Noong unang panahon, sa isang malayong kaharian, mayroong
dakilang mandirigma na nagngangalang Col. Noong si Col ay bata pa lamang, tinuturuan na siya ng kanyang ama na si Letricus na isang Komandante at kaibigan ng hari kung paano makipaglaban at gumamit ng espada. Isang araw, sa sinabing kaharian, habang naghahanda si Col upang makipaglaban, ay bigla nalang sa isang maitim na ulap ay lumabas ang kinatatakutan ng mga tao na isang mabagsik at malupit na dragon na nagngangalang Wreloct. Sinunog niya ang mga kabahayan at kinain ang mga hayop at mga sundalo. Nag-iwan din sya ng nakakatakot na apoy na lumamon sa kalahati ng kaharian. Pagkatapos ng nasabing pag-apoy ay nawalan na ng trabaho ang mga magsasaka. At pagkalipas ng ilan araw ay nagutom sila at humingi ng saklolo sa kanilang Hari. Kabalyero: (Dali-daling naglakad patungo sa hari). “O Mahal na Hari ang mga magsasaka ay nagugutom na at wala ng makain. Ano po ang kailangan nating gawin?” Hari: “Kailangan nating paslangin ang dragon upang hindi na siya makapanggulong muli dito sa ating kaharian.” Kabalyero: “Pero Mahal na Hari, hindi po naming kayang paslangin ang Dragon. Kulang po ang gating mga sundalo ng pagkain at mga kagamitan.” Hari: “Kung gayon, ako nalamang ang maghahanap ng papaslang sa malupit na dragon,” Lumabas ang Hari sa kangyang palasyo at sinabi sa mga taong bayan: Meron ba diyang may lakas ng loob para kalabanin ang dragon”? Sumagot ang dakilang Col “Ako po Mahal na Hari, ako po ang kakalaban sa dragon”.
Labis na natuwa ang hari at gayundin naghanda na ang di pa may
bayaning si Col sa paglalakbay. Binigyan siya ng hari ng espada at mga kalasag at sapat na pagkain para sa kanyang paglalakbay. At naglakbay na si Col patungo sa masukal na gubat na mayroong naninirahang isang mabagsik na tribo. Habang nasakalagitnaan ng paglalakbay at nagharap na si Col at ang mabagsik na Tribo. Sumigaw ang mabagsik na tribo “Ikaw kabalyero, ano ang nais mo at naparito ka sa gubat?” Sumagot si Col ng buong tapang “Gusto ko pong harapin si Wreloct ang masamang Dragon”. Laking gulat ngtribo sa sinabi ni Col. Taga Tribo: “Nababaliw kana ba kabalyero? Walang sinu mang nakakatalo pa kay Wreloct. Kaya bumalik ka nlng sa kaharian nyo kabalyero at wag mo na kami gambalain pa”! Col: Pero para rin po ito sa ating kaligtasan at ng sa gayon ay wala na pong mapahamak”. Ramdam ng tribo ang hinagpis sa tinig ni Col at ang kanyang katapangan. Kaya pumayag ang tribo at pinakilala nila si Col sa kanilang nakakakatandang pinunong na nagngangalang Amang Avelar na nooy nakalaban na rin ni Wreloct. Binigyan ng payo ng Amang Avelar si Col kung ano ang kahinaan ni Wreloct. Binigyan rin niya si Col ng Espadang Apoy. Amang Avelar: Kung ikaw ang kakalaban kay Wreloct, kailangan mo ng tubig galing sa Kristal ng Talong Luha ng diwata at balahibo ng Garuda. Ipaghalo mo ito at ipakain sa Dragon sagayon ay manghina siya. Humayo na si Col at hinanap ang Kristal na Talon at pinuntahan ang magandang Diwata ng Talon na si Prinsesa Amira upang humingi ng luha at kumuha ng balaibong galin sa Garuda. Nakita ng Diwata ang busilak na puso ni Col. Nagtagumpay si Col at pinagpatuloy na niya ang paglalakbay. Nakarating siya sa bundok ng mga bato. Sa tuktok nito ay matatagpuan ang mga kuweba ng mga diyamante at kayamanan at dito rin nakatira ang dragong si Wreloct. Tahasang pumasok si Col sa kuweba at doo’y nakita na niya si Wreloct na mahimbing na natutulog. Nakita ni Col na nakahain din ang mga pagkain ni Wreloct sa lamesa at doon na niya ibinuhos ang mahiwagang tubig galing sa Kristal na Talon na may halong balahibo ng Garuda. Pagkatapos nito ay nagtago sya sa likod ng malaking bato. Naghintay si Col na magising si Wreloct. Nang magising siya, agad niyan kinain ang mga pagkain sa mesa. Ngunit bago pa man tumalab ang mahiwagang tubig galing sa Kistal na Talon ay nakita si Col ng dragong si Wreloct. Binugahan siya ni Wreloct ng naglalagablab na apoy. Agad-agad namang tumakbo si Col palabas sa Kweba. Ngunit napagod siya at naabutan ng dambuhalng dragon. Gayun pa man, untiuting nanghina ang dragong si Wreloct. Wreloct: “Mapangahas na tao, kahit ilang ulit nyo ako paslangin,
babalik at babalik ako upang kayo ay lamunin”.
Nakipaglaban si Col kay Wreloct hangang sa paglubog ng araw.
Halos mawalan ng ulirat si Col na hapung-hapo na nakipaglaban kay Wreloct. Ubos lakas siyang nakipaglaban upang hindi makalipad ang dragon at itoy tuluyan magapi. Sa kanyang busilak na puso, tapang at galing, nakabalik si Col sa palasyo dala-dala ang ulo at puso ni Wreloct. Nakapag uwi rin siya ng mga dyamante at maraming kayamanang ginto. Ipinakita at inalay niya ito sa hari. Kalaunana, dahil sa kanyang kagitingan at pamamahal sa kaharian, ipinakasal si Col sa nag-iisang anak ng Hari na si Prisesa Mayumi. Ng yumao ang Hari, kinoronahan si Col at nagging hari at namuno siya ng matagumpay sa kaharian. Naging masaya ang lahat at nagkar0on ng katahimikan at kaunlaran sa mahabang panahon. Kailan may wala ng gumagambala sa kanila. Kahit pa man na may sabi-sabing muling nabuhay si Wreloct at nagtatago raw sa kagubatan dahil sa takot nito kay Col.
- Wakas.
Ipinasa kay Gng. Cynth Vie Claro
(Guro sa Filipino 8) Hiniram ang mga larawan sa Google Image.