You are on page 1of 5

KABANATA 2: SA ILALIM NG

KUBYERTA
Dahilan ng pamagat:
Kung sa itaas ng Bapor Tabo ay
mayayaman at mga pulitiko, sa ilalim ng
barko ang mga indyo, ang mga masa, ang
mahihirap. Dito, siksikan at di kampante ang
mga
tao
sa
kanilang
paligid.
Ito ang ginamit ni Rizal upang ipakita sa
kanyang mambabasa ang kalagayan ng
mga tao sa ibaba (mga mahihirap, nagtitiis,
may sakit, puno ng problema sa buhay, at
mga Pilipinong nagnanais na makaranas ng
kaginhawaan sa buhay subalit sila ay
nakakulong sa masalimuot na pamumuhay
gaya ng kalagayan ng mga tao sa ilalim ng
kubyerta.
Mainit,
siksikan,
ingay,
nagkahalong mga masangsang na amoy ng
mga tao, at ibat ibang gawain gaya ng
pagsusugal, pagkukwentuhan, tawanan,
atbp. Ito ang buhay ng mga Pilipino na
kanilang binabaka sa pang-araw-araw.
Pangunahing
problema
sa
kabanata:
Nagkaroon ng mainit na usapin sa
pagitan ni Simoun at ng dalawang magaaral na nag-umpisa sa panghahamak ni

Simoun sa lalawigang pinanggalingan


Basilio at ang pag-alok niya sa pag-inom
alak na siya namang pagtanggi ni Isagani
siyang naging tampok ng pagpapalitan
mga salita ng dalawa.

ni
ng
na
ng

Tauhan:
1. Simoun Bumaba sa ilalim ng kubyerta
upang maibsan ang tensyon naganap sa
ibabaw ng kubyerta. Nakita ang dalawang
mag-aaral at nag-usap ukol sa bayan ng San
Diego.
2. Kapitan Basilio may edad na,
nagtanong tungkol sa kaibigang si Kap.
Tiago kay Basilio. Nagkaroon ng negatibong
pananaw ukol sa pagpapatayo ng Akademya
ng Wikang Kastila (AWK) na isinusulong ng
mga mag-aaral. Ayon sa kanya malabo itong
matuloy.
3. Isagani Tahimik, malungkutin, isang
makatang kakatapos lang sa Ateneo.
4.
Basilio

Makisig,
matangkad,
estudyante ng medisina at mahusay
gumamot.
5. Padre Florentino Isang paring Filipino,
anak-mayaman, kahit kailan hindi niya
ambisyon maging pari, ito lamang ay bunga
ng
pamimilit
ng
kanyang
ina.

Simbolismo:
*Ang pagiging negatibo ni Kap. Basilio ukol
sa Akademya Ipinapakita lamang nito na
isa sa mga sakit sa lipunang tinutuligsa ni
Rizal sa ating mga namamahala sa
gobyerno ay ang kawalang suporta sa mga
programa, gawain at mga patakarang may
kinalaman
sa
kabutihan
ng
mga
mamamayan. Ayaw makialam sa mga issue
na direktang nagbibigay ng agarang
atensyon ng mga taong dapat na
magsagawa nito, bagkus pinapabayaan at
hindi pinapansin. Ito rin ay sumisimbolo sa
mga taong tumutuligsa sa mga pangyayari,
sitwasyon, mga usapin ng bansa sa halip na
ito ay tulungan at suportahan ay tuwirang
sumasalungat kayat walang nangyayari sa
bayan dahil sa pagkakaroon ng dibisyon.
* serbesa Kastila, mga nanunungkulan sa
gobyerno at mga taong may kapangyarihan
*Tubig mga Indiyo,
mamamayan ng bayan

mga

Pilipino,

.
*Akademya ng Wikang Kastila Ang patunay
ng pagnanais ng mga kabataan na

magkaroon ng edukasyon, umunlad sa


buhay at maging marunong at lumaya mula
sa pagiging mangmang sa pamamagitan ng
pagkatuto.
*Ang sapilitang pagiging pari ni P. Florentino
Nakita natin dito noong unang panahon
ang kapangyarihan ng mga magulang sa
anak. Sa mga desisyon, sa mga kukuning
bokasyon sa buhay at kung sino ang
mapapangasawa. Kung ano ang sinabi ng
magulang ay karaniwang itong sinusunod ng
anak.
*ang dalawang mag-aaral Mga kabataang
gustong
matuto
at
magkaroon
ng
kinabukasan sa pamamgitan ng pag-aaral.

Mga Tulong Sa Pag-aaral


1. Bakit kalakaran sa matanda, tulad ni Kap. Basilio na
nakatatagpo ng balakid sa lahat ng dako samantalamg
ang kabataan ay masigasig sa mga balak, tulad nina
Isagani?
2. Bakit nangiti si Simoun nang matigas tumugon si
Isagani na kaya di namimili ng alahas ang kanyang
mga kababayan ay dahil hindi nila ito kailangan?
3. Ano ang palatandaan ni Simoun sa pagiging dukha
ng isang bayan noon?
4. Totoo ba ang sabi ni Padre Camorra na kaya tamad
ang mga Pilipino ay dahil hindi ito nagsisiinom ng
serbesa?
5. Ano ang tugon ni Isagani kay Simoun?
6. Ano ang ibig sabihin ni Isagani sa pagiging sulak ng
tubig? sa mumunti at watak-watak na ilog?
7. Ano ang diwa ng tula ni Isagani na bibigkas ni
Basilio?
8. Bakit pangarap lamang daw ito ayon kay Simoun?
9. Paano nagkakilala sina Simoun at Basilio?

You might also like