You are on page 1of 18

NAGBIBIHIS NA

ANG NAYON
Ni Brigido Batumbakal
(1910-1994)

TALAMBUHAY

Si Brigido C. Batungbakal ay isang


Pilipinong manunulat.
Ipinanganak noong 1910 sa Pulilan,
Bulacan, si Batungbakal ay nag-aral sa
San Sebastian Primary School at
Mabini International School. Unang
nailathala ang kanyang mga kwento sa
magasin na Mabuhay. Isa rin siya sa
mga bumuo ng Kapisanang Panitikan
noong 1935.

Nanalo si Batungbakal ng unang gantimpala sa


isang timpalak ng magasin na Taliba noong
1937 para sa kanyang kwentong Busilak ng
Sampaguita, at noong 1940 ay nanalo ng
Commonwealth Literary Award para sa
kanyang koleksyon ng mga maikling kwento,
Pula ang Kulay ng Dugo at Iba Pang Kwento.

Karamihan ng mga kwento ni Batungbakal


ay umiikot sa tema ng pagsisikap para
makamit ang mas mabuting buhay, o kaya'y
ang sitwasyong panlipunan sa kanayunan.
Mula 1935 hanggang 1975 ay mahigit 175
na maikling kwento ang kanyang naisulat at
lumabas sa mga pahina ng Liwayway,
Mabuhay, Hiwaga, Taliba, Ilang-Ilang, Ang
Mutya, at iba pang magasin. Ilan sa
kanyang mga kwento ay ang Gabi sa
Nayon (1938), Aklasan at Ingkong
Berto (1940), at Kalayaan (1946).

Mayroon din siyang naisulat na limang


nobela, ngunit tatlo lamang ang
nailathala bilang serye sa mga
magasin: Ulap sa Kabukiran (Bituin,
1946), Uhaw (Liwayway, 1959-1960)
at Mapagpalang Lupa (Liwayway,
1960-61). Sila ni Eduardo de Leon ang
nagsulat ng titik para sa Pamaskong
kantang Payapang Daigdig noong
1946.

Nagsilbi din siyang patnugot sa Sine


Natin ni Alejandro Abadilla nong
1950, sa Mabuhay mula 1961
hanggang 1972, at naglingkod sa
Department of Public Information.
Noong 1989 ay ginawaran siya ng
Gawad Balagtas para sa kaniyang mga
kontribusyon sa panitikang Pilipino.

Uri ng maikling
Kwento: Kwentong
pakikipag- sapalarang
maromansa

TAUHAN:
* Derang- isang babaeng kilala sa
kanilang Nayon. Siya ay hinahangaan
dahil sa kanyang angking kagandahan.
*Inhinyero Rosauro Santos- ang
lalaking nakakakuha ng pagmamahal ni
Derang.
*Tininti/ Mang Tiyago- Ama ni
Derang.
*Ka Tonyo- kasamahan ni Mang
Tiyago sa pagsasaka

Si Derang ay kilala sa kanilang


nayon dahil sa kanyang
kagandahan. "Kumare" ang tawag
sa kanya ng mga babae at
"Ninang" o Inang Derang" naman
ang tawag sa kanya ng mga bata.
Kilalang-kilala siya sa nayon nila.
Lahat ng ito'y nagbago simula
nang magsiibigan ang inhinyero na
gumagawa ng lansangan para sa
Tulikan.

Tila nag-iba ang ugali ng Tininti


na ama ni Derang. Hindi na
gaanong bumabati sa dati
niyang mga kasama. Ganoon
din naman kay Derang, hindi
na siya masyado pinapansin
ng mga taong dati'y bumabati
sa kanya tuwing nagkikita sa
lansangan.

"Mahirap po makisama sa mga biglangyaman" ani nga ng isa. Lumala ang


mga pangyayari nang matapos gawin
ang lansangan sa Tulikan. Isang babae
ang dumating sa nayon at hinahanap
ang bahay ng tininti. Umalis ang
inhinyero kasama ang babae na yun
pala ay kanyang asawa. Bumaba lalo
ang tingin ng mga taga-Tulikan kay
Derang dahil sa mga pangyayari.

You might also like