You are on page 1of 29

1

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Panimula

Ang kakayahan sa pagbasa ng isang mag-aaral sa akdang sanaysay ay

isang napakahalaga sa aspektong pamumuhay ng isang mag-aaral. Isa sa

hangarin nito ay upang maunawaan ang mga nakalimbag na mga salita o

simbolo na nakasulat sa bawat pangungusap ng isang akda. Kung walang pag-

unawa ay mawawalan ng saysay ang isang binabasang sanaysay o akda.

Nariyan ang mga kabataang nagkakaroon ng kahirapan sa larangan ng

pagbasa sapagkat ang mga ito ay hindi gaanong nauunawaan ang kanilang

binasa. Ayon kay Baltazar (2005), ang pagbasa ay instrumento sa pagkatuto ng

mga kaalaman batay sa iba’t ibang aspektong pamumuhay ng mga mag-aaral.

Ang isang mag-aaral na mahilig sa pagbabasa ay may mas malaking

posibilidad na maipasa niya ang mga pagsusulit na ilalahad ng guro kaysa sa

hindi palabasa, sapagkat sa kanyang pagbabasa ay mas nadaragdagan ang

kanyang kaalaman, lumalawak ang pag-unawa at mga karanasan. Mas

nahahasa ang kaisipan ng isang mag-aaral na mapalawak ang kanyang

bukabularyo, mga argumentong pangangatwiran at nababatid ang implikasyon

ng kanyang binabasa.

Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay ng inspirasyon sa mananaliksik upang

maisagawa ang kasalukuyang pag-aaral sa unang taon sa Koliheyo ng mga

Nagpapakadalubhasa sa Filipino ng Ramon Magsaysay Memorial Colleges.


2

Ang naturang pag-aaral ng mananaliksik ay masasabing napapanahon at

naaangkop sa kasalukuyang pananaliksik.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mabigyang pansin ang kahusayan ng

mga mag-aaral sa pagbasa ng sanaysay at implikasyon sa pag-unawa ng

unang-taon sa kolehiyo ng nagpapakadalubhasa sa Filipino ng Ramon

Magsaysay Memorial Colleges, Akademikong Taon, 2018-2019.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, hinahangad ng mananaliksik na

masagutan ang sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang antas ng kahusayan sa pagbasa ng isang sanaysay?

2. Ano ang implikasyong nabubuo sa resulta ng pag-aaral?

Balangkas ng Teoritikal

Ang teoryang Itaas – Pababa (top-down) ito ay paniniwala na ang pag-

unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa na mayroon nang dating

kaalaman at karanasan. Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay

nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down) na ang ibig sabihin, ang pag-

unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng tekstong binasa. Ang impormasyon

ay galing sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994).

Sa teoryang ito, ang pag-unawa sa binabasa ay nagsisismula sa ispi ng

mambabasa (top) tungo sa teksto o akdang binabasa (down).

Naimpluwensiyahan ang teoryang ito ng sikolohiyang Gestalt na nagsasabing

ang pagbasa ay isang “holistic process”.

Ayon kay Kenneth Goodman (1967), ang pagbasa ay isang


3

saykolinguwistikong larong pahulaan (psycholinguistic guessing game). Sa

larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing “taya” kung saan siya ay bumubuo ng

sariling hula, hinuha at ipotesis kaugnay ng tekstong binasa. Sa teoryang ito, ang

mambabasa ang sentro ng proseso ng pagbasa sa halip na ang teksto dahil ang

mambabasa ay madalas nang may dating kaalaman o iskema tungkol sa paksa.

Samakatuwid, sa teoryang ito, ang mambabasa ay higit na nakapokus sa kung

ano ang alam niya upang maunawaan ang binabasa.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay may malaking tulong sa mga sumusunod:

Mga Mag-aaral. Ang pananaliksik ay nakatutulong sa mga mag aaral batay sa

kanilang natutunan at sa kanilang kamalayan ukol sa iba’t ibang estratehiya sa

pagbabasa. Upang maging interesado at magkaroon ng lakas ng loob sa pag

unawa sa binabasa.

Mga Guro. Malaki ang tulong para sa mga guro na malaman nila ang kahusayan

ng mga mag-aaral sa pagbasa na ang ibig sabihin nakikinita sa kanya ang

kahusayan sa pagtuturo ng pagbasa.

Mga Magulang. Nakatutulong sa mga magulang ang pag-aaral na ito na sila’y

magkakaroon ng kamalayan na ang kani-kanilang anak ay mataas ang antas sa

pagkatuto ng pagbasa

Administrador ng Institusyon. Maging giya ng institusyon na ang mabuti at di-

mabuting resulta ng pag-aaral na ito ay magpatuloy silang susuporta sa lalong

ikaangat ng pagtuturo at pagkuha ng kaalaman ng mga mag-aaral.


4

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakaangkla lamang sa kahusayan ng mga

mag-aaral sa pagbasa ng sanaysay at ang implekasyon nito sa pag-unawa ng

nagpapakadalubhasa sa Filipino.

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa mga mag-aaral na nasa unang taon

sa ilalim ng Departamento ng Edukasyon na nagpapakadalubhasa sa Filipino.

Katuturan ng Salitang Ginamit

Upang mas madaling maunawaan ang salitang ginamit, ang katawagan

na nakatala sa ibaba ay bibigyan ng katuturan ayon sa paraan ng paggamit ng

mananalisik sa kanyang pag-aaral.

