You are on page 1of 5

1

EL FILIBUSTERISMO KABANATA 2: SA ILALIM NG KUBYERTA


Prepared by: Balili,S.
Mga Miyembro:
● Balili, Samantha Reese ● Roncesvalles, Roech
● Luna, Freyja ● Barro, Angel Mark
● Mariano, Mark

Pagyamanin Natin!

● Ang kubyerta ay palapag ng bapor na sa magkabilang gilid nito ay bukas na tila pasilvo
na sagad sa magkabilang dulo. Nahahati ang kubyerta sa dalawang bahagi, ang itaas at
ang ilalim nito. Ang pamahalaan ay mauuri sa dalawang kalagayan, ang mataas at
mababang uri ng mga tao.

● Ipinalalagay na ang mga nasa itaas ng kubyerta ay yaong mga makapangyarihan,


maimpluwensiya, mayaman at mga kinikilala sa lipunan,kabilang dito ang mga Kastila at
mga prayle. Samantala, ang mga karaniwang nilalang tulad ngmga mestiso, Indiyo at
mga Intsik ay nabibilang sa mababang uri, kaya nasailalim sila ng kubyerta.

Talasalitaan:
● Serbesa – alak
● Kubyerta – palapag o sahig ng barko ● Sumugat - manakit
● Tampipi – isang lalagyang gawa sa ● Tutulan - tanggihan; protesta; hindi
dahon ng niyog sang-ayon
● Bakol – lalagyan o basket ● Namula - napahiya
● Paksa – pinag-uusapan ● Pinagpupugayan - ibinabalik ang
● Salapi – pera pagbati; pagdiriwang

Part 1: Pagbabalik Tanaw

● Hirap na hirap na sumalunga sa llog Pasig ang Bapor Tabo na kinalululanan nina Don
Custodio, Ben Zayb, Pari Irene, Pari Salvi, Donya Victorina at Simoun. Dahil sa nakita
ng mga pasahero ang mabagal na pag-usad ng bapor gayon din ang paliku-likong ayos
ng lawa kaya napilitan si Simoun, ang itinuturing na makapangyarihan at sanggunian ng
Kapitan Heneral, namagmungkahing gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa
Lawa ng Laguna at Look ng Maynila.

● Hindi ito sinang-ayunan ni Don Custodio sapagkat magugol ang balaking ito kaya
nagmungkahi naman siyang ang mga nakatira sa ilog ay mag-alaga ng mga pato. Ang
mga ito ang magpapalalim sa lawa sakanilang panginginain ng susong malilit at ang
bagay na ito ay hindi sinang-ayunan ni Donya Victorina.
2

Part 2: Tauhan

➢ Mga Pangunahing Tauhan:

● Simoun - Ang mang-aalahas na napadako sa kasamahan ng mayayaman sa


itaas ng kubyerta.

● Basilio - Isang matalino at mahusay na manggagamot na itinitingala ng marami


at siya ay nag-aaral ng medisina; siya ay ang mag-aaral na kasama ni Isagani sa
ilalim ng kubyerta.

● Isagani - Ang pamangkin ni Padre Florentino na isang makatang mag-aaral;


siya ay ang kasintahan ni Paulita Gomez.

● Padre Florention - Ang pamangkin ni Padre Florentino na isang makatang


mag-aaral; siya ay ang kasintahan ni Paulita Gomez.

● Kapitan Basilio - Siya ay ang naaalinlangan sa pangarap ng dalawang binata at


siya ang nagtatanong ng iba’t ibang tanong tungkol sa akademiyang isasagawa
nila na akalý hindi matutuloy o hindi magkakatotoo.

➢ Mga Karagdagang Tauhan:


Ito ay mga tauhang binanggit lamang sa kabanatang ito.

