You are on page 1of 57

MODYUL SA PAGKATUTO

Filipino 7

UNANG MARKAHAN (UNANG LINGGO – Bahagi 1)

ARALIN 1: KWENTONG-BAYAN

PAKSA
(YOUR TOPIC)

Paksang-aralin: Kwentong-bayan (Naging Sultan si Pilandok)

Kagamitan: Mga babasahin, papel at bolpen at iba pa

TUNGUHING PAMANTAYAN
(YOUR TARGET COMPETENCIES)

Sa araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang:

 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng

kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan; at
 Napahahalagahan ang pagkakaroon ng mabuting pakikitungo sa kapwa.

PANGUNAHING GAWAIN
(YOUR INITIAL TASK)

Naalala mo pa ba ang kwento nina David at

Goliath?
___________________________________

Paano tinalo ng maliit na si David ang

dambuhalang si Goliath sa isang laban?
___________________________________
___________________________________
___________________________________

© clipart-library.com
C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Sa unang bahagi ng aralin, muling ipinaalala sa iyo
ang kwento nina David at Goliath. Kaugnay nito, ang ating
babasahing kwentong-bayan na pinamagatang “Naging
Sultan si Pilandok” ay pumapaksa rin sa labanan ng isang
mahina at malakas. Basahin at unawain ang kwento.
© pinpng.com

Naging Sultan si Pilandok

Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat

dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa.
Pagkalipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa
kanyang harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kanyang
baywang ang isang kumikislap na ginintuang tabak.
"Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok.
"Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok.
"Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat
ay patay ka na ngayon," ang wika ng sultan.
"Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapgkat nakita ko po ang aking mga
ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng
kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa
lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok.
"Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang sultan.
"Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat."
"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo
sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap
ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging
paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako
po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak." Umakmang
aalis na si Pilandok.
"Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo
ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang sultan
ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-anak.”
Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit
pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihangwalang dapat
makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang
pupunta roon ang Sultan sa loob ng isang hawla.
"Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at
itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi ng sultan. "Sino
© clipartpng po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
tanong ni Pilandok. "Kapag nalaman po ng iba ang tungkol sa sinabi ko sa inyong
kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin doon."
Sandaling nag-isip ang sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang
pansamantalang sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw
ang pansamantalang hahalili sa akin.”
"Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat malaman ng
inyong mga ministro."
"Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng sultan.
"Ililihim po natin ang bagay na ito. Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong
korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila
ako," ang tugon ni Pilandok.
Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at
isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang
kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon
si Pilandok na ang naging sultan.

PAGTALAKAY SA ARALIN
(YOUR TEXT)

Talakayin natin!
Ang ating binasang kwento ay napabilang sa genre na kwentong-bayan. Ito ay
galing sa tribung Maranao. Naipapamalas ng kwentong-bayan ang kanilang tradisyon at
kultura.

Kwentong-bayan
Ang kwentong-bayan ay isang maikling salaysay galing sa isang tiyak na bayan
o rehiyon noong unang panahon. Ito ay nagpalipat-lipat sa pamamagitan ng salimbibig
kaya naipapasa sa iba’t ibang henerasyon. Sumasalamin ang kwentong-bayan sa
kultura at tradisyon ng bayan kung saan ito nagmula (Villaverde at Villafuerte, 2017,
p. 9)

PANGMIDYANG SANGGUINIAN
(YOUR TECHNO-TIME)

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kwentong-bayan, buksan ang bidyo na

may file name na:

BIDYO 1 – Kwentong-bayan (Nakalbo ang Datu)

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
PANLINANG NA GAWAIN
(YOUR PRACTICE TEST)

Pagsasanay 1
A. Panuto: Magsulat ng dalawang patunay na ang kuwentong-bayan ay salamin ng
tradisyon o kaugalian ng lugar na pinagmulan nito. (5 puntos)

________________ ________________
________________ Kwentong- ________________
________________ bayan, ________________
________________ salamin ng ________________
________________ tradisyon at ________________
________________ kaugalian ________________
________________ ________________

© google.com

B. Panuto: Sagutin ang tanong sa buong pangungusap.

Magbigay ng sitwasyon o pangyayari sa kwentong “Nakalbo ang Datu” na nakikita

o nangyayari pa rin sa Mindanao sa kasalukuyan. (3 puntos)
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
SAGUTANG PAPEL SA FILIPINO 7
Pangalan: Pangkat:
Guro: Petsa:

PAGTATAYA
(YOUR FINAL TASK)

Panuto: Pakinggang mabuti ang mga kuwentong sinasabi sa dokumentaryong

“Kwentong-bayan: Sunken Town Baco Oriental Mindoro” na naka-save sa iyong flash
drive. Batay sa napakinggan, maglista ng limang sariling hinuha tungkol sa nangyari sa
mga pamilyang naging biktima ng paglubog ng Barangay San Andres. (10 puntos)

Paalala: Ang hinuha ay isang hula o palagay tungkol sa inaakalang susunod na

mangyayari sa isang kwento batay sa mga pahiwatig o ipinakikita ng sitwasyon
(Mangahas at Mangahis, 2018, p. 182)

______________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
(YOUR THOUGHTS)

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa buong pangungusap. (2 puntos bawat tanong)

1. Nakakita ka na ba ng bully sa inyong paaralan? Bakit mo nasabing siya ay bully?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2.Magsalaysay ng isang karanasan na ikaw ay bully sa ibang tao. Ano ang iyong
napagtanto o naramdaman matapos ang pangyayaring ito?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
MODYUL SA PAGKATUTO
Filipino 7

UNANG MARKAHAN (UNANG LINGGO – Bahagi 2)

ARALIN 2: MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG PATUNAY

PAKSA
(YOUR TOPIC)

Paksang-aralin: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay

Kagamitan: Mga babasahin, papel at bolpen at iba pa

TUNGUHING PAMANTAYAN
(YOUR TARGET COMPETENCIES)

Sa araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang:

 Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay; at

 Nabibigyang-katwiran ang kahalagahan ng pagiging matapat ng isang tao.

PANGUNAHING GAWAIN
(YOUR INITIAL TASK)

Panuto: Unawain ang sitwasyon sa ibaba. Ibigay ang kahingian at isulat sa loob ng
comic balloon.

Si James ay nagtitinda ng gamot para sa sakit na arthritis. Sakto naming may

nakita siyang isang matandang naghahanap nito. Ano ang sasabihin niya sa matanda
para paniwalaan siya at bibilhin ang kaniyang paninda. Kumpletuhin ang pangungusap.

Kapaniniwala na _________________________
_______________________________________
Sa katunayan ay _________________________
_______________________________________

© dreamstime.com © vectorstock.com

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Sa ikalawang bahagi ng aralin sa linggong ito, alamin
natin ang tungkol sa mga pahayag sa pagbibigay ng patunay.
Sa naunang gawain, pinaniwala moa ng isang matanda na
mabisa ang gamot na iyong ibinebenta gamit ang dalawang
pahayag sa pagbibigay ng patunay.
© pinpng.com

PAGTALAKAY SA ARALIN
(YOUR TEXT)

Talakayin natin!

Ang mga Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay

May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang

bagay, pangyayari, paniniwala, o danas. Ginagamit ang mga pahayag na ito upang
mapatunayan at maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa mga tagapakinig ang
pananaw o paninindigan ng nagpapahayag (Festin at Correa, 2018, p. 10).

Mga pahayag sa pagbibigay ng patunay (Villaverde at Villafuerte, 2017, p. 12):

1. nagpapahiwatig
Ito ay pahayag na hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo ang ebidensya subalit
sa paggamit ng pahayag/salitang ito ay masasalamin ang katotohanan.
Halimbawa:
Ang pagbibigay ng oras sa mga nasalanta ng bagyo ay nagpapahiwatig sa pagiging
matulungin ng mga Pilipino.

2. nagpapakita
Ito ay pahayag na nagbibigay-suporta sa isang bagay o ideyang pinatutunayan.
Halimbawa:
Ang 14 bilyong piso na tulong mula sa iba’t ibang bansa ay nagpapakita ng
kabutihang-loob ng mga tao anuman kulay at lahi ng tao.

3. may dokumentaryong ebidensya

Ito ay tumutukoy sa patunay na nakasulat o may ebidensyang larawan o bidyu.
Halimbawa:
Kitang-kita sa mga dokumentaryong ebidensya, larawan at bidyu na dumating na sa
bansa ang Santo Papa.

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
4. nagpapatunay/katunayan
Ito ang mga pahayag na ginagamit kapag nais magbigay ng pananalig o paniniwala sa
isang pahayag o ideya.
Halimbawa:
Libo-libong Katoliko ang sumalubong sa Santo Papa, pinatutunayan lamang nito ang
matinding pananalig ng mga tagasunod ng simbahang Katoliko.

