You are on page 1of 1

DAHIL SA PAG-IBIG

KAHAPON
Sa tingin koy tila pawang kalumbayan
ang inihahandog ng lahat ng bagay,
pati ng mabangong mga bulaklakan
ay putos ng luksa at pugad ng panglaw;
akala ko tuloy itong Daigdigan
ay isang mallit na libingan lamang.
Mangyari, Kahapon
ang dulot moy lason.
NGAYON
Sa mga mata ko ay pawang ligaya
ang inihahandog ng bawat makita,
pati ng libingang malayot ulila
wariy halamanang pugad ng ginhawa;
sa aking akalay tila maliit pa
itong Daigdigan sa aking panata.
Papaano, Ngayoy
nagwagi ang layon.
BUKAS
Sino baga kaya ang makatatatap
ng magiging guhit nitong ating palad?
Ang buhay ng tao ay lunday sa dagat
na inaamihan at hinahabagat;
itong Daigdigan ay isang palanas
na nabibinhian ng lungkot at galak.
Bukas! Ang pag-asay
mahirap mataya

COMMENTS:
This Tagalog love poem was written by Iigo Ed. Regalado.

You might also like