You are on page 1of 9

ALAMINOS CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

GAWAIN SA PAGKATUTO SA FILIPINO 11


PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBAT-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
KUWARTER 3, LINGGO 2, Pebrero 21-25, 2022

I. Paksa: Ibat ibang uri ng teksto ( Argumentatibo, Naratibo, Prosidyural )

II. Kasanayang Pampagkatuto:

Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa (F11PS – IIIb –
91)
Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto . (F11PU – IIIb – 89)

III. Tuklasin:

Kahulugan ng Tekstong Argumentatibo

Argumento ay ang paraan ng paggigiit ng katotohanan at paghihikayat na mapaniwala


ang iyong tagapakinig o mambabasa na kumilos batay sa inyong panig. Isang uri ng teksto
na ang pangunahing layunin ay makapaglahad ng katuwiran. Ang manunulat ay kailangang
maipagtanggol ang kaniyang posisyon sa paksa o isyung pinag-uusapan. Kinakailangang
may matibay na ebidensya ang manunulat upang mapatunayan ang katotohanan ng kaniyang
ipinaglalaban. Ang ilan sa mga ebidensya na pwede niyang gamitin ay sariling karanasan,
kasaysayan, kaugnay na mga literatura, at resulta ng empirikal na pananaliksik. Ang
empirikal na pananaliksik ay tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng
pakikipanayam, sarbey at eksperimentasyon. Kailangang may malinaw na tesis at
ginagabayan ng lohikal na pangangatuwiran ang ganitong uri ng teksto, kahit pa ang
pangunahing layunin nito ay ipahayag ang opinyon ng manunulat sa isang tiyak na isyu.

Elemento ng Pangangatuwiran

1. Proposisyon- ayon kay Melania L. Abad (2004) sa “Linangan: Wika at Panitikan”, ito ay
ang pahayag na inilalad upang pagtalunan o pag-usapan. Isang bagay na pinagkakasunduan
bago ilahad ang katuwiran ng dalawang panig. Magiging mahirap ang pangangatuwiran
kung hindi muna ito itatakda sapagkat hindi magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang
dalawang
panig.
2. Argumento- ayon pa rin kay Melania L. Abad (2004) sa “Linangan:Wika at Panitikan”,
ito ay ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging makatuwiran ang isang
panig. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon
upang makapagbigay ng mahusay na argumento.

Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo


1. Mahalaga at napapanahon ang paksa- ang pagpili ng paksa sa tekstong argumentatibo
ay napakahalaga dahil dito iikot ang buong diskusyon. Kapag pumipili ng paksa, dapat
isaalang-alang kung ito ba ay napapanahon sa mga isyu o kaganapan sa lipunan.
1
2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talatang teksto- sa
unang talata, dapat ipaliwanag nang mabuti ng manunulat ang buong konteksto ng paksa sa
pamamagitan ng pagtatalakay nito sa pangkalahatan. Makikita rin sa bahaging ito ang
kahalagahan ng paksa at kung bakit kailangang makialam ang mambabasa sa nasabing isyu.

3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng tekstotransisyon


ang magpapatibay ng pundasyon ng isang teksto. Ito rin ang nagbibigay ng koneksyon sa
pagitan ng mga kaisipan sa bawat talata. Kung walang lohikal na pagkakaayos ng kaisipan,
maaring hindi makasunod ang mambabasa sa argumento at hindi maging epektibo ang
kabuoan ng teksto. Ang transisyon ay nakatutulong din upang ibuod ang ediya ng naunang
bahagi ng teksto at magbigay ng introduksyon sa susunod na bahagi.

4. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga talatang naglalaman ng mga ebidensya ng


argumento- ang nilalaman ng bawat talata ay dapat umiikot sa iisang pangkalahatang ideya
lamang. Ito ang magbibigay ng linaw at direksyon sa buong teksto. Upang magkaroon ng
kaayusan, kinakailangan ding isaalang-alang ang lohikal na koneksyon sa bawat talata.
Dagdag pa,ang pagkakaroon ng maikli ngunit malaman na talata ay makakatulong
upang mas maintindihan ng mambabasa ang teksto.

