You are on page 1of 7

PANAHON NG PAGSASARILI

HANGGANG SA KASALUKUYAN
Ito ang panahon ng liberasyon hanggang sa tayo ay
magsarili simula noong Hulyo 4, 1946. Pinagtibay rin ang
wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bias ng
Batas Komonwelt Bilang 570.
Ito ang panahon ng pagbangon sa mga nasalanta ng
digmaan. Dahil bumabangon pa lamang ang Pilipinas nang
panahong iyon,sumentro sa mga gawaing pang-ekonomiya
ang mga Pilipino. Naramdaman pa rin ang impluwensiyang
pang-ekonomiko at panlipunan ng mga Amerikano.
Agosto 13, 1959 – pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula
Tagalog, ito ay nagging Pilipino sa bisa ng kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose B. Romero, na dating
kalihim ng Edukasyon.
Kalihim Alejandro Roces -nilagdaan nya at nag-utos na simulant sa
taong-aralan 1963-1964 na ang mga sertipiko at diploma sa
pagtatapos ay ipalimbag na sa wikang Pilipino.

1963- ipinag-utos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong


Pilipino.
-Ito ay batay sa Kautusang Tagapagganap Blg.60 s. 1963 na
nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal.
Ferdinand E. Marcos – iniutos niya, sa bias ng
Kautusang Tagapagganap Blg. 96 s. 1967, na
ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ay
pangalanan sa Pilipino.
Rafael Salas - nilagdaan ang Memorandum
Sirkular Blg. 172 (1968) na nag-uutos na ang mga
ulong-liham ng mga tanggapan ng pamahalaan
ay isulat sa Pilipino.
Ipinag-utos din na ang pormularyo sa
panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at
kawani ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino.

Memorandum Sirkular Blg. 199 (1968)


- nagtatagubilin sa lahat ng kawani ng
pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa
Pilipino na pangungunahan ng Surian ng Wikang
Pambansa sa ibat’ibang purok lingguwistang ng
kapuluan.
1969- nilagdaan ni Pangulong Marcos ang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 – na nag-
uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan,
tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan
na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maaari
sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan
naman ay sa lahat ng opisyal na komunikasyon
at transaksiyon.
Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng Edukasyon at
Kultura sa pamumuno ni Kalihim Juan L. Manuel
ay nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran
Blg.25 s. 1974 ng mga panuntunan sa
pagpapatupad ng Patakarang Edukasyon
Bilingguwal.
Nang umupo si Corazon Aquino bilang unang
babaeng pangulo ng Pilipinas ay bumuo ng
bagong batas ang Constitutional Commission. Sa
Sa

You might also like