5. taglay ang matibay na kongklusyon

Ito ay ginagamit kung nais palakasin ang ipinakikitang ebidensya, pruweba o
impormasyon upang magpatunay sa isang pahayag o ideya.
Halimbawa:
Taglay ang matibay na kongklusyon, hinatulan ang mga senador tungkol sa pork-
barrel scam.

6. kapani-paniwala
Ito ang pahayag na ginagamit kung ang ebidensya ay makatotohanan at maaaring
makapagpatunay.
Halimbawa:
Batay sa mga ebidensyang inilatag sa korte, pinatutunayan lamang nito na kapani-
paniwala ang kaniyang sinasabi.

PANLINANG NA GAWAIN
(YOUR PRACTICE TEST)

Pagsasanay 1
Panuto: Kumpletuhin sa pamamagitan ng pagpupuno ng wastong pahayag na
magpapatunay sa ideya nito. (5 puntos).

1. Nagkagulo na ang tao, ________________ ito na malapit na silang sumakay sa

tren.
2. _______________ ng mga taong may dalang manok, gulay, uling, saging at iba
pa, na mahaba ang biyahe kaya dapat ay maraming baon.
3. Ito ang buhay ko, ang mga kalyo sa kamay at pagod na katawan ang
_______________ na mag-isa lamang ako sa buhay.
4. Ang hindi pagdalaw ng pamilyar na tunog, ang pagkawasak ng estasyon at ang
pagkawala ng mga pasahero ay ______________ na natigil na ang pagdaan ng
tren sa aming lugar.
5. __________________ na wala na akong hanapbuhay, baka mahinto ako sa pag-
aaral.

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
SAGUTANG PAPEL SA FILIPINO 7
Pangalan: Pangkat:
Guro: Petsa:

PAGTATAYA
(YOUR FINAL TASK)

 Para sa unang linggo ng ating klase, ang unang modyul lamang ang may
pagtataya.

PAGPAPAHALAGA
(YOUR THOUGHTS)

Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba sa tatlo hanggang limang pangungusap. Isulat
ang sagot sa kahon.

 Bakit mahalaga ang pagsasabi ng katotohanan sa lahat ng oras?

 Ano ang maidudulot ng pagsisinungaling sa isang tao?

___________________________________________________________________

_

MODYUL SA PAGKATUTO
C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Filipino 7

UNANG MARKAHAN (IKALAWANG LINGGO – Bahagi 1)

ARALIN 1: EKSPRESYONG NAGPAPAHAYAG NG POSIBILIDAD | EPIKO

PAKSA
(YOUR TOPIC)

Paksang-aralin: Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad | Epiko (Si Indarapatra

at Sulayman)
Kagamitan: Mga babasahin, papel at bolpen at iba pa

TUNGUHING PAMANTAYAN
(YOUR TARGET COMPETENCIES)

Sa araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang:

 Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang binasa; at

 Nailalarawan ang pagkakaiba ng epiko at kwentong-bayan.

PANGUNAHING GAWAIN
(YOUR INITIAL TASK)

Panuto: Sa isang pangungusap, isulat mo ang iyong nalalaman tungkol sa taong nasa
larawan.

© google.com

______________________________________________________________________

Ang ginawang paglalarawan sa isang bayani sa unang

bahagi ay may kinalaman sa ating aralin. Tatalakayin natin
ang tungkol sa epiko, ang kwento ng kabayanihan. Susukatin
C odin
r natin
J e s u ang
C o inyong
l l e g e galing
– B a sas i cpaghihinuha
E d u c a ti osa
n maaaring
Department
M sumunod
o d y u l s anaP pangyayari
a g k a t u t o batay
s a F sai l i inyong
p i n o 7binasang kwento.
© pinpng.com

PAGTALAKAY SA ARALIN
(YOUR TEXT)

Talakayin natin!

DISCUSS

EPIKO

KWENTONG BAYAN

PAGHINUHA SA KALALABASAN NG PANGYAYARI

Ang mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad

Sa ating mga pakikipag-usap, nagpapahayag tayo ng mga posibilidad. Ang

Posibilidad ay ang mga pahayag na naglalahad ng isang pangyayaring maaaring
mangyari o magkatotoo ngunit walang katiyakan o kasiguraduhan.
Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang katulad ng baka¸ puwede, sa
palagay ko, maaari, siguro, marahil, may posibilidad bang, posible, at iba pa
(Festin at Correa, 2020, p. 29).

Halimbawa:
Balak ninyong lumabas magkaklase para gawin ang inyong proyekto subalit nakita
mong madilim ang ulap sa kalangitan. Kayat ang tugon mo sa inyong group chat ay:

“Baka uulan ngayon. Mas mabuting bukas na lang natin gawin ang proyekto.”

May nakita kang isang binatang umiiyak habang dala-dala ang isang bulaklak at
tsokolate. Kaya naisip mo na:

“Sa palagay ko hindi siya sinagot ng kaniyang nililigawan.”

Samakatuwid, ginagamit mo ang mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad

sa isang pangungusap sa pagpapahayag ng mga maaaring mangyari batay sa iyong
nakita, nabasa, o napakinggan.

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Dagdag Kaalaman!
Ang Epiko ay isang mahabang tulang pasalaysay na may mga mahiwagang
pangyayari. Ito ay kwento ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na mayroong
pambihirang katangian o kapangyarihan (Villaverde at Vilafuerte, 2017, p. 42).

PANGMIDYANG SANGGUINIAN
(YOUR TECHNO-TIME)

Para lubos na maunawaan ang epiko bilang isang uri ng panitikan at malaman ang
mga tanyag na halimbawa nito, panoorin ang bidyo na nasa iyong flashdrive na may
file name na:

BIDYO 2 – Ang Epiko sa Pilipinas

PANLINANG NA GAWAIN
(YOUR PRACTICE TEST)

Pagsasanay 1
A. Panuto: Matapos panoorin ang bidyo tungkol sa epiko. Paghimbingin ang
kuwentong-bayan at epiko. Isulat ang kanilang pagkakaiba at pagkakatulad. (10 puntos)

Kuwentong-bayan Epiko

Pagkakaiba Pagkakaiba
Paano naiiba ang Kuwentong- Paano naiiba ang Epiko sa
bayan sa Epiko?
Pagkakatulad Kuwentong-bayan?
Ano-ano ang pagkakapareho ng
Kuwentong-bayan at Epiko?

SAGUTANG PAPEL SA FILIPINO 7

Pangalan: Pangkat:
Guro: Petsa:

PAGTATAYA
C o r J e(YOUR
s u C o lFINAL
l e g e TASK)
– B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
PAGHIHINUHA SA SUSUNOD NA PANGYAYARI
Panuto: Basahin ang epikong pinamagatang “Indarapatra at Sulayman” at magbigay ng
hinuha sa maaaring sumunod na pangyayari. Gamitin ang mga ekspresyong
nagpapahayag ng posibilidad. Isulat ang pangungusap sa nakalaang kahon. (15 puntos)

Indarapatra at Sulayman
Epiko ng Mindanao

Si Indarapatra ay isang matapang na hari ng Mantapuli. Naging mapayapa ang

pook dahil sa kanyang mabuting pamumuno. Subalit isang araw, mayroong apat na
mga halimaw ang sumalakay rito. Inutusan ng hari ang kaniyang nakababatang kapatid
na si Sulayman para patayin ang mga halimaw.

Mga larawan ay kuha mula sa www.google.com

Bago umalis si Sulayman, binigyan siya ni Indarapatra ng makapangyarihang

singsing at espada. Sinambit din niya ang tungkol sa halamang ilalagay niya sa may
bintana.

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Unang tumungo si Sulayman sa Bundok Kabilalan.

Panuto: Bago ituloy ang pagbabasa sa epiko, isulat mo muna sa isang pangungusap
ang iyong hinuha sa posibleng kasunod na pangyayari ng kwento.

Sagutin mo!
Ano ang maaaring sumunod na nangyari?

Baka__________________________________________________________
___________________________________________________________________

Matapos matalo ni Sulayman ang dambuhalang si Kurita, agad siyang tumungo

sa Bundok Matutum.

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Katulad sa naunang halimaw, napatay rin ni Sulayman si Tarabusaw sa huli.
Pagkatapos, dali-dali siyang naglakbay para hanapin ang ikatlong halimaw.

Sagutin mo!
Ano ang maaaring sumunod na nangyari?

Sa palagay ko__________________________________________________
___________________________________________________________________

Sa kaharian, nakita ni Indarapatra na ang mga halamang inilagay niya malapit sa

bintana ay nalanta at namatay.

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Sagutin mo!
Ano ang maaaring sumunod na nangyari?

Siguro_______________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

www.google.com

Sumunod na nagtungo si Indarapatra para ituloy ang paglalakbay para patayin

ang mga halimaw.