Kahusayan sa pagbasa ng sanaysay. Upang malaman kung gaano katatas

umunawa sa isang binabasang akdang sanaysay ang isang mag-aaral sa mga

salita o mga mensaheng nakapaloob. Ito ay isang paraan upang malaman ang

antas ng kahusayan sa binabasang sanaysay ang isang mag-aaral.


5

Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITIRATURA

Lokal na Pag-aaral

Sa kasalukuyan, madalas na nating nababasa ang sanaysay sa iba’t

ibang lathalain, blogging sites, mga kritisismo na makikita sa mga e-journal na

pahayagan o organisayon. Ang salitang “blog” na kabahagi na ng pamumuhay

ng mga mambabasa dahil sa dam ng taong tumatangkilik nito. Ito ay

nagmimistulang mga tala na mababasa sa Internet.

Ayon kay Lucero et. al. (1999), sa pagbabasa ng sanaysay, maaaring

gamitin ang paglalarawan, pananalinghaga, pagkukuwento, pag-aanalisa, at

marami pang iba. Ang paraan ng mambabasa upang maunawaan ang sanaysay

na binasa ay bumabatay sa interes, panlasa, at pagpapahalaga sa akdang

binasa.

Ayon kay Pagdanganan-Obrique (2001), nagsisilbi itong makenaryasa

pangangalap ng mga akdang babasahin tulad ng meditasyon, sermon, dayalogo,

pag-aaral ng mga wika, at pagpapaliwanag ng prinsipyong katolisismo. Ang

pagbabasa ng isang sanaysay ay nagbibigay impormasyon na nagiging kabtiran

hinggil sa karanasan sa buhay at pakikipagsapalaran ng may akda sa isang

sanaysay. Sa pagbabasa nagkakaroon ang bawat mag-aaral ng panibagong

oportunidad upang matuto mula sa pananaw ng ibang tao. Malaki ang papel na

ginagampanan ng pag-unawa sa binabasang akda, sapagkat napapalawak ang

kaisipan at pagbabago ng pananaw ng mga taong mahilig bumasa. Isa itong

malawak na proseso na may kaugnayan sa pagkilala, pagpapahalaga, at pag-


6

unawa sa mga salitang nakallimbag. Ang pagbasa ay nakapagbibigay katuturan

sa bawat kahulugan at diwa ng isang nakalimbag na mga kaisipan.

Ayon kay Villamin (1998), ang pagbabasa bilang matalino at malawak na

proseso na may kaugnayan sa pakiramdam, pagpapakahulugan, pag-unawa,

aplikasyon at integrasyon. Sa pagbabasa rin nalalaman ang mga iba’t ibang

pamamaraan sa paglutas ng mga suliranin upang mas mapadali ang pag-unawa

sa binabasa. Ang pagbasa ay isang malawak na proseso na may kinalaman sa

pagkilala, pagpapahalaga at pag-unawa. Isang gawaing nakaangkla na hindi

maaring maihiwalay sa bawat buhay ng mga mag-aaral o ng mga mambabasa.

Ang sanaysay ay isang panitikang nagsasaad ng damdamin,

pakikipagsapalaran, nagbibigay openyon at naglalahad ng kuru-kuro ng may

akda o mananalaysay. Ayon kina Cruz at Reyes (1984), ang sanaysay ay isang

akdang tuluyan na nagtatalakay sa ilang isyu. Ibig sabihn hindi linilimitahan ang

mga paksang maaaring tatalakayin sa isang sanaysay. Sa pagbabasa ng

sanaysay nahihinuha ng mambabasa kung ano ang nais ipapabatid ng

mananalaysay sa kanyang akda at kung paano niya ito ipaunawa ang kanyang

ginawang sanaysay.

Ayon kay Lee Gutkind sa kanyang aklat na “The 5 Rs of Creative Nonfic-

tion,” ang malikhaing sanaysay bilang konsepto ay ang pagsasanib ng

malikhaing pagkatha at ang pag-uulat. Sa makatuwid, upang lubos na

maunawaan ng mambabasa ang nakalimbag sa isang sanaysay nais ibabatid ng

may akda na ang malalim na pag-iisip.

Para kay Gutkind, kinakailangang taglayin ng sanaysay ang mga


7

sumusunod: pagsasabuhay at pakikipamuhay sa realidad ng sinusulat;

pananaliksik sa napiling paksa; pagninilay sa nakalap na datos; pagbabasa ng

mga teksto at ang mismong pagsusulat.

Para naman kay Gerard, una, mayroon itong malinaw na sa paksa.

Pangalawa, ito ay napapanahon. Pangatlo, pagsasalaysay ng magandang

kwento at huli, pagmumuni-muni ng may akda.

Ipinahayag ni Alejandro G. Abadilla (2007), na ang sanaysay ay nagmula

sa dalawang salita, ito ang sanay at pagsasalaysay o ang "nakasulat na

karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay." Maituturing natin itong panitikang

tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro,damdamin, kaisipan at saloobin ng

manunulat tungkol sa makabuluhan at napapanahong isyu. Dagdag pa niya,

mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang

mambabasa mula sa inilahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang

manunulat. Nakikilala rin ng mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ng

pagkasulat nito, sa paggamit ng salita at salawikaing kaalaman sa paksa.

Itinuturing na sanaysay ang talambuhay dahil nagsasaad ito ng

kasaysayan ng buhay ng isang tao. Hindi lamang nito sakop ang kapanganakan

at kamatayan bilang isang paksa. Isinulat din ang mga talambuhay upang

magsilbing gabay ng mga mambabasa sa kanilang pamumuhay. Binibigyang

pansin nito ang mga katangiang dapat tularan at iwasan. Nagbibigay

impormasyon din ito tungkol sa buhay ng paksa.

