You are on page 1of 12

Clarendon College

Odiong, Roxas, Oriental Mindoro

BANGHAY ARALIN

I. Layunin

 Nailalahad ang kahulugan ng pandiwa;


 Naipaliliwanag ang tatlong aspekto ng pandiwa; at
 Nagagamit sa pagbubuo ng makabuluhang mga pangungusap ang iba’t-ibang
aspekto ng pandiwa.
II. Paksang Aralin
Paksa: Pandiwa
Sangunian:
Kagamitan: blackboard, chalk, bola, speaker
III. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
a. Pagbabalik-aral
-Ano ang kahulugan ng maikling kwento?
-Anu-ano ang iba’t-ibang anyo ng Maikling kwento?
-Bakit mahalagang pag-aralan ang maikling kwento?
B. Pagganyak
May bagay na ipapasa-pasa kasabay ang saliw ng musika, at kapag ito’y
huminto, ang studyanteng may hawak ng bagay na iyon ay magbibigay ng
mha halimbawa ng mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw.
C. Paglalahad
1. Una sa lahat ay bigyang kahulugan ng pandiwa? Ang Pandiwa ay
salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigaybuhay sa isang lipon ng mga
salita. Ito ay binubuo ng salitang ugat at panlapi. Maaring gumamit ng isa
o higit pang panlapi sa pagbuo ng salitang kilos na ito.
2. Aatasan ang mag-aaral na magbahagi ng mga halimbawa ng pandiwa
at isusulat ito sa pisara.
3. Ibabahagi ng guro ang tatlong mahalagang aspekto ang Pandiwa?
1.) Perpektibo o naganap.
2.) Impektibo o pangkasalukuyan.
3.) Kontemplatibo o magaganap.
4. Para sa pagsasanay, atasan ang mga mag-aaral na lumikha ng
pangungusap gamit ang aspekto ng pandiwa. Isulat ito sa pisara.
D. Paglalahat
 Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapahayag kung kalian naganap o
nangyari ang isang kilos o galaw.
 Perpektibo o aspektong naganap- ito ay nagsasaad ng isang kilos na
kung saan ay tapos na o naganap na.
Halimbawa. Naalala ko pa ng unang beses kong Makita ang Maynila.

 Imperpektibo o pangkasalukuyan- ito ay nag lalarawan ng isang kilos


na lagging ginagawa o kasalukuyang nagaganap.
Halimbawa. Sa kasalukuyan, ako ay gumagawa ng aking takdang
aralin.

 Kontemplatibo- ito ay pandiwang nagsasaad na ang kilos o galaw ay


hindi pa nagagawa o nangyayari.
Halimbawa. Balang-araw papakasalan kita.

 Ano ang kahalagahan ng mga ito bilang isang mag-aaral?


IV. Pagtataya
Pangkatang Gawain: Pagpapangkatin ng guro ang mga magaaral. Ang
layunin ng pangkatan ay magamit ng mga magaaral ang iba’t-ibang
aspekto ng pandiwa sa mas komunikatibong pamamaraan. Buhat dito,
hihilingin ng guro na gamitin ng mga mag-aaral ang mga aspekto ng
pandiwa sa iba’t-ibang sitwasyon at ibabahagi ito sa buong klase.
V. Takdang Aralin
Sumulat ng sampung pangungusap at salungguhitan ang mga salitang
pandiwa na ginamit sa nasabing pangungusap. Isulat ito sa isang malinis
na papel.
Clarendon College
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro

BANGHAY ARALIN

I. Layunin

 Naipauunawa ang kahulugan, layunin at kahalagahan;