Pagkatapos, pinauwi ni Indarapatra ang nakababatang kapatid ati siya na ang

maghahanap sa huling halimaw.

Sagutin mo!
Ano ang maaaring sumunod na nangyari?

Posible_______________________________________________________
___________________________________________________________________

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Sagutin mo!
Ano ang maaaring sumunod na nangyari?

Sa tingin ko____________________________________________________
___________________________________________________________________

Mga larawan ay kuha mula sa www.google.com

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
PAGPAPAHALAGA
(YOUR THOUGHTS)

Panuto: Sumulat ng isang maikling talata (5-8 na pangungusap) batay sa sitwasyon sa

ibaba. (10 puntos)

Ang pagtutulungan ay mahalagang katangiang dapat taglayin ng bawat

kabataang Pilipino katulad ng ipinakita ng magkapatid na Indarapatra at Sulayman. Sa
iyong palagay, ano ang maidudulot ng pagtutulungan para sa kapayapaan ng isang
lipunan?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

MODYUL SA PAGKATUTO
C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Filipino 7

UNANG MARKAHAN (IKALAWANG LINGGO – Bahagi 2)

ARALIN 2: SANHI AT BUNGA

PAKSA
(YOUR TOPIC)

Paksang-aralin: Pagtukoy sa Sanhi at Bunga ng Pangyayari

Kagamitan: Mga babasahin, papel at bolpen at iba pa

TUNGUHING PAMANTAYAN
(YOUR TARGET COMPETENCIES)

Sa araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang:

 Naipapaliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari; at

 Napahahalagahan ang magandang naidudulot ng pag-iisip nang mabuti.

PANGUNAHING GAWAIN
(YOUR INITIAL TASK)

Panuto: Ipaliwanag ang ugnayan ng magkatapat na larawan sa isa’t isa. Paano sila
nagkakaugnay? Isulat ang paliwanag sa kahon.

_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

© netclipart.com © colourbox.com

_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

© clker.com © iconscout.com
Sa unang bahagi ng modyul na ito, tinukoy mo ang
ugnayan ng dalawang pangyayari sa mga larawan. Kung
susuriin, ang magkatapat na larawan ay nagpapakita ng sanhi at
bunga ng isang pangyayari. Sa araling ito, malalaman natin kung
C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
M paano
o d y u l tukuyin
s a P a ang
g k a sanhi
t u t o at
s abunga
F i l i png
i n pangyayari.
o 7
© pinpng.com

PAGTALAKAY SA ARALIN
(YOUR TEXT)

Talakayin natin!

Sanhi at Bunga

Sanhi
Ito ay nagsasaad ng dahilan kung bakit naganap ang isang pangyayari o
sitwasyon. Ginagamitan ito ng pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi o dahilan tulad ng
mga panandang: sapagkat/pagkat, dahil/dahilan sa, palibhasa, at kasi/naging
(Villaverde at Villafuerte, 2017, p. 25).

Halimbawa:
Si Mayor Ramos ay minahal ng mga tao sapagkat siya ay tunay na
matulungin sa kapwa. (Sanhi)

Umiyak si Rina kagabi dahil nakagalitan siya ng kaniyang Tatay.

(Sanhi)

Nakatulog si Samantha sa klase kasi nanuod siya ng telebisyon

hanggang madaling araw. (Sanhi)

Bunga
Ito ay nagsasaad ng RESULTA ng ginawang aksiyon o kilos. Ginagamitan ito ng
pang-ugnay na nagpapakita ng bunga o resulta tula ng kaya/kaya naman, dahil dito,
bunga nito, at tuloy (Villaverde at Villafuerte, 2017, p. 26).

Halimbawa:
Kahit hindi taga-Mindanao ay nagpakita ng pagpapahalaga si Senador
Gonzales sa nasabing lugar kaya naman inidolo siya ng karamihan.
(Bunga)

Sobrang ingay ng mga mag-aaral tuloy nagalit si Gng. Pascual.

(Bunga)

PANGMIDYANG SANGGUINIAN
(YOUR TECHNO-TIME)

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Para sa dagdag kaalaman at halimbawa tungkol sa sanhi at bunga panoorin ang
bidyo na nasa iyong flashdrive na may file name na:

BIDYO 3 – Sanhi at Bunga

PANLINANG NA GAWAIN
(YOUR PRACTICE TEST)

Gawain
A. Panuto: Pagtambalin ang sanhi sa Hanay A at ang katumbas nitong bunga sa
Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. (5 puntos)

Hanay A Hanay B
_____ 1. Malakas ang ulan madilim ang buong baranggay
_____ 2. Nagtulungan ang aming grupo nagtapos siyang may karangalan
_____ 3. Sobrang lamig sa kwarto mabilis na bumaha
_____ 4. Walang kuryente pinatay namin ang bentilador
_____ 5. Nag-aral si Jean nang mabuti natapos namin agad ang proyekto

B. Panuto: Punan ang kahon ng maaaring sanhi o bunga ng pangyayari sa larawan.

Isulat ito sa buong pangungusap. (5 puntos bawat isa)

Sanhi: __________________________________________
Bunga: _________________________________________
© vecto.rs

Sanhi: __________________________________________
Bunga: _________________________________________

© clipartguide.com

Sanhi: __________________________________________
Bunga: _________________________________________

© clipart-library.com
C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Sanhi: __________________________________________
Bunga: _________________________________________

© clipartpanda.com

PAGTATAYA
(YOUR FINAL TASK)

 Sa linggong ito ng ating klase, nasa unang modyul ang pagtataya.

PAGPAPAHALAGA
(YOUR THOUGHTS)

Panuto: Sagutin ang tanong sa isang pangungusap.

Ano ang magandang naidudulot ng pag-iisip muna nang mabuti bago gawin ang
isang aksiyon?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

MODYUL SA PAGKATUTO
Filipino 7

UNANG MARKAHAN (IKATLONG LINGGO – Bahagi 1)

ARALIN 1: DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON

PAKSA
(YOUR TOPIC)
C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Paksang-aralin: Dokumentaryong Pantelebisyon
Kagamitan: Mga babasahin, papel at bolpen at iba pa

TUNGUHING PAMANTAYAN
(YOUR TARGET COMPETENCIES)

Sa araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang:

 Nasusuri ang isang dokyu-film batay sa ibinigay na mga pamantayan; at

 Nabibigyang-halaga ang paksa ng pinanood na dokumentaryo.

PANGUNAHING GAWAIN
(YOUR INITIAL TASK)

Panuto: Magbigay ng apat na programa sa telebisyon na pinapanood mo. Isulat ito sa

loob ng kahon.

© empireonline.com

© pngitem.com
Sa ikatlong linggong ng ating klase sa Filipino 7,
tututukan natin at aalamin ang sa Dokumentaryong
Pantelebisyon. Pagkatapos ng aralin, matututunan ninyo kung
paano suriin ang isang dokumentaryong pantelebisyon
matapos itong mapanood.

© pinpng.com

PAGTALAKAY SA ARALIN
(YOUR TEXT)
C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Talakayin natin!

Dokumentaryong Pantelebisyon
Ito ay ang mga programang matapang na tumatalakay sa mahahalagang
kaganapan sa bawat sulok ng bansa at ipinakilala sa mamamayan ang pawang
katotohanan lamang.
Ito ay mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong
proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at
pamumuhay sa isang lipunan (Villaverde at Villafuerte, 2017, p. 189).

Mga sikat na dokumentaryong pantelebisyon sa Pilipinas:

1. Matanglawin
2. Reporter’s Notebook
3. I-Witness
4. Jessica Soho
5. Rated K
6. Motorcycle Diaries

PANGMIDYANG SANGGUINIAN
(YOUR TECHNO-TIME)
Para lubos na maunawaan ang araling dokumentaryong pantelebisyon, panoorin ang
bidyo na nasa iyong flashdrive na may file name na:

BIDYO 4 – Ang Dokumentaryong Pangtelebisyon

Pagkatapos, panoorin ang isang halimbawa ng dokumentaryong pantelebisyon na

nasa iyong flashdrive na may file name na:

BIDYO 5 – “Reporter’s Notebook: Pagpag”

PANLINANG NA GAWAIN
(YOUR PRACTICE TEST)

Pagsasanay 1
A. Panuto: Pagsasanay 1
Panuto: Sagutin ang tanong na may kinalaman sa dokyu-film, isulat ng buong
pangungusap ang iyong mga kasagutan. (5 puntos bawat aytem)

Kung ikaw ay isang tagapagbalita, ano ang isang isyu sa inyong lugar ang

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
gusto mong iulat sa telebisyon? Bakit?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Bilang isang mag-aaral, anong isyu o problema ng mga kabataan na nasa iyong
edad ang nais mong gawan ng isang dokumentaryong pantelebisyon?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
(YOUR THOUGHTS)

Panuto: Matapos panoorin ang bidyu na “Reporter’s Notebook: Pagpag,” kumpletuhin

ang pahayag sa ibaba. (5 puntos)

“Matapos kong mapanood ang dokumentaryo tungkol sa pagpag, naisip ko na

dapat _________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.”

