You are on page 1of 1

Nakakatuwang tula, isinulat ni Julian Cruz Balmaceda

KUNG MAMILI ANG DALAGA


Nang may labinlimang Disyembre pa lamang
ang dalagang aking naging kaibigay
ganito ang laging kanyang bulay-bulay
Pagkat ang ganda koy di pangkaraniwan
ay pipili ako ng isang liligaw na
bata, makisig, mabait, mayaman.
Nang dumalawampung taon ang dalaga
at ang pinipiliy di pa rin makitay
ganito ang kanyang nagunita tila:
Hindi kailangan kundi man pustura
o kaya ay hindi sagana sa kwalta
kung batat mabait ay maaari na.
Nang magdalawamput lima at hindi rin
yata sumisigid ang isda sa paiy
ganito ang kanyang parating dasalin:
Ang gulang? Hindi ko aalumanahin,
may kabaitan lang na maituturing
kahit matanda nay puede na sa akin.
At nang tumatlumput ni sinoman wariy
wala nang mabuyong sa kanyay gumiri
tahas na sinabing wa(ang pagkabali:
Ngayon kahit sinoy walang tangi-tangi
huwag lang di mayrong sa akiy bumati.

You might also like