You are on page 1of 4

Teodoro M.

Luansing College of Rosario


Namunga, Rosario, Batangas

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


Name of Teacher: Kimberly S. Gamboa
Subject:Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Reference:Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-
Teksto tungo sa Panananaliksik Ibang Teksto tungo sa Panananaliksik
Academic Year: 2020-2021 Author: Crizel Sicat-De Laza
Semester:Second Topic: Mga Kasanayan sa Mapanuring
Pagbasa
Quarter: 3 Pages: 18-30
Duration: 1 Week Module: 2

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Nasusuri ang iba’t-ibang uri ng binsang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan
sa bansa.
CODE: F11PB – IIIa – 98 F11PS – IIIb – 91
I. MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO (LEARNING OBJECTIVES) :
1. Natutukoy ang paksang tinalakay ng iba’t-ibang tekstong binasa;
2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng kakayahang kumuha ng taala ng mahahalagang puntos
ng binasang teksto;
3. Nakapagsusuri at nakapagbibigay ng sariling opinyon sa tekstong binasa;
4. Nakasusulat ng mga halimbawang pahayag na nagpapakita ng katotohanan at opinyon; at
5. Nakapagtatala ng kahalagahan ng pagbasa sa personal na buhay.
II. PANIMULA (INTRODUCTION)
Sa nakaraang aralin, isa-isang tinalalakay ang iba’t-ibang antas ng pagbasa. Lahat ng antas
ay pagdadaanan ng mambababwa upang makamit ang pinakamataas na uri ng pagbasa, ang
sintopikal na pagbasa. Higit pa sa komprehensyon o pag-unawa sa teksto kinakailangang maging
mapanuri at kritikal sa anumang uri ng pagbasa.

Iba’t iba ang kasanayan na dapat paunlarin sa bawat bahagi ng proseso ng pagbasa. Sa
kanuuan, mahahati ang mga kasanayan sa tatlong bahagi: Bago Magbasa, Habang Nagbabasa at
Pagkatapos Magbasa.

III. DEVELOPMENT
Teodoro M. Luansing College of Rosario
Namunga, Rosario, Batangas

Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa

Bago Magbasa
Sinisimulan ang pagbsa sa pagsisiyasat ng tekstong babasahin. Ang pagsusuri ng panlabas
na katangian ng teksto ay mahalaga upang malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa
uri at genre ng teksto o kinakailangan bai to ayon sa itinakdang layunin ng pagbasa.
Kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan ng mabilisang
pagtingin sa mga larawan, pamagat at pangalawang pamagat sa loob nf aklat. Sa bhaging ito,
iniuugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbaj at kaligirang kaalaman upang lubusang masuri
kung anong uri ng teksto ang babasahin. Nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon kung
tungkol saan ang isang teksto batay sa isinagawang pagsisiyasat. Ito ang pagsisimula ng
kognitibong proseso.

Habang Nagbabasa
Sa bahaging ito, lumalawak at umuunlad ang bokabularyo ng mambabasa. Narito ang ilan
pang pamamaraan upang maging epektibo ang pagbasa:

• Pagtantiya sa bilis ng pagbasa. Binabago-bago ng mambabasa ang bilis o bagal ng


pagbasa batay sa hirap ng teksto at personal na kakayahan sa pagbasa.
• Biswalisayon ng binabasa. Gamit ang mga impormasyon mula sa teksto at imbak
kaalaman upang bumuo ng mga pahiwatig o konklusyon sa kalalabsan ng teksto.
• Pagbuo ng koneksyon. Pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng teksto at imbak kaalaman
upang matiyak ang komprehensyon.
• Paghihinuha. Pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman upang
bumuo ng mga pahiwatig at kongklusyon sa kalalabasan ng teksto.
• Pagsubaybay sa komprehensyon. Pagtukoy sa mga posibleng kahirapan sa pagbasa ng
teskto at paggawa ng mga hakabang upang masyolusyunan ito. Halimbawa kung may isang
salitang mahalaga at susi upang maunawaan ang buong teksto, maaring sumangguni sa
disyunaryo ang mambabasa.
• Muling Pagbasa. Muling pagbasa ng isang bahagi o ng kabuuan ng teksto kung
kinakailangan kapag hindi nauunawaan.
• Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto. Paggamit ng iba’t-ibang estratehiya upang
alamin ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita batay sa iba pang impormasyon sa
teksto.

