You are on page 1of 4

KABANATA 2: SA ILALIM NG KUBYERTA

Buod:
Tinungo ni Simoun ang ibaba ng
kubyerta. Masikip sa mga pasahero ang
ilalim ng kubyerta. Naroon ang
dalawang
estudyante
na
pinakukundangan ng iba, si Basilio na
nag-aaral ng medisina at mahusay na
manggagamot at isang makata na
katatapos pa lamang sa Ateneo, si
Isagani. Kausap sila ni Kapitan Basilio.
Napag-usapan nila si Kapitan
Tiyago. Pinauwi raw si Basilio ng
matanda, ani Padre Irene na naging
tagapayo ng kapitan nitong mga huling
araw.
Nabaling
ang
usapan
sa
paaralang balak ng mga estudyante
para sa pagtuturo ng mga Kastila. Hindi
raw ito magtatagumpay ayon kay
Kapitan Basilio. Ipinagtanggol naman
ito nina Basilio at Isagani sapagkat
nakahanda na raw ang lahat na
kailangan
upang
ito
ay
maisakatuparan.

Lumayo ang matandang


Basilio. Napag-usapan si Paulita Gomez,
ang kasintahan ni Isagani na ubod ng
ganda, mayaman at may pinag-aralan
kaya nga lamang ay tiya nito si Donya
Victorina. Ipinahahanap ni Donya
Victorina kay Isagani ang asawa, si de
Espadana, na sa bahay pa ng amaing si
Padre Florentino nagtatago.
Dumating si Simoun at
kinausap ng magkaibigan. Ipinakilala ni
Basilio kay Simoun si Isagani. Sinabi ni
Simoun na hindi niya nadadalaw ang
lalawigan nina Basilio sapagkat ang
lalawigang ito ay mahirap at di
makabibili ng alahas. Matigas na
tumutol si Isagani at sinabi niyang hindi
sila namimili ng alahas dahil hindi nila
ito kailangan. Napangiti si Simoun.
Nasabi
raw
niyang
dukha
ang
lalawigan, dahil ang mga pari sa
simbahan ay Pilipino.
Nag-anyaya si Simoun na
uminom ng serbesa. Tumanggi ang

dalawa. Ayon kay Simoun, sinabi ni


Padre Camorra na kaya tamad ang mga
Pilipino ay dahil palainom ng tubig at
hindi ng serbesa. Mabilis na tumugon si
Basilio. Sabihin daw kay Padre Camorra
na kung siya ay iinom ng tubig sa halip
ng serbesa, marahil ay mawawala ang
sanhi ng mga usap-usapan. Dagdag ni
Isagani, ang tubig ay lumulunod sa alak
at serbesa at pumapatay ng apoy, na
kapag pinainit ay sumusulak. Nagiging
malawak na dagat at gumugunaw ng
santinakpan. Hindi niya pinansin ang
pagsingkil ni Basilio.
Tinanong ni Simoun kung ano
ang itutugon niya sakaling itanong ni
Padre Camorra kung kailan magiging
sulak at malawak na karagatan ang
tubig. Tugon ni Isagani, kapag pinainit
ng apoy at sa sandaling ang
mumunting ilog na watak-watak ay
magkakasama-sama sa kailalimang
hinuhukay ng tao. Binigkas ni Basilio
ang isang tula ni Isagani na ukol sa
pagtutulungan ng apoy at tubig sa

pagpapatakbo
sa
makina
(steam
engine). Pangarap daw ayon kay
Simoun,
dahil
ang
makina
ay
hahanapin pa.
Nang umalis si Simoun saka
lamang nakilala nang lubusan ni
Isagani ang mag-aalahas na tinawag na
Kardinal Moreno. May dumating na
utusan. Ipinatawag ni Padre Florentino
ang pamangkin. Ngunit nakita ng
kapitan si Padre Florentino at itoy
inanyayahang pumanhik sa kubyerta.

You might also like