You are on page 1of 6

Teodoro M.

Luansing College of Rosario


Namunga, Rosario, Batangas

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


Name of Teacher: Kimberly S. Gamboa
Subject:Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Reference:Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-
Teksto tungo sa Panananaliksik Ibang Teksto tungo sa Panananaliksik
Academic Year: 2020-2021 Author: Crizel Sicat-De Laza
Semester:Second Topic: Mga Batayang Kaalaman sa
Mapanuring Pagbasa
Quarter: 3 Pages: 2-16
Duration: 1Week Module: 1

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Nasusuri ang iba’t-ibang uri ng binsang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan
sa bansa.
CODE: F11PT – IIIa – 88 F11PB – IIIa – 98
I. MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO (LEARNING OBJECTIVES) :
1. Natutukoy ang kahulugan at pangunahing layunin ng mapanuring pagbasa,
2. Natutukoy ang mga uri at antas ng pagbasa,
3. Nakagagawa ng anotasyon ng mga tekstong binasa.
4. Naiisa-isa ang mahahalagang detalye at salitang ginamit mula sa tekstong binasa.
II. PANIMULA (INTRODUCTION)
“Huwag kang Magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga
matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang Mabuhay.” Isang pag-aaral na winika
ni Gustave Flaubert.
Ang pananaw na ito ay nagpapahiwatig na bukod sa mga layunin ng pagbasa upang
malibang at matuto, mas malalim at malawak pa ang naibibigay ng pagbabasa upang tayo ay
mabuhay. Ibig sabihin, mahalaga ang proseso ng asimilasyon ng anomang binabasa sa buhay ng
isang tao. Maaring ipagpakahulugan na ang asimilasyon ay ang pakikipag-ugnayan ng mambabasa
sa binabasa o kaya’y paglalapat ng natutuhan sa aktuwal na pamumuhay ng nagbabasa.

Binibigyan tayo ng pagbasa ng iba’t-ibang paraan kung paano uunawain at susuriin ang
mundo at mula sa pagsusuring ito, tinatangka nating baguhin ang realidad batay sa kung ano ang
ideyal. Ang ideyal ay nangangahulugan na pagsusuri sa iba’t-ibang karanasan ng tao at lipunan
batay sa nababasa. Isang magandang halimbawa nito ay si Matilda, isang bata na may malalim na
Teodoro M. Luansing College of Rosario
Namunga, Rosario, Batangas

pagbibigay ng ugnayan sa kanyang binasa mula sa mga akda at kuwentong pambata na isinulat ni
Road Dahl kung saan bilang isang mambabasa sa murang edad ay dinadala niya ang kanyang sarili
sa mundo ng kanyang binabasa. Nagiging makulay para sa kanya ito sapagkat inilalagay niya ang
sarili bilang isang mahalagang karakter sa isang kwento. Ganito kung paano isinassabuhay ng isang
mambabasa ang kanyang binabasa bilang pagbibigay ng malalim na pagpapakahulugan at
pagpapahalaga.

Kaugnay ng unang pagpapakahulugan at batayang kaalaman sa pagbasa lubos pang


pagyayamanin ng araling ito ang mga mahahalagang detalye ukol sa pagbasa. Halina’t sabay sabay
nating pagyamanin ang ating mga karanasan, karunungan at kaalaman.

III. DEVELOPMENT

Mga Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa

Kahulugan ng Pagbasa
Ayon kina, Anderson et al. (1985), ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan
mula sa mga tekstong nakasulat. Sa kahulugang ito mahihinuha na hindi lamang ang teksto ang
pinagmumulan ng kahulugan kapag nagbabsa ang isang tao, kundi ang iba pang posibleng
makapagpapalalim at makatutulong sa pag-unawa sa kahulugan.

Sa pagbasa, mahalaga ang imbak na kaalaman o (stock knowledge) ng isang nagbabasa


upang mas malalim na mauunawaan ang mga konsepto at impormasyong natatagpuan sa tekstong
binabasa. Mahalaga rin ang mga nauna nang kaalaman sa wika at pagkaka-ayos nito upang
maunawaan ang binabasa. Ang mga kaalaman na ito ay maaring makuha, mula sa pinakikinggan,
nakikita at kabuuang pagdanas ng isang mambabasa sa realidad, lagpaspa sa nababasa mula sa
teksto.

