantubos sa ama, isinanla niya
ang laket na bigay ng kasintahan na noong ay pagmamay-ari ni Maria Clara.

Ngunit di ito sapat kaya namasukan siyang katulong kay Hermana Penchang noong
bisperas ng Pasko. Dahil sa masalimuot na nangyari sa kanilang pamilya ay hindi na
nakapag-aral pa si Juli na pangarap ng kaniyang ama para sa dalaga.

MAHAHALAGANG PANGYAYARI

•Nakisama muna si Tales sa isang namumuhunan sa bukid. Nang makaipon ay


naghawan ng gubat na walang may ari at ginawang tubuhan. Nang ito ay umunlad ay
inangkin ito ng mga prayle at si Kabesang Tales ay pinagbubuwis. Tinaasan ng tinaasan
ang buwis hanggang sa hindi na ito kinaya ni Kabesang Tales. Nakipag-asunto siya sa
mga prayle at nahulog siya sa kamay ng mga tulisan at pinatubos. Isinanla ni Huli ang
kanyang mga hiyas ngunit hindi ito sapat na panubos kaya’t nagpasya siyang
mangutang kay Hermana Penchang at maglinkod dito bilang utusan.

ARAL– KABANATA 4

•May mga buhay na nasisira ang pagiging ganid at mapanglamang sa kapuwa. Katulad
ng kuwento ni Kabesang Tales na nagsusumikap ngunit pinabagsak ng makasariling
interes ng mga prayle

.KABANATA 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero (Buod)

MGA TALASALITAAN
•Noche Buena - ang salu - salo bago sumapit ang Pasko

•Kutsero - nagpapatakbo ng karitela

•Sedula - isang uri ng dokumento na •Nagsasaad ng identipikasyon o Pagkakakilanlan,


o pambuwis.

•Kasindak – sindak - nakakatakot

•Nagtatanod- nagbabantay

•Makatistis- makapanloko

MGA TAUHAN

•Kapitan Basilio-Mayaman na Kapitan sa San Diego; asawa ni Kapitana Tika; ama ni


Sinang

• Sinang-Kutsero; ilang beses nabugbog dahil nakalimutan ang sedula at napundihan


ng ilaw sa kasagsagan ng prusisyon

• Simoun-Siya ang nagbabalik na si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me


Tangere; mag-aalahas; pangunahing tauhan sa El Filibusterismo

BUOD

▪Gabi na nang makarating si Basilio sakanilang bayan. Nasabay pa siya sa prusisyong


pang-Noche Buena. Naabala pa sila dahil binubugbog ang isang kutserong si Sinong na
nalimutan ang kaniyang sedula.

Matapos ay napag-usapan nila ang rebulto ni Metusalem, ang pinakamatandang taong


namalagi sa daigdig. Idinaan naman ang rebulto ng tatlong Haring Mago na
nakapagpaalala kay Sinng kay Haring Melchor.

Itinanong naman ng kutsero kay Basilio kung nakaligtas na ang kanang paa ng
bayaning si Bernardo Carpio na naipit umano sa bundok sa San Mateo.Pinaniniwalaan
kasing hari ng mga Pilipino si Carpio na makapagpapalaya sa kanila.

Nahuli muli si Sinong dahil namatay ang ilaw ng kaniyang kalesa. Dinala na siya sa
presinto at si Basilio ay naglakad na lamang.
Sa paglalakad niya ay napansin niyang wala man lang parol at tahimik ang bayan kahit
Pasko na. Dumalaw si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago at naisalaysay ang pangyayari
kay Kabesang Tales at Juli.

MAHAHALAGANG PANGYAYARI

•Ilang beses na huli ng kutsero ng mga guardiya sibil dahil nakalimutan ang kanyang
sedula, dinala din ang kutsero sa kuwartel dahilsa walang ilang ang kanyang sasakyan,
pinarusahan din siya dahil sa kanyang paglabag.

Natapos ang prusisyon at napuna ng mga guwardiya sibil na walang ilang ang mga
parol ng karitela. Pinarusahan uli ng mga sibil ang kutsroong si Sinong At nag lakad na
lamang si basilo

Dito ipinapakita ang mga kalupitan ng mga kastila sa mga kababayan nating Pilipino
ang kanilang pag paparusa kahit sa kakaunting pagkakasala lamang.

ARAL – KABANATA 5

•Malaki ang pag-asa sa ilang nilalang kahit tila puro pasakit na ang kanilang
nararanasan. Likas sa mga Pilipino na maniwalang darating din ang liwanag sa kabila
ng tinatahak nilang malubak at madilim na landas.

You might also like