Sa aklat ni Virginia Wolf na “How Should One Read A Book”, dito niya

isinalaysay ang pagtuturo kung paano dapat magbasa upang mabatid ang
8

kahalagahan ng pagbabasa. Dagdag pa niya na “huwag dapat tumanggap ng

mga payo sa ibang tao, sundin ang sariling paghinuha, pag-unawa sa sariling

kongklusyon hinggil sa binabasa upang mas maging epektibo ang paghinuha sa

pagbabasa.

Sinabi ni Joseph Addison (2006), kung ang ehersisyo ay para sa katawan,

ang pagbasa ay pra sa isip. Malaki ang impluwensiya sa tao ang pagbasa,

sapagakat lumalawak ang kaalman at kaisipan ng mambabasa na maaaring

makapanngalap ng mga bagong impormasyon mula sa nabasa depende kung

ito’y kapaki-pakinabang para sa kanya.

Para kay G. Mortimer Jerome Adler (2006), “ang pagbasa ay isang

basikong instrumento sa mabuting pamumuhay”. “Bagamat marami ang

nagbabasa, kakaunti ang nag-iisip”, ito naman ang winika ni Harriet Martineau

(2006). Kaya, “kailangan tayong matuto hindi lamang sa pamamagitan ng

pagsulat kung hindi imaging sa pagbasa”, ito naman ang ipinahayag ni John

Dalberg (2006). Ibig sabihin dapat hindi lamang dapat marunong sa pagbabasa

ang isang mambabasa, kudi unawaing mabuti ang bawat salita o impormasyon

sa bawat akda o tekstong binasa.

Ayon kay Hank (1983), ang pagbasa ay ang pag-unawa sa kahulugan ng

nakalimbag o nakasulat at pagbibigay ng interpretasyon dito. Ang pagbasa ay

rekognisyon ng anumang nakasulat o nakalimbag na mga simbolo na nagiging

stimuli upang maalala ang kahulugan ng mga nakalimbag na kaalaman o

karunungan mula sa karanasan ng mga mambabasa.

Ayon kay Belvez, et.al, (1987), ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng


9

mga ideya at kaisipan sa mga simbolo na nakalimbag upang mabigkas nang

pasalita ang mga ito. Ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kasama ng

pakikinig, pagsasalita at pagsulat. Sa pamamagitan nito, nauunawaan ang wika

ng may akda sa mga nailimbag na simbolo.

Ayon kay Ehri sa aklat na TEachinng Reading (2004), ang mambabasa ay

kailangang magtaglay ng kaalamang metakognitibo upang mabigyang kahulugan

ang nasusulat na teksto. Ito yaong ayon sa kanya ay nagbibigay ng pagkakataon

sa mismong mambabasa na malaman ang kanyang antas ng pag-unawa. Sa

pagkakataong malamamn iyon, natutulunngan niya ang sarili na malutas ang

mga suliranin sa nabanggit sa kasanayan (Mortera, 2009).

Sang-ayon kina Curry at Palmunen (2007), nababago ang paraan ng

pagbasa sa kolehiyong mag-aaral, nangangahulugang hindi lamang pag-alam o

pagsasaulo sa mga pangunahing detalye na nakapaloob sa teksto kundi ang

pagtiyak kung paano nagging makatotohanan ang isang Fact o ang isang

impormasyon. Nagiging sopistikado ang paraan ng kanyang pagbabasa at

nakasunod ditto ang paglinang ng kanyang abilidad sa pag-iisip. Sapagkat

magkaugnay ang mental at ang gawaing pagbasa.

Ayon kay Kenneth Goodman (1967), ang pagbasa ay isang

“saykolinggwistiks na paghinuha (guessing game) na kung saan ang

mambabasa ay nakabubuo ng isang kaisipang hango sa tekstong o babasahing

binabasa. Isang prosesong sibikal buhat sa teksto na nagbibigay pakahulugan sa

isang prediksyon.” Ang ibig sabihin na sa bawat nababasa ng mambabasa ay

nagkakaroon ng palaisipan na dapat malaman o mabigyang kasagutan sa bawat


10

nabubuong katanungan sa kanyang isipan.

Pinaunlad ni Coady (1979), ang kaisipan ni Goodman at sinabing ang

dating kaalaman ng tagabasa ay kailangan maiugnay niya sa kanyang

binubuong kaisipan at kasanayan sa pagproprosesong mga inpormasyon na

nababasa sa teksto. Binanggit din niya na ang kakayahang pangkaisipan ay

panlahat na kakayahang intelekwal ng isang mambabasa. Kaya naman ang

bawat istratehiyan sa pagproproseso ng inpormasyon ay iyong mga

inpormasyong taglay ng mga mambabasa. Ang dating kaalaman ay nabubuo sa

lahat ng karanasan na nasa isipan ng tagabasa upang makatulong sa kahinaang

sintatik ng mambabasa.

Ang pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak (mental food) sabi ni

James Dee Valentine (2000), sa mga akdang babasahin ay nakakukuha ng mga

ediya at mga salitang maaring maiimbak sa utak ng mambabasa.

Nakapagbibigay ito ng kaliwanagan sa bawat katanungan na di natin batid,

maraming bagay ang nabibigyang katugunan dahil sa hilig sa pagbabasa.

