You are on page 1of 3

Modyul 2: Tekstong Naratibo

Tekstong Naratibo
• Tekstong nakatuon sa pagsasalaysay ng isang pangyayari sa kawili-wiling paraan, tila nagkukwento
tungkol sa tiyak na pagkakasunod-sunod na pangyayari.
• Naglalarawan at nagpapaliwanag ng mga bagay o pangyayaring naganap na masasalamin ang opinyon
at paniniwala ng may akda.
• Nararapat na maging maikli, kawili-wili sa mambabasa at sadyang nakahihikayat kung anuman ang
tinutunang damdamin.
• Gamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan layunin nito ang magkuwento
• Tinatawag na pagsasalaysay ang tekstong naratibo na maaring pasulat o pasalita. ito ay maaring ibatay
sa:
a. personal na karanasan na tuwirang nakita,narinig o nabasa
b. likhang isip o guni-guni

 Ang tekstong naratibo o pasalaysay ay  Ang tekstong naratibo ay ginagamit din


tumutukoy sa tekstong naglalahad ng sa mga ulat na naglalahad ng mga
katotohanan o impormasyon tungkol sa aktibidad ng isang kumpanya o
mga pangyayaring naganap, nagaganap o organisasyon, testimonya ng saksi sa
magaganap pa lamang. isang krimen o pangyayari, tala o record
 Ang tekstong naratibo ay karaniwang ng mga obserbasyon ng isang doctor,
kronolohikal o nakabatay sa puna o mungkahi ng guro sa report card
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, ng estudyante.
bagamat sa tekstong literari, madalas
naman ang paggamit ng flashback.

Iba pang halimbawa ay ang mga ulat, balita, pagpresenta ng mga datos o impormasyon sa isang
negosyo o kompanya, imbestigasyon, testimonya ng saksi sa isang sunog o krimen, at iba pa. Bagamat
karaniwa’y katotohonan at impormasyon ang nilalaman ng tekstong naratibo, maari rin naman sumulat ng
tekstong naratibo nagsasalaysay ng mga pangyayaring pawing kathang-isip lamang.

Ano ang pangunahing layunin ng pagbuo ng tekstong naratib?


Makapagbigay ng impormasyon o makapag-ulat tungkol sa pangyayari batay sa tamang pagkakasunod-
sunod ng mga detalye sa isang malinaw at masining na pamamaraan.

Iba’t ibang uri ng Tekstong Naratibo


a. maikli o mahabang kwento na binibubuo ng c. kwento ng paglalakbay o travelogue
pagkakaugnay na pangyayari.
d. talambuhay/ talaarawan
b. kasaysayan, mga kwento ng totoong
pangyayari e. atbp.

Kahingian ng Epektibong Narasyon


a) Orihinal at kawili-wiling paksa - upang maging kawili-wili ang isang paksa, nararapat na ito ay
maiuugnay ng mambabasa sa kanyang sarling karanasan, maari pa rin maging kawili-wili ang isang paksa
kung ito ay ihaharap sa paraang kakaiba at bago sa panlasa ng mambabasa.
Modyul 2: Tekstong Naratibo

b) Kawili-wiling pamagat - ang pamagat ang isa sa mahalagang bahagi ng isang pagsasalaysay kaya
nararapat na ito ay:
1. maikli 5. nagtatago ng lihim o nagbubulgar ng wakas
2. orihinal 6. hindi palasak
3. agaw-pansin 7. kapana-panabik
4. sinasaliksik 8. may kaugnayan o naangkop sa paksang diwa
ng komposisyon.

c) Nakagaganyak na panimula – ikalawang salik sa tekstong naratibo upang mahikayat ang mambabasa
na basahin ang teksto bukod sa pamagat mahalaga ang panimula, mabisang simulan ang panimula sa:
1. pagbuo ng makatawag pansing pangungusap 3. pagtatanong
2. paglalarawan sa tauhan 4. sipi o kasabihan

d) Kapana-panabik at magkakaugnay na daloy ng pangyayari.


e) Makahulugang wakas
f) Angkop na bokabularyo o salita
g) Malinaw at tiyak na layunin sa pagsasalaysay

Elemento ng isang Tekstong Naratibo


a) Banghay- balangkas o istruktura , sistemang kronolohiya ng isang salaysay Bahagi ng Banghay
1. Simula- Bahagi ng teksto kung saan ipinakikila ng mannunulat ang mga pangunahing tauhan.
2. Saglit na kasiglahan- bahagi ng teksto kung saan ipinakikita ng manunulat ang magandang kapalaran ng
tauhan.
3. Kasukdulan- bahagi ng teksto kung saan ang tauhan ay nakararanas na ng suliranin.
4. Kakalasan- bahagi ng teksto kung saan unti-unti nagkakaroon ng solusyon ang suliranin ng tauhan, ito
rin ang tulay sa wakas ng teksto.
5.Wakas- sa bahaging ito nagkaroon na ng kalutasan ang lahat ng suliranin ng tauhan.

b) Tauhan- nagbibigay buhay o tagaganap sa loob ng isang salaysay Uri ng Tauhan


1. Tauhang Bilog- uri ng tauhan kung saan nagbabago ang kalagayan sa pagtatapos ng kwento
2. Tauhang lapad- uri ng tauhan kung saan walang magaganap na pagbabbago sa kalagayan ng tauhan

Impormasyon tungkol sa pangunahing tauhan ng naratibo (Exposition)


1.1 Mga komplikasyon o pangyayari - dito nakikita ang maayos na pagkakasunod- sunod ng pangyayari
ng kuwento hanggang huli (Chain of Events)
1. 2. Katapusan o huling bahagi ng naratibo kung saan ang tauhan ay maaaring nagbago o may napulot
na aral mula sa pangyayari. (Resolution)
Modyul 2: Tekstong Naratibo

c) Tagpuan- mahalagang bigyan tuon ang tagpuan,mahalagang bigyan pansin din ang mga lugar na
karaniwan sa mambabasa, sapagkat tumutulong ito sa pagbibigay ng linaw sa paksa.
d) Suliranin- tunggaliang kinakaharap ng tauhan s teksto.
e) Himig- tumutukoy sa damdaming nais ibahagi ng manunulat.
f.) Paksa - ang pangunahing temang nakapaloob sa naratibo o salaysay.

Katangian ng Isang Mahusay na Tekstong Naratibo


1. Sumusuporta sa isang pangunahing tema o punto. Lahat ng pangyayari sa tekstong naratibo ay
sumusopurta sa pangunahing idea o punto.
2. Nagpapakita ng mahahalagang pagbabago, pagkakaiba, salungatan at tension. Ipinapakita dito ang
salungatan ng mga tauhan at ang nalilikhang tensyon sa kanilang pagtatagisan.
3. Nakapokus sa koneksyon sa pagitan ng mga pangyayari, mga tao, mga lugar noon at ngayon.
Ipinapakita nito ang kaugnayan ng mga pangayayari sa kasalukuyan at sa hinaharap.
4. Nagbibigay ng detalyadong obserbasyon ng mga tao, lugar p pangyayari. Sa isang mahabang tekstong
naratibo, kailangan ito upang lubos na maunawaan ang konteksto ng mga pangyayari.
5. Malikhain, hindi naluluma at may unibersal na dating.

Mga Katangian ng Mabisang Komposisyon:


1. May mabuting pamagat
2. Orihinal
3. Kapana-panabik
4. Makahulugan
5. Maikli

You might also like