SAGUTANG PAPEL SA FILIPINO 7

Pangalan: Pangkat:
Guro: Petsa:

PAGTATAYA
(YOUR FINAL TASK)

Pagsusuri sa Dokumentaryong Pantelebisyon

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Panuto: Panoorin at unawain nang mabuti ang isang dokumentaryong telebisyon na
nasa iyong mga flash drive na may file name na “How does 'pagpag' taste for Maricel
and her children?” Pagkatapos, suriin ang palabas gamit ang mga ibinigay na
pamantayan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong sa buong pangungusap. (2 puntos
bawat aytem)

1. Ano ang pamagat ng programa?

____________________________________________________________________
2. Sino ang mga target na manonood? (Halimbawa: kabataan, mag-aaral, mga magulang, atbp)
____________________________________________________________________
3. Ano ang mensaheng gustong ipahatid ng direktor sa mga manonood?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
4. Dati mo na bang alam ang tungkol sa pagpag?
____________________________________________________________________
5. Ano ang masasabi mo sa mga ginamit sa sound effects?
____________________________________________________________________
6. Ano ang masasabi mo tungkol sa pagkuha ng anggulo ng kamera?
____________________________________________________________________
7. Naging maganda ba ang pag-interbyu ng tagaulat? Ano ang masasabi mo
sa kanyang ginawang mga tanong?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
8. Sa anong bahagi ng palabas ang pinakanagustuhan mo?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
9. Anong aral ang makukuha sa pinanood na palabas?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
10. Irerekomenda mo ba ang pinanood sa iyong mga kaibigan? Bakit?
____________________________________________________________________

MODYUL SA PAGKATUTO
Filipino 7

UNANG MARKAHAN (IKAAPAT NA LINGGO – Bahagi 1)

ARALIN 1: MGA RETORIKAL NA PANG-UGNAY

PAKSA
(YOUR TOPIC)
C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Paksang-aralin: Mga Retorikal na Pang-ugnay
Kagamitan: Mga babasahin, papel at bolpen at iba pa

TUNGUHING PAMANTAYAN
(YOUR TARGET COMPETENCIES)

Sa araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang:

 Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda

(kung, kapag, sakali, at iba pa), sa paglalahad (una, ikalawa, halimbawa, at iba
pa; isang araw, samantala, at iba pa), sa pagbuo ng editoryal na nanghihikayat
(totoo/tunay, talaga, pero/subalit, at iba pa); at
 Natutukoy ang magandang naidudulot ng pagkakaroon ng alagang hayop.

PANGUNAHING GAWAIN
(YOUR INITIAL TASK)

Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang hayop na iyong inaalagaan o nais mong alagaan.
Magsulat ng apat na hamon o pagsubok na nararanasan kapag nag-aalaga ng hayop.

1. ________________________________________

2. ________________________________________

3. ________________________________________

4. ________________________________________
Sa unang bahagi ng araling ito, nagbigay ka ng iyong
sariling karanasan pagdating sa pag-aalaga ng hayop. Ito ay
may kaugnayan sa kwentong ating babasahin na may
kinalaman din sa pag-aalaga ng mga hayop. Pagkatapos,
tatalakayin natin ang tungkol sa Mga Retorikal na Pang-ugnay.

© pinpng.com

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Munting Kaibigan
ni Ibrahim Jubaira
salin sa Filipino ni Maria Cecilia Correa

Natapos na ang hapunan. Ang ama ng tahanan, na isang biyudong Arabong may
naluluging negosyo, ay pumasok na sa kaniyang silid nang wala man lang isang
salitang sinabi sa kaniyang anak na lalaki. Sapagkat nabusog na siya sa kaniyang
hapunan, nakaramdam na siya ng antok na tulad ng isang kobra na busog na busog
dahil sa nalulong isang napakalaking biktima.
Naiwan naman sa kusina ang kaniyang labindalawang taong gulang na anak na
lalaking si Yusouf upang punasan ang lumang mantel sa mesa gamit ang isang basang
pamunas. Maingat niyang sininop ang mga mumo ng kanilang hapunan, binalot ang
mga ito sa isang pirasong paepl, saka isinuksok nang palihim sa kaniyang bulsa.
Pagkatapos nagtungo siya sa kaniyang silid, tinanggal ang kaniyang sombrerong pula
na may itim na tasel, at isinabit ito sa kawitan sa dingding. Tahimik siyang nahiga,
nagkumot, at ipinikit ang kaniyang mga mata, nagkukunwaring natutulog na ngunit ang
isip ay gising na gising katulad ng mga bituin sa kalawakan.
Sapagkat halos wala namang sinasabi ang ama, malinaw na hindi niya alam ang
ginagawa ng kaniyang anak nitong mga nakaraang araw. Paminsan-minsan,
napapakibot ang ilong ng bata at naiinip na napapakislot ang kaniyang mga paa.
Pagkatapos ay didilat siya, umaasang darating ang kaniyang panggabing kaibigan,
papanhik sa kaniyang kama, at kukutkutin ang mga mumo sa kaniyang tabi. Sa loob ng
sampung gabi, ang bata ay nag-iiwan ng pagkain para sa daga tuwing ang kanyang
ama ay nagpapahinga na. Walang kaalam-alam ang kaniyang ama tungkol dito. Kung
malalaman lamang ng kaniyang ama…
Kumabog ang kaniyang dibdib at nanginig na parang naputol na buntot ng butiki.
Paano nga kaya kung malaman ito ng kaniyang ama? Tumigil ang pagkislot ng
kaniyang mga paa at tumitig siya sa kisame. Inihilig niya ang kaniyang ulo sa isang tabi
at sabik na nakinig sa kahit anong munting tunog mula sa kaniyang panggabing
kaibigan, ang daga. Subalit ang kaniyang naririnig ay ang hilik ng kaniyang ama,
mahina sa simula hanggang sa papalakas nang papalakas. “Ang Arabo nga naman
kung maghilik,” sa isip-isip ng bata, “tulad ng isang kamelyo na inabutan ng sandstorm!”
Maya-maya pa ay huminto ang paghilik. Sigurado siyang tulog na tulog na ang kaniyang
ama.
Habang nakatitig ang bata sa dingding na
naaandapan ng nakabiting ilaw, nababahala siya nang
maalala ang nangyari sa natagpuan niyang pusang
gala. Naalala niya kung paano siya kinompronta ng
kaniyang ama habang kipkip niya ang hayop at masaya
niyang sinabi sa ama, “Papa, Papa, di ba’t ang ganda
niya?”

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
“Ye’shaidena-Jahannam! Maganda, huh? Maganda, oo! Paalisin mo iyan dito.
Ayoko ng kahit anong hayop dito sa bahay!”

“Pero Papa, hindi naman siya nakakasakit. Puwede bang…”

“Wala nang kung ano-ano pang sinasabi. Tama na. Tama na. Alisin mo iyan
dito!”
“Pero gusto kong magkaroon ng alaga. Ang lahat ng batang lalaki sa
kapitbahayan…”
“Alisin mo iyan dito! Bibilhan kita ng ibang laruan. Maraming laruan sa mga
tindahan.”
“Pero hindi sila nakakatalon, nakakatakbo, o naglalaro.”
Sumigaw ang ama. “Alisin mo iyan dito!”
“Pero bakit po, Papa?”
“Basta gawin mo. Hay, Allah!”
Pero bumabalik ang pusa tuwing itinatapon niya ito, habang malungkot na
ngumingiyaw ay kitang-kita niya ang malarosas nitong dila. Ikinikiskis nito ang kaniyang
nguso at mukha sa binti ng batang lalaki. Sa galit ng ama ay isinilid niya ito sa isang
sako ng harina at pinakawalan sa kabilang dulo ng tulay. Hindi na nga natunton ng pusa
kung nasaan ang batang lalaki. Umiyak nang palihim ang bata sa nangyari.
“Itigil moa ng kalokohan mong iyan! Hay, Allah! Nagdadalamhati ka nang dahil
lamang sa isang maruming pusa? Marami na akong iniisip! Tama na ang kalokohan
mong ito!”
Nangako sa sarili ang bata na maghahanap ulit siya ng isang maaalagaan. Hindi
na niya hahayaang mahawakan pa ito ng kaniyang ama. Hanggang sa aksidente niyang
nakita ang dagang kulay kayumanggi. Nagsimula siyang magtabi ng mga mumo galing
sa kanilang hapunan para sa kaniyang bagong kaibigan. Itinatago niya ang mumo sa
kaniyang bulsa. Una niya itong inilagay sa butas sa sulok ng kanilang bahay, hanggang
sa malapit na sa kaniya. Ito na ang isang panalangin niya kay Allah
Ang pagmumuni ng bata ay biglang natigil. May isang bagay ang nagsisimula
nang kumutkot sa sulok ng silid. Idinilat niya ang kaniyang mga mata. Ito na nga ang
kaniyang munting kaibigang nagsimula nang gumapang at tumayo. Palibhasa’y matagal
na nasa dilim, nasilaw ito sa liwanag mula sa lampara. Pasulong itong kumilos na
parang isang mekanikal na manika palapit sa kama ng bata. Nagpigil ng hininga ang
bata at medyo ipinikit ang kaniyang mga mata. Walang kahirap-hirap na umakyat sa
kama ang daga habang pasinghot-singhot itong nagtungo sa kung saan naroon ang
pagkain. Sa sulok ng kaniyang mga mata, malugod itong pinagmamasdan ng bata
habang ang kaniyang puso ay kumakabog sa kagalakan. Sa mahinang boses ay paulit-
ulit niyang binulong,
“Munting kaibigan, munting kaibigan, kainin moa ng lahat ng pagkaing iyong
maibigan. Bukas ng gabi ay mas marami pa riyan. Mag-ingat ka lamang munti kong