Mababaw ang komprehensyon kung hindi mananatili sa isip ng mambabasa ang natutuhan nila.
Sinisimulan ng isang aktibong mambabasa ang paglilipat ng impormasyon sa matagalang
memorya sa pamamagitan ng elaborasyon, organisasyon at pagbuo ng mga biswal na imahen.

Ang elaborasyon ay ang pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong ideya sa impormasyong


natutuhan mula sa teksto.
Teodoro M. Luansing College of Rosario
Namunga, Rosario, Batangas

Ang organisasyon ay pagbuo ng koneksyon sa pagitam mg iba’t ibang bahagi ng


impormasyon na nakuha sa teksto.

Ang pagbuo ng biswal na imahen ay paglikha ng mga imahen at larawan sa isipan ng


mambabasa habang nagbabasa.

Pagkatapos Magbasa
Upang maipagpatuloy ang malalim nap ag-unawa at pag-alala sa teskto kahit natapos na
ang proseso ng pagbasa, mahalagang isagawa ng isang mambabasa ang sumusunod:

• Pagtatasa ng komprehensyon. Sagutin ang iba’t ibang tanong tungkol sa binasa upang
matasa ang kabuuang komprehensyon o pag-unawa sa binasa.
• Pagbubuod. Sa pamamagitan ng pagbubuod, natutukoy ng manunulat ang pangunahing
ideya at detalye sa binasa.
• Pagbuo ng sintesis. Halos kagaya rin ito ng pagbubuod, ngnit bukod sa pagpapaikli ng
teksto, ang pagbuo ng sintesis ay konapapalooban ng pagbibigay ng perspektiba at
pagtingin ng manunulat batay sa kaniyang pag-unawa.
• Ebalwasyon. Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng mga
impormasyong nabasa sa teksto. Sa bahaging ito, tinutukoy niya rin kung ano ang halaga
at ugnayan ng teksto sa layunin ng pagbasa.

Kapag nagawa na ng isang mambabasa ang mga nabanggit, natitiyak na magiging


makabuluhan ang karanasan sa pagkatuto at makakuha ng mahahalagang impormasyon na hindi
agad mawawala sa alaala ng mababasa. Bukod sa mga nabanggit na kasanayan na dapat linangin
habang nagbabasa, makatutulong din ang iba pang pamamaraam sa pagpapayaman ng karanasan
sa pagbasa.

Pagkilala sa Opinyon o Katotohanan

Ang pagtukoy kung opinyon o katotohanan ang isang pahayag ay mahalagang kasanayan
ng isang mambabasa, lalo na’t napakarami nang iba’tibang impormasyon ang maaring makuha sa
internet. Ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa
pamamagitan ng empirikal na karanasan, pananaliksik o pangkalahatang kaalaman o
impormasyon. Ang opinyon naman ay mga pahayag na nagpapakita ng preperensya o ideya batay
sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao. Maaring kakitaan ito ng mga panandang diskurso
tulad ng “sa opinyin ko”, “para sa akin”, “gusto ko”, o sa “tingin ko.”

Halimbawa, maituturing na katotohanan ang pahayag na:

Si Pangulong Benigno Aquino III ang kasalukuyang pangulo ng Republika ng Pilipinas.


Teodoro M. Luansing College of Rosario
Namunga, Rosario, Batangas

Habang opinyon naman ang pahayag na:

Para sa akin, si Pangulong Benigno Aquino III lamang ang kaisa-isang pangulo na
sumugpo sa korupsiyon sa gobyerno sa Pilipinas.

You might also like