Sa aklat nina Austero et. al na Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (1990),

binanggit ang ilang rason kung bakit tayo nagbabasa. Ito ay ang mga

sumusunod; upang makakuha ng impormasyon, mapag-isipan nang malalim ukol

sa pansariling ideya at karanasan, at makatiyak ngn pansaring paniniwala. Para

sa kasiyahan ng sarili, pampalipas-oras at maiwasan ang pagkainip at lalong

mahasa ang kaisipan ng mambabasa. Sapagakat gusto ng mambabasa na

lumikha ng mga panibagong ideya at makapaghambing at makasuri ng iba’t-

ibang pananaw. At hgit sa lahat interesado ang isang mambabasa sa isang


11

partikular na paksa at sa istilo at ideya ng may-akda.

Dagdag pa nila ang pagbabasa ay pag-unawa sa mga kaalaman upang

magtamo ng karunungan, pagbabalik sa nakaraan, pagtatasa sa kasalukuyan at

antisipasyon sa hinaharap.

Sa aklat nina Cardenas et al (2002), na Sining ng Komunikasyonng

Panlipunan, binanggit sa ilang teorya na ang pagbabasa ay pagkilala sa mga

serye nng mga nakasulat na simbolo (stimulus) upang maibigay ang katumbas

nitong tugon o response. Ayon dito, ito ang pagkatuto sa pagbasa ay

nagsisismula sa yugtu-yugtong pagkilala ng mga titik, salita, pariralaat

pangungusap ng buong teksto bago ang pagpapakahulugan o pag-unawa sa

teksto.

Batay kay Jacobus (2009), ang kritikal na pagbasa ay

nangunnguhulugang aktibong pagbabasa, mapanuring pagkwestyon sa

argumento ng may akda at paghinuha sa pamamaraan kung paano inilatag ang

ideya ng manunulat upang maunawan ito ng mambabasa.

Mga Kasanayan sa Pagbasa

Ang mga kasanayan sa pagbasa ay nahahati sa dalawang aspekto:

Kasanayan sa Bilis at Kasanayan sa Pag-unawa. Una, Kasanayan sa Bilis.

Pagpansin o pagtingin nang higit na malawak ang agwat. Pagtingin sa higit na

maraming salita. Pagbasa nang higit na mabilis. Pagkakaroon ng mas

kakaunting pagbabalik mata at ang; Pangalawa Kasanayan sa Pag-unawa.

nililinang ang talasalitaan, inuunawa ang talata. Pagsunod sa hudyat o pahiwatig

na palimbag. Pagbasa nang pahapyaw at pagsuri. Pagbasa at pag-unawa sa


12

mahihirap na babasahin.

Ayon kay Lalunio (1985), ang bilis ay tumutukoy sa ikatatagal ng

mambabasa sa pagbabasa ng teksto. Ito ay ang bilang ng salitang nabasa sa

loob ng isang minuto. Ang mambabasa na may katamtamang bilis ay

nakababasa ng 250 salita bawat minuto. Ang mahusay na mambabasa

nakababasa ng 500 – 600 salita bawat minuto. Ang napakahusay na

mambabasa na may bilis ay nakababasa ng 1,000 salita bawat minuto. Ang bilis

sa pagbasa ay dapat mapag-iba-iba ayon sa layunin ng mambabasa at

kahirapan ng binabasa. Wala ring kabuluhan ang mabilisang pagbasa kung hindi

mauunawan ang binabasa, kaya ang pag-unawa ang siyang mahalagang bagay

na isaalang-alang sa makabuluhang pagbasa.

Ang pag-unawa ay karaniwang inilalahad sa bahagdan kung ilang

bahagdan ang pang-unawang natamo ng mambabasa sa pagsusumikap niyang

maunawaan nang husto ang binabasa. Ang isang mahusay na mambabasa ay

nakatatamo ng 70-90% na pag-unawa sa teksto at 90-95% sa mga tekstong

nasa malayang antas.

Ayon naman sa pag-aaral ni MacCormick (1998), ang interaktibo ay

kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng

komprohensyon ay may dalawang direksyon. Sa paggamit ng dalawang paraan

(bottom-up at top-down), nagaganap ang interaksiyon sa pagitan ng teksto at ng

mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng mambabasa

sa pag-unawa sa teksto.

Ayon Pearson (1979), ang implikasyon sa pagtuturo ng pagbasa ay


13

maaring iugnay ang dating kaalaman sa bagong impormasyong nabasa.

Nakasubaybay (monitor) sa kanilang pang-unawa habang bumabasa. Dahil dito

nagkakaroon ng sariling openyon ang mambabasa sa isang akdang sanaysay na

kanyang binasa. Ang pagbasa ay may malaking impluwensya sa bawat tao.

Pinaplawak nito ang kanyang natutunan sa pamamagitan ng pagbasa at

pagkuha ng datos o impormasyon sa sa kanyang nabasa, depende sa pagtasa

ng mambabasa kung ito’y kapakipakinabang para sa kanya.

Sa aklat nina Bandril et al (1999), binanggit na ang mga pangungusap ang

bumubuo sa teksto kaya dapat na naakayos ito upang maihatid ng maayos ang

mensahe at may mga kahulugang nakapaloob sa bawat teksto na nagbibigay ng

mensahe sa iba,t ibang paraan. Tinukoy din nila an may apat na anta sang mga

mambabasa. Una, ito ay ang kahulugang konseptwal na kung saan nakapaloob

dito ang kahulugan ng mga salitang tinutukoy. Bawat salitang ginagamit sa

teksto ay may karampatang ibig sabihin na maaring payak o komplikadong

kahulugan. Pangalawa, ito ay ang kahulugang proposisyunal na kung saan ito,y

may pansariling kauhulugan sa isang pangungusap. Ang mga pangungusap ay

may kahulugang taglay kahit hindi ginagamit sa isang konteksto. Pangatlo,

kahulugang kontekstwal ito ay ang kahulugang tinataglay ng pangungusap na

kung nasa isang kalagayan o konteksto. Pang-apat, kahulugang pragmatikona

kung saan ang pangungusap ay may kahulugang batay sa interaksyon ng may-

akda at ng mambabasa. Ito ay nakapokus sa sa damdamin, saloobin, pananaw

ng may-akda na nais niyang iparating sa mga mambabasa.