5. Matibay na ebidensya para sa argumento- ang tekstong argumentatibo ay


kinakailangang maging detalyado, tumpak at napapanahon ang impormasyon. Sa
pagkakaroon ng matibay na ebidensya, masisigurado ng manunulat ang katotohanan ng
kaniyang sinulat na argumento.

Kahulugan ng Tekstong Naratibo

Ang TEKSTONG NARATIBO ay nagsasalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na


pangyayari, totoo man o hindi. Maaring ang salaysay ay personal nanaranasan ng
nagkukuwento, batay sa tunay na pangyayari o kathang-isip lamang.
Maaari ding ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o pantasya lamang.
Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon
(nobela, maikling kuwento, tula) o di-piksiyon (memoir,biyograpiya, balita, malikhaing
sanaysay). Kapwa gumagamit ito ng wikang punong imahinasyon, nagpapahayag ng
emosyon, at kumakasangkapan ng iba’t ibang imahen, metapora, at simbolo upang maging
malikhain ang katha.
Ayon kay Patricia Melendex-Cruz(1994) sa kaniyang artikulong “Ideolohiya Bilang
Perspektibong Pampanitikan” na nasa aklat na “Filipinong Pananaw sa Wika, Panitikan at
Lipunan,” kailangang suriin ang malikhaing pagkatha bilang isang siyentipikong proseso ng
lipunan. Siyentipiko sapagkat para sa kaniya, ang mahusay na panitikan ay kinakailangang
naglalarawan sa mga realidad ng lipunan at nagbibigay ng matalas na pagsusuri rito. Bukod
dito, tinukoy niya rin na ang masining at panlipunang kalikasan ng panitikan ang kailangang
pagtuunan ng sinomang mag-aaral nito. Pundamental ang layuning maipakilala sa mga
mag-aaral ang kaniyang sarili’t lipunan upang ang kaniyang pambansang identidad at
kamalayan ay mapag-isa.

2
May iba’t ibang elemento ang naratibong teksto na magsisilbing gabay rin sa pagbuo ng
narasyon.

A. Paksa. Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan. Kahit na nakabatay sa personal


na karanasan ang kuwentong nais isalaysay, mahalaga pa ring maipaunawa sa
mambabasa ang panlipunang implikasyon at mga kahalagahan nito.

B. Estruktura. Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento.


Madalas na makikitang ginagamit na paraan ng narasyon ang iba’t ibang estilo ng
pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Kung minsan ay nagsisimula sa dulo papuntang
unahan ang kuwento, kung minsan naman ay mula sa gitna. Maaaring gumamit ng
iba’t ibang paraan ng pagkakaayos, tiyakin lamang na sistematiko at lohikal ang
pagkakasunod-sunod ng pangyayari upang madaling maunawaan ang narasyon.

C. Oryentasyon. Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, at oras o
panahon kung kailan nangyari ang kuwento. Malinaw dapat na nailalatag ang mga ito
sa pagsasalaysay at nasasagot ang mga batayang tanong na sino, saan, at kailan. Ang
mahusay na deskripsyon sa mga detalyeng ito ang magtatakda kung gaano kahusay na
nasapul ng manunulat ang realidad sa kaniyang akda.

D. Pamamaraan ng Narasyon. Kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng


kabuuang senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang setting at mood. Iwasang
magbigay ng komento sa kalagitnaan ng pagsasalaysay upang hindi lumihis ang daloy.

Iba’t ibang paraan ng narasyon na maaaring gamitin ng manunulat upang


maging kapana-panabik ang pagsasalaysay.

 DIYALOGO. Sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-uusap


ng mga tauhan upang isalaysay ang nagyayari.
 FORESHADOWING. Nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung
ano ang kahihinatnan o mangyayari sa kuwento.
 PLOT TWIST. Tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalabasan ng
isang kuwento.
 COMIC BOOK DEATH. Isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang
karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay- linaw sa kuwento.
 REVERSE CHRONOLOGY. Nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong
simula.
 IN MEDIAS RES. Nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kuwento.
Kadalasang ipinapakita ang mga karakter, lunan, at tensyon sa pamamagitan ng
mga flashback.
 DEUX EX MACHINA. ( God from the machine) Isang plot device na
ipinaliwanag ni Horace sa kaniyang “Ars Poetica” kung saan nabibigyang-
resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng awtomatikong interbensyon ng
isang absolutong kamay. Nagbabago rin ang kahihinatnan ng kuwento at
nareresolba ang matitinding suliranin na tila walang solusyon sa pamamagitan
3
ng biglaang pagpasok ng isang tao, bagay at pangyayari na hindi naman
naipakilala sa unangbahagi ng kuwento.

