You are on page 1of 2

PAGTUGON NG PAMAHALAAN SA MGA SUMUSUNOD NA ISYU:

ILLEGAL DRUGS, TERORISMO, REBELYON, DISKRIMINASYON


SA MGA HEALTH WORKERS SA ISYU NG COVID-19, ISYU SA
LARANGAN NG MALAYANG PAMAMAHAYAG, AT
DESAPARECIDOS

ILLEGAL DRUGS

Mahigit 50,000 ang mga naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang kompanya
kontra iligal na droga ngayong 2020.
Sa budget hearing ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Kamara,
sabi ni PNP Chief Gen. Camilo Cascolan na aabot sa 50,429 ang naaresto sa war on drugs ng
pamahalaan sa buong bans amula Enero 1 hanggang Agosto 31, 2020.
Aabot naman sa ₱14.537 billion ang halaga ng mga iligal na droga na nakumpiska sa buong
bansa ngayong taon.
Sumuko naman sa pulisya ang nasa 2,213 na mga sangkot sa iligal na droga habang 623 ang
naitalang nasawi sa anti-drug operations ng PNP ngayong 2020.
Pinagsusumite naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang PNP ng mga dokumento sa
inquest proceedings gayundin ng inventory sa mga nakumpiskang armas mula sa mga nasawi sa
operasyon laban sa iligal na droga.
Sa budget ng DILG at mga attached agencies nito sa 2021 ay umabot sa ₱244.309 billion o
2% na mas mataas kumpara sa ₱239.843 billion ngayong 2020.
5,856 napatay sa drug war ng pamahalaan-PDEA
MANILA, Philippines—Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na umaabot
sa 5,856 drug suspect na ang napatay simula ng umpisahan ng pamahalaan ang giyera nito laban sa
illegal na droga.
Ang naturang bilang ay mas mababa kumpara sa pagtaya ng ilang non-government at rights
group na nagsabing posibleng aabot na sa may 27,000 ang mga drug suspects na napatay sa war on
drugs, na inilunsad ni Pangulong Rodrigo Duterte, simula nang maupo ito sa pwesto.
Sa datos ng PDEA, lumilitaw din na nasa kabuuang 176,777 na ang anti-illegal drugs
operations na naisagawa simula Hulyo 1, 2016 hanggang Agosto 31, 2020, na nagresulta sa
pagkaaresto ng may 256,788 drug suspects sa buong, bansa.
Sa mga nadakip, 10,208 ang itinuturing na high value targets (HVTs), na kinabibilangan ng
may 282 foreign nationals, 352 elected officials, 102 uniformed personnel and 431 government
employees, 2,957 listed target, 746 drug group leaders at members, 66 armed group members, 986
drug den maintainers, 229 listed wanted individuals, 16 celebrities at prominent personalities, at
4,141 naman ang mula sa high-impact operations.
Nakakumpiska na rin naman ang mga awtoridad ng kabuuang ₱43.69 bilyong halaga ng
suspected shabu at kabuuang 620 dens at clandenstine laboratories ang kanilang nabuwag.
Umabot naman sa kabuuang 20,165 barangays ang nalinis n amula sa ilegal na droga
habang 14,171 naman ang hindi pa.
Nakasagip din umano sila ng kabuuang 3,322 kabataan na umano’y sangkot din sa illegal
drug activities sa isinagawa nilang mga operasyon.

TERORISMO
Pambobomba sa Jolo ng 2020
Ang mga Pambobomba sa Jolo ng 2020 ay naganap sa oras pasadong 1:00 ng hapon sa
Walled City, Jolo,Sulu, Mindanao katimugang Piipinas ay sumiklab ang malakas na magkakasunod
ang pagsabog malapit sa isang tinadahan, hindi bababa sa 12 ang naiulat na nautas, 15 rito ang
nasawi at 78 ang sugatan.
5 sundalo ang naiulat na nasawi kabilang ang ilang mga bata na kasama sa 14 na namatay,
pinagsasapantahaan ang isang babae na suicide bomber sa magkasunod na pagsabog, ang unang
pagsabog ay naganap sa bungad ng tindahan ay 100 ang metrong layo sa pangalawang pagsabog na
yumanig malapit sa isang simbahan ng 1:00 pm.
Sinabi ng isang militar na pinaghihinalaan ang pagbobomba, pamamaril, pandadakip, na
may armas na Armalite at Improvise Explosive Devices.
Ang mga rebeldeng grupo na Avu Sayaff, Maute at iba ang mga nag-aako sa responsableng
pag-atake kapalit ng kanilang mga hangad at ninanais sa pamamagitan ng ransom.

You might also like