Tinitiyak nina Wixson et al. (1987) sa kanilang pagpapakahulugan sa pagbasa, tinukoy nila
ito bilang isang proseo ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon ng:
(1) Imbak o ang umiiral nang kaalaman ng mambabasa;
(2) Impormasyong ibinibigay ng tekstong binasa;
(3) Konteskto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa.

Kaalamang Pag-aaral ng Bokabulary


Katatasan komprehensyon
Ponemiko Ponolohiya o

Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng


bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan. Mahalaga ang interaksyon sa pagitan
ng teskto at mambabasa na hinuhulma ng mga paniniwala, kaalaman at karanasan ng mambabasa
at ng kultural at panlipunang kontekstong kinalalagyan niya. Ang proseso ng pagbasa ay
Teodoro M. Luansing College of Rosario
Namunga, Rosario, Batangas

nangangailangan ng patuloy na pagsasanay, pagpapaunlad, at pagpipino ng kasanayan. Dagdag


pa, kailangan ang pagiging malikhain at kritikal na pag-iisip sa pagbabasa. Hindi sapat ang
pagpapakahulugan sa pagbasa bilang simplistikong pagsasalin ng nakalathalang simbolo sa
pasalitang anyo. Laganap na ang mga pag-aaral na hindi nakokompleto ang proseso ng pagbasa
ng teksto hangga’t hindi nagagamit ang makabuluhan at angkop na imbak na kaaalaman upang
komprehensibo itong unawain.

Dalawang pangkalahatang Kategorya ng Mapanuring Pagbasa


Intensibo at Ekstensibong Pagbasa
Intensibo. Pagbasa na may kinalaman sa masinsin at malalim na pagbasa ng isang tiyak na
teskto. Madalas na tinatawag itong “ narrow reading” sapagkat piling babasahin lamang hinggil
sa isang paksa ang pinagtutuunan ng pansin ng mambabasa o kaya’t iba’t-iba ngunit
magkakaugnay na paksa ng iisang manunulat. Mula kay Douglas Brown ito ay ang pagsusuri ng
kaanyuang gramatikal, panandang diskuro at iba pang detalye sa estruktura upang maunawaan ang
literal na kahulugan, implikasyon at retorikal na uganayan ng isang akda. Inilarawan niya ang
intensibong pagbasa bilang isang gawaing gumagamit ng estratehiyang zoom lens o ng malapitan
at malalimang pagbasa sa isang teksto.

Ayon naman kina Long at Richards (1987) ang intesibong pagbasa ay detalyadong
pagsusuri ng isang teksto sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay ng isang guro kung paano ito
susuriin.

Ang uri ng pagbabasa ng ito ay kinapapalooban ng malalim na pagsusuri sa pagkakaugnay-


ugnay, estruktura at uri ng diskurso sa loob ng teksto, pagtukoy sa mahahalagang
bokabularyoginamit ng manunulat at paulit-ulit at maingat na paghahanap ng kahulugan. Sa
ganitong uri ng pagbasa, nakatutulong ang pagbabalangkas o paggawa ng larawang konseptuwal
upang lubos na maunawaan ng mag-aaral ang isang teksto.

Ekstensibo. Pagbasa na may kinalaman sa pagbasang masaklaw at maramihang


materyales. Ayon kina Brown (1994), ito ay isinasagawa upang makakuha ng pangkalahatang pag-
unawa sa maramihang bilang ng teksto.

Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa ganitong uri ng pagbasa ay upang makuha


lamang ang “gist” o pinaka-esensya at kahulugan ng binasa na hindi pinagtutuunan ng pansin ang
mga salitang Malabo o hindi alam ang kahulugan. Layunin ng ekstensibong pagbasa na
maunawaan ang pangkalahatang ideya ng teksto at hindi mga ispesipikong detalye na nakapaloob
dito.

