You are on page 1of 5

Kabanata 1 - Sa Kubyerta

I. Tauhan
 Donya Victorina
 Don Custodio
 Ben Zayb
 Padre Irene
 Simoun
 Kapitan-Heneral
 Paulita Gomez
 Don Tiburcio de Espadana
 Padre Camorra
 Padre Salvi
 Padre Sibyla

II. Buod/Mahahalagang Pangyayari


 Sa isang umaga ng Disyembre, naglalayag ang Bapor Tabo sa ilog pasig upang
magtungong Laguna. Lulan nito sa ibabaw ng kubyerta ang tinatawag na
makakapangyarihang tao katulad nina Don Custodio, Donya Victorina, Ben Zayb,
Padre Irene, Padre Salvi, Simoun, at Kapitan-Heneral. Mataas ang tingin ng mga
tao kay Simoun sa kadahilanang alam nila na naimpluwensyahan at natulungan
nuto ang Kapitan-Heneral. Dahil sa mabagal na byahe ng Bapor, napagusapan
ng mga nasa ibabaw na kubyerta ang tungkol sa paglalim ng ilog Pasig na
nangangailangan ng solusyon kaya’t iminungkahi ni Simoun bilang solusyon ang
paggawa ng kanal na mag-uugnay sa lawa ng Maynila at Laguna. Dahil sa
mungkahing ito, nagkainitan si Don Custodio at ibang mga prayle dahil sa
kanilang iba’t ibang suhestiyon ukol dito. Hindi sumang-ayon si Don Custodio rito
at kanyang iminungkahi na mag-alaga ng itik ang mga tao dahil ayon sa kanila
ang kinakain ng mga itik ay ang mga suso na matatagpuan sa ilog. Hindi ito
nagustuhan ni Donya Victorina sa kadahilanang dadami raw ang balut na
kanyang pinandidirihan.

III. Isyu/Sakit/Suliranin/Kanser ng Lipunan


 Ang isyu sa kabanatang ito ay ang mabagal na pag-usad ng Bapor Tabo
na nagsisimbolo ng matagal at mabagal na pag-unlad ng ating bansa.
Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng pamamahala ng prayle at Kapitan Heneral
at kapansin-pansin na walang pagbabagong nangyayari sa ating bansa.
Isa pa ay ang katulad ni Donya Victorina na itinatanggi ang lahi at
nagpapanggap bilang Europeo. Ang mga kagaya niya ay isang rason
kung bakit mabagakl ang pag-unlad ng Pilipinas.

IV. Matatalinghagang Pahayag


V. Aral
 Ang aral na matututuhan sa kabanatang ito ay ang pagpapahalaga sa sariling
lahi at pagtulong sa pag-unlad ng sariling bansa. Dapat tayong magtulong-
tulungan upang mas mapabilis ang pag-unlad ng ating lipunan. Bilang isang
mamamayan ng isang bansa, dapat tayong matutong pahalagahan ang ating lahi
at huwag maging katulad ni Donya Victorina na itinatakwil ang kanyang pagka-
Pilipina. Ang pagkakaroon ng respeto san sariling lahi ay isang hakbang upang
magkaroon ng pagkakaisa at mas mapabilis ang pag-unlad ng isang bansa.

Kabanata 2 - Sa Ilalim ng Kubyerta

I. Tauhan
 Basilio
 Isagani
 Kapitan Basilio
 Kapitan Tiago - nabanggit
 Padre Irene - nabanggit
 Padre Sibyla - nabanggit
 Simoun
 Paulita - nabanggit
 Padre Camorra - nabanggit
 Padre Florentino

