You are on page 1of 10

Ang ikalawang kabanata ng

El Fili Busterismo
“ Sa ilalim ng kubyerta”
Ang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal ay isang nobela
na tumutuklas sa mga tema ng kolonyalismo, kawalan
ng hustisya sa lipunan, at rebolusyon. Ang Kabanata 2
ng nobela ay isang mahalagang bahagi ng salaysay na
nagpapakilala ng mga bagong tauhan at nagtatakda
ng entablado para sa mga pangyayaring mangyayari
sa susunod na bahagi ng kuwento.
MGA TAUHAN
• Simoun – ang mang-aalahas na napadako sa kasamahan ng mayayaman sa itaas
ng kubyerta.
• Basilio – isang matalino at mahusay na manggagamot.
• Isagani - ang inampon na anak ni Padre Florentino na isang makatang mag-
aaral at siya ay ang kasintahan ni Paulita Gomez.
• Padre Florentino - siya ang kumupkop kay Isagani na sa gayon ay naging
pamangkin niya ngunit itinuturing sariling anak
• Kapitan Basilio - siya ay ang naaalinlangan sa pangarap ng dalawang binata at
siya ang nagtatanong ng iba’t ibang tanong tungkol sa akademiyang isasagawa
nila na akalý hindi matutulo
• Kapitan Tiyago
• Padre Irene
• Paulita Gomez
• Donya Victorina
• Don Tiburcio de Espadaña
• Padre Florentino
• Padre Camorra
TAGPUAN
Ang tagpuan nila ay Sa ilalim ng kubyerta
ng bapor makikitang nag –uusap si Isagani
Basilio at Simoun.
BUOD NG KABANATA 2
“SA ILALIM NG KUBYERTA ”
Napadpad si Simoun sa ilalim ng kubyerta kung saan makikipag-usap siya sa mga
estudyanteng sina Basilio at Isagani. Sa kabila ng masikip na espasyo, pinag-uusapan ng mga
pasahero ang iba’t ibang bagay, tulad ng paaralang balak itatag ng mga estudyante, ang
kasintahan ni Isagani na si Paulita Gomez, at ang kaugnayan ng pag-inom ng serbesa sa
katamaran ng mga Pilipino.

Sina Basilio at Isagani, kapwa estudyante, ay nakikipag-usap kay Kapitan Basilio tungkol sa
balak nilang paaralan na magtuturo sa wikang Kastila. Hindi sumang-ayon si Kapitan
Basilio sa ideya, ngunit tutol dito ang dalawang binata. Nagpasya silang pag-usapan si
Paulita Gomez, ang maganda, mayaman, at edukadong pamangkin ni Donya Victorina na
kasintahan ni Isagani. Hinahanap naman ni Donya Victorina ang kanyang asawa na si
Don Tiburcio de Espadaña, na nagtatago sa bahay ni Padre Florentino, amain ni Isagani.
Dumating si Simoun at kinausap ang magkaibigan, at agad na
ipinakilala ni Basilio si Isagani kay Simoun. Pinag-usapan nila
ang dahilan kung bakit hindi madalas bisitahin ni Simoun ang
lalawigan nila Basilio, na sinabi niyang mahirap at hindi
makabibili ng alahas. Tinutulan ni Isagani ang sinabi ni
Simoun, at sinabing hindi sila bumibili ng alahas dahil hindi
naman nila ito kailangan.Nag-anyaya si Simoun na uminom ng
serbesa ang magkaibigan, ngunit tumanggi ang dalawa.
Binanggit ni Simoun na sinabi raw ni Padre Camorra na tamad
ang mga Pilipino dahil sa pag-inom ng tubig at hindi ng serbesa.
Sagot naman ni Basilio, sabihin daw ni Simoun kay Padre
Camorra na kung iinom siya ng tubig sa halip ng serbesa,
marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan.
Nagdagdag pa si Isagani na ang tubig ay maaaring maging
malawak na karagatan kapag pinainit ng apoy. Binigkas
ni Basilio ang isang tula ni Isagani tungkol sa
pagtutulong ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa makina
(steam engine), ngunit sinabi ni Simoun na pangarap
lang iyon dahil ang makina ay hahanapin pa.
MGA KAUGNAYANG SULIRANING
PANLIPUNAN NA AKING
NAPAGTANTO
Diskriminasyon – Inilalagay ng mga taong naroroon sa itaas ng
kubyerta ang mga Indio sa ilalim ng kubyerta kung saan ay
masyadong masikip.
Pagkakalimot ng importansya ng sariling wika – Hindi na namalayan
nina Basilio at Isagani na hindi na nila ibinibigay ang sariling wika na
wikang Filipino ng tugon dahil sa pagtatayo ng sarili nilang
akademiya na nagtuturo ng wikang Kastila.
1. ​Mas ibinibigay ng masariwang ispasiyo ang mga mayroong
maraming salapi kaysa sa mga nangangailangan.
MGA ARAL NA NATUTUNAN KO SA
KABANATA 2
Sinisimbolo ng ilalim ng Kubyerta ang diskriminasyon ng
lipunan, na ang mahihirap ay laging nasa ilalim. Ang hindi
nila batid ay walang pinipiling katayuan sa buhay ang
pagiging mahusay at kapaki-pakinabang at huwag sarili
ang palaging iisipin, dahil hindi lahat ng pagkakataon ay
ikaw lagi ang may kinakailangan. Bigyan ng atensyon ang
iba pang nangangailangan dahil ang Diyos ang siyang
huhusga sa kilos at galaw mo sa buhay.
Thank
You

You might also like