Mahalagang maunawaan ang tekso o akdang binabasa ng mga


14

mambabasa upang masuri o makilatius ang kahulugan ng pangungusap. May

mga mambabasa na medaling makunawa sa mensahe ng binabasa na gustong

ipahiwatig ng may-akda kahit na pahapyaw lamang ang pagbasa ng teksto.

Idinagdag nina De Castro et al (1999), ang mga sumusunod na mga

katangian ng teksto na nagdudulot ng kahirapan o mga suliranin sa pag-unawa

ng mga mambabasa. Una, ang kawalan ng kaalaman at karanasan sa paksang

tinatalakay ay nagbubunga ng suliranin sa pag-unawa sa konsepto ng

binabasang akda o teksto. Pangalawa, isa rin sa suliranin sa pagbasa ay ang

kakulangan sa pag-unawa sa mga salita o terminolohiya na ginamit sa bawat

pangungusap na nagiging hadlang sa pag-unawa ng mga mambabasa sa teksto.

At ang panghuli, ang kahirapan sa pag-unawa sa mga mahahaba at maliligoy na

mga pangungusap ay nagiging hadlang sa mabilis na pag-unawa ng mga

mambabasa sa nilalaman ng teksto o akdang binasa.


15

Kabanata 3

MGA PAMAMARAAN AT PAGKUHA NG DATOS

Inilalahad sa kabanatang ito ang pamamaraang ginamit sa pananaliksik.

Ang lokal na pananaliksik, disenyo ng pananaliksik, ang mga respondente ng

pag-aaral, ang instrumento ng pananaliksik at ang pagsusuri ng mga datos.

Disenyo ng Pag-aaral

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng paraang palarawan o

Descriptive Method.

Paraang palarawang metodo ang ginamit ng mananaliksik upang maitala

at masuri ang mga impormasyong napapaloob sa nabanggit na pag-aaral. Ayon

sa pananaliksik ni Gray (1986), na ang palarawang metodo (Descriptive Method)

ay nakatutulong sa pag-aaral at pag-reresolba sa ilang variety ng problemang

edukasyonal. Ito’y palarawan (Descriptive Method) dahil ito ay nagsusuri at

naglalarawan sa “kahusayan ng nga mag-aaral sa pagbasa at ang implikasayon

nito sa pagunawa”.

Lokal ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Ramon Magsaysay Memorial

Colleges, Lungsod ng Heneral Santos. Ito ay isang pribadong paaralang

pangkolehiyo na kung saan may iba’t ibang kurso sa institusyong ito. Ito ay nasa

timog, harap ng munisipyo ng Heneral Santos sa Silangan ay simbahan ng

Katoliko Romana ng bayan at sa kanluran ay matatagpuan ang Tore ng Sydney

Hotel. Noong 1957, ang paaralang ito ay tinatawag sa pangalang Mindanao

Vocational School at kursong kanilang pinapanukala ay pagtatahi, cosmethology,


16

typing at stenography. Sa paglipas ng panahon marami na ang mga nagpapa-

enrol sa paaralan. Noong 1961-1962, ang pangalan ng paaralan ay binago at

pinalitan ng Ramon Magsaysay Junior Colleges at nagkaroon sila ng halos isang

libong estudyante. Sa taong iyon mayroon silang kursong Diploma in Secritarial

in science. At dahil sa maraming bilang na dagdag sa bilang ng mga mag-aaral

ay nagpanukala sila ulit ng mga bagong kurso.

Taong 1970, ang MMC ay nagkaroon ng mga mag-aaral dito sa syudad

ng Heneral Santos. Sa bawat taong nadaragdagan ang mga kursong Batchelor

of science in Elementary Education, Batchelor of Secondary Education,

Batchelor of ascience of Criminology, Batchelor of Science of Customs

Administration, Masters of arts in Education, Batchelor of Science in Social Work,

Batchelor of Science in Information Technology , Environmental Science at

Batchelor of Science in Civil Enginering.

Noong 1978, namatay si Aatty. Millado na siyang unang president ng

paaralan at inilipat sa pangangalaga ni G. Florante Millado ang RMMC. At sa

mga sumunod na taon ang bagong president ng paaralan ay pinangalanan sa

pangalan ng kanyang asawa ang paaralan. Ito ay tinawag na Ramon Magsaysay

Memorial Colleges at nakakuha ng accreditation ang bawat kurso ng naturang

paaralan. Mas nagsumikap pa ang mga guro sa pagtuturo sa mga mag-aaral at

sa kasalukuyan ay mayroon ng bagong gusali na may anim na palapag na ang

paaralan na siyang magdadala sa bagong tagumpay upang makamit ng paaralan

ang pagiging unibersidad.

Malawak at maayos na ang pasibilidad ng paaralan ngayon at natapos na


17

ang bagong gusali na mayroong anim na palapag. Ipinagawa itong bagong

gusali upang maging komportable ang mga mag-aaral at mga guro. Sinisikap din

ng institusyon na mas mapaganda ang pasibilidad ng paaralan para sa mga guro

at mga mag-aaral sa panibagong kurikulum na K-12.