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
kaibigan.”
Biglang iniusad ng daga ang kaniyang mabalahibong nguso na parang isang biik.
Itinaas niya ang kaniyang ulo at kumurap. Gumalaw ito at lumundag sa tiyan ng bata.
Libang na libang ang bata. Nagbigay sa kaniya ng kakaibang kaligayahan ang ginawa
ng daga.
“Munting kaibigan, munting kaibigan,” ang sabi ng kaniyang puso. Nagpunta ang
daga sa mukha ng bata na halos mahawakan na ito ng daga. Sa pagkakataong ito,
kumukurap-kurap ang bata. Nang Makita ito ng daga at maramdaman ang hindi na
nakontrol na paghinga ng bata, dali-dali itong bumaba sa katawan niya, sa gilid ng
kama, hanggang sa butas na kaniyang pinanggalingan.
“Munting kaibigan, munting kaibigan.” Paulit-ulit itong ibinubulong ng bata na tila
isang sikretong mahika tulad ng isang gintong lubid na nagdadala sa kaniya sa isang
nakatagong kayamanan sa kung saan hanggang sa siya ay nakatulog na.
Hindi iyon nagtagal. Hanggang sa pagtulog ng bata ay nagkaroon siya ng
magandang panaginip tungkol sa malayong lugar kasama ang mga kakaiba at palaban
na mga tao. Patungo siya sa labanan kasama ang kaniyang kaibigang daga na naging
isang higante at nakatatakbo nang mas mabilis pa sa kabayo at nakalilipad sa langit
tulad ng sa alamat ng garuda. Sila ay nasa isang malawak na disyerto ng Tihama at
Abadan at Baital Faquih at sa kabila ng mga bundok ng buhangin at pira-pirasong lupa
ng oasis ay may mga higanteng pusa at kabayo, elepante, at mga batang kawal na iba’t
ibang kulay. Mayroon ding mga panang nagliliparan sa kabilang disyerto. Iniligtas ng
higanteng daga ang bata sa pamamagitan ng paglipad paitaas. Sa kalagitnaan ng
labanan, nakita niya ang kaniyang ama na hinahampas ang isang sandata sa kaniyang
kamay at isang jambiya sa kabilang kamay.
Biglang lumitaw sa eksena ang kaniyang ama at nagsisigaw ng “Ina! Ina!” Isang
payat na babae ang ipinako at ipinakain sa isang higanteng pusa. Dumaloy ang dugo sa
mga sugat ng babae, na siyang nagpabaha at tumabon sa malawak na disyerto
hanggang sa Dagat na Pula. Hindi sumuko ang kaniyang ama. Kumapit itong mabuti
nang ito ay lusubin ng higanteng pusa. Doon na nagsimulang magsisigaw ang bata
habang natutulog. Ang kaniyang tinig ang pumukaw sa pagkatulog ng kaniyang ama sa
kabilang silid.
“Yosouf, ano’ng nangyari? Yashaidena, ano’ng nangyari?” Hindi niya masabi ang
nangyari sa kaniyang ama.
“Napanaginipan ko po…” nagdadalawang-isip siya at pinigilan siya ng kaniyang
puso. Iyon ay isang malupit na paghampas, simbangis ng isang leon na nagpupumiglas
sa loob ng isang hawla.
“Ano ang napanaginipan mo?”
“Napanaginipan ko po…” muli siyang nagdalawang-isip. “Papa, iyong mga
higanteng pusa, mabangis ba sila para pumatay at kumain ng isang kaawa-awang
babae?”

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
“Walang higanteng pusa. Gulo, gulo,” ang sambit ng kaniyang ama.
“Nanaginip ka, nagsisigaw ka – isang masamang pangitain. Ibig sabihin ay
masamang negosyo. Maligo ka. Masamang hindi maligo.”
“Nakakita ka na po ba ng babaeng pinatay ng isang higanteng pusa, Papa?”
Nakita ko po kasi sa panaginip ko at tinangka po ninyong…” At sa pautal-utal na boses
ay ikinuwento ng bata ang kaniyang boses.
Namuti ang mata ng ama sa takot. Totoo, nakakita na siya nito noong siya ay
bata pa lamang, kung paano kinalmot ng pusa ang mukha ng isang babae sa kaniyang
pagtulog at mula rito ay nagkasakit ang babae hanggang sa mamatay. Kung sino man
iyon ay hindi niya alam. Paano niya malalaman? Hindi ito magandang alalahanin.
Malas, malas, malas. Halos masira ang kaniyang ulo. Paano mauunawaan ng kaniyang
anak kung bakit niya kinasusuklaman… kaya tinabig niya ang kaniyang mga kamay at
inihampas sa kaniyang mga hita, isang larawan ng kawalang pag-asa.
Nang almusal, halos hindi nag-imikan ang mag-ama. Mabagal na kinain ng bata
ang kaniyang tinapay na tila hindi niya kayang ubusin. Pilit niyang pinagtatagni-tagni
ang kaniyang mga panaginip, “Ang babae… maaari kayang…?”
“Nakakita ako ng mga mumo ng pagkain malapit sa unan mo at mayroon ding
bakas ng paa ng daga sa kumot mo pati na sa sahig malapit sa kama mo.”
“Opo, Papa.”
“Kailangan ko ng paliwanag.” Nagkunwaring walang alam ang bata. “Paliwanag,
Papa?”
“Bakit ka naglagay ng mga mumo roon?”
“H-hindi po.” May pagsisinungaling, alam niya iyon at ito na rin ang nagkanulo sa
kaniya. Kinakabahan siya sa kaniyang upuan. Ano ang sasabihin niya?
“May mga dag aba rito sa bahay at hinayaan mo sila. Malas iyan, naintindihan
mo? Ibig sabihin nito ay kamalasan, malas sa negosyo. Kailangang alerto tayo.”
Alerto! Ang mabigat na dibdib ng bata ay gumaan. Kailangan alerto talaga! Iyon
ang magliligtas sa kaniya at sa kaniyang kaibigan. Ang pagsunod niya ang nagtatakip
sa kaniyang pagsisinungaling at pagbababala na rin sa kaniyang munting kaibigan.
Nang gabing iyon ay hindi natulog ang ama at naupo lamang sa isang silyang
may patungan ng kamay. Nagmamatyag siya habang hawak-hawak ang isang batuta.
Nakatulog na ang bata. Hinsi pa siya nakatutulog nang lubusan nang may isang
matigas at mabigat na bagay ang ipinukpok sa sahig. Sinundan ito ng hindi magandang
salita.
“May malaking daga,” ang sabi ng ama. “Nagpunta ito doon sa may butas.”
Nakahinga nang maluwag ang bata nang marinig niya ito.
“Munting kaibigan, munting kaibigan,” bulong niya sa sarili. Dalawang
magkasunod na gabing nag-abang ang ama sa daga hanggang sa siya ay sumuko.
Natuwa ang bata.
Nang ikatlong gabi, naghintay ang bata sa kaniyang kaibigan. Takot marahil ang

