You are on page 1of 12

MGA MODELO NG KOMUNIKASYON

• Tunay ngang masalimuot ang kalikasan ng komunikasyon


kaya ang mga dalubwika ay gumamit ng mga modelo ng
komunikasyon upang lalo itong maipaliwanag.Isa sa mga
pinakaunang modelo ay ang modelo ni Aristotle na
matatagpuan sa kaniyang aklat na Rhetoric.
• Si Wilbur Schramm isang amerikanong iskolar,ay mayroon
ding ginawang modelo ng komunikasyon na nagpapakita
rito bilang dalawang patutunguhan.Iponababatid ng
modelo na ang mga kalahok sa komunikasyon ay
tumatanggap din ng mensahe.Pinahahalagahan ng
modelo ni Schramm ang feedback o reaksiyon, sapagkat
sa pamamagitan nito ay malalaman ang interpretasyon ng
tumatanggap sa mensahe.
URI NG KOMUNIKASYON
KOMUNIKASYON
• Ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya o
kaisipan sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na
paraan.
• Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng
mga mensahe sa pamamagitan ng mga
simbolikong cues na maaaring verbal o di verbal.
VERBAL AT DI VERBAL NA KOMUNIKASYON
VERBAL NA KOMUNIKASYON
• Tawag sa komunikasyon na ginagamitan ng wika o
salita at mga titik na sumisimbolo sa kahulugan ng
mensahe.
• Tumutukoy sa pagpaparating ng ideya o mensahe
gamit ang salitang nagririprisinta sa mga kaisipan sa
paraan ng pasalita at gamit ang makabuluhang
tunog.
DI-VERBAL NA KOMUNIKASYON
• Ito ay di gumagamit ng salita bagkus ginagamitan
ito ng mga kilos o galaw ng katawan upang
maiparating ang mensahe sa kausap.
Halimbawa:
Kumpas ng kamay,galaw ng braso,Taas ng kilay, Iba
–ibang uri ng pagtingin at pagtitig at iba pa.
• Ayon sa pag aaral ni Albert Mehrabian, propesor sa Clark
University, na lumabas sa kanyang aklat na Silent Messages:
Implicit Communication of Emotions and Attitudes,Isang aklat
hingil sa komunikasyong di verbal,ayon dito 7% raw ng
komunikasyon ay nanggagaling sa mga salitang ating
binibigkas,38% ay nanggagaling sa tono ng ating
pagsasalita,at 55% ay nanggagaling sa galaw ng ating
katawan.Ang resulta ng kaniyang pag aaral ay ginagamit at
itinuturo din sa ibang judicial institutes sa America, bagama’t
marami ang di sumang ayon sa kaniyang natuklasan.
Sapagkat ayon sa mga eksperto,kadalasan ang pag aaral ni
Mehrabian ay hindi nauunawaan.
• Ano ang kahalagahan ng di-verbal na
komunikasyon?
KAHALAGAHAN NG DI VERBAL NA
KOMUNIKASYON
• Mahalaga ang di verbal na komunikasyon inilalantad nito
ang emosyon ng nagsasalita at kinakausap,nililinaw nito
ang kahulugan ng mensahe, at pinanatili nito ang resiprokal
na inter-aksiyon ng tagapagpadala at tagatanggap ng
mensahe.

You might also like