Paraan ng Pananaliksik

Sa pangangalap ng datos, ang mga hakbang na naisagawa ng

mananaliksik ay ang mga sumusunod: Una humingi ang mananaliksik ng

pahintulot sa Director of Academics Affairs na si Dr. Geraldine Rodriguez bilang

guro sa Method of Reseach (MR) na magsagawa ng pag-aaral ang mananaliksik

sa loob ng kolehiyo. Pangalawa ay humingi ang mananaliksik ng pahintulot sa

director ng Teacher Education Program (TEP) ng Ramon Magsaysay Memorial

Colleges na isagawa ang pananaliksik sa mga mag-aaral sa pag-aaral na ito.

Pagkatapos maaprobahan ang pakiusap, ang mananaliksik ay nakipagtulungan

sa mga guro sa Filipino, upang ayusin ang tiyak na petsa o araw sa gaganaping

pagsarbey ng mga mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo na

nagpapakadalubhasa sa Fillipino. Ang gagawing pamantayan ang siyang

magiging batayan o pangunahing instrumento sa pag-alam sa kahusayan ng

mga mag-aaral sa pagbabasa ng sanaysay at ang implikasyon nito sa pag-

unawa. Pagkatapos magbasa at sagutan ng mga respondente ang talatanungan,

ay kukunin ito ng mananaliksik at ibigay sa kanyang tagapayo upang matukoy

ang bilang ng mga nakuhang iskor ng mga respondente.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang talatanungan na ginamit sa pag-aaral na ito ay kuha sa aklat ng may-


18

akda at sariling gawa ng mananaliksik na sinang-ayunan ng kanyang tagapayo,

ito ay batay sa binasang sanaysay. May sampung katanungan na ipinasagot sa

mga respondente upang masukat ang kanilang kahusayan sa pagbasa ng

sanaysay. Bumuo ng pamantayan sa pagbibigay ng iskor na makikita sa bawat

lebel sa nakuhang bilang ng iskor at pagkatos ay magkakaroon ng tally sa lahat

ng iskor na nakuha ng bawat respondente at ipapataya sa istatistisyan. Ang

nasabing rating scale ay may katumbas na;

5-Napakahusay, 4-Mahusay, 3-Medyo-Mahusay, 2-Hindi-Mahusay, 1-Walang

Husay.

Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ginamit ng manananaliksik ang kabuoang bilang ng mga respondente sa

unang taon ng kolehiyo na nagpapakadalubhasa sa Fililpino sa ginawang

pananaliksik na batayan sa kahusayan sa pagbasa ng sanaysay at ang

implikasyon sa pag-unawa nito. Bilang kaugnayan, ang mga kalahok sa pag-

aaral ay pitongput- anim mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo na

kumukuha ng Edukasyon na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa paaralan ng

Ramon Magsaysay Memorial Colleges 2017-2018.

Pagsusuri ng Datos

Pagkatapos itala ng mananaliksik ang lahat ng datos ay susuriin niya ng

masinsinan ang mga ito sa tulong ng istatistisyan, upang magkaroon nang wasto

at kapani-paniwalang resulta sa pag-aaral na ito. Titiyakin ng mananaliksik na

wasto ang kanyang mga gagawin sa kadahilanang ito’y nakabatay sa kanyang


19

pagsasarbey at maging sa paggamit ng iba pang proseso sa pamamagitan ng

siyentipikong pamamaraan upang maging wasto ang pagsususri ng datos.

Instrumento ng Istatistiks

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng Frequency Count at Percentage sa

pagkuha ng mga resulta, na kung saan iisa-isahin ng mananaliksik ang resulta

ng ebalwasyon sa pagbasa ng teksto ng mga respondente. Ang rating scale o

iskala ay isa sa ginamit sa isinagawang pag-aaral.


20

Kabanata 4

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad at nagpapaliwanag ng mga datos na

nakalap at nalikom sa ginawang pag-aaral. Ang resulta sa antas ng kahusayan

sa pagbas ang isang sanaysay ay nakalahad sa ibaba.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang antas ng kahusayan sa

pagbasa ng isang sanaysay ng mga respondente.

Ipinakita sa talahanayan, na may limampu (50) na respondente na kalahok

sa pag-aaral. Na kung saan may pito (7) o labing-apat na porsyento (14%) na

mga respondente na nasa Nakapahusay na antas sa kanilang pagbasa ng

sanaysay. Mayroong dalawamput-dalawa (22) o apatnaput-apat na porsyento

(44%) na mga respondente ang nasa Mahusay na antas ng pagbasa ng isang

sanaysay. At mayroong labing lima (15) tatlumpu na porsyento (30%) na mga

respondente na Medyo mahusay lamang sa pagbasang sanaysay. Ngunit

mayroong mga respondente na nasa hindi mahusay na antas ng pagbasa ng

sanaysay na may bilang na anim (6) o labingdalawang porsyento (12%) lamang.

Ipinapakita sa talahanayan 1 ang resulta sa antas ng kahusayan sa

pagbasa ng isang sanaysay ng mga nagpapakadalubhasa sa Filipino ng unang

taon sa kolehiyo sa Ramon Magsaysay Memorial Colleges.


