You are on page 1of 27

TEKSTONG NARATIBO

MAHUSAY NA
PAGKUKWENTO
APAT NA URI NG DISKURSO

_____ 1. Paglalarawan/ Deskripsyon


2. Pagsasalaysay/ Narasyon
___ 3. Paglalahad o Pagbibigay
Impormasyon
4. Pangangatwiran/
_ Argumentasyon
TEKSTONG NARATIBO
 Layuning magsalaysay o magkuwento batay sa
isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.

PIKSYON DI- PIKSYON


Nobela Memoir Malikhaing Sanaysay
Maikling Biyograpiya
Kwento
tula Balita
TEKSTONG NARATIBO
 Layuning manlibang o magbigay-aliw sa
mambabasa, ngunit may mas malalim at
tiyak na halaga pa ang tekstong ito.
TEKSTONG NARATIBO
 Kapuwa gumagamit ng wikang puno ng
imahinasyon, nagpapahayag ng
emosyon, at kumakasangkapan ng iba’t
ibang imahen, metapora at simbolo
upang maging malikhain ang katha.
TEKSTONG NARATIBO
 Ayon kay patricia Melendez- Cruz (1994)
sa kaniyang artikulong “Idelohiya Bilang
Perspektibong Pampanitikan” na nasa
aklat na “Filipinong Pananaw sa Wika,
Panitikan at lipunan,”
kailangang suriin ang malikhaing pagkatha bilang isang
siyentipikong proseso ng lipunan.
 Siyentipiko sapagkat para sa kaniya, ang mahusay na
panitikan ay kinakailangang naglalarawan sa mga
realidad ng lipunan at nagbibigay ng matalas na
pagsusuri dito.

 Tinukoy na ang masining at panlipunang kalikasan ng


panitikan ang kailangang pagtuunan ng sinomang mag-
aaral nito.

 Pundamental ang layuning maipakilala sa mga mag-


aaral ang kaniyang sarili’t lipunan upang ang kaniyang
pambansang identidad at kamalayan ay mapag-isa.
MGA KATANGIAN NG
MABUTING NARATIBONG
TEKSTO
1. MABUTING PAKSA
a. Maikli
b. Kawili-wili o kapana-panabik
c. Nagtatago ng lihim o hindi
nagbubunyag ng wakas, orihinal o hindi
palasak
d. Hindi katawa- tawa
e. May kaugnayan sa paksang diwa
2. MAHALAGANG PAKSA- Kung mahusay ang isang
manunulat, ang isang lumang paksa ay maaari
niyang gawing bago.

3.WASTONG PAGKAKASUNOD- SUNOD NG


PANGYAYARI
a. Simula
b. Gitna
c. Wakas

O flashback
a. Gitna o dakong wakas
b. Simula o paggunita ng ala-ala
c. Wakas
 Maaari rin naming may ganitong
pagkakasunod- sunod

a. Wakas
b. Simula
c. Nagtatapos sa tunay na wakas na ginamit
sa simula ng sumulat
4.MABUTING SIMULA
“Aksyon Agad” “Iwasan ang maligoy”

Iwasan na ang mga sumusunod:

Noong unang panahon…


Isang araw, habang…
Minsan, may isang…
Ang kwentong ito ay tungkol sa…
5. MABUTING WAKAS
“May twist”

Iwasan ang mga sumusunod:

Prediktabol na wakas
Maligoy na wakas
Paliwanag sa wakas
Pangangaral sa wakas
Iba’t Ibang Elemento ng
Naratibong Teksto
1. PAKSA
• Pumili ng paksang mahalaga at
makabuluhan

• Mahalagang maipaunawa sa mambabasa


ang kahalagahan at panlipunang
implikasyon nito
2. ESTRUKTURA
• Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang
estruktura ng kuwento.

• Madalas na makikitang ginagamit na paraan ng


narasyon ang iba’t ibang estilo ng pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari.
3. ORYENTASYON
• Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan,
lunan o setting at oras o panahon kung kailan
nangyari ang kuwento.

• Malinaw na nailalatag ang mga ito sa


pagsasalaysay at nasasagot ang mga batayang
tanong.

• Mahusay na deskripsyon sa mga detalyeng ito ang


magtatakda kung gaano kahusay na nasapul ng
manunulat ang realidad sa kaniyang akda.
4. PAMAMARAAN NG NARASYON

• Kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon


ng kabuuang senaryo sa unang bahagi upang
maipakita ang setting at mood.