● Kapitan Tiyago
● Pari Irene ● Donya Victorina
● Pari Sibyla ● Cardenal Moreno
● Don Tiburcio De Espadaña ● Richelieu
● Paulita Gomez

Part 3: Kwento / Kabanata

Ang Bapor Tabo ay nahahati sa dalawang kubyerta: ang itaas na sakop ng mga
mayayaman, mga prayle, mga Europea, at may katayuan sa lipunan; at ang ilalim kung saan
sakop ito ng mga nagsiksikan ng mga pasaherong Indio at Tsino. Ang hangin ay pinaghalong
bahong asim ng tao at ang amoy ng langis, dagdag pa nito ang init at ang maingay na makina
ng bapor. Nag-uusap sina Kapitan Basilio (na nanggaling sa pamimili sa Maynila) at dalawang
mag-aaral, ang isa ay nakasuot ng puro itim na damit at siya'y isang estudyante ng medisina na
nagngangalang Basilio at ang isa ay mas bata at mula sa Ateneo, ang pangalan niya ay
Isagani. Tinanong ni Kapitan Basilio si Basilio tungkol kay Kapitan Tiago. Nalulong siya sa
opyo, isang narkotikong droga na ibinebenta at ipinuslit ng mga Intsik, na ibinigay sa kanya ni
Padre Irene.
2

Pagkatapos ay tinanong ni Kapitan Basilio ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang


planong Akademya ng Wikang Kastila. Ang Kapitan na medyo nag-aalinlangan tungkol dito,
ay nagulat sa kung gaano kahanda at katapatan ang mga batang mag-aaral sa pagtuturo ng
wikang Kastila. Ayon kay Isagani: Maisasakatuparan ito sapagkat naghihintay lamang sila ng
pahintulot mula sa Heneral. Niregaluhan sila ni Padre Irene ng dalawang kabayo at siya'y
nangangako na ipakikilala ang dalawang mag-aaral sa Heneral. Ngunit, nagdadalawang isip
lamang si Kapitan Basilio. Saan nila kukunin ang mga magtuturo? Paano ang salapi? Sinabi ni
Basilio na ang salapi ay ambagan ng bawat mag-aaral, ngunit ang magtuturo ay kalahating
Pilipino at kalahating Kastila. Ang bahay naman ay magmumula kay Makaraeg. Hindi parin
nahikayat si Kapitan Basilion kung kaya't tinitigil ang pag-aaral ng Latin, at ngayon ay tuturuin
na ng wikang Kastila, sa tingin ng kapitan ang bansa ay naglalakad nang pawurong at umalis
ito.

Tumingin si Isagani kay Basilio at sinabihan ito na ang iilang tao ay mag-iisip balakid sa
halip ng kabutihan. Gusto nila na ang lahat na bagay ay lalabas kasing makinis at bilog
kahalintulad lamang ng bolang bilyard. Habang sila ay nag-uusap, nilapitan sila ni Simoun at
tinitigan ng buong atensyon si Isagani at nairita ang estudyante. Tinanong ni Simoun si Isagani
kung totoo bang hindi nakakabili ng alahas ang mga tao sa lalawigang pinanggalingan ng
mag-aaral ito dahil sa matinding karalitaan. Agad namang sumagot si Isagani na hindi lamang
mga tao sa kanilang probinsiya ang bumibili nito dahil hindi nila ito pangunahing kinikailangan.
Sinabi sa kanya ni Simoun na hindi niya sinasadyang masaktan ang damdamin ni Isagani, at
inalok silang dalawa na uminom ng serbesa sa pag-aakalang tumanggi ang dalawa dahil hindi
sila manginginom.

Sinabi si Simoun na sinabi ni Padre Camorra na ang pag-iinom ng sobrang tubig


lamang ay naging sanhi ng kawalan ng sigla ng mga tao, ngunit gumanti si Basilio sa
pagsasabing dapat sabihin ni Simoun kay Padre Camorra na uminom ng tubig kaysa serbesa
upang makaiwas sa mga tsismis ng mga relihiyoso. Dinagdagan ito ni Isagani, aniya ang
tubig ay matamis at naiinom ngunit lumulunod sa serbesa at pumapatay ng apoy. Nang umalis
si Simoun ay tinanong ni Basilio kay Isagani kung bakit siya mapusok, ngunit ang sagot lamang
ni Isagani ay nakakatakot ang taong na iyon. Ani kay Basilio, iyon ang tagapagpayo ng Heneral
na kaniyang nakikilala dahil siya'y palaging pinupuri sa harap ng mga tao ngunit minumura
lamang sa likod. Habang nag-uusap ay may dumating na utusan. Pinapatawag ni Padre
Florentino ang kaniyang pamangkin na si Isagani.