E. Komplikasyon. Karaniwang nakapaloob sa tunggalian ang pangunahing tauhan. Ito


ang mahalagang bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa
posisyon at disposisyon ng mga tauhan. Nagtatakda rin ang tunggalian ng magiging
resolusyon ng kuwento.
F. Resolusyon. Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaaring ang
resolusyon ay masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng pangunahing tauhan

Kahulugan ng Tekstong Prosidyural

Prosidyural ang isang teksto kung ito ay nagsasaad ng impormasyon at instruksyon


kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay? Sa tekstong ito, ipinapakita ang mga
impormasyon sa “Chronological” naparaan o mayroong sinusunod na pagkakasunod-
sunod. Ang layunin ng tekstong prosidyural ay magbigay ng panuto sa pambabasa para
maisagawa ng maayos ang isang gawain.

Uri ng Tekstong Prosidyural


1. Paraan ng pagluluto (Recipes) – Pinaka-karaniwang uri ng Tekstong Prosidyural. Ito ay
nagbibigay ng panuto sa mambabasa kung paano magluto. Sa paraan ng pagluluto, kailangan
ay malinaw ang pagkakagawa ng mga pangungusap at maaring ito ay magpakita rin ng mga
larawan.
2. Panuto (Instructions) – Ito ay naggagabay sa mga mambabasa kung paano maisagawa o
likhain ang isang bagay.
3. Panuntunan sa mga laro (Rules for Games) – Nagbibigay sa mga manlalaro ng gabay
na dapat nilang sundin.
4. Manwal – Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at patakbuhin ang
isang bagay. Karaniwang nakikita sa mga bagay na ginagamitan ng kuryente tulad ng
computers, machines at appliances.
5. Mga eksperimento – Sa mga eksperimento, tumutuklas tayo ng bagay na hindi pa natin
alam. Karaniwang nagsasagawa ng eksperimento sa siyensya kaya naman kailangang
maisulat ito sa madaling intindihin na wika para matiyak ang kaligtasan ng magsasagawa ng
gawain.
6. Pagbibigay ng direksyon – Mahalagang magbigay tayo ng malinaw na direksyon para
makarating sa nais na destinasyon ang ating ginagabayan.

Nilalaman ng Tekstong Prosidyural

1. Layunin – Ang nais mong maisagawa pagkatapos ng gawain. Tinutukoy rin


nito ang dapat maging resulta ng susunding prosidyur. Ang layunin ay laging sumasagot sa
tanong na “paano”.
2. Mga Kagamitan / Sangkap – Dito papasok ang mga kagamitang dapat gamitin para
maisakatuparan ang gawain. Sa recipe, kailangan mong ilista ang lahat ng sangkap upang
maihanda ng mambabasa ang kanilang ilalahok sa iluluto.
3. Hakbang(steps)/ Metodo(method) – Ang serye o pagkakasunod-sunod ng
4
prosidyur.
4. Konklusyon / Ebalwasyon – Sa tekstong prosidyural, ang konklusyon ay nagbibigay ng
gabay sa mga mambabasa kung sa paanong paraan nila maisasakatuparang mabuti ang isang
prosidyur.

Pagkakabuo ng Tekstong Prosidyural


1. Pamagat – ang nagbibigay ng ediya sa mga mambabasa kung anong bagay ang gagawin o
isasakatuparan
2. Seksyon – Ang pagkakabukod ng nilalaman ng prosidyur. Mahalaga ang seksyon upang
hindi magkaroon ng kalituhan ang mambabasa.
3. Sub-heading – Kung mayroon nang seksyon, dapat ito ay binibigyan din ng pamagat na
magsasabi kung anong parte iyon ng prosidyur.
4. Mga larawan o Visuals – Mahalaga ang larawan sapagkat may mga bagay na mahirap
ipaintindi gamit lamang ang mga salita.

