You are on page 1of 17

TEKSTONG ARGUMENTATIBO:

IPAGLABAN ANG KATUWIRAN


Magbigay ng repleksiyon sa isinaad ni William Faulkner tungkol sa halaga paninindigan sa
gitna ng kawalan ng katarungan, Sumasang-ayon ka ba sa sinabi, ibahagi sa klase ang iyong
reaksyon.

Huwag matakot na magsalita at manindigan para sa katapatan at katotohanan laban sa


kawalan ng hustisya, kasinungalingan, at kasakiman, Kung lahat ng tao sa buong daigdig ay
gagawa nito, mababago ang mundo.".

WILLIAM FAULKNER

Sa araw-araw na komunikasyon, mahalaga ang mahusay na pangangatuwiran upar makabuo


ng makabuluhang diskurso. Sa araling ito, mauunawaan mo ang anyo, katangia at kalikasan
ng tekstong argumentatibo
Introduksyon
Lahat ng tao ay gumagamit ng iba't ibang porma ng
argumentasyon sa iba't ibang pagkakataon. Madalas, maging ang
mga simpleng sitwasyon ay nangangailangan ng mahusay na
pangangatuwiran gaya ng paghingi ng permiso sa mga magulang,
panghihiran ng gamit sa kapatid, pamimili ng paksa o konsepto sa
mga gawaing panggrupo sa klase o kaya ay paghingi ng
pangalawang pagkakataon sa iniibig.
Bagama't hindi pormal ang estilo ng argumentasyon
sa mga nabanggit na pagkakataon, ang mga estratehiyang
ito sa pangangatuwiran ang batayan ng mga tekstong
argumentatibo.
Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na
nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa
isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa
personal na karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral,
ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik.
Ang empirikal na pananaliksik ay tumutukoy sa
pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng pakikipanayam,
sarbey, at eksperimentasyon.
Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng
masusing imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at
ebalwasyon ng mga ebidensiya. Mula rito ay paninindigan ang
isang posisyon na isusulat sa maikli ngunit malaman na paraan. Sa
pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu, mas
nauunawaan ang iba't ibang pananaw o punto de bista at
nakapipili ang mananaliksik ng posisyong may matibay na
ebidensiya. Kailangang may malinaw na tesis at ginagabayan ng
lohikal na pangangatuwiran ang tekstong argumentatibo, kahit pa
ang pangunahing layunin nito ay ipahayag ang opinyon ng
manunulat sa isang tiyak na isyu.
Mga Elemento ng Pangangatuwiran
Ang dalawang elemento ng pangangatuwiran ay proposisyon at
argumento.
Ayon kay Melania L. Abad (2004) sa "Linangan: Wika at
Panitikan," ang proposisyon ay ang pahayag na inilalahad upang
pagtalunan o pag-usapan. Ito ang isang bagay na
pinagkakasunduan bago ilahad ang katuwiran ng dalawang panig.
Magiging mahirap ang pangangatuwiran kung hindi muna ito
itatakda sapagkat hindi magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang
dalawang panig. Narito ang mga halimbawa ng proposisyon.
• Dapat na ipasa ang Divorce Bill upang mabawasan ang
karahasan laban sa kababaihan.

• Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang miyembro nito


upang magtrabaho sa ibang bansa.

• Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang multilingual


education kaysa sa bilingual education.
Ang unang halimbawa ng proposisyon ay tungkol sa pagiging
epektibo ng pagpapatupad ng isang polisiya.
Ang ikalawa naman ay tungkol sa paniniwala sa isang bagay at
epekto nito sa tinutukoy na phenomenon, at ang ikatlo ay
paghahambing kung ano ang mas mabuti o hindi.

Ang pangalawang elemento ng pangangatuwiran ay argumento.


Ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging
makatuwiran ang isang panig. Kinakailangan ang malalim na
pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon upang
makapagbigay ng mahusay na argumento.
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na
Tekstong Argumentatibo
Mahalaga at napapanahong paksa

Upang makapili ng angkop na paksa, pag-isipan ang iba't


ibang napapanahon at mahahalagang isyu na may bigat at
kabuluhan. Makatutulong din kung may interes ka sa paksa,
ngunit hindi ito sapat. Kailangan mo ring pag-isipan kung ano
ang makatuwirang posisyon na masusuportahan ng
argumentasyon at ebidensya.
Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa
unang talata ng teksto

Sa unang talata, ipinaliliwanag ng manunulat ang konteksto ng


paksa sa pamamagitan ng pagtalakay nito sa pangkalahatan.
Tinatalakay rin sa bahaging ito kung bakit mahalaga ang paksa at kung
bakit kailangang makialam sa isyu ang mga mambabasa.
Maaaring gumamit ng introduksiyon na makakukuhang atensiyon
ng mambabasa gaya ng impormasyon, estadistika, makabuluhang sipi
mula sa prominenteng indibidwal, o kaya ay anekdota na may
kinalaman sa paksa ng teksto.
Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga
bahagi ng teksto

Transisyon ang magpapatatag ng pundasyon ng teksto. Kung


walang lohikal na pagkakaayos ng kaisipan, hindi makasusunod ang
mambabasa sa argumento ng manunulat at hindi magiging
epektibo ang kabuuang teksto sa layunin nito Nakatutulong ang
transisyon upang ibuod ang ideya sa nakaraang bahagi ng teksto at
magbigay ng introduksiyon sa susunod na bahagi.
Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman
ng mga ebidensiya ng argumento

Ang bawat talata ay kailangang tumalakay sa iisang pangkalahatang


ideya lamang. Ito ang magbibigay-linaw at direksiyon sa buong teksto.
Tiyakin ding maikli ngunit malaman ng bawat talata upang maging mas
madaling maunawaan ng mambabasa. Kailangan ding isaalang-alang
ang lohikal na koneksiyon ng bawat talata sa kabuuang tesis ng teksto
at maipaliwanag kung paano at bakit nito sinusuportahan ang tesis.
Gayunpaman, kailangang banggitin at ipaliwanag din ang iba't
ibang opinyon sa paksa at ang kaukulang argumento para dito, lalo
na't kung ito ay taliwas sa sariling paninindigan.
Matibay na ebidensiya para sa argumento

Ang tekstong argumentatibo ay nangangailangan ng detalyado,


tumpak, at napapanahong mga impormasyon mula sa pananaliksik
na susuporta sa kabuuang tesis.
Gawain;

Hindi maiiwasan ang pagtatalo sa


pagtalakay ng tekstong argumentatibo.
Pabor ka ba sa pagtatalo? Ilista ang mga
positibo at negatibong dulot ng
pagtatalo para sa iyo

You might also like