You are on page 1of 1

News Report

Kasabay ng pagdating ng bagong taon ay ang pagkakaroon ng mga kaso ng mga aksidente dahil sa
paputok. Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Martes ang 212 bagong pinsalang may
kaugnayan sa paputok na naitala sa pagitan ng Disyembre 31 at Enero 2, kabilang sa mga ito ang unang
kumpirmadong stray bullet injury at ang unang kaso ng pagkamatay dahil sa paputok.

Idinagdag ng DOH na 97 porsiyento o 206 sa mga bagong kaso na ito ay nangyari sa bahay at sa mga
lansangan. Halos kalahati ng mga kaso ay dahil din sa mga legal na paputok at 57 porsiyento ng mga
kasong ito ay nangyari sa Metro Manila, sinundan ng Ilocos Region, Cagayan Valley, at Calabarzon.

Ang unang nasawi ay isang 38-anyos na lalaki mula sa Ilocos Region, "na umanoy ayon sa DOH ay
nagsindi ng sigarilyo habang nakikipag-inuman malapit imbakan ng mga paputok," ngunit walang
karagdagang detalye.

Samantala, 13 katao ang arestado dahil sa iligal na paglalabas ng baril, kung saan isa ang nasugatan.
Dalawa rin ang nasawi habang siyam ang sugatan sa sunog na dulot ng paputok sa gitna ng pagdiriwang
ng Bagong Taon. May 240 insidente ng iligal na pagbebenta at pagkakaroon ng paputok ang naiulat ng
PNP at nakumpiska rin ng mga awtoridad ang P3.6M halaga ng mga iligal na paputok.

Ang mga paputok na sanhi ng karamihan sa mga pinsala ay ang mga sumusunod:

 kwitis
 5-star
 boga
 pla-pla
 whistle bomb
 fountain
 luces
 piccolo
 triangle

You might also like