You are on page 1of 12

ABSTRAK

Kahulugan ng Abstrak
Ang abstrak, mula sa Latin
na abstracum, ay ang maikling
buod ng artikulo o ulat na
inilalagay bago ang
introduksyon. Ito ang siksik na
bersiyon ng mismong papel
May dalawang uri ng abstrak

-Deskriptibo
-Impormatibo
KALIKASAN AT BAHAGI NG ABSTRAK
- Sa kabila ng kaiksian ng
abstrak, kailangang
makapagbigay pa rin ito ng
sapat na deskripsyon o
impormasyon tungkol sa laman
ng papel.
Deskriptibong Abstrak Impormatibong Abstrak
• Inilalarawan nito sa mga • Ipinapaayos nito sa mga
mambabasa ang mga mambabasa ang
pangunahing ideya ng papel mahahalagang ideya ng papel
• Nakapaloob dito ang • Binubuod dito ang kaligiran,
kaligiran, layunin, at tuon ng layunin, tuon, metodolohiya,
papel o artikulo. resulta at konklusyon ng
• Kung ito ay papel- papel
pananaliksik, hindi na • Maikli ito, karaniwang 10% ng
isasama ang pamamaraang haba ng buong papel at isang
ginamit, kinalabasan ng pag- talata lamang
aaral at konklusyon • Mas karaniwan itong
• Mas karaniwan itong ginagamit sa larangan ng
ginagamit sa mga papel sa agham at inhinyeriya o sa ulat
humanidades at agham ng mga pag-aaral sa sikilohiya
panlipunan, at sa mga
sanaysay sa sikilohiya.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
Basahin muli ang buong papel.
Habang nagbabasa, isaalang-alang
ang gagawing abstrak. Hanapin ang
mga bahaging ito: Layunin,
pamamaraan, sakop, resulta,
kongklusyon, rekomendasyon, o iba
pang bahaging kailangan sa uri ng
abstrak na isusulat.
Isulat ang unang
draft ng papel. Huwag
kopyahin ang mga
pangungusap. Ilahad
ang mga impormasyon
gamit ang sariling wika
-Irebisa ang unang draft upang maiwasto
ang anumang kahinaan sa organisasyon
at ugnayan ng mga salita o pangungusap,
tanggalin ang mga hindi na kailangang
impormasyon, magdagdag ng
mahahalagang impormasyon, tiyakin ang
ekonomiya ng mga salita at iwasto ang
mga maling grammar at mekaniks
-I-proofread ang pinal na kopya
Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak
-Binubuo ng 200-250 salita
- Binubuo ng mga simpleng pangungusap
na nakatatayo sa sarili nito bilang isang
yunit ng impormasyon
- Kompleto ang mga bahagi
- Walang impormasyon hindi nabanggit sa
papel
-Nauunawaan ang pangkalahatang target
ng mambabasa
KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano
ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal,
espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing
pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng
nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili
ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga
respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-
dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos,
Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng
anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang
panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o
ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean
score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.
Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research
Vol. 2 No.2 September 2015
Green Highlight: Rasyunal
Sky Blue Highlight: Metodolohiyang ginamit
Gray Highlight- Saklaw at Delimitasyon
Red Highlight: Resulta ng pananaliksik
ABSTRAK

Sabay nang paglaganap ng nasyonalismo at pagbubuo ng pambansang


identidad ay isang nabuong kilusang naglalayon ng indihenisasyon o
“Pilipinisasyon” ng agham panlipunan sa ating bansa. Sa pananaw ng
kilusang ito; ang karamihan ng mga mananaliksik ng lipunang Pilipino ay
gumagamit ng mga konsepto at metodo ng pagsusuri na kadalasan ay batay
sa mga itinuro ng mga espesialista mula sa kanluraning daigdig. Sa palagay
ng mga indihenista, higit na mabisa at angkop ang siyentipikong pananaliksik
kung ang gagamiting pamamaraan ng pagsusuri ay galing sa katutubong
karanasan ng komunidad na sinisiyasat. Sa pamamaraang ito ay higit na
matatamo ang malalim na pag-unawa sa Pilipino, sa kanyang kamalayan at
pagkatao, sa kanyang kaugalian at mga elementong nagpapalakad ng
kanyang lipunan. Binibigyang kabuluhan ng bagong kaisipang ito ang
indihenisasyon sa kasalukuyang pagsisikap tungo sa pambansang kaunlaran.
Green Highlight- Rasyunal
Blue Highlight- Metodolohiya
Gray Highlight- Resulta
Red Highlight- Konklusyon
1.Bakit mahalagang basahing muli ang buong
papel bago isulat ang abstrak?
2. Ano ang kahalagahan ng pagrerebisa ng
unang draft ng abstrak?

You might also like