You are on page 1of 4

Julianna D.

Sarmiento 12 – Mendel (STEM)

Mga Salitang Pumatok sa Nagdaang Taon

1. Chika

Ang salitang “chika” ay kabilang sa wikang ginagamit ng mga bakla na

tinatawag na gay lingo. Bagaman maituturing na salitang bakla, hindi naman

naging limitado sa mga bakla ang paggamit nito. Sa katunayan ipinakilala ni

Jesus Hernandez, tagapangulo ng Departamento ng Linggwistiks sa Unibersidad

ng Pilipinas, noong 2010 ang bekimon bilang bagong sosyolek o jargon ng

lipunan. Ang salitang “chika” ay nag-ugat sa salitang tsismis. Ito ay

nangangahulugan na usapang walang saysay o hindi totoo ang sinabi. Ang

salitang “chika” ay nagmula sa mga Cebuano na ang kahulugan ay “may pag-

uusapan”.

2. Awit

Ayon sa diksyunaryo, ang salitang “awit” ay isang komposisyong inaawit o

anyo ng panitikang may musika. Dagdag pa rito, ang AWIT (slang) ay

kumbinasyon ng dalawang salita, ” awww” at ” sakit ” , kaya ang salitang “Awit”.

Ibig sabihin aww sakit. Ginagamit kapag naglalarawan ka ng isang hindi

magandang sitwasyon.
3. Marupok

Ang salitang “marupok” ay nangangahulugang mahina o hindi matibay. Ito ay

kadalasang tumutukoy sa mga bagay na hindi matatag o madali lang na masira.

Maaari rin itong gamitin sa matalinghagang paglalarawan sa mga taong

madaling ma-fall, mabilis matukso, tanga sa pag-ibig at iba pa.

4. Flex

Ayon sa diksyunaryo, ang salitang “flex” ay nangangahulugang pagtupi o

pagbaluktot. Sa modernong panahon, ang flex ay naging isang slang term na ibig

sabihin ipagyabang. Ito ay nagmula sa mga taong nagpupunta sa gym upang

magbuhat ng mga weights. Kinakailangan nilang i-flex o itupi and kanilang mga

kamay at braso upang makapagbuhat ng mabigat. Sa pag-flex o pagtupi ng

kanilang braso, lumalabas ang hubog ng kanilang muscle o kalamnan. Gamit

ang anumang Social Media, tulad ng Facebook, Instagram, Tiktok at Twitter,

maraming indibidwalidad ang gumagamit ng salitang “flex” sa pagpopost at

pagpapakita ng kanilang nais o gustong ipagyabang.

5. NGL

Ito ay isang akronim na nangangahulugang “not gonna lie”. Itoay isang

terminong karaniwang ginagamit sa social media at sa mga text message.

Madalas itong ginagamit bilang kapalit ng mga salitang "Hindi ako

magsisinungaling." Maaaring gamitin ang NGL upang ipahayag ang mga

damdamin o upang mapahina ang epekto ng isang pahayag.


6. Dasurv

Ang slang na ito ay isang mas makahulugang bersyon lamang ng salitang

"deserve". Ito ay isang paraan upang sabihin na karapat-dapat ka sa isang

bagay na nangyari sa iyo o sa isang tao, mabuti man o masama. Kung ito ay

tugon sa isang hindi gaanong magandang kuwento ng isang tao,

nangangahulugan ito na "you deserved that karma hit you" o sa Filipino ay "buti

nga sayo/sa kanya." Ngunit kung ito ay isang tugon para sa isang bagay na

mabuti, nangangahulugan ito na ang tao ay nagpapatunay na karapat-dapat ka

sa lahat ng kabutihan sa mundong ito.

7. Red flag

Ang “red flag” ay isang simbolo o babala na may paparating na isyu o

problema. Sa isang relasyon, ang red flag ay tumutukoy sa mga toxic na

pangyayari o pagiging toxic ng isang tao sa nasabing relasyon. Ayon sa life

coach na si Eileen Santos sa programang "Sakto" ng DZMM, may ilang

itinuturing na "red flags" sa isang relasyon. Ayon kay Santos, maituturing na

"toxic" ang partner kapag sinusubukan nitong kontrolin ang lahat ng aspeto ng

iyong buhay.
8. Forda Ferson

Ang “forda” ay galing sa “for the” at ang “ferson” naman ay galing sa “person”.

Ang parirala ay karaniwang nangangahulugan na ang isang tao ay nasa isang

tiyak na bagay na inuuri ang kanilang sarili bilang ganoong uri ng tao. Ang

pariralang ito ay sumikat dahil sa video ng isang TikTok user na si Chrishanna

Luisa Olavidez Austria.

9. Beast Mode

Ito ay nangangahulugang mala-halimaw ang enerhiya na ipapamalas ng

isang tao. Maaring dahil galit o may nais ma-achieve kaya pursigido. Posible raw

nagmula ang mga katagang ito sa video game na Altered Beast ng Sega, kung

saan nagpapalit-anyo ang karakter dito at nagiging halimaw.

10. Cyst

Ang “cyst” ay isang term na nagmula sa isang salitang Greek na

nangangahulugang "pantog". Sa larangan ng medisina, ang cyst ay parang supot

(sac) na naglalaman ng likido o iba pang materyal. Subalit dumaan ang

maraming taon, ang salitang cyst ay ginagamit na rin bilang "sis" o "sister" dahil

ito ay magkatunog.

You might also like