You are on page 1of 25

Tekstong

Argumentatibo
Uri ng teksto na
nangangailangang ipagtanggol ng
manunulat ang posisyon sa isang
tiyak na paksa o usapin gamit ang
mga ebidensya mula sa personal
na karanasan, kaugnay na mga
literatura at pag-aaral, ebidensyang
kasaysayan at resulta ng empirikal
na pananaliksik.
Tekstong Argumentatibo Tekstong Persweysib
1. Nangungumbinsi batay 1. Nangungumbinsi batay
sa datos o impormasyon. sa damdamin at opinyon.
2. Nakahihikayat dahil sa 2. Nakahihikayat sa
merito ng ebidensya. pamamagitan ng
pagpukaw ng emosyon ng
mambabasa at pagpokus
sa kredibilidad ng may-
akda.
3. Obhetibo 3. Subhetibo
Nangangailangan ang
pagsulat ng masusing
imbestigasyon kabilang na
ang pangongolekta at
ebalwasyon ng mga
ebidensya.
Mula rito ay paninindigan
ang isang posisyon na
isusulat sa maikli ngunit
malaman na paraan.
Mga Elemento
ng
Pangangatwiran
proposisyon

argumento
Ayon kay Abad (2004) ang
proposisyon ay ang pahayag
na inilalahad upang pagtalunan
o pag-usapan at ito ang isang
bagay na pinagkakasunduan
bago ilahad ang katuwiran ng
dalawang panig.
Magiging mahirap ang
pangangatuwiran kung hindi
muna ito itatakda sapagkat
hindi magkakaisa sa mga
batayan ng isyu ang dalawang
panig.
1. Dapat na ipasa ang Divorce Bill
upang mabawasan ang karahasan
laban sa kababaihan.
2. Nakasasama sa pamilya ang pag-
alis ng isang miyembro nito upang
magtrabaho sa ibang bansa.
3. Mas epektibo sa pagkatuto ng mga
mag-aaral ang multilingual education
kaysa sa bilingual education.
Ang argumento ay ang
paglalatag ng mga dahilan at
ebidensya upang maging
makatuwiran ang isang panig.
Kinakailangan ang malalim na
pananaliksik at talas ng
pagsusuri sa proposisyon upang
makapagbigay ng mahusay na
argumento.
Katangian at
Nilalaman ng
Mahusay na
Tekstong
Argumentatibo
1. Mahalaga at
Napapanahong Paksa
Pagpili ng angkop na paksa
sa pamamagitan ng iba’t
ibang napapanahon at
mahahalagang isyu na may
bigat at kabuluhan.
Nangangailangan ng interes
sa paksa ngunit kailangan din
pag-isipan kung ano ang
makatwirang posisyon na
masusuportahan ng
argumentasyon at ebidensya.
2. Maikli ngunit
malaman at malinaw na
pagtukoy sa tesis sa
unang talata ng teksto.
Ipinaliliwanag ang
konteksto ng paksa sa
pamamagitan ng
pagtalakay nito sa
pangkalahatan.
Tinatalakay sa bahaging ito
kung bakit mahalaga ang paksa
at kung bakit kailangan
makialam sa isyu ang mga
mambabasa.
Gumamit ng introduksyon na
makakakuha ng atensyon ng
mambabasa gaya ng
estadistika, makabuluhang
sipimula sa prominenteng
indibidwalo kaya’y anekdota na
may kinalaman sa paksa ng
teksto.
3. Maayos na
pagkasunod-sunod ng
talatang naglalaman ng
mga ebidensya ng
argumento
Ang bawat talata ay
tumatalakay sa iisang
pangkalahatang ideya
lamang. Ito ay nagbibigay
linaw at direksyon sa buong
teksto.
Tiyakin ding maikli ngunit
malaman ang bawat talata
upang maging mas
madaling maunawaan ng
mambabasa.
Iwasan ang paggamit ng
wikang emosyonal.
Mahalagang pagtibayin ang
ebidensya at paghusayin ang
lohikal na pangangatuwiran
kaysa umapila sa emosyon
ng mambabasa.
Huwag mag-imbento ng
ebidensya at banggitin
ang pinagmulan ng
impormasyon at
pagpapatunay.
“Huwag matakot na magsalita at
manindigan para sa katapatan at
katotohanan laban sa kawalan ng
hustisya, kasinungalingan at
kasakiman. Kung lahat ng tao sa
buong daigdig ay gagawa nito,
mababago ang mundo”

- WILLIAM FAULKNER

You might also like