You are on page 1of 3

KABANATA 3 Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Panimula:

Ipinapakita sa kabanatang ito kung paano namin ipinagtibay ang aming pananaliksik sa pamamagitan ng deskriptiv riserts. Nagsagawa kami ng interbyu sa mga kabataan sa Gen.T de Leon upang malaman kung ano ba ang epekto ng internet sa mga ito. Ang ginawa naming interbyu ay nagsilbing aming gabay upang matukoy kung ano ang magiging kalalabasan ng aming pag-aaral.

Ang nilalaman ng tsapter na ito ay ang bahagi ng tesis o pananaliksik kung saan ipinapaliwanag ang pamamaraan na ginamit sa pananaliksik, ang mga respondente, ang paraan ng pagsasagawa, mga teknik at instrumentong ginamit at ang pagbibigay halaga sa datos. Ang mga datos na inyong makikita sa bahaging ito ay bunga ng mga pamamaraan na aming ginamit upang isagawa ang pananaliksik na ito. Ito ay magsisilbing aming pamantayan sa aming pagsasagawa.

1.Disenyo ng Pananaliksik Ang pananaliksik ay ginawa sa pamamagitan ng pangangalap ng datos at impormasyon sa barangay ng Gen.T de Leon, Valenzuela sa pamamaraan ng deskriptiv riserts. Ang deskriptib na pananaliksik sinasaklaw nito ang kasalukuyang ginagawa, pamantayan at kalagayan

2.Setting ng Pag-aaral Napili namin ang Barangay Gen. T de Leon bilang lugar ng pagsasagawaan namin ng aming pag-aaral. Sapagkat ito ang pinakamalapit at madaling puntahan naming mga mananaliksik. Mas mapapabilis din ang pagsasagawa namin ng aming pagsasarbey at pagkuha ng mga impormasyon tungkol sa epekto ng internet sa mga kabataan.

3.Mga Respondente Ang mga respondente ay pawang mga kabataan na nakatira sa Barangay Gen. T de Leon. Ang mga respondente ay nasa 13-19 taong gulang, at may kabuuang bilang na 100. 50% ng mga bilang ng mga respondente ay mga kababaihan at 50% din naman sa kalalakihan.

4.Instrumento ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pasasarbey gamit ang mga kwestyoneyr. Naghanda ang mga mananaliksik ng limang (5) katanungan upang mangalap ng mga ideya at opinyon ukol sa paksa ng pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng sarbey kwestyoneyr na naglalayong mangalap ng mga datos upang masuri ang kahandaan, damdamin at opinyon ngmga respondent ukol sa mga epekto ng internet. Ang mga kasagutan naman, ayon sa aming mga respondente, ay buong katapatan nilang sinagot.

5.Tritment ng Datos Upang makalikom ng makatotohanan at kapanipaniwalang impormasyon, kami ay nagsagawa ng survey sa mga nkabataan ng Barangay Gen.T de Leon . Sa mga nakuhang kasagutan binasi ng mga mananaliksik ang kanilang mga ideya at kaisipan na inilahad sa pagaaral na ito. Samakatwid, pagta-tally at pagkuha lamang ang kinakailangang gawin sapagkag limampu (50) ang mga respondente, naging madali para sa mga mananaliksik ang pagkuha ng porsyento dahil bawat dami ng bilang ay awtomatikong katumbas ng kalahating porsyento (50%) na kapag dinoble ay katumbas ng isangdaang porsyento (100%).

Pagbibigay Interpretasyon sa Datos:


Percentage

P = (F/N) x 100

Kung saan: P= porsiyento F= bilang ng naitalang aytem N= Kabuuang bilang ng aytem

You might also like