 Naibibigay ang mga aral mula sa binasang pabula; at
 Nakakalikha ng isang payak na kwentong pabula.
II. Paksang Aralin
Paksa: Pabula
Sangunian:
Kagamitan: Pantulong biswal, colored paper, pentelpen, bola, speaker
III. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
a. Pagbabalik-aral
-Ano ang kahulugan ng pandiwa?
-Anu-ano ang iba’t-ibang aspekto ng pandiwa?
-Bakit mahalagang pag-aralan ang pandiwa?
B. Pagganyak
Mag papaikot ng kahon na naglalaman ng iba’t-ibang uri ng hayop na
sinasabayan ng isang musika, kung kanino huminto ang musika at kahon
ay kanyang tutularin ang huni o tunog na ginagawa ng hayop at kung sino
ang makabubunot ng papel na blangko ay siyang sasagot sa ilang
katanungan.
Gabay na tanong?
a. Ano ang mga kabutihang naidudulot ng pagaalaga ng mga hayop.
b. Bukod sa nagsisilbing alaga, mayroon pa bang kabutihang naidudulot
ang mga hayop sa tao at sa mundo? ano ito?
C. Paglalahad
1. Tatalakayin ng guro ng maayos at nauunawaan ang kahulugan at
layunin ng pabula sa mga mag-aaral.
Pabula- isang uri ng kathang isip kung san ang mga hayop ang gumaganap
na tauhan.
Layunin- Naipapadarama ang pagunawa sa damdamin ng mga tauhan
batay sa diyalogong napakinggan.
- Nabibigyang puna ang kabisaan ng paggamit ng mga tahan na
parang taong nag sasalita sa pabula.
- Nabibigyang kahulugan ang mga pahayag na ginagamit sa
pabula.
2. Tatalakayin ang iba’t-ibang halimbawa ng pabula na kapupulutan ng
aral na maaring magamit o maisabuhay ng mga mag-aaral sa kanilang
pang-araw-araw na pamumuhay.
D. Paglalahat
 Ang guro ay magbibigay ng pagsasanay ukol sa mga nasabing
halimbawa ng pabula na ibinahagi sa klase.
 Susubukin ang mga mag-aaral na tukuyin ang kahalagahan ng isang
pabula sa buhay ng tao at mag replik sa mga aral na makukuha sa
kwento.
IV. Pagtataya
Pangkatang Gawain: Bumuo ng tatlong pangkat at lumikha ng maikling
pagtatanghal batay sa mga kwentong pabula na inyong nabasa o
napakinggan.
Pamantayan:
Malinaw na paglalahad ng kaisipan- 50%
Pagkamalikhain- 30%
Boses, Tindig, Partisipasyon- 20%
Kabuun: 100%
V. Takdang Aralin
Magtala ng dalawampong pabula na inyong nabasa sa aklat o magazine
sa paaralan o sa inyong tahanan. Isulat ito sa isang buong papel.
Clarendon College
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro

BANGHAY ARALIN

I. Layunin

 Naipauunawa ang kahulugan at kahalagahan ng parabula


 Naitatalakay ang bawat elemento o bahagi ng parabula sa mga mag-aaral
 Naibabahagi ang aral at kahalagahan ng isang Parabula sa loob ng klase
II. Paksang Aralin
Paksa: Parabula
Sangunian:
Kagamitan: Pisara, ginulong mga letra
III. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
a. Pagbabalik-aral
-Ano ang kahulugan ng pabula?
-Anu-ano ang layunin at kahalagahan ng pabula?
-Ano ang kahalagahan ng pabula sa buhay ng tao?
B. Pagganyak
Papangkatin ng guro sa dalawa ang klase at ibibigay ang mga ginulong
mga letra na kailangang buohin bago matapos ang itinakdang oras at
ididikit ito sa pisara kung saan ito napapaloob at ito’y ipapaliwanag kung
bakit doon ipinaloob ang mga letrang nabuo. Ang mga letrang mabubuo
ay nahahati sa dalawang kategorya maaring ito ay nakabilang sa maikling
kwento o sa parabula(10 minuto).
C. Paglalahad
1. Tatalakayin ng guro ng maayos at nauunawaan ang kahulugan ng
parabula sa mga mag-aaral.
Parabula- ito ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan ng
diin ang kahulugan. Ito ay madalas na hango sa Banal na kasulatan at
kwentong umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay.
2. Tatalakayin dn ng guro ang elemento o bahagi nito.
Elemento ng parabula:
1. tauhan
2. Tagpuan
3. Banghay
4. Aral o magandang kaisipan
2. Tatalakayin ang iba’t-ibang halimbawa ng pabula na kapupulutan ng
aral na maaring magamit o maisabuhay ng mga mag-aaral sa kanilang
pang-araw-araw na pamumuhay.
Halimbawa: Ang mabuting Samaritano, Ang alibughang anak, Talinhaga
tungkol sa tatlong alipin, Ang nawawalang tupa atbp.
4. Pipili ang guro ng isang kwentong parabula at ito’y ibabahagi sa buong
klase.
D. Paglalahat
 Ang guro ay magbibigay ng pagsasanay ukol sa ibinahaging parabula
sa klase.
 Susubukin ang mga mag-aaral na ipahayag o ibahagi ang aral na
nakulimbad o natutunan sa kwentong ibinahagi sa loob ng klase.
IV. Pagtataya
Pangkatang Gawain: Bumuo ng dalawang pangkat at lumikha ng maikling
pagtatanghal batay sa mga kwentong parabula na inyong nabasa o
napakinggan.
Pamantayan:
Malinaw na paglalahad ng kaisipan- 50%
Pagkamalikhain- 30%
Boses, Tindig, Partisipasyon- 20%
Kabuun: 100%
V. Takdang Aralin
Humanap ng kwentong parabula at isulat ang mga makukuhang aral na
na maaring makatulong sa paghubog ng sarili. Isulat ito sa inyong
kwaderno.
Clarendon College
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro

BANGHAY ARALIN

I. Layunin

 Naipauunawa ang kahulugan at kahalagahan ng Maikling kwento


 Natutukoy ang sangkap ng maikling kwento; at
 Naiisa-isa ang uri ng maikling kwento
II. Paksang Aralin
Paksa: Makling kwento
Sangunian:
Kagamitan: Pisara, chalk, tinutping papel
III. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
a. Pagbabalik-aral
-Ano ang kahulugan ng parabula?
-Anu-ano ang layunin at kahalagahan ng parabula?
-Ano ang kahalagahan ng parabula sa buhay ng tao?
B. Pagganyak
Para sa mga lalaki, bubunot sila ng isang tinupi-tuping papel na
naglalaman ng salitang “gwapo” at “macho ako”. Ang sinumang
makabubunot ng “macho ako” ay pupunta sa harapan at magbabahagi ng
kwentong nabasa o napakinggan na talagang tumatak sa kanyang puso at
isipan.
C. Paglalahad
1. Ipapaliwanag ng guro ang Kahulugan ng Maikling kwento ng maayos at
nauunawan ng mag-aaral.
Maikling kwento- isang masining na anyo ng panitikan na may isang
kakintalan ang paglalarawan at paglalahad.
2. Mag tatawag ang guro ng mag-aaral upang magbahagi ng kahalagahan
nito
3. Tatalakayin ng guro ang sangkap ng Maikling kwento
 Tauhan, tagpuan, banghay, pananalita at tema
D. Paglalahat
 Itinalakay ng guro ang uri ng maikling kwento sa klase.
-Kwentong makabanghay, kwentong katutubong kulay, kwento ng
kababalaghan, kwento ng tauhan, kwentong katatawanab,
kwento ng pag-ibig, kwento ng kaisipan o sikolohikal, kwento ng
talino, kwento ng pampagkakataon, at kwento ng kapaligiran.
 Ang guro ay magbibigay ng pagsasanay tinalakay sa klase
IV. Pagtataya
Kumuha ng kalahati ng papel at sagutan ang sumusunod:
1. Ano ang kahulugan ng maikling kwento para sayo?
2. Ano ang kahalagahan nito sa buhay ng tao?
3. isulat ang sangkap ng maikling kwento.
4. Ano ang iba’t-ibang uri ng maikling kwento?
V. Takdang Aralin
Magbasa ng isang uri ng maikling kwentong gusting-gusto mo. Gumawa
ng buod hinggil dito at ibahagi sa klase.
Clarendon College
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro

BANGHAY ARALIN

I. Layunin

 Nailalahad ang kahulugan ng Tekstong Deskriptibo;


 Napapatalas ang isip sa paghula sa mga karawan na ipapakita; at
 Nakakasulat ng halimbawa ng tekstong deskriptibo
II. Paksang Aralin
Paksa: Tekstong Deskriptibo
Sangunian:
Kagamitan: blackboard, chalk, mga larawan, pantulong biswal
III. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
a. Pagbabalik-aral
-Ano ang ating napag-aralan kahapon?
B. Pagganyak
-Bago tayo magsimula sa ating talakayan ngayong araw, gusto kung
magsitayo na muna ang lahat at humarap sa katabi. Kilalanin ang inyong
katabi at ilarawan ninyo base sa inyong nakikita at pagkakakilala. Ibahagi
ninyo ito sa buong klase.
C. Paglalahad
1. ipapaliwanag ng guro ang kahulugan ng Tekstong deskriptibo.
Tekstong deskriptibo- isang pagpapahayag ng impresyon o kakintalang
likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig, at
pansulat.
2. Ibabahagi ng guro ang dalawang paraan ng paglalarawan.
o Batay sa Obserbasyon
o Batay sa nararamdaman

3. Susubukin ang mga mag-aaral patungkol sa itinalakay sa klase.

D. Paglalahat
 Magpapaskil ng isang larawan ng pulubi, at
 Magpapaskil ng isang masayang bata at isang maruming paligid na
ipapalarawan sa mga mag-aaral, at
 Magtatanong ang guro patungkol sa ibinahaging larawan.
o Sa inyong palagay ano kaya ang ipinahihiwatig ng larawan?

IV. Pagtataya
Mag bibigay ang guro ng Pagtataya patungkol sa itinalakay sa klase.
Mga katanungan:
1. Ibigay ang kahulugan ng Tekstong deskriptibo.
2-6. Ano ang limang pandama na nabangit?
7-8. Ano ang dalawang uri ng paglalarawan?
9-10. Mag bigay ng dalawang halimbawa ng Tekstong deskriptibo.
V. Takdang Aralin
Sumulat ng isang sanaysay o halimbawa ng tekstong deskriptibo.

You might also like