Mga Dapat Isaalang sa Pagbuo ng Tekstong Prosidyural


1. Ilarawan nang malinaw ang mga dapat isakatuparan. Magbigay ng detalyadong
deskripsyon.
2. Gumamit ng tiyak na wika at mga salita
3. Ilista ang lahat ng gagamitin
4. Ang tekstong prosidyural ay laging nakasulat sa ikatlong panauhan (third person point of
view)

Katangian ng Wikang ginagamit sa Tekstong Prosidyural

1. Nasusulat sa kasalukuyang panahunan


2. Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang
3. Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan sa pamamagitan ng paggamit
ng mga panghalip.
4. Gumagamit ng tiyak na pandiwa para sa instruksyon
5. Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive devices upang ipakita ang
pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto
6. Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsyon.

IV. Gawain 1: Salamin! Salamin!


Panuto: Magbigay ng repleksiyon sa isinaad ni William Faulkner tungkol sa halaga
ng paninindigan sa gitna ng kawalan ng katarungan. Sumasang-ayon ka ba sa
sinabi niya? Ibahagi ang iyong reaksyon. Isaalang-alang ang rubrik sa gagawing
awtput. Isulat sa isang buong papel.

“Huwag matakot na magsalita at manindigan para sa katapatan at


katotoohanan laban sa kawalan ng hustisya, kasinungalingan at
kasakiman. Kung lahat ng tao sa buong daigdig ay gagawa nito,
mababago ang mundo.”

-William Faulkner
5
Gawain 2: Karanasang Di-malimot!
Panuto: Maglahad ng mga pagkakataon o sitwasyon na nangangailangan ng iyong
pangangatuwiran. Tiyaking malinaw ang proposisyon at ang iyong mga argumento. Isulat sa
inyong sagutang papel ang iyong karanasan sa bawat sitwasyon.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Pamilya ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Paaralan_ ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Komunidad ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Kaibigan ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Gawain 3: Lambat-Kaalaman! Panuto: Magbigay ng konkretong halimbawa sa bawat uri


ng tekstong prosidyural. Siguraduhin na nakalahad ang instruksyon o impormasyon kung
paano isasagawa ang ibinigay na halimbawa

Paraan ng Panuto Panuntunan Manwal Ekspiremento Pagbibigay


Pagluluto Sa Laro ng
direksyon

Gawain 4: BasaUnlad!
Panuto: Basahin ang sumusunod na seleksiyon hinggil sa pagiging ligtas sa
paggamit ng Internet. Sagutin ng buong husay ang gawain.

Paano Masisigurado ang Tamang Paggamit ng Internet?

Ang pagiging magulang ay hindi madali at ang pag-usbong ng teknolohiya aydumadagdag sa


hamon ng pagiging isang magulang.“One in five young Australian has had a negative

