You are on page 1of 4

Sa kasalukuyan marami ang naitalang bilang ng drug-related

extrajudicial killlings, ayon kay National Police Chief Director General

Ronald dela Rosa. At nang maupo na ating pangulo na si Rodrigo

Duterte mas tumaas pa ang bilang ng extrajudicial killings dito sa

Pilipinas. Samantala, mahigit lumulang milyong-milyon ang sangkot sa

illegal na droga katulad ng shabu, marijuana, at inhalants. Hindi

mawawaksi ang pangamba na unti-unting nang nanganganib ang buhay

ng tao sa lipunan ginagalawan nila lalo’t na napapaligiran ng mga taong

gumagamit ng droga na maaari sila ay mahikakayat. Meron tayong

Panginoon na kung saan siya ang maghuhukom. Ginawa tayo ng Diyos

para magparami dito sa mundo at lasapin ang ganda ng mundo. Ang

kabataan ang pag-asa ng bayan.

Ang extrajudicial killing ay sumasalungat sa utos ng Diyos. Dahil

nilabag nito ang ika-limang utos na “huwag kang papatay ng kapwa mo

tao.” Ginawa itong kautusang para ipagbawal ang intensyonal na pagkitil

sa buhay ng kapwa tao. Ang sinumang pumatay ay mapapasapanganib

sa paghatol ng ating Panginoon. Immoral at masama ang pagpatay kahit

saang anggulo natin tignan. Walang mabuting maiidulot ang pagpatay.

Patayin mo man ang mga adik ngayon ay hindi nito mawawakasan ang

paglaganap ng illegal na droga. Ang mga naunang bansa na


nagpatupad ng laban kontra droga sa isang madugo at marahas na

pamamaraan ay nagsabing hindi naging epektibo ang pagpatay at

madugong war on drugs. Hindi solusyon ang pagpatay.

Ang extrajudicial killings ay naghahatid ng panganib sa ating

mga kabataan. Kadalasang biktima ng illegal na droga ay ang mga

kabataan, mga kabataang nalulong sa illegal na droga at mga

kabataang biktima ng krimeng gawa ng mga lulong sa ipinagbabawal na

gamot. Sinasabing ang mga kabataan ang sinasabing nais na

protektahan ng war on drugs ng administrasyong Duterte ngunit bakit tila

mas napapahamak dahil sa palakaran ng pagsugpo sa illegal na droga.

Ngunit sa nakalipas na mahigit isang taong pagpapatupad ng war on

drugs, patuloy pa rin ang kalakaran ng illegal na droga at mga kabataan

pa rin ang binibiktima nito. At mga kabataan pa rin ang napapatay sa

war on drugs na sinasabing magbibigay ng proteksyon sa kanila. Nang

sinimulan ang war on drugs maraming kabataan- sangkot man sa illega

na droga o inosenteng nadadamay lamang o nagpagkamalan lamang

ang napapatay. Hindi naging proteksyon ang war on drugs sa mga

kabataang napatay, bagkus, ito pa nga ang kumitil sa kanilang buhay na

nais protektahan nito. Halos lahat rin ng mga nabibiktima at napapatay

na mga kabataan ay mula sa pamilyang mahihirap na silang higit na


nangangailangan ng proteksyon laban sa mga sindikato ng illegal na

droga.

Ang karahasang ito ay magbubunga ng kultura ng karahasan na

siguradong magiging problema ng kasalukuyan at mga susunod na

pang henerasyon. Ako ay tutol at lubos na sumasalungat sa extrajudicial

killings. Nanawagan sa administrasyong Duterte na itigil na ang walang

awa na pagpatay na ibinunsod ng war on drugs. Iminumungkahi ko ang

mga sumusunod na solusyon para maibsan ito ;

1. Linisin ang hanay ng kapulisan at parusahan ang mga

sangkot sa kalakalan ng illegal na droga. Hindi maaring ang

tagapagpatupad ng batas ay sila rin ang protektor at

tagapagpakalat ng illegal na droga. Dahil sa kanilang kalabisan

na paggamit ng power of authority hindi na dumadaan sa due

process at pinapatay na lang nila.

2. Tratuhin ang adiksyon bilang isang pangkalusugang isyu

at kilalanin bilang biktima ang mga kabataang nalululong at

nagagamit sa kalakalan ng illegal na droga. Sa ganitong

paraan ay magiging makatotohanan ang paghahangad ng

gobyerno na mailigtas at matulungan ang mga kabataang

nabibiktima ng illegal na droga.


3. Dapat ring solusyonan ng gobyerno ang lumalalang

kahirapan sa lipunan. Dahil isa ito sa ugat ng problema ng

adiksyon na tanging nagiging solusyon na lang para magkapera

at pinipili na lang kumapit sa patalim.

Proteksyon at suportang medikal ang kailangan ng mga biktima,

lalo na ang mga kabataan sa illegal na droga.Hindi solusyon ang

pagpatay.

You might also like