II. Buod/Mahahalagang Pangyayari


 Pagkatapos ng pag-uusap nina Simoun ay nagtungo siya sa ilalim ng kubyerta
na masikip at siksikan dahil sa mga pasahero at iba pang kagamitan katulad ng
mga bagahe at kargamento. Naroon din ang dalawang binatang sina Basilio,
isang mag-aaral ng medisina at kilala dahil sa kahusayan nito sa panggagamot.
At si Isagani, isang makata o manunugma na nakatapos sa Ateneo. Sila ay
kinikilala at iginagalang ng mga tao. Nakita ni Simoun ang dalawang binata at si
Kapitan Basilio na pinag-uusapan si Kapitan Tiago ukol sa paghithit nito ng
apyan. Nalipat ang kanilang usapan sa pagtatatag ng akademya para sa
pagtuturo ng wikang kastila. Matapos ang pag-uusap ay umalis si Kapitan Basilio
at napag-usapan ng dalawang binata ang nobya ni Isagani na si Paulita Gomez
na pamangkin ni Donya Victorina. Kanilang napag-usapan kung paanong hindi
gusto ng tiyo ni Isagani kay Paulita ngunit isinawalang bahala na lamang ito ni
Isagani. Kasunuran nito ay lumapit si Simoun sa dalawang binata, ipinakilala ni
Basilio ang kanyang kaibigang si Isagani. Napag-usapan nila ang lalawigan ni
Isagani na ayon kay Simoun ay ay mahirap at hindi nakabibili ng alahas. Ikinainit
ito ng ulo ni Isagani at sinabing hindi bumibili ng alahas ang kanyang lalawigan
sapagkat hindi naman kailangan. Nagpatuloy ang kanilang usapan hanggang sa
inalok ni Simoun ng serbesa ang dalawang binata ngunit magalang na
tinanggihan ito ng dalawa. Kaya pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay umalis na
si Simoun.
 Si Padre Florentino may gulang na at sinasabing iba sa ibang paring Indio dahil
sa kanyang pagpapahalaga sa sarili at pagdadala sa banal na tungkulin.
Masasabi rin na siya’y nabibilang sa ibang henerasyon kung saan ang mga tao
ay may mataas na pagpapahalaga, malaya, at hindi alipin. Siya’y ipinanganak sa
kinikilalang pamilya sa Maynila. Hindi niya gustong maging pari ngunit siya’y
pinilit ng kanyang ina na pumasok sa seminaryo upang makatupad sa kanyang
pangako. Siya’y tumanggi at nakiusap ngunit walang nangyari. Siya’y naging pari
sa edad na dalawampu’t lima. Dahil sa kanyang pagiging pari, ang babaeng
kanyang pinakamamahal ay nagpakasal sa kung sino lamang dahil sa sama ng
loob. Inihandog na lamang niya ang kanyang buhay sa kanyang parokya at
pinayabong ang kanyang hilig sa Agham Pangkalikasan. Noong maganap ang
pag-aklas sa Cavite noong 1872, ang tatlong paring Pilipino ay pinatay dahil
pinagbintangang kasangkot sa rebelyon. Kaya’t simula noon, nangamba si Padre
Florentino na makatawag-pansin ang kanyang parokya kaya’t siya nagpahinga
mula sa kanyang tungkulin at nabuhay nang mag-isa sa kanilang lupain sa
baybayin ng Pasipiko. Noon niya inampon ang kanyang pamangking si Isagani
na anak ng kanyang pinsan sa Maynila.

III. Isyu/Sakit/Suliranin/Kanser ng Lipunan


 Ang suliranin at isyu sa unang kabanata ay ang paghahati sa mayayaman at
mahihirap. Makikita sa kabanata na ang mahihirap ay nasa ibabang kubyerta
kasama ang ibang kagamitan habang ang mayayaman naman ay nasa itaas,
ipinapakita dito ang malaking pagkakaiba ng mahihirap at mayayaman pati ang
diskriminasyon sa estado ng buhay ng tao at ang pangmamaliit sa mga
mahihirap. Maliban dito, makikita rin sa kabanata ang isyung paghithit ng apyan
na sumisira sa karunungan ng tao at nagdudulot ng kasamaan dahil sila ay
nalululong dito.

IV. Matatalinghagang Pahayag

“Ibig nilang ang lahat ng mga bagay ay maging bilog at makinis na katulad ng bola ng
bilyar”
 Ang ibig sabihin ng pahayag na ito ay ang pagiisip ng matatanda ay iba sa
pagiisip ng mga kabataan dahil ang mga matatanda ay laging nakakaisip ng
hadlang sa lahat ng bagay. Lahat ay kanilang pinupuna at ang tanging nakikita
nila ay ang hindi kabutihan. Ang ibig lamang nila ay maging maging perpekto o
sabi nga sa pahayag na “maging bilog at makinis na katulad ng bola ng bilyar”
upang walang problema.

“Aestas parentum pejor avis tulit nos neguiores” o “The age of our fathers, worse than
that of their fathers, has bred us even worse than them.”
 Ang pahayag na ito ay nangangahulugan na ang lumang panahon ang may dahil
kung bakit ganito ang kalagayan natin ngayong panahon. Ang mga pag-uugali at
mga pangyayari noon ay naipasa sa mga sumunod na henerasyon at nagresulat
ng kalagayan ng kasalukuyang panahon, o sinasabi ay mas malala pa kaysa
noong panahon.
V. Aral
 Ang aral na makukuha sa kabanatang ito ay ang pagrespeto sa kahit na sino
man kahit ano pa ang kanilang estado sa buhay. Dapat nating iwaksi ang
diskriminasyon sa mahihirap at simulang tulungan sila upang magkaroon ng
pagkakaisa. Ang pangdidiskrimina at pang-aalipin sa mga mahihirap ay walang
maidudulot na maganda bagkus ay ito’y magpapalaganap lamang ng kasamaan
at kasakiman. Maging bukas ang ating isipan ukol sa ganitong mga isyu upang
makatulong sa pag-unlad ng lipunan. Bilang isang tao, tayo ay may karapatan na
ipaglaban ang ating sarili laban sa mga nang-aalipusta at sumisira sa ating
karapatan na mabuhay nang mapayapa.