21

Talahanayan 1

Kahusayan ng mga Mag-aaral sa Pagbasa ng Sanaysay at ang Implikasyon

nito sa Pagunawa

Iskor Prikwensya Prosyento (%) Diskripsyon

9-10 7 14 % Napkahusay

7-8 22 44% Mahusay

5-6 15 30% Medyo Mahusay

3-4 6 12% Hindi Mahusay

0-2 0 0% Walang Husay

Kabuuan 50 100%

Average Mean 6.7≈7 Mahusay

Implikasyon sa Pag-aaral

Ayon sa nakalap na mga resulta na datos sa pag-aaral, maarami paring

mga respondente ang nasa antsa ng medyo mahusay at hindi mahusay sa

kanilang pagbasa ng sanaysay. Ang implikasyon nito ay mahina ang pundasyon

ng kanilang pagbabasa ng mga sanaysay. Nagpapakita rin ito na kulang ang

kanilang kaalaman sa pagbasa ng mga sanaysay. Kaya naman kailangang

maturuan ng mabuti ang mga mag-aaral upang malinang ang husay nila sa pag-

unawa sa pagbasa at madagdagan ang kaalaman nila sa pagbabasa.


22

Kabanata 5

BUOD, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng buod, konklusyon, at rekomendasyon

ng pag-aaral.

Angn pag-aaral na ito ay nilayong tuklasin o alamin ang Kahusayan ng

mga Mag-aaral sa Pagbasa ng Sanaysay at ang Implikasyon Nito sa Pag-unawa

ng mga nagpapakadalubhahasa sa Filipino ng Ramon Magsaysay Memorial

Collegessa sa taong 2018-2019. Pinagsikapang nasagot at nailahad ng

mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Ano ang antas ng kahusayan sa pagbasa ng isang sanaysay?

2. Ano ang implikasyong nabubuo sa resulta ng pag-aaral?

Ang disenyong ginamit sa panananaliksik na ito ay sa pamamagitan ng

paraang paglalarawan o Discriptive Method.

Buod ng Resulta

Ayon sa resulta ng pag-aaral lumalabas na ang antas sa kahusayan sa

pagbasa ng sanaysay ay may average mean na 6.7 na may deskripsyong

mahusay.

Konklusyon

Batay sa mga nakalap na mga datos, natuklasan ng mananaliksik na ang

mga respondente na mga mag-aaral na nasa unang taon sa koliheyo na

nagpapakadalubhasa sa Filipino ay mahusay sa pagbabasa ng isang sanaysay.

Ibig sabihin nauunawaan ng mga respondente ang sanaysay na kanilang

nabasa.
23

Rekomendasyon

Para sa ikapagpapatibay ng pag-aaral na ito, ang mga sumusunod ay

inererekomenda ng mananaliksik:

Sa mga mag-aaral, maaaring bigyan ng oras ang pagbabasa ng mga babasahin

o mga akda gaya ng sanaysay upang higit na malinang ang kanilang husay sa

pagbasa.

Sa mga guro, maaaring hubugin ang mga mag-aaral sa aspetong pagbasa ng

kanilang pag-aaral.

Sa mga magulang, maaaring bigyang suporta at gabayan ang kanilang mga

anak sa tamang pamamaraan, at magiging magandang modelo upang ang mga

bata ay magkaroon ng tamang disiplina sa sarili.

Sa mga paaralan, maaaring maging instrumento ng mga mag-aaral tungo sa

pagkatuto, mas lalong maging kaaya-aya at kapakipakinabang ang mga

kaalamang ituturo sa mga mag-aaral. Patuloy na gagawa ng magandang

adhikain, para sa ikauunlad ng institusyon. At sa hinaharap ay maging

kapakipakinabang ang bawat mag-aaral.

Sa lipunan, maaaring mas lalong pahalagahan ang edukasyon dahil ito ang

magsisilbing susi ng kaginhawaan, na kung saan kapag ito’y tinataglay ng bawat

mamamayan ay maging palaban at kapaki-pakinabang ang lipunang

ginagalawan.

Sa mga Susunod na Mananaliksik. maaaring maging tiyak, sukat, abot,

maaasahan, at pinapahalagahan ang oras sa papanaliksik.


24

TALASANGGUNIAN

Arlan M. C, et al (2008), Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik,


Jimczyville Publilcation, 16 Concha St., Tenajeros Malabon City,
jimczyvillepublication@yahoo.com, mybookjimczyville@gmail.com
2853055 /466316

Austeron C. S (2009), Komunikasyon sa Akadimikong Filipino (binagong


edisyon) UNLAD Publishing House 200 C-INSILAY, Pasig City, UNLAD
Publishing House

Dr. Sanchez R. at Galit G. (2014), Filipino 2, Masusing Pagbasa at Malikhaing


Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Unlimited Books Library Services
Publishing Inc. Cabildo St., Intramuros, Manila

Dr. Mendoza M. at Romeo L. (2007), Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-ibang


Disiplina sa Antas Tersarya. Published and Distributed by Rex Book
Store 856 Nicanor Sr, St.

Matute, Genoveva E, “Maiklling Kasaysayan ng Sanaysay.” 15 Piling


Sanaysay: Kasaysayan, Pag-aaral, at Pagsulat ng Sanaysay.
Lungsod Quezon: Bede’s Publication House Inc., 1984.

