You are on page 1of 4

Pangalan: Ronalyn C.

Adlawon Educ3C BSED Filipino

Naging sultan si Pilandok(Mula sa bayan ng Maranaw)


Maikling Kwento

Ang kinagigiliwang Juan ng Katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw – si Pilandok. Si Pilandok
ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang
ginawa. Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harapan
na nakasuot ng magarang kasuotan ng Sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na
ginintuang tabak.

” Hindi ba’t itinapon ka na sa dagat?” nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok.

“Siya pong tunay, mahal na Sultan,” ang magalang na tugon ni Pilandok.

“Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na
ngayon,” ang wika ng Sultan.

”Hindi po ako namatay, mahal na Sultan sapagkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat
nang ako’y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na
mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?” ang paliwanag ni Pilandok.

“Marahil ay nasisiraan ka ng bait,” ang sabi ng ayaw maniwalang Sultan.

“Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat.

“Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako
na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo,” ang paliwanag ni Pilandok.

“May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla
at itapon sa gitna ng dagat. Ako po’y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-
anak.”

Umakmang aalis na si Pilandok.

”Hintay,” sansala ng Sultan kay Pilandok. “Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno,
ang Sultan ng mga Sultan at ang iba ko pang kamag-anak.”Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal
ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihang walang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay
mag-isang pupunta roon ang sultan saloob ng isang hawla.

“Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat,” ang sabi ng Sultan.
“Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?” ang tanong ni Pilandok.
”Kapag nalaman po ng iba ang tungkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais
silang magtungo rin doon.

Sandaling nag-isip ang Sultan at nakangiting nagwika, “Gagawin kitang pansamantalang Sultan,

Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin.”

“Hintay, mahal na Sultan,” ang pigil ni Pilandok. “Hindi po ito dapat mlaman ng inyong mga
ministro.”

”Ano ang nararapat kong gawin?” ang usisa ng Sultan.

“Ililihim po natin ang bagay na ito. Basta’t ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at
espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako,” ang tugon ni Pilandok.

Pumayag naman ang Sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok anghinihingi at isinakay sa isang bangka.
Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla
at namatay ang Sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging Sultan.
Mga katanungan:

A. Panuto:Piliin ang titik sa ng tamang sagot sa bawat bilang.Isulat sa patlang ang kasagutan bago ang
numero.

____1. Siya ang pumigil na tawagin ng Sultan ang mga kawal upang banggitin ang tungkol sa kaniyang
mga ninuno sa gitna ng dagat?

a. Pilandok b. Kawal c. Anak d. Ninuno

____2. Sino nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harapan na nakasuot ng magarang kasuotan
ng Sultan.

a. Sultan b. Kawal c. Pamilya d. Ninuno

_____3. Saan ipinatapon ng Sultan si Pilandok?

a. Malayong bayan b. Sa burol c. Sa ilalim ng dagat d. Kagubatan

_____4. Ano ang nakita ni Pilandok sa ilalim ng dagat?

a. Kaharian at mga ninuno nito b. Bangka c. Tipak ng Kayamanan d. Gintong tabak

_____5. Siya ang namatay at naniwala kay Pilandok na may kaharian sa gitna ng dagat?

a. Ninuno b. Anak c. Kawal d. Sultan

B. Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat patlang.Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Maranaw Pilandok

Kwentong bayan

Maikling kwento Sultan

Ginintuang tabak Kasuotan ng Sultan

1. Ang kwentong "Naging Sultan si Pilandok"ay isang uri ng __________________?.

2. Ang kwentong "Naging Sultan si Pilandok" ay nagmula sa bayan ng ___________?.

3. “Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat,” ang sambit ng
____________.

4. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na _________________.


5. "Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?” ang
paliwanag ni _________.

C. Panuto: Isulat ang Tama kung ang ipinapahayag na pangungusap mula sa kwento ay tama Mali kung
hindi.

______1. Si Pilandok ay ikinulong sa isang hawla at itinapon sa kailalimang ng dagat.

______2. Nakita ni Pilandok ang kaniyang pamilya sa ilalim ng dagat.

______3. Ang Sultan ay nangilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harapan na nakasuot ng magarang
kasuotan ng Sultan.

______4. Hiniling ng Sultan na ilagay siya sa loob ng hawla at itapon sa gitna ng dagat.

______5. Si Pilandok ang naging bagong Sultan.

Susi ng kasagutan:

1. a

2. a

3. c

4. a

5. d

6. Maikling kwento

7. Maranaw

8. Sultan

9. Ginintuang tabak

10. Pilandok

11. Tama

12. Mali

13. Tama

14. Tama

15. Tama

You might also like