Part 4: Pagpapahalaga

➢ Sinisimbolo ng ilalim ng Kubyerta ang diskriminasyon ng lipunan, na ang


mahihirap ay laging nasa ilalim. Ang hindi nila batid ay walang pinipiling katayuan
sa buhay ang pagiging mahusay at kapakipakinabang.
3

➢ Ang pagkakaiba ng pananaw at kultura ay maaaring maging sanhi ng hindi


pagkakaunawaan, ngunit sa pamamagitan ng pagtatalakay at pagpapaliwanag,
maaaring maunawaan ang bawat isa.

Pagkakaiba ng Pananaw at Kultura: Sa pag-uusap nina Simoun, Basilio, at


Isagani, nakita ang pagkakaiba ng pananaw at kultura. Si Simoun, na tila mayaman
at maimpluwensiyang tao, ay may ibang pananaw sa kahirapan at kultura ng mga
taga-lalawigan kumpara sa mga katulad nina Basilio at Isagan kaya't nagbibigay siya
ng hindi kanais-nais na pahayag hinggil dito.

➢ Ang pagiging kritikal at mapanuri sa mga sinasabi at pinapahalagahan ng mga


may kapangyarihan ay mahalaga upang maipagtanggol ang sariling paniniwala at
prinsipyo.

Pagiging Kritikal sa Kapangyarihan: Sa pag-uusap ni Simoun tungkol sa


kahirapan at katamaran ng mga tao sa lalawigan, ipinapakita niya ang pang-aabuso
ng mga may kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng maling
impormasyon at pagmamaliit sa kakayahan ng mga taga-lalawigan.

➢ Hindi lahat ng solusyon sa mga problema ay makukuha sa pamamagitan ng


paggamit ng mga bagay na popular o kinagigiliwan ng karamihan. Minsan, ang
tunay na solusyon ay nasa pagbabago ng pananaw at pagpapahalaga sa
sariling kakayahan at kultura.

Tunay na Solusyon sa mga Problema: Hindi lahat ng solusyon sa mga


suliranin ng lipunan ay makukuha sa pamamagitan ng paggamit ng mga bagay na
popular o kinagigiliwan ng karamihan. Sa halip, maaaring ang tunay na solusyon ay
nasa pagbabago ng pananaw at pagpapahalaga sa sariling kakayahan at kultura.
Halimbawa nito ang pagiging kritikal sa impluwensya ng dayuhang kultura at ang
pagtangkilik sa sariling wika at kultura.

➢ Ang pagkakaroon ng mataas na pangarap at adhikain para sa bansa ay isang


mahalagang hakbang upang makamit ang pagbabago at kaunlaran.

Pangarap para sa Bansa: Ang karakter ni Isagani, na may pangarap na


maiangat ang antas ng edukasyon sa bansa, ay nagpapakita ng kahalagahan ng
pagtitiwala sa kakayahan ng sariling bayan at sa kakayahan ng bawat mamamayan
na makapag-ambag sa pag-unlad ng lipunan.
4

Part 5: Teoryang Ginamit

1. Teoryang Sosyolohikal - Ipinapakita rito ang kalagayan at suliraning panlipunan ng


lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamamaraan ng mga
tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa
mga mambabasa.

Halimbawa:

A. Diskiriminasyon - Inilalagay ng mga taong naroroon sa itaas ng kubyerta


ang mga Indio sa ilalim ng kubyerta kung saan ay masyadong masikip.

B. Kabilanin - Mas ibinibigay ang mas masariwang ispasyo sa mga mayroong


salapi kaysa sa mga may pangangailangan.

2. Teoryang Realismo - Ipinapakita ng panitikang realism ang katotohanan. Layunin


nitong ilahad ang mga pangyayari sa tunay na buhay.

3. Teoryang Naturalismo - Sa teoryang ito ay ipinapakita ang mga pangyayaring


natural tulad ng epekto sa kapangitan ng kalagayan, katulad ng kahirapan at
kawalan ng katarungan, sa mga tauhan nito.

—-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

You might also like