Kabanata 3 - Mga Alamat

I. Tauhan
 Padre Florentino
 Padre Sibyla
 Padre Irene
 Padre Camorra
 Simoun
 Don Custodio
 Kapitan ng Bapor
 Donya Geronima - nabanggit
 Ben Zayb
 Donya Victorina
 Padre Salvi
 San Nicolas - nabanggit

II. Buod/Mahahalagang Pangyayari


 Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan ang mga nasa taas ng kubyerta
habang pinagmamasdan ang maganganda at nakaaakit na tirahan sa pasig nang
nakita nilang dumating si Simoun. Sayang daw dahil hindi nakita ni Simoun ang
mga dinaanan ng bapor. Sabi ni Simoun ay marami na siyang nakita tanawin at
ang may kabuluhan na lamang sa kanya ay ang mga alamat kaya’t nagsimulang
magkwento ang kapitan ng bapor ng mga alamat sa Pasig. Isinalaysay ng
kapitan ang alamat ng malapad na batumbahay, ito raw ay banal sa mga
katutubo sapagkat ito’y tahanan ng mga espiritu. Nang mawala ang pamahiin na
iyon, ang matumbahay ay tinirahan ng mga tulisan. Matapos nito ay madalas
marinig na sabi-sabi ang pagkataob ng bangka at ayon sa kapitan ay maging
siya’y nababalandra sa kanyang pagliko kung hindi niya gagamitin ang buo
nyang lakas. Pagkatapos ay ikinwento naman ni Padre Florentino kay Simoun,
Ben Zayb, Padre Irene, at Padre Camorra ang alamat ni Donya Geronima.
Mayroong magkasintahan sa Espanya kung saan ang isang mag-aaral ay
nangakong papakasalan ang isang dalaga ngunit nakalimot ang lalaki habang
ang dalaga ay patulot na naghintay hanggang sa ito’y tumanda. Nabalitaan na
lamang ng babae na ang lalaki ay naging arsobispo na sa maynila kaya’t
nagdamit lalaki ito at lumigid sa ilog. Nagpagawa ang arsobispo ng kweba sa
may ilog para sa babae na may pasukan na napapalamutian ng mga baging.
Dito tumira ang babae hanggang sa siya’y mamatay at dito rin siya inilibing.
Nagandahan si Ben Zayb sa alamat at sinabing isusulat niya ito. Tinanong ni
Simoun si Padre Salvi na kung sa kanyang palagay ay higit na mainam kung sa
isang beateryo ilagay si Donya Geronima karulad ni Sta. Clara. Ayon kay Padre
Salvi, hindi raw siya makakahatol sa gawain ng arsobispo. Sinagot siya ni
Simoun na siya ang Gobernador-Ekelsyastiko na humahalili sa arsobispo at
muling tinanong ito kung ano ang kanyang gagawin kung mangyayari ito sa
kanya, ngnunit nagkibit balikat lamang si Padre Salvi at sinabing pagsasayang
lamang ng oras ang pag-iisip sa mangyayari. Iniba niya ang usapan at dumaki sa
alamat ni ng milagro ni San Nicola na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa
mga buwayang naging bato nang dasalan ng intsik ang santo. Pumasok sila sa
lawa at napag-usapan ang namatay sa lawa na si Ibarra. Tumalon daw ang
binata sa ilog nang ito’y malapit nang masukol. Sumisid ito ng mahigit dalawang
milya at sa tuwing lilitaw para huminga ay papaulanan ng bala. Nawala ito sa
kanilang paningin at may nakita na lamang na patak ng dugo. Labintatlong taon
na ang nakalilipas nang mangyari ito. Ani Padre Sibyla ay magkasama na raw
ang bangkay ni Ibarra at ng ama nito. Sinabi ni Ben Zayb na iyon ang
pinakamurang libing kaya’t nagtawanan ang iba. Nakita nilang si Simoun ay
namumutla at walang kibo kaya’t ipinalagay ng kapitan na si Simoun ay nahihilo
gawa ng paglalakbay.

III. Isyu/Sakit/Suliranin/Kanser ng Lipunan


 Higit na naniniwala ang mga Pilipino sa mga alamat at pamahiin ngunit nang dumating
ang mga Kastila ay nawala ang mga ito sapagkat pinalaganap ng mga Kastila na ito’y
walang katotohanan. Ang isyung nakapaloob dito ay noon, tayo’y nasa ilalim pa rin ng
mga Kastila at nagkakaroon ang mga ito ng malaking impluwensya sa atin na
nakapagpapabago sa atin.

IV. Matatalinghagang Pahayag

V. Aral
 Ang aral na matututunan sa kabanatang ito ay ang mga tao ay may sari-sariling
paniniwala at hindi dapat natin pinipilit na maniwala sa ating pinaniniwalaan. Dapat
nating respetuhin ang paniniwala ng bawat isa at respetuhin ang kanilang desisyon kung
sila ba ay maniniwala o hindi. Nasa tao ang desisyon kung sila’y maniniwala maginng ito
may ay katotohanan o kathang isip lamang.

You might also like