You are on page 1of 2

ANG PILIPINAS – ISANG BANSANG MALAYA?

Von Edric C. Josafat

Para sa akin malaya na po ang Pilipinas. Wala ng ibang


bansa ang nagkokontrol sa Pilipinas. Ang ating mga
mamamayan na o tayo na po ang may hawak ng Pilipinas.

Mayroon na po tayong sariling ‘soberenya”. May


karapatan na po tayong magdesisyon, magpasya at
gumawa ng anu mang hakbang ng hindi kailangan ng
pahintulot ninuman. Malaya na rin po tayo sa
panghihimasok at pakikialam ng ibang bansa. Ang mga
likas na yaman natin ay para sa atin lamang at may
karapatan tayo sa pagmamay-ari nito na walang
kinatatakutan.

Sa ibang punto, hindi pa rin tayo lubusang malaya


dahil ang iba sa ating mga Pilipino ay nagtratrabaho pa rin
sa ibang bansa o mga among dayuhan tulad lamang ng
mga “call center agents” o “BPO” na sya ng nagiging amo
at nakikinabang sa likas na kakayanan ng mga Pilipino. Sila
ang nagdidikta ng pasahod at gawain ng mga empleyado
at nagiging huwad na amo lamang ang mga nakatalagang
Pilipinong Administrador ng kumpanyang tunay na
pagmamay ari ng mga dayuhan.

Nakakalungkot man pero ito ang katotohanan. Ang


iba sa atin ay alipin pa rin sa sarili natin bayan.

You might also like