You are on page 1of 1

Sa kasalukuyang panahon, ang buong mundo ay nahaharap sa isang crisis pangkalusugan.

Lahat
ay kailangang tumugon sa pamantayang ibinigay ng WHO para sa ikakaligtas ng bawat isa. Ito marahil ay
kailangan ng malaking sakrispisyo sa parti ng gobyerno at sa parti ng bawat tao. Isa na rito ang tinatawag
natin na Community Quarantine.

Ano nga ba ang community quarantine? Ito ay isang panukala na kung saan nililimitan ang galaw
ng tao at ibang mga establisymento sa pagbubukas ng kanilang negosyo. Ito ay ginawa para maiwasan
na ang mga tao ay mahawa o makakuha ng sakit na dulo ng Covid19.

Ano kaya ang magiging epekto nito para sa mga tao? Sa kasalukuyan ang Enhance Community
Quartine na pinapatupad sa karaming lugar na tinatamaan ng Covid 19 ay nagkaroon ng iba’t ibang
reaksyon mula sa tao. Maraming umalma at umangal dahil naapektuhan ang kanilang ikinabubuhay.
Ngunit para maibsan ang kanilang hinaing gumawa ang gobyerno ng mga program at paraan. Iniisip
lamang ng ating mga opsiyal na ang ating kapakanan para maiwasan ang patuloy na paglaganap ng
naturang sakit. Sa gantong pagkakataon ang ECQ ay nagbigay daan para matutuhan natin ang simpleng
bagay at pamumuhay. Mayroon din itong binigay na aral para sa atin. Nadapat pahalagahan natin ang
ating buhay at ating kalusugan. Magkaroon ng oras sa sarili at sa pamilya. Kahit nakakatakot ang ating
nararanasang pandemya. Kailangan natin patatagin ang ating sarili at magkaroon ng disiplina. Ito ang
ating magandang maiaambag sa ating bayan para ang sakit na ito ay maiwasan at mawakasan.

You might also like