You are on page 1of 4

Ang Buod ng Florante at Laura

Sa umpisa matatagpuan natin si Florante (anak nina Duke Briseo at ni Prinsesa


Floresca) na nakagapos sa puno ng higuera (Fig Tree) sa kagubatan sa labas ng Albanya.
Napapaligiran siya ng dalawang leon, na handa nang dambahan si Florante. Sa
kabutihang palad, naglalakad din sa kagubatan si Aladin, isang Morong taga-Persya.
Anak siya ni Sultan Ali-Adab. Nilisan niya ang kanyang sariling bayan, sapagkat inagaw
sa kanya ng sariling ama si Flerida, ang kasintahan ni Aladin. Narinig ni Aladin sa mga
sigaw ni Florante ang mga kuwento ng mga kasamaang ginawa sa Albanya, ang pagpatay
sa hari at ng mga ka-alyado nito, at ang di umano’y pagtataksil ni Laura (kasintahan ni
Florante). Natagpuan ni Aladin si Florante, at pinatay niya ang mga leon bago pa nila
nasaktan si Florante. Tinulungan niya si Florante sa pagkagapos nito, ang magdamag
niyang binantayan. Ikinuwento ni Florante na pinadala siya sa Atenas nuong siya’y 11
taong gulang upang mag-aral. Duon niya nakilala ang kanyang kababayang si Adolfo, na
siyang anak ni Conde Sileno. Si Adolfo ay hinahangaan ng kanyang mga guro, pati na rin
ng sampu niyang kamag-aral, sapagkat si Adolfo ay mabait at napakatalino. Subalit
pagkaraan ng anim na taon, nahigitan ni Florante si Adolfo at duon lumabas ang tunay
na kulay nito. Sa isang dula-dulaan, tinangka ni Adolfo na totohanang tagain si Florante.
Mabuti na lang at niligtas si Florante ni Menandro, ang pamangkin ng gurong si
Antenor. Kinabukasan, pinauwi si Adolfo sa Albanya. Nanatili si Florante sa Atenas ng isa
pang taon, nang makatanggap siya ng sulat mula sa kanyang ama. Ang balita ay
pumanaw na raw ang ina ni Florante. Pagkaraan ng dalawa pang buwan, nakatanggap
muli ng liham si Florante — pinapauwi na siya sa Albanya. Nung pauwi na si Florante,
humingi ng saklolo sa kanya ang hari ng Krotona, sapagkat ang kaharian nila ay
sinasalakay ng hukbong Persiya, sa pamumuno ni Heneral Osmalik. Ipinakilala ni Duke
Briseo si Florante kay Haring Linceo, at si Florante ay ginawang kumander ng hukbong
Krotona. Sa palasyo, nakilala ni Florante si Laura, ang napakagandang anak ni Haring
Linceo. Bago siya sumali sa digmaan, ipinahayag ni Florante kay Laura ang kanyang
saloobin. Nagapi ni Florante si Heneral Osmalik sa loob ng limang oras. Nanatili naman si
Florante sa Krotona ng limang buwan pa.Dahil sa nais na niyang makapiling si Laura
muli, bumalik si Florante sa Albanya. Nagtaka siyan nang madatnan niyang
nagwawagayway ang bandilang Moro sa kanyang kaharian. Laking gulat na lang niya
nang makita niyang pupugutan na ng ulo ang isang babae. Kinalaban ni Florante ang
hukbong Persya (sa pamumuno ni Aladin), at pinalaya niya ang kanyang bayan, pati na
rin sina Haring Linceo, Duke Briseo, at Adolfo (na nakapiit nuon sakulungan). Sinalakay
naman ni Miramolin ang Albanya, ngunit nabigo sila kay Florante. Pagkatapos ng
labanan, 17 na hari ang sumuko kay Florante. Siguro napagod si Florante, kaya
nagbakasyon muna siya sa Etolia.Isang araw, nakatanggap muli siya ng sulat mula sa hari
— pinapabalik siya muli sa Albanya. Pagbalik ni Florante sa kanyang kaharian, hinuli siya
ng hukbong Albanya (30,000 ang bilang ng mga sundalo). Malamang kinakabahan sila
gawa ng military record ni Florante, kung kaya’t medyo ―overkill‖ ang paghuli sa kanya.