Sa pag-aaral na “Top Ten Principles for Teaching Extensive Reading” nina Richard Day
at Julian Bamford (2002), tinutukoy nila ang sampung katangian ng matagumpay na programa sa
ekstensibong pagbasa:
1. Angkop ang materyales sa kakayahang panglinggwistika (Bokabularyo at gramatika ng
mga mag-aaral.
2. Mayroong magagamit na sari-saring materyales sa iba’t- ibang paksa.
3. Pinipili ng mag-aaral ang gusto nilang basahin.
Teodoro M. Luansing College of Rosario
Namunga, Rosario, Batangas

4. Nagbabasa ang mga mag-aaral na napakaraming teksto hangga’t maari.


5. Ang layunin ng pagbasa ay may kaugnayan sa interes at kasiyahang-loob ng mambabasa,
pagkuha ng impormasyon, at pangkalahatang pag-unawa.
6. Ang nakamit na pagkatuto ang mismong gantimpala sa pagbasa at hindi ano pa mang grado
o premyo.
7. Mabilis ang pagbasa.
8. Ang pagbasa ay indibiduwal at tahimik.
9. Ipinapaliwanag ng guro sa mga mag-aaral ang kabuuang layunin ng programa.
10. Ang guro ay modelo ng mga mag-aaral sa kasikyahan sa pagbasa.

Scanning at Skimming na Pagbasa


Ayon kay Brown ang dalawang ito ay may pinakamahalagang estratehiya sa ekstensibong
pagbasa.

Ang scanning ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang
ispesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa. Kinapapalooban ito ng bilis at takas ng
mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang
impormasyon. Dito may paunang pag-alam o pagkaunawa na sa hinahanap na impormasyon at
ang layunin ay matiyak ang katumpakan nito na makikita sa mga libro o ibapang sanggunian.

Ang skimming naman ay mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng
kabuuang teksto. Kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teskto at kung
ano ang layunin at pananaw ng manunulat.

Ginagamit ang skimming kapag may pangkalahatang tanong tungkol sa isang akda.
Nakatutulong ito sa pagdedesisyon ng mambabasa kung magpapatuloy siya sa pagbasa at
pagpapalalimsa isang akda at kung anong uri ng pagdulog ang gagamitin kung babasahin pa niya
ito nang mas malaliman. Sa skimming , nauunawaan ng isang mag-aaral ang kabuluhan ng teksto
kahit hindi iniiisa-isa ang kahulugan ng bawat salita at pahayag dito. Ginagamit ang skimming
bilang bahagi ng metodolihiyang SQRRR (Surveying, Questioning, Reading, Reviewing, at
Reciting).

Upang maging sistematiko ang paggawa ng mga bibliyograpikal na anotasyon. Ang


anotasyon ay nalalaman ng maikling deskripsyon sa anyo at nilalaman ng isang akda. Sa
pamamagitan ng mabilisang pagbasa, nagkakaroon ng kabuuang pag-unawa ang mananaliksik sa
mahahalagang nilalaman at pangkalahatang impormasyon ng akda.

Antas ng Pagbasa
Primarya. Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pagtulong upang makamit aang
literasi sa pagbasa. Ang mga kakayahan sa pagbasa sa antas na ito ay kinapapalooban lamang ng
pagtukoy sa ispesipikong imporamasyon gaya ng petsa, setting, lugar o mga tauhan sa isang teksto.
Itinuturing namagkakahiwalay ang impormasyong ito na mahirao para sa bagong mambabasa
upang makabuo ng kabuuang hinihua at pag-unawa sa teskto. Nauunawan llamang ang hiwa-
hiwalay na imporamasyon sa literal na antas at hindi nakabubuo ng interpretasyon mula sa
pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.
Teodoro M. Luansing College of Rosario
Namunga, Rosario, Batangas

Halimbawa, sa pagbasa ng isang maikling kuwento, natutukoy ng mambabasa kung sino


ang mga tauhan, katangian nila, setting at ng mga pangyayari sa kuwento, ngunit hindi niya
mabubuo ang kabuuang interpretasyon nito. Sa antas na ito, hindi rin agad nauunawaan ang
metapora, imahen at iba pang simbolismong ginagamit sa akda.

Mapagsiyasat. Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at


nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito. Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay
ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa isang teskto ang mambabasa upang matukoy
kung kakailanganin nita iti at kung maari itong basahin nnag mas malalim.

Ang pagtigil sa antas na ito ay angkop lamang at dapat gawin kung hindi na nakikita ang
halaga ng materyales na binabasa sa gibagawang pag-aaral. Ngunit para sa karamihan ng
nananaliksik, ang antas na ito ang panimulang pagbasa para sa paghahanda sa mas malalim pang
pag-unawa at pananaliksik.

