You are on page 1of 1

KALUPI NG PUSO

ni: Jose Corazon de Jesus


Talaan ng aking mga dinaramdam,
Kasangguning lihim ng nais tandaan,
bawat dahon niya ay kinalalagyan
ng isang gunitang pagkamahal-mahal
Kaluping maliit sa tapat ng puso
ang bawat talatay puno ng pagsuyo,
ang takip ay bughaw, dito nakatago
ang lihim ng aking ligayat siphayo.
Nang buwan ng Mayo kami nagkilala
at tila Mayo rin nang magkalayo na;
sa kaluping ito nababasa-basa
ang lahat ng aking mga alaala.
Nakatala rito ang buwan at araw
ng aking ligaya at kapighatian...
isang dapithapoy nagugunam-gunam
sa mga mata ko ang luhay umapaw...
Anupat kung akoy tila nalulungkot
binabasa-basa ang nagdaang lugod;
ang alaala koy dito nagagamot,
sa munting kaluping puno ng himutok.
Matandang kalupi ng aking sinapit
dala mo nang lahat ang tuwa kot hapis;
kung binubuksan kay parang lumalapit
ang lahat ng aking nabigong pag-ibig.
Sa dilaw mong dahong ngayon ay kupas na
ang lumang pagsuyoy naaalaala,
O, kaluping bughaw, kung kitay mabasa
masayang malungkot na hinahagkan ka...
May ilang bulaklak at dahong natuyo
na sa iyoy lihim na nangakatago,
tuwi kong mamasdan, luhay tumutulo
tuwi kong hahagkan, pusoy nagdurugo.

You might also like