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
daga sa posibleng kamatayan, sa isip ng bata, ang natural na pagiging tuso ang siyang
naging babala para hindi lumitaw ang daga sa silid. Hindi nawalan ng pag-asa ang bata.
Nahiga siya at nagkunwaring natutulog. Naghintay siya sa kanilang sikretong tagpuan
hanggang sa naulinigan niya na may mahinang kumukutkot. Ang ulo ng daga ay unti-
unting lumitaw sa butas. Maingat na inilabas nito ang kaniyang mga paa. Nagpatakbo-
takbo at nagpaikot-ikot ito patungo sa kama at nagpahinto-hinto. Ang puso ng bata ay
aandap-andap habang binabanggit ang kaniyang sikretong mensahe, “Munting
kaibigan, munting kaibigan.”
At nangyari na nga. Sa isang iglap lang ay may isang bagay na gumapos sa
puso ng bata. Tila huminto ang takbo ng mundo. Tumayo siya upang tingnan kung ano
ang nangyari. Nagimbal siya sa kaniyang nakita. Ang ulo ng daga ay buong-buong
nadurog at luwa ang mga mata nito habang nangingisay ang katawan. Iginalaw ng daga
ang kaniyang buntot sa huling pagkakataon. Ang bakal na panghuli ng daga ang siyang
kumitil sa buhay ng munting kaibigan ng bata. Higit pa rito ang kaniyang nasaksihan.
Ang kalakihan ng katawan ng isang lalaking may hawak na batuta ang siya ring pumalo
sa kaawa-awang hayop. Nasugatan nang napakalalim ang bata; sugat na tila matagal
bago maghilom sa pagitan niya at ng lalaki na ngayon ay tila isang malawak na gulpo o
kung ano pa man.
Masayang kinakausap ang sarili na nakatayo sa tabi ng kaniyang anak. “Nahuli
rin natin sa wakas. Sabi ko na nga ba at sa dating bakas ko maaaring ilagay ang
panghuli malapit sa iyong higaan. Bago ang panghuling iyan – salamat sa nagtitinda ng
mga gawa sa Tsina, binili ko lamang ngayong gabi.”
Inangat ng lalaki ang panghuli at hinawakan ang walang buhay na daga sa binti
nito. Nanginginig na inihagis niya ito palabas ng bintana sa direksiyon ng madilim na
daanan. Subalit sa pakiramdam ng bata, tila dinukutan siya ng puso. Nangunguyngoy
na sinambit, “Munting kaibigan, munting kaibigan.”
“Luko-luko kang bata ka,” galit na sabi ng ama. “Bakit ka umiiyak? Anong
iniiyakan mo? Malas iyan. Iniyakan mo ang pusa at ngayon naman ay ang daga.
Iniiyakan mo na lang lahat. Para ba saan itong iyong pag-iyak?”
Humikbi ang bata na parang nawalan ng isang pinakamagandang bagay sa mundo.

PAGTALAKAY SA ARALIN
(YOUR TEXT)

Talakayin natin!

Ang iyong binasang kwento ay nabibilang sa genre ng maikling kwento. Ang

maikling kwento ay isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa hanggang tatlong tauhan at may iisang kakintalan o impresyon

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
lamang. Maikli lamang ang anyong ito ng panitikan na maaaring tapusing basahin sa
isang upuan lamang (Festin at Correa, 2018, p. 71).

Ugnay-wika

Mga Retorikal na Pang-ugnay

Ang pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa

isang pangungusap. Pinag-uugnay nito ang dalawang salita, parirala, o sugnay.
Nakatutulong din ang pang-ugnay sa pagkakaroon ng kaisahan at ugnayan ng mga
pangungusap sa loob ng isang talata (Festin at Correa, 2018, p. 73).

Gamit ng mga pang-ugnay na kung, kapag, sakali, at iba pa

Ang mga pang-ugnay na kung, sana, baka, kapag, sakali, pagka, at pag ay mga
retorikal na pang-ugnay na panubali. Ginagamit ang mga ito sa pagpapahayag ng pag-
aalinlangin o pagbabakasakali.

Halimbawa:
Lalong maghihirap ang ating bayan kung pababayaan nating walang lupa ang mga
magsasaka.

Paliwanag: Ang pang-ugnay na “kung” ay ginamit upang ipakita ang posibilidad na

maghirap ang bayan dahil walang lupa ang mga magsasaka.

Kapag hinayaan nating makalbo ang ating kagubatan, malamang na lagi na lang
tayong dadanas ng mga matinding baha at tagtuyot.

Paliwanag: Ginamit ang pang-ugnay na “malamang” upang ipakita ang posibilidad ng

tagtuyot at baha dahil sa nakakalbong kagubatan. Ginamit rin ang “kapag” upang
ilarawan ang posibilidad na makalbo ang kagubatan.
Bibiyahe ako pa-Tuguegarao kapag bumuti ang panahon.

Paliwanag: Ginamit ng nagsasalita ang pang-ugnay na “kapag” upang idiin na ang

pagbuti ng panahon ang kondisyon upang makabiyahe siya papunta sa Tuguegarao.

Kung sakaling dumating si Marina at nakaalis na ako, pakibigay na lang sa kanya ang
susi ng bahay.

Paliwanag: Gamit ang mga pang-ugnay na “kung at sakali,” ipinahahayag ng

nagsasalita na maaaring dumating si Marina kapag nakaalis na siya. Ipinahahayag din
niya ang posibilidad na hindi ito dumating.

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Sana huminto na ang kaguluhan sa Mindanao.

Paliwanag: Ipinahahayag ng pang-ugnay na “sana” ang paghiling na huminto na ang

kaguluhan sa Mindanao.

Gamit ng mga pang-ugnay na totoo/tunay, talaga, pero/subalit, at iba pa

Bilang bahagi ng pananalita, may mga pang-ugnay na nagbibigay ng patunay at

nagsisilbing pandiin sa katotohanan ng isang ideya. Maipapakita ito sa pamamagitan ng
dalawang paraan o teknik: una, sa pagbibigay-diin na ito ang katotohanan; at
pangalawa, sa pamamagitan ng pagko-contrast (pag-iiba) o nag-uugnay sa
pamamagitan ng dalawang pahayag na magkaiba ang ideya (Santos at Canlas, 2020,
p. 9).

Halimbawa:

Tunay na pawang pasakit ang idinulot ng mga Kastila rito sa ating bansa. Totoo
ngang maraming Pilipino ang nagdusa sa loob ng kanilang pananakop. Subalit hindi rin
natin maitatanggi na maraming naiwan ang mga Kastila sa Pilipinas na mababakas pa
rin hanggang sa kasalukuyan. Sa katunayan, karamihan sa ating kultura at tradisyon
ay impluwensiya ng mga Kastila katulad na lang ng Romano Katoliko na relihiyon ng
mas nakararaming Pilipino. Pero isipin pa rin na marami sa ating mga bayani ang nag-
alay ng kanilang buhay makamit lang ang ating kalayaan laban sa kanila.

PANGMIDYANG SANGGUINIAN
(YOUR TECHNO-TIME)

Kaugnay sa kwentong binasa tungkol sa pag-aalaga ng mga hayop, panooring

mabuti ang bidyo ng isang dokumentaryo na may file name na:

BIDYO 6 – Kilalanin si Nick, ang dakilang tagapapag-alaga ng mga aso’t pusa

PANLINANG NA GAWAIN
(YOUR PRACTICE TEST)
C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Pagsasanay 1
A. Panuto: Pagdugtungin ang mga sumusunod na mga pangungusap gamit ang
tamang retorikal na pang-ugnay: kung, sana, baka, kapag, sakali, pagka, at pag.

1. Binabalot ni Yosouf ang mga mumo sa mesa ___________ maraming naiiwan

dito.
2. Isang bagay ang gagapos sa puso ng bata ___________ mawala ang kaniyang
munting kaibigan.
3. ___________ nakita niya ang nangyari sa kaniyang munting kaibigan, tiyak na
magigimbal siya.
4. Maiipit ang kaniyang kaibigan ___________ pumitik ang bakal na panghuli ng
daga.
5. Gumaan ang bigat sa dibdib ni Yosouf ___________ dumating na ang hinihintay
niyang kaibigan.
6. Naisip ni Yosouf na ___________ natatakot ang kaniyang munting kaibigan kaya
hindi ito nagpapakita.
7. Nahiga siya at nagkunwaring tulog ___________ sumilip ang kaniyang ama.
8. ___________ huminto ang takbo ng mundo, tumayo siya upang tingnan kung ano
ang nangyari.
9. Nasugatan nang napakalalim ang bata; sugat na ___________ matagal bago
maghilom.
10. ___________ may narinig siyang munting yabag, maingat niyang inilalabas ang
kaniyang ulo sa pagkakatalukbong.

