You are on page 1of 3

Tekstong Argumentativ

 Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na ang pangunahing layunin ay


makapaglahad ng katuwiran.
 Kinakailangang may matibay na ebidensya ang manunulat upang mapatunayan ang
katotohanan ng kaniyang ipinaglalaban.
 Ang ilan sa mga ebidensya na pwede niyang gamitin ay sariling karanasan, kasaysayan, kaugnay
na mga literatura, at resulta ng empirikal na pananaliksik.
 Kapag mayroon ng matibay na ebidensya, ang manunulat ay obligado nang panindigan ang
kaniyang panig, maari na rin siyang magsimulang magsulat ng malaman at makabuluhang
pangangatwiran.
 Sa pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu, mas mauunawaan ng mananaliksik
ang iba’t-ibang punto de bista na maaring matalakay sa diskurso.
 Sa tekstong argumentatibo, ang pangangatwiran ay nararapat na maging malinaw at lohikal,
kahit pa ang layunin lamang nito ay magpahayag ng opinyon sa isang tiyak na isyu o usapin.

DALAWANG ELEMENTO NG PANGANGATWIRAN:

Proposisyon
 Ayon kay Melania L. Abad (2004) sa “Linangan: Wika at Panitikan”, ang proposisyon ay ang
pahayag na inilalatag upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ay dapat mapagkasunduan bago
magsimula ang pagbibigay ng argumento ng dalawang panig.
 Kung walang itatakdang proposisyon, magiging mahirap ang pangangatwiran sapagkat hindi
magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang dalawang panig. Sa ibaba, iyong mababasa ang ilan sa
mga halimbawa ng proposisyon.

HALIMBAWA:

 Dapat ipasa ang Divorce bill upang mabawasan ang karahasan laban sa kababaihan
 Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang miyembro nito upang magtrabaho sa ibang bansa
 Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang multilingual education kaysa sa bilingual education
 Ang pagpapatupad ng death penalty ay makakatulong para mabawasan ang kriminalidad sa bansa

Argumento
 Ang argumento ay ang pangalawang elemento ng pangangatuwiran. Ito ay ang pagpapahayag ng
mga dahilan at ebidensya upang maipagtanggol ang katuwiran ng isang panig.

Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo


Mahalaga at napapanahon ang paksa

 Ang pagpili ng paksa sa tekstong argumentatibo ay napakahalaga dahil dito iikot ang buong
diskusyon. Kapag pumipili ng paksa, dapat isaalang-alang kung ito ba ay napapanahon sa mga
isyu o kaganapan sa lipunan.

Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto

 Sa unang talata, dapat ipaliwanag ng mabuti ng manunulat ang buong konteksto ng paksa sa
pamamagitan ng pagtatalakay nito sa pangkalahatan. Makikita rin sa bahaging ito ang
kahalagahan ng paksa at kung bakit kailangang makialam ng mambabasa sa nasabing isyu.

Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto

 Transisyon ang magpapatibay ng pundasyon ng isang teksto. Ito rin ang nagbibigay ng
koneksyon sa pagitan ng mga kaisipan sa bawat talata. Kung walang lohikal na pagkakaayos ng
kaisipan, maaring hindi makasunod ang mambabasa sa argumento at hindi maging epektibo ang
kabuuan ng teksto. Ang transisyon ay nakakatulong din upang ibuod ang ediya ng naunang
bahagi ng teksto at magbigay ng introduksyon sa susunod na bahagi.

Maayos ang pagkakasunud-sunod ng mga talatang naglalaman ng mga ebidensya ng argumento

 Ang nilalaman ng bawat talata ay dapat umiikot sa iisang pangkalahatang ideya lamang. Ito ang
magbibigay ng linaw at direksyon sa buong teksto. Upang magkaroon ng kaayusan,
kinakailangan ding isaalang-alang ang lohikal na koneksyon sa bawat talata. Dagdag pa, ang
pagkakaroon ng maikli ngunit malaman na talata ay makakatulong upang mas maintindihan ng
mambabasa ang teksto.

Matibay na ebidensya para sa argumento

 Ang tekstong argumentatibo ay kinakailangang maging detalyado, tumpak at napapanahon ang


impormasyon. Sa pagkakaroon ng matibay na ebidensya, masisigurado ng manunulat ang
katotohanan ng kaniyang sinulat na argumento.

Mga Layunin:

1. Upang mabigyang-linaw ang isang mahalagang usapin o isyu

2. Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya

3. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao

4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin

5. Mapananatili ang kanyang saloobin

6. Makaimpluwensya ng ibang tao na kumilos nang naaayon sa tama.

 Sa pagsulat ng komposisyong argumentativ, maaaring mangibabaw ang argumentasyon subalit


hindi ibig sabihin nito’y ang buong komposisyon ay pawang pangangatwiran lamang, maaring
gamitin ang mga sumusunod na uri ng teskto: (Abad at Ruedas, 2000).

1.Narasyon - upang bigyang-linaw ang pangyayaring kaugnay sa paksa

2.Deskripsyon - upang mapatingkad ang puntong ibig patunayan

3. Eksposisyon - upang mapaunawa ang puntong nangangailangan ng paglilinaw

 Sa argumentatibo, ipinaglalaban ng manunulat ang sarili niyang pananaw kahit na hindi

sumang-ayon ang mga mambabasa samantala sa tekstong persuweysib, nakatakda na ang mga

madla na reresponde sa kanyang perspektibo.


Tekstong Prosidyural

Tekstong nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod nang malinaw na hakbang sa


pagsasakatuparan ng anumang gawain. Ang pagsunod sa mga hakbang na ito ay magbibigay nang
maayos na output ng anumang gawain.

Katangian ng Tekstong Prosidyural

a.

Tunguhin - nilalahad kung ano ang gagawin at para saan ito.

b. Kasangkapan- nilalahad ang mga kinakailangang materyal upang maisakatuparan ang gagawin.

c . Pamaraan - nilalahad ang mga eksaktong pagkasunod-sunod ng mga hakbang na gagawin.

d. Ebalwasyon - nilalahad kung paano masusukat nang matagumpay ang isinasagawa.

Mga Salitang Ginagamit sa Pagbibigay ng Prosidyural:

1. Gumagamit ng payak na pananalita at nasa kontemplatibong aspekto ng pandiwa

2. Tumutukoy sa pangkalahatang mambabasa o manonood at hindi sa indibidwal na tao

3. Gumagamit ng mga salitang nagsasaad ng kilos o pandiwa upang ihayag ang tamang pamamaraan

4. Gumagamit ng mga pang-ugnay na salita upang ipakita ang pagkasunod-sunod ng bawat hakbang

5. Detalyadong tuntunin kung paano, saan at kailan gagawin ang prosidyur

6. Detalyadong paglalarawan sa materyales na maaaring gamitin

You might also like