You are on page 1of 14

ALAMAT NG

BUNDOK KANLAON

Sa bahaging Bisaya
ay may isang bundok
ng humahati sa
Silangan at Kanluran.
Ito ang bundok
Kanlaon.

Noong unang panahon, may isang


malupit na namiminsala sa mga tao.
Ito ay ang ulupong na may pitong ulo.
Nagbubuga ito ng apoy. Wala itong
patawad. Waring walang makakagapi
sa ulupong na ito na nakatira sa
bundok. Marami na siyang napatay
dahil sa pagbubuga ng apoy kapag
nagagalit.

Kumunsulta si Haring Matog sa mga


pantas. May manggagamot na
nagmungkahing mag-alay sila sa ulupong
ng isang magandang dalaga upang matigil
ito sa pamiminsala.
Ipinaabot naman ng kura paroko sa mga
mamamayan ang balita. Sa takot ng mga
kababaihan na baka sila ang ialay ay
pinintahan nila ang kanilang mga muka.
Pumangit ang itsura nila dahil sa mga
pinta.

Makalipas ang isang buwan, bigong


bumalik ang pari. "Wala na pong
natitirang magandang dalaga. Nasunog
po ang kanilang mukha nang abuting sila
nang ibinugang apoy ng ulupong."
Nalungkot ang hari sapagkat maging si
Datu Sagay ay nagpatunay sa mga
ibinalita ng pari.
Tanging si Prinsesa Talisay na lamang
ang natitirang magandang dalaga rito.

Samantala, isang banyaga ang


nagkataong nakabalita sa pananalanta ng
ulupong. Inalok ng binata ang hari ng
kanyang tulong. Anito ay siya ang
pupuksa sa ulupong.
"Matapang ka, binata. Kung mapapatay
mo ang salot na ulupong ay ibibigay ko
sa iyo ang kalahati ng aking yaman. At
ipakakasal ko rin sa iyo ang kaisa-isa
kong anak na si Prinsesa Talisay," may
paghangang wika ng hari.

Naglakbay si Laon, ang binatang


banyaga. Sa paglalakbay niya patungong
bundok ay nakasalubong niya ang isang
langgam.
"Hoy, Langgam! Ako si Laon. Pakisabi
mo kay Haring Langgam may utos ang
panginoon ninyong si Laon. Lahat ng
sundalong langgam ay papuntahin sa
bundok. Papatayin natin ang
namiminsalang salot na ulupong. Ito ay
para na rin sa ating kapayapaan."

Gayundin ang sinabi ni Laon


kay Haring Bubuyog at kay
Haring Lawin na handa ring
tumulong. Lahat sila ay
nagtungo sa bundok.

Doon naganap ang umaatikabong


bakbakan. Halos matabunan na ang
ulupong sa rami ng umatakeng mga
langgam. Pinagkakagat nila ang
ulupong. Tinusok naman ng mga
bubuyog ang mga mata ng salot.
Hindi nila pansin ang ibinubugang
apoy ng ulupong. Patuloy sila sa
laban nila.

Samantala, sa kaharian ay hindi


mapalagay ang mga tao. Umiiyak si
Prinsesa Talisay. Humingi siya ng
tulong sa kanyang amain na si Datu
Sagay. Nagpasya si Datu Sagay na
sundan si Khan-Laon upang pigilan ito
sa iba pang binabalak. Ipinagsisigawan
naman ng mga tao na si Prinsesa
Talisay ang iaalay sa ulupong kapag
nabigo si Khan-Laon sa labanan.

Nakarating sa bundok si Datu Sagay at ang


kanayang mga kawal. Kitang-kita nila na diniudukot
ng lawin ang mga mata ng halimaw at pinagtatagpas
ni Khan-Laon ang mga ulo ng ulupong.
Tuwang-tuwa nang bumalik sa kaharian sina KhanLaon at ang kanyang mga kaibigan. Tuwang-tuwa
rin si Datu Sagay na ibinalita ang kagitingan ni
Khan-Laon.

"Ang lahat pong ito ay hindi


ko kayang gawin kung wala
ang aking mga kaibigan, Mahal
na Hari. Kaya ang hiling ko
lamang ay huwag silang
patayin sapagkat tulad din
natin sila na nilikha ng Diyos,"
pakiusap ni Khan-Laon.

Agad namang ibinigay ng hari


ang kanyang ipinangako.
Ipinikasal din niya ang anak na
prinsesa kay Laon. Mula noon ay
masyadong nagsama ang magasawa. Tinawag nilang Kanlaon
ang bundok bilang pagkilala sa
kabayanihan ni Laon.

WAKAS

You might also like