Ipiniit si Florante sa kulungan (utos ni Adolfo, na siyang pasimuno ng kudeta, at siya ring
pumatay kay Haring Linceo at Duke Briseo habang malayo si Florante).
Pagkaraan ng 18 na araw, pinagapos si Florante sa puno duon sa gubat upang
kainin siya ng mga mababangis na hayop. Masuwerte siya at kahit dalawang araw nang
nakalilipas, hindi pa siya kinakain ng mga hayop. At higit na mapalad siya nang dumating
si Aladin, sapagkat nagugutom pala ang leon kapag dalawang araw na silang hindi
kumakain. Habang nagkwekwentuhan si Florante at Aladin, nakarinig sila ng dalawang
babaeng nag-uusap. Unang Babae: ― Nung narinig ko na pupugutan ang aking
kasintahan, pumayag ako na magpakasal sa Sultan basta’t hindi na matutuloy ang
parusang kamatayan. Buti na lang ang pinalaya ang mahal ko. Nung gabing iyon, nagsuot
sundalo ako at tumakas ako. Ilang taon na rin akong pagala-gala bago kita natagpuan
dito sa gubat.‖Ikinuwento naman ni Laura ang mga nangyari sa Albanya habang wala si
Florante: Inagaw ni Adolfo ang trono, pinugutan ng ulo ang hari at ang mga ka-alyado
nito. Sinabi rin ni Laura na sinubukan niyang padalhan ng liham si Florante para
malaman niya ang mga kaganapan sa Albanya.Sinabi rin niya na naghayag ng pag-ibig si
Adolfo, at humingi si Laura ng 5 buwan upang pag-isipan ito. Dahil sa hindi makuha ni
Adolfo ang puso ni Laura, pinagtangkaan na lang niyang gahasain ito... sa gubat.
Makalipas ang dalawang araw lamang mula nung ipinagapos si Florante sa puno. Mga 20
araw lamang matapos na mahuli si Florante. Hindi niya binigyan si Laura ng 5 buwan. Ni
panugit na isang buwan.Mabuti na lang at naglakad si Flerida sa gubat. Nakita niya si
Adolfo, at dahil batid niya ang mga hangarin nito, ay pinana niya si Adolfo, at dahil batid
niya ang mga hangarin nito, ay pinana niya si Adolfo haggang ito’y namatay. Nagkita-kita
ang apat na magkasintahan. Natagpuan silang apat ni Minandro at ng hukbong
naghahanap kay Adolfo. Laking tuwa na lamang nina Menandro nang matagpuan nilang
buhay pa sina Florante at Laura. Hindi nagtagal, nagpakasal si Florante at Laura, at sila’y
naging hari at reyna ng Albanya. Nagpabinyag naman sina Aladin at Flerida, nagpakasal
din, at bumalik sa Persya upang mamuno sa kanilang kaharian.
Isinumete ni Von Edric Josafat, Grade 8 – Sun Flower
Gng. Cynth Vie Claro, Guro sa Filipino 8
Florante – ang Dukeng kasintahan ni Laura Laura – ang Prinsesang katipan ni Laura

Adolfo – ang kondeng may balakyut na Prinsipe Aladin – siya ay taga Persia at
ugali at kaagaw ni Florante kay Laura nagligtas kay florante sa tiyak na
kamatayan

Flerida – kasintahan ni aladin na nagligtas Duke Briseo – tagapayo ni Haring Linceo at


namankay Laura ama ni Florante

Linceo – Hari ng Albanya Princesa Floresca – ina ni Florante at anak


ni Haring Krotona

Konde Sileno – taga Albanya at ama ni Sultan Ali Adab – ama ni aladin na nagnasa
Konde Adolfo kay Flerida at nagging mahigpit na karibal
nito sa pag-ibig

Menalipo – pinsan ni Florante Minandro – matalik na kaibigan ni Florante

Antenor – amain ni Minandro at isang Osmalic – ang heneral na Persyanong


guro sa Atenas napatay ni Florante

Miramolin – isang heneral ng Turko na


namuno sa paglusob sa Albanya

Francisco “Balagtas” Baltazar

You might also like