SAGUTANG PAPEL SA FILIPINO 7

Pangalan: Pangkat:
Guro: Petsa:

PAGTATAYA
(YOUR FINAL TASK)

Panuto: Panoorin nang mabuti ang dokumentaryong “Kilalanin si Nick, ang dakilang
tagapangalaga ng aso’t pusa.” Hango sa palabas na ito, sumulat ng isang maikling
talata na nanghihikayat (encourage) sa ibang kabataan na alagaan nang mabuti ang
mga hayop. Binubuo ito ng 6-8 na pangungusap. Gamitin ang mga sumusunod na

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
pang-ugnay sa iyong talata: totoo, tunay, talaga, pero, at subalit. Gawing gabay sa
pagsulat ang mga katanungan sa ibaba. (20 puntos)

 Ano ang maidudulot ng pagkakaroon ng alagang hayop sa buhay ng tao?

 Paano responsableng alagaan ang mga hayop?
 Bakit kailangang wakasan ang pag-aabuso sa mga hayop?

Paalala: Maaaring balikan ang halimbawang ibinigay na talata tungkol sa pananakop

ng mga Kastila na nasa bahaging “Pagtalakay sa Aralin” bago simulan ang pagsulat.

Krayterya sa Pagpupuntos:
Kawastuhan ……………………………… 10 puntos
Nilalaman …………………………………. 5 puntos
Pagkamapanghikayat ……………………. 5 puntos
KABUUAN ………………………………… 20 puntos

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
PAGPAPAHALAGA
(YOUR THOUGHTS)

Panuto: Sagutin ang tanong sa buong pangungusap.

Sa iyong palagay, ano-ano ang posibleng maging resulta kapag mayroon tayong
maraming alagang hayop at ituring ang mga ito bilang kapamilya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

MODYUL SA PAGKATUTO
Filipino 7

UNANG MARKAHAN (IKALIMANG LINGGO – Bahagi 1)

ARALIN 1: MGA PANGUNGUSAP NA WALANG TIYAK NA PAKSA

PAKSA
(YOUR TOPIC)

Paksang-aralin: Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Kagamitan: Mga babasahin, papel at bolpen at iba pa

TUNGUHING PAMANTAYAN
(YOUR TARGET COMPETENCIES)

Sa araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

 Nakabubuo ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na walang paksa; at

 Nagagamit ang mga pangungusap na walang tiyak na paksa sa pagbuo ng isang
patalastas.

PANGUNAHING GAWAIN
(YOUR INITIAL TASK)

Panuto: Magbalik-tanaw tayo sa aralin ninyo sa elementarya, ang “Dalawang Bahagi

ng Pangungusap.” Bilugan ang paksa o simuno ng bawat pangungusap.

1) Tunay na nakakalibang sa sarili ang pagsasayaw.

2) Ang hinog na papaya sa puno ay kinuha ni Marie.
3) Maganda talaga ang kwentong binasa ko.
4) Umuugong sa gubat ang malakas na sigaw ni Andrea.
5) Pumunta sa Baguio kahapon ang pamilyang Santos.
6) Ang sanggol ay kanina pang umiiyak sa loob ng kwarto.

Ang karaniwang anyo ng isang pangungusap ay

binubuo ng simuno o paksa at panaguri. Subalit, maaari ring
matawag na pangungusap kahit na hindi direktang isinaad
ang paksa o pinag-usapan sa mismong pangungusap. Iyan
ang ating aralin sa ikalimang linggo ng ating klase.

© pinpng.com

PAGTALAKAY SA ARALIN
(YOUR TEXT)

Talakayin natin!

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa
Kapag sinabing pangungusap, madalas na nasa isip natin na ito ay dapat
nagtataglay ng mga sumusunod (Festin at Correa, 2018, p. 107):
 Malaki ang unang titik ng unang salita.
 Nagtatapos sa bantas (tuldok, tandang pananong o tandang padamdam).
 May isinasaad na buong diwa o kaisipan.
 Kailangan may paksa o simuno na siyang pinag-uusapan sa pangungusap.
Gayunpaman, may mga pangungusap na hindi direktang nakasaad ang paksa o
pinag-usapan. Sa wikang Filipino, kahit ang isang salita ay maituturing na pangungusap
(Santos at Canlas, 2020, p. 71).

Halimbawa:
Ang bata ay tumatakbo. (Simuno + Panaguri) Karaniwang
Tumatakbo ang bata. (Panaguri + Simuno) pangungusap
Pangungusap na Walang
Takbo na. Tiyak na Paksa

Makikita sa unang halimbawa na ang paksa o pinag-usapan sa pangungusap ay

ang bata. Siya ang paksa o simuno sapagkat ginawa niya ang panaguri, pagtakbo.

Sa ikalawang pangungusap, hindi tiyak o direktang masabi kung sino o ano ang
paksa. Subalit maituturing pa rin itong pangungusap dahil nagsasaad na ito ng buong
diwa.

Halimbawa:
Ang proyekto ay maganda. (Simuno + Panaguri)
Karaniwang
Ang ganda ng proyekto. (Panaguri + Simuno)
pangungusap
Pangungusap na Walang
Wow, ang ganda!
Tiyak na Paksa
Narito ang mga pangungusap na walang tiyak na paksa sa wikang Filipino:
1. Eksistensiyal
Pangungusap ito na nagsasaad ng “pagkakaroon” o “pagkawala” ng pinag
usapan.

Halimbawa:
Wala pa.
May nanalo na.

2. Pakiusap
Pangungusap na nagsasaad ng kahilingan o pakiusap.

Halimbawa:

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Pakisuyo naman.
Puwedeng pakibuksan?

3. Temporal
Nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian lamang.
Karaniwan na itong pang-abay na pamanahon.

Halimbawa:
Tanghali na.
Sa makalawa na.

4. Modal
Pangungusap na gumagamit ng mga salitang gusto, nais, puwede, maaari,
dapat, o kailangan.

Halimbawa:
Puwede ba?
Gusto ko.

5. Penomenal
Ito ay mga pangungusap na tumatalakay sa mga kalagayan o pangyayari sa
kalikasan o pangkapaligiran.

Halimbawa:
Bumabagyo.
Maalinsangan.

6. Panawag
Maaari din itong tawaging vocative o iisang salita o panawag.

Halimbawa:
Psst!
Hoy!

7. Amenidad o Pambating Panlipunan

Ito ay mga magagalang na pananalita o ekspresyon na mahalaga sa
pakikipagkapwa-tao.

Halimbawa:
Paumanhin po!
Tao po!

8. Padamdam na Pangungusap
Nagpapahayag ito ng masidhing damdamin ng tao.

Halimbawa:

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Wow, ang ganda!
Naku po!

9. Paghanga
Ginagamitan ito ng panlapi para sa kaantasang pasukdol na napaka- at kay-

Halimbawa:
Napakaganda naman!
Kaytalino nga!

10. Pandiwang may “ka”

Nagsasaad ito ng katatapos na lamang na kilos o pangyayari. Madalas itong
may kasunod na “lang” o “lamang.”

Halimbawa:
Kagigising lang.
Kadarating lamang.

PANGMIDYANG SANGGUINIAN
(YOUR TECHNO-TIME)

Para lubos na maunawaan pa ang tungkol sa mga pangungusap na walang paksa,

panoorin ang bidyo na nasa iyong flashdrive na may file name na:

BIDYO 7 – Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa

PANLINANG NA GAWAIN
(YOUR PRACTICE TEST)

Pagsasanay 1
A. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap na walang tiyak na paksa ang
sumusunod. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang. (10 puntos)

_______________1. Hala!
_______________2. Sunog!
_______________3. Puwede ba?
_______________4. Pakikuha po.
_______________5. Kain na po.
_______________6. Tuloy po kayo.

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
_______________7. Baha!
_______________8. Ang init!
_______________9. Tanghali na pala.
______________10. Kaliligo lang.

B. Panuto: Magbigay ng tig-isang halimbawa sa bawat uri ng mga pangungusap na walang

tiyak na paksa. (10 puntos)

1. Eksistensyal

2. Pakiusap

3. Temporal

4. Modal

5. Penomenal

6. Panawag

7. Amenidad

8. Padamdam na Pangungusap

9. Paghanga

10. Pandiwang may “ka”

SAGUTANG PAPEL SA FILIPINO 7

Pangalan: Pangkat:
Guro: Petsa:

PAGTATAYA
(YOUR FINAL TASK)

PAGBUBUO NG PATALASTAS
Panuto: Sumulat ng limang halimbawa ng mga pangungusap na walang tiyak na paksa na
maaaring magamit sa pagbuo ng isang patalastas ng isang produkto. Ilagay ang pangalan at
larawan ng iyong produkto. Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba. (20 puntos)

Halimbawa:
© google.com
1. Wow, ang sarap!