Analitikal. Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip


upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat.
Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan at kung katotihanan o opinyon
ang nilalaman ng teksto. Upang makamit ito, kailangang isagawa ng mambasa ang sumusunod:

• Tukuyin kung saang larangan nakapaloob ang teksto.


• Ibalangkas ang teskto batay sa kabuuang estruktura o kung paano ito inayos ng may-akda.
• Tukuyin ang suliranin na tinatangkang bigyang-linaw ng may-akda.
• Unawain ang mahalagang terminong ginagamit ng may-akda tungo sa pag-unawa ng
kabuuang teksto.
• Sapulin ang mahahalagang proposisyon ng may-akda.
• Alamin ang argumento ng may akda.
• Tukuyin sa bandang huli kung nasolusyunan o nasagot ba ng may-akda ang suliranin ng
teksto.
• Tukuyin kung saang bahagi ng teksto nagkulang, nagkamali o naging ilohikal ang
pagpapaliwanag ng may-akda.

Sa kabuuan, ang mapagsiyasat na antas ng pagbasa ang maghahawi tungo sa analitikal na


pagbasa. Malalim at mapanuri naman ang layunin ng analitikal na antas ng pagbasa.

Sintopikal. Mula sa analitikal na pagbasa ng limang aklat ay maari ka nang maging


eksperto sa isang tiyak na paksa batay sa kung ano ang sinasabi ng mga manunulat sa mga aklat
na iyong binabasa. Sa sintopikal na pagbasa, nakabubuo ka ng sariling perpektiba o pananaw sa
isang tiyak na laangan mula sa paghahambing ng mga akdang inunawa mo.

Ang sintopikal na pagbasa ay hindi lamang pag-unawa sa mga nariyan nang mga eksperto
sa isang larangan o disiplina, kundi ang pagbuo ng sariling Sistema ng kaalaman at pag-unawa
mula sa pagbasa sa mga ekspertong ito. Ang mga aklat na binabasa mo ay mga kasangkapan
Teodoro M. Luansing College of Rosario
Namunga, Rosario, Batangas

lamang upang maunawaan mo ang mga kaalaman na naipundar na ng mga naunang iskolar. Sa
antas ng pagbasa na ito, sa pamamagitan ng sistematikong paraan, pinaghahalo ang mga
impormasyon mula sa aklat at ang sariling karanasan at kaalaman upang makabuo ng uganayan at
bagong mga pananaw at kaalaman. Ibig sabihin, sa antas na ito ng pagbasa, itinutuing mo na rin
ang sarili bilang isa sa mga eksperto ng iyong binasa.

Narito ang limang hakbang tungo sa sintopikal na pagbasa:


1. Pagsisiyasat. Kailangang tukuyin agad ang lahat ng mahahalagang akda hinggil sa isang
paksang nais pag-aralan. Mula sa mga ito, kailangang tukuyin kung ano ang mahahalagang
bahagi na may kinalaman sa pokus ng iyong pag-aaral.
2. Asimilasyon. Sa pamamagitan ng paraang ito, tinutukoy mo ang uri ng wika at
mahahalagang terminong ginamit ng may-akda upang ipaliwanag ang kaniyang kaisipan.
3. Mga tanong. Tinutukoy ang mga katanungang nais sagutin na hindi pa nasasagot at
malabong maipaliwanag ng may akda. Kailangang iba ang mga tanong na ito sa mga
suliraning binubuo ng mga naunang eksperto.
4. Mga isyu. Lumilitaw ang mga isyu kung kapaki-pakinabang at makabuluhan ang nabuo
mong tanong tungkol sa isang paksa at may magkaibang pananaw ang mga binasang akda
tungkol sa partikular na suliraning ito.
5. Kumbersasyon. Ang pagtukoy sa katotohanan batay sa sintopikal na pagbasa ay hindi ang
pangunahing punto at layunin sapagkat laging kuwestiyonable ang katotohanan. Ang
halaga ng pagakatuto ay nagmula sa mayamang diskuro at diskusyon sa pagitan ng mga
eksperto, kabilang na ang sarili. Sa kumbersasyon o paguusap, nag-aambag ka ng bagong
kaalaman na hindi inuulit ang sinasabi ng mga naunang eksperto.

You might also like