6
experience online, and that canrun the gamut from cyberbullying to image-based abuse to
seeing violence or hatred online,” sabi ng eSafety Commissioner na si Julie Inman Grant.
Ang pagbabahagi ng mga pribadong litrato ng isang tao ng walang paalam mula sa taong
nasa litrato ay tinatawag na abusong naka-base sa imahe. Maraming mga kabataan ang
tumatawag sa Kids Helpline dahil ito ay nangyari sa kanila. Maaring nababahala din ang
mga magulang sa posibilidad ng panonood ng kanilang mga anak ng mga bastos at di angkop
na video at ang pakikipag-usap ng kanilang anak sa mga di kilalang tao.
Ang Cyberbullying ay isang seryosong isyu. “For a lot of parents, when they were
growing up, they might have experienced bullying at school, at social functions, that sort of
thing. But when they got home, home would be their safe place where they wouldn't have to
deal with that anymore. Yet, for young people, because they're always connected, the
bullying, it can feel like it never stops,” paliwanag ng Kids Helpline counsellor na si Belinda
Beaumont.
Una, makipag-usap sa iyong anak. Bilang isang magulang, mahalaga ang pakikipag-usap sa
iyong anak tungkol sa kaligtasan ng internet at ipaalam sa kanila na maari silang lumapit sa
iyo kung sila ay may problema. Habang nakakatuksong ipagbawal ang social media at online
gaming, ayon kay Beaumont hindi ito ang solusyon:
“What I know as a Kids Helpline counsellor is that kids are going to use it anyway, so if you
try to do that, all it's going to teach them is to be more secretiveand hide things, and they're
going to create their own accounts anyway. So the best thing you can actually do, even
though it's hard and it's scary, is to trust your relationship with them and trust them to come
to you when they have issues. Kung ang iyong mga anak ay may mga nakakatandang kapatid
na naiintindihan ang kahalagahan ng kaligtasan sa paggamit ng internet, isali sila sapag-
uusap.
Pangalawa maglagay ng mga kontrol at hangganan. Maari din gawin ang paglagay ng mga
kontrol sa mga gadyet upang masubaybayan at limitahan kung ano ang maaring ma-access
online, lalo na sa mga mas batang anak. Dapat din ay maglagay ng hangganan at mga
kautusan tulad ng pagbabawal sa iyong anak na gumamit ng gadyet sa kanilang kwarto at
pagsigurado na hindi sila nag-popost ng kahit anoman na magtutukoy ng kanilang tirahan.
Isang paraan din upang makisali sa iyong anak ay ang pakikipaglaro ng video game kasama
sila o ang pag-download ng app na kanilang ginagamit. Magkakaroon ka ng mas mabuting
pag-unawa sa mekanismo nito at ito din ayisang oportunidad upang makapagsimula ng isang
diskusyon. At higit sa lahat kung mayroong problema ang iyong anak manatiling
kalma at makinig sa kanila.
“The first thing is to keep the dialogue open. Make sure the children know that they can
come to you if something goes wrong online. That's the first thing to do, not punishing the
children if they're coming to you and have done something wrong that has led them to a
situation that led them to a bit of trouble. Just be calm about that, and let them know that
you'll find help," sabi ni Jane French, executive director ng Child Wise.
Kung ang iyong anak ay biktima ng cyberbullying o naka-base sa litraton abuso
magsumbong sa pamamagitan ng eSafety Commissioner website
.Ang eSafety Commissioner website ay isang mabuting lugar upang maghanap ng mga
impormasyon tungkol sa kaligtasan sa internet at mga payo kung paano magsisimulang
makipag-usap sa iyong anak, ito ay makukuha sa iba't-ibang wika.Maari ding mag-download
ng CyberParent app na makukuha sa 17 magkaibang wika.

7
Sa iyong palagay makatutulong ba ang tekstong binasa sa paghubog ng iyong sarili, pamilya
at maging sa komunidada kung saan ka nabibilang? Ipaliwanag kung anong dulot nito sa
mga sumusunod:

Sarili______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Pamilya____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Komunidad_________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

GAWAIN 5: Malikhaing Pagkukuwento ng Panitikang Pambata


Pumili ng kuwentong pambata. Ikuwento nang malikhain ang napili habang ivinividyu ang
ginagawa at i-send sa guro ang natapos na awtput.
Tatayahin ang inyong pagkukuwento batay sa sumusunod na batayan.

Batayan ng Grado Kaukulang


Puntos
Malikhain at nakapupukaw ng interes ang pagkukuwento 10
Makabuluhan ang paksa ng kuwentong pambata. 10
Masigla at interaktibo ang pagkukuwento ng panitikang 15
pambata
Naisagawa nang maayos at sistematiko ang buong 15
aktibidad.
Kabuuan 50

Sanggunian
 Crizel Sicat-De Laza. 2017.Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa
Pananaliksik. Sta. Mesa Heights,Quezon City.Rex Printing Company,INC
 Lolita T. Bandril, Voltaire M. Villanueva, Alma Tang-Bautista, Diana F. Palmes. 2016. Pagbasa
at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik. Vibal Group Inc. 1253 Gregorio
Araneta Avenue, Quezon City, Philippines

8
Inihanda nina: Iniwasto ni: Pinagtibay ni:

TERESA P. SANTOS LOVELIE V. VERCELES PhD JOSE RAMIL A. SIBUN


RIZZA A. SEVIDAL Master Teacher I OIC-Asst. Principal II, Academics
ANA BELINDA B. BALISALISA
Mga Guro

You might also like