You are on page 1of 20

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO

(KAKAYAHANG PRAGMATIK AT ISTRATEDYIK)


“Ang epektibong komunikasyon ay hindi lang pasalita o
berbal, mahalaga rin ang mga signal o kilos na ‘di berbal.”
Tunay ngang masalimuot ang kalikasan ng
komunikasyon kaya ang mga dalubwika ay gumamit ng
mga modelo nito.

Isa sa mga pinakaunang modelo ay ang modelo ni


Aristotle.
Modelo ng Komunikasyon ni Aristotle
Si Wilbur Schramm na isang Amerikanong iskolar ay
mayroon ding ginawang modelo ng komunikasyon.
Pinahahalagahan naman dito ang feedbacks o reaksiyon.
Modelo ng Komunikasyon ni Schramm
Mga Uri ng Komunikasyon
Ang komunikasyon ay ang akto ng pagpapahayag
ng ideya o kaisipan sa pamamagitan ng pasalita
o pasulat na paraan.

Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap


ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga
simbolikong cues na maaaring berbal o ‘di berbal.
Verbal na Komunikasyon
Ito ang tawag sa komunikasyon kapag ito ay
ginagamitan ng wika o salita at mga titik na
sumisimbolo sa kahulugan ng mensahe.
‘Di verbal na Komunikasyon
Ang komunikasyong ito ay hindi ginagamitan ng
salita bagkus ginagamitan ito ng kilos o galaw ng
katawan.
Ayon sa pag-aaral ni Albert Mehrabian na isang
propesor sa Clark University, pitong porsiyento ng
komunikasyon ay nanggagaling sa mga salitang
binibigkas, 38% ay sa tono ng pagsasalita, at 55% ay
nanggagaling sa galaw ng ating katawan.
Iba’t ibang Pag-aaral sa mga Anyo ng
Di Verbal na Komunikasyon
1. Kinesics
Ito ay ang pag-aaral ng mga kilos at galaw ng katawan.

2. Pictics
Ito ay ang pag-aaral sa ekspresyon ng mukha.

3. Oculesics
Ito ay pag-aaral sa galaw ng mata.
4. Vocalics
Ito ay pag-aaral ng mga ‘di lingguwistikong tunog na may
kaugnayan sa pagsasalita.

5. Haptics
Ito ay ang pag-aaral sa mga paghawak o pandama.

6. Proxemics
Ito ay pag-aaral sa komunikatibong paggamit ng espasyo.

7. Chronemics
Ito ay ang pag-aaral na tumutukoy kung paanong oras ay
nakaaapekto sa komunikasyon.
Kakayahang Pragmatik
Kung ang isang tao ay may kakayahang pragmatik,
natutukoy nito ang kahulugan ng mensaheng sinsasabi
at ‘di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap.

Mahalaga ang kakayahang ito sapagkat nililinaw


nito ang relasyon sa pagitan ng intensiyon ng nagsasalita
o nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan nito.
Kakayahang Istratedyik
Ito ay ang kakayahang magamit ang verbal at ‘di verbal
na mga hudyat upang maipabatid ng mas malinaw
ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi
pagkakaunawaan o mga puwang sa komunikasyon.

You might also like