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
(Padamdam na Pangungusap)
2. Gusto ng lahat.
(Modal)
3. Napakalinamnam.
(Paghanga)
4. Maaaring ubusin?
(Pakiusap)
5. Salamat po!
(Amenidad o Pambating Panlipunan)

Sariling patalastas:

Larawan ng produkto

Krayterya sa pagpupuntos:
Kaangkupan ng pangungusap ………………. 10 puntos
Kawastuhan …………………….……………… 10 puntos
KABUUAN …………………...………………... 20 puntos

PAGPAPAHALAGA
(YOUR THOUGHTS)

Panuto: Isulat sa buong pangungusap ang iyong natutunan sa araling ito.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
MODYUL SA PAGKATUTO
Filipino 7

UNANG MARKAHAN (IKAANIM NA LINGGO – Bahagi 1)

ARALIN 1: PAGSUSUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI | ALAMAT

PAKSA
(YOUR TOPIC)

Paksang-aralin: Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari | Alamat (Alamat ng Perlas

sa Mindanao)
Kagamitan: Mga babasahin, papel at bolpen at iba pa

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
TUNGUHING PAMANTAYAN
(YOUR TARGET COMPETENCIES)

Sa araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

 Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling

karanasan; at
 Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kwento, mito/alamat/kuwentong-bayan.

PANGUNAHING GAWAIN
(YOUR INITIAL TASK)

Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga katanungan.

1. Ano ang tawag ng nasa larawan sa wikang Filipino?

_________________________________________

2. Paano ba ito kinukuha?

_________________________________________
_________________________________________

© google.com

Inilarawan mo sa unang bahagi ng modyul na ito ang

tinatawag na taklobo. Makakakita ka ng maraming taklobo sa
isla ng Mindanao. Sa loob nito may matatagpuan kang isang
perlas. Ngayon, basahin ang isang alamat na nagsasalaysay
sa pinagmulan ng mga perlas sa loob ng taklobo.

© pinpng.com

Alamat ng Perlas sa Mindanao

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
PAGTALAKAY SA ARALIN
(YOUR TEXT)

Talakayin natin!

Alamat
Ang alamat ay isang akdang pampanitikan na tumutukoy sa pinagmulan ng isang
bagay o mga bagay-bagay, hayop, lugar, halaman, at pangyayari at ang pinakadiwa ay
mga bagay na makasaysayan (Sauco, 2013, p. 63).

PANGMIDYANG SANGGUINIAN
(YOUR TECHNO-TIME)

Para sa dagdag kaalaman tungkol sa uri ng panitikan na alamat, panoorin ang bidyo
na nasa iyong flashdrive na may file name na:

BIDYO 8 – Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat

PANLINANG NA GAWAIN
(YOUR PRACTICE TEST)
C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Pagsasanay 1
A. Panuto: Magbigay ng tigta-talong halimbawa ng mga sitwasyong makatotohan at
hindi makatotohanan sa binasang alamat. Ihanay ang mga sagot sa tsart. (10 puntos)

Makatotohanang Pangyayari
1.
2.
3.

Hindi Makatotohanang Pangyayari

1.
2.
3.

PAGPAPAHALAGA
(YOUR THOUGHTS)

Kung ikaw ang nasa kalagayan ng pangunahing tauhan, kaya mo rin bang maghintay
sa iyong minamahal sa mahabang panahon?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
SAGUTANG PAPEL SA FILIPINO 7
Pangalan: Pangkat:
Guro: Petsa:

PAGTATAYA
(YOUR FINAL TASK)

PAGSASALAYSAY NG BINASANG ALAMAT

Panuto: Isalaysay ang buod (summarization) ng binasang alamat sa pamamagitan ng
sunod-sunod na pangyayari. Isulat sa loob ng bawat kahon ang sunod-sunod na
pangyayari. Sa bawat kahon, sumulat ng dalawa hanggang tatlong pangungusap
lamang. (20 puntos)

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Alamat ng Perlas
sa Mindanao

__________________________________________________________________________

UNANG MARKAHAN (IKAPITONG LINGGO – Bahagi 1)

ARALIN 1: PROYEKTONG PANTURISMO | TRAVEL BROCHURE

PAKSA
(YOUR TOPIC)

Paksang-aralin: Proyektong Panturismo | Paggawa ng Travel Brochure

Kagamitan: Mga babasahin, papel at bolpen at iba pa

TUNGUHING PAMANTAYAN
(YOUR TARGET COMPETENCIES)

Sa araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

 Naipapaliwanag ang mga salitang ginamit sa paggawa ng proyektong

panturismo (halimbawa ang paggamit ng acronym sa promosyon); at
 Nagagamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa ng isang
makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo.

PANGUNAHING GAWAIN
(YOUR INITIAL TASK)

Anong lugar sa Pilipinas ang

napasyalan mo na at hinding-hindi
mo makakalimutan? Bakit?
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________

© adventureinyou.com

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
Ang paggamit ng islogan ay isang epektibong paraan
para makaakit ng mga turista na mamasyal rito sa ating
bansa. Sa araling ito, tatalakayin natin ang tungkol sa
Proyektong Panturismo at gagawan ng isang mabisang travel
brochure ang sariling pamayanan.

© pinpng.com

PAGTALAKAY SA ARALIN
(YOUR TEXT)

Talakayin natin!

Proyektong Panturismo
Ang proyektong panturismo ay ang paglalahad ng mga natatagong kagandahan
ng isang lugar. Sa pamamagitan nito maipapatalastas ang mga produkto, pasyalan,
personalidad o kahit na anong bagay na maaaring makatulong sa pagangat ng turismo
sa lungsod na kinaroroonan.
Sa tulong ng proyektong ito, mapapaunlad ang turismo sa ating lungsod. Ang
proyektong panturismo ay makatutulong upang kilalanin natin at tangkilikin ang mga
ipinagmamalaking atin, sa tulong ng mga talento ng ating kabataan (wordpress.com).

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng travel brochure:

1. Bohol

© flickr

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
2. Palawan 3. Davao

© studentshow.com © davaoportal.com

Sa isang proyektong panturismo na travel brochure, mahalaga na ang mga

larawan ng lugar, tao, o mga selebrasyon ay hindi likhang-isip lamang kundi bunga ng
masinop na pananaliksik. Maging ang mga munting talatang ilalagay sa isang travel
brochure ay dapat maging totoo at kapani-paniwala (Santos at Canlas, 2020, p. 78).

Nilalaman ng isang Proyektong

Panturismo:
1. Kailangan isulat kung paano
lakbayin ang lugar sa iba’t ibang
paraan tulad ng pagsakay ng taksi
at kung magkano ang pamasahe.
2. Isali ang mga sikat na pagkain at
kainan sa lugar.
3. Isulat ang iba’t ibang gawain o
aktibiti na maaaring gawin ng mga
turista.
4. Isama ang iba pang mga tourist
spots na sikat sa lugar.

PANGMIDYANG SANGGUINIAN
(YOUR TECHNO-TIME)

Isang halimbawa rin ng proyektong panturismo ang paglikha ng video clip para sa
pagtangkilik ng isang lugar, panoorin ang bidyo ng Department of Tourism noong
taong 2012 na may file name na:

BIDYO 9 – “It’s more fun in the Philippines”

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
PANLINANG NA GAWAIN
(YOUR PRACTICE TEST)

Pagsasanay 1
A. Panuto: Gamit ang akronim ng lungsod, ilarawan mo ang Digos para pang-akit sa
mga turista. Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba sa pagsagot. Isulat ang sagot sa
nakalaang kahon. (5 puntos)

Halimbawa:
D-ito matatagpuan ang kilalang mala-Baguiong tourist spot na Kapatagan.
I-to ay lungsod na may masasarap na mga pagkaing matitikman.
G-
O-
S-

D- _________________________________________________________________________
I- _________________________________________________________________________
G- _________________________________________________________________________
O- _________________________________________________________________________
S- _________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
(YOUR THOUGHTS)

Bilang isang mag-aaral, ano sa tingin mo ang maitutulong sa iyo ng pagkakaroon ng

kaalaman tungkol sa paggawa ng isang proyektong panturismo?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
SAGUTANG PAPEL SA FILIPINO 7
Pangalan: Pangkat:
Guro: Petsa:

PAGTATAYA
(YOUR FINAL TASK)

PAGGAWA NG SARILING TRAVEL BROCHURE

Panuto: Lumikha ng isang brochure tungkol sa inyong baranggay. Ilagay sa kahon ang
guhit ng mapa ng inyong baranggay, mga produktong mabibili, mga kilalang
personalidad na isinilang o nagmula sa inyong baranggay, at iba pang bagay na sa
palagay mo ay makahihikayat sa mambabasa na pasyalan ang inyong baranggay.
Maaaring gumamit ng ibang bond paper.

Krayterya sa pagpupuntos:
Kawastuhan 10 puntos
Nilalaman 10 puntos
Pagkamalikhain 10 puntos
KABUUAN 30 puntos

C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7
C o r J e s u C o l l e g e – B a s i c E d u c a ti o n D e p a r t m e n t
Modyul sa Pagkatuto sa Filipino 7

You might also like