Melvin B. D.V et al, Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Ikalawang


Edisyon, RMMC College Library- Gensan

Perla S. C., et al (20080, Komuniikasyon sa Akademikong Filipino, Jimczyville


Publilcation, 16 Concha St., Tenajeros Malabon City,
jimczyvillepublication@yahoo.com, mybookjimczyville@gmail.com

Websayt

https://www.google.com.ph/search?q=teorya+sa+pagbasa+at+pag+unawa
&oq=teorya+sa+pagunawa&aqs=chrome.2.69i57j0l2.22208j0j7&sour
ceid=chro me&ie=UTF-8

http://www.scrib.com/doc/81096989/30/PROSESO-PAGBASA-NG- TEKSTONG-
EKSPOSITORI

https://hoshilandia.com/2015/07/why-are-you-reading-essay-tungkol-sa-kahala-
gahan-ng-pagbabasa/

https://quizlet.com/346028317/fil-3-pagbasa-at-pagsusuri-ng-sanaysay-flash-
cards
25

ANG PAG-IBIG
Sanaysay ni: EMILIO JACINTO

Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na

gaya ng pag-ibig.

Ang katwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang

Maykapal, at ang kapwa-tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag-

ibig; siya lamang makapagpapabukal sa loob ng tunay at banal na pag-ibig.

Kung ang masama at matuwid ay ninanasa rin ng loob, hindi ang pag-ibig ang

tunay na siyang may udyok kundi ang kapalaluan at kasakiman.

Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal, at kara-

karakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa,

at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon ng kahoy na niluoy ng init at

tinangay ng hanging mabilis.

Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi iyong makaaakay sa tao sa

mga dakilang gawa sukdulang ikawala ng buhay sampu ng kaginhawahan.

Ngunit ang kasakiman at ang katampalasanan ay nag-aanyo ring pag-ibig

kung minsan, at kung magkagayon na ay libu-libong mararawal na

kapakinabangan ang nakakapalit ng gapatak na pagkakawanggawa na nagiging

tabing pa mandin ng kalupitan at ng masakim na pag-iimbot. Sa aba ng mga

bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag-ibig.

Ang pag-ibig – wala na kundi ang pag-ibig na tanging binabalungan ng

matatamis na alaala sa nagdaan at ng pag-asa naman sa darating. Sa malawak


26

na dagat ng ating mga kahirapan at pagkadusta, ang pag-ibig ay siyang nagiging

dahilan lamang kung kaya natin minamahal pa ang buhay.

Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang magbabatang

mag-iiwi sa mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili

lamang nila? Kung ang anak kaya naman ay walang pag-ibig sa magulang, sino

ang magiging alalay at tungkod ng katandaan? Ang kamatayan ay lalo pang

matamis kaysa buhay para sa matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo

ang pagod na mga mata ay wala nang malingapang mag-aakay at makaaaliw sa

kanyang kahinaan.

Ang pagkahabag sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran

hanggang sa tayo’y mahikayat na sila’y bahaginan ng kaunting kaluwagan ang

ating pagtatanggol sa naapi hanggang sa isapanganib at idamay natin ang ating

buhay; ang pagkakawanggawa sa lahat kung tunay na umusbong sa puso, alin

kaya ang pinagbuhatan kundi ang pag-ibig?

Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi ang tunay na ligaya at

kaginhawahan. Kailan pama’t sapin-sapin ang dusang pinapasan ng bayani, at

ang kanyang buhay ay nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagkat

hindi ang tunay na pag-ibig ang naghahari kundi ang taksil na pita sa yama’t

bulaang karangalan.

Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng wagas at taimtim na

pag-ibig!

Sa pag-ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkakaisang


27

magbibigay ng di-maihahapay na lakas na kailangan sa pagsasanggalang ng

matuwid.

Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng pag-ibig at binubulag ng

hamak na pagsasarili. Ang masasama ay walang ibang ninanasa kundi ang

ganitong kalagayan. Gumagawa ng daan tungo sa pag-aalitan, kaguluhan,

pagtataniman, at pagpapatayan sapagkat kinakailangan ng kanilang kasamaan.

Ang hangarin nila ay mapagbukud-bukod ang mga mamamayan upang kung

mahina na at dukha dahil sa pag-iiringan, sila ay makapagpapasasa sa kanilang

kahinaan at karupukan.

Oh! Sino ang makapagsasaysay ng mga himalang gawa ng pag-ibig?

Ang pagkakaisa na siyang kauna-unahang bunga niya ay isang lakas at

kabuhuyan, at kung nagkakaisa na’t nag-iibigan, ang lalong malalaking hirap ay

nagiging maagang pasanin, at ang munting ligaya’y matimyas na nalalasap.

Kung bakit nangyari ang ganito ay hindi matatalos ng mga pusong hindi

nakadarama ng tunay na pag-ibig.

At upang mapagkilalang magaling na ang pag-ibig ay siya ngang susi at

mutya ng kapayapaan at ligaya. Ikaw na bumabasa nito, mapagnanakawan mo

kaya, mapagdadayaan o matatampalasan mo kaya ang iyong ina’t mga kapatid?

Hindi, pagkat sila’y iniibig, at sa halip ay dadamayan mo ng iyong dugo at sampu

ng buhay kung sila’y nakikitang inaapi ng iba.


28

Gayundin naman, kung ang lahat ay mag-iibigan at magpapalagayang

tunay na magkakapatid, mawawala ang lahat ng mga pag-aapihan na nagbibigay

ng madlang pasakit at di-mabatang mga kapaitan.

Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili

ang magagandang akala. Ipapalagay na may tapat na nais at tatawaging

marurunong ang mabuting magparaan upang matamasa sa dagta ng iba, at

ituturing na hangal yaong marunong dumamay sa kapighatian at pagkaapi ng

kanyang mga kapatid.

Maling mga isip at ligaw na loob ang manambitan sa mga hirap ng tao sa

inaakalang walang katapusan. Sukat ang matutong magmahal at manariwang

muli sa mga puso ang wagas na pag-ibig sa kapwa, at ang tinatawag na bayan

ng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso.


29

You might also like