• Iwasang magbigay ng komento sa kalagitnaan ng


pagsasalaysay upang hindi lumihis ang daloy.
Ilang Pamamaraan sa Maaaring
Gamitin sa Narasyon
 Diyalogo- sa halip na direktang pasalaysay ay gumagamit ng
pag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang nangyayari.
 Foreshadowing- nagbibigay ng mga pahiwatig o hints
hinggil sa kung ano ang kahihinatnan o mangyayari sa
kuwento.
 Plot Twist- tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang
kalalabasan ng isang kuwento.
 Ellipsis- omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kuwento
kung saan hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa
naratibong antala. Ito ay mula sa Iceberg Theory o Theory of
Omission in Ernest Hemingway.
 Comic Book Death- isang teknik kung saan pinapatay ang
mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang
magbigay-linaw sa kuwento.
 Reverse Chronology- nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong
simula.
 In Medias Res- nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kuwento.
Kadalasang ipinapakilala ang mga karakter, lunan at tensyon sa
pamamagitan ng mga flashback
 Deus ex machina (God from the machine)- isang plot device na
ipinaliliwanang ni Horace sa kaniyang “Ars Poetica” kung saan
nabibigyang- resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng
awtomatikong interbensyon ng isang absolutong kamay. Nababago rin
ang kahihinatnan ng kuwento at nareresolba ang matitinding suliranin
na ‘tila wlang solusyon sa pamamagitan ng biglang pagpasok ng isang
tao, bagay at pangyayari na hindi naman naipakilala sa unang bahagi ng
kuwento.
5. KOMPLIKASYON o TUNGGALIAN
• Karaniwang nakapaloob sa tunggalian ang pangunahing tauhan.

• Mahalagang bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng paggalaw


o pagbabago sa posisyon at disposisyon ng mga tauhan.

• Nagtatakda rin ang tunggalian ng magiging resolusyon ng


kuwento.

• Puno ng aksyon ang binasang akda sapagkat tuloy-tuloy na


hinahabol ang tauhan habang mabilis niyang binabalikan ang
iba’t ibang imahen.
6. RESOLUSYON

• Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o


tunggalian.

• Maaaring ang resolusyon ay masaya o


hindi batay sa magiging kapalaran ng
pangunahing tauhan.
PAGSULAT NG CREATIVE
NON- FICTION (CNF)
 Ito ay kilala rin bilang literary non-fiction o narratie non-
fiction.
 Ito ay isang bagong genre sa malikhaing pagsulat na
gumagamit ng istilo at teknik na pampanitikan upang
makabuo ng makatotohanan at tumpak na salaysay o
narasyon.
 Iba ito sa peryodismo o teknikal na pagsulat dahil kahit
naghahayag ito ng katotohanan, mahalaga pa rin ang
poetika at literariness ng akda.
PAGSULAT NG CREATIVE
NON- FICTION (CNF)
 Layunin ng CNF ang maging
makatotohanan, ibig sabihin ay naglalahad
ng tunay na karanasan, naglalarawan ng
realidad ng natural na mundo, at hindi
bunga ng imahinasyon.

 Maglahad ng impormasyon sa malikhaing


paraan.
Iba’t Ibang Porma ng CNF
 Biography
 Food Writing/ blogging at iba pang uri ng
blog
 Literary Journalism (feature Writing)
 Memoir
 Personal Essay
 Tavel Writing
 Ayon kay Barbara Lounsberry sa “The Art of
Fact,” ang apat na katangian ng CNF ay:
• Maaaring maidokumento ang paksa at hindi
inimbento ng manunulat
• Malalim ang pananaliksik sa paksa upang mailatag
ang kredibilidad ng narasyon;
• Mahalaga ang paglalarawan sa lunan at
kontekstuwalisasyon ng karanasan; at pagiging
malikhain ng manunulat at husay ng gamit sa wika.
 Sa pagsulat ng CNF, maaari ding gamitin ang iba’t
ibang narrative device gaya sa maikling kuwento.
Nangangailangan lamang na maging tapat ang akda
sa katotohanan ng diyalogo, kronolohiya ng
narasyon, iba’t ibnag hulwaran ng organisasyon, at
pagsipi sa mahahalagang bahagi ng tula, kasabihan
at iba pa.
 Mahalaga rin ang insight o nalilikhang pananaw ng
isinasalaysay na karanasan.
 Ang CNF ay hindi lamang basta nagkukuwento ng
karanasan kundi layon nitong ipakita ang mas malalim na
implikasyon nito sa karanasan ng nakararami at ng
kabuuan ng lipunan.
 Maaaring tuwiran o hindi tuwiran ang insight sa akda.
TUWIRAN- direktang sinasabi ng may-akda ang kaniyang
pananaw sa tiyak na karanasan.
DI- TUWIRAN- gumagamit ng simbolismo o
nagsasalaysay ng tiyak na karanasan upang maipakita ang
aral at pananaw ng akda.

You might also like