You are on page 1of 7

Electronic Spreadsheet Tool

Ang impormasyong numerikal (dami o bilang, presyo o halaga,


timbang at populasyon) at tekstuwal na impormasyon (pangalan,
produkto at aytem) ay maaaring magbigay ng mahalagang kaalaman
sa atin kung ang mga ito ay isasaayos at maipapakita gamit ang table
at tsart. Ang spreadsheet application ay isa pang software na maaaring
gamitin upang makagawa ng mga table at tsart. Kadalasan itong may
isang workbook na naglalaman ng mga worksheets. Bawat worksheet
ay naglalaman ng rows at columns. Ipinapasok ang datos sa loob ng
cells. Ang mga cells ay ang mga kahon kung saan nagtatagpo ang
bawat column at row
Ang cell name o cell reference ay ang
pangalan ng bawat cell sa spreadsheet.
Ang bawat row ay gumagamit ng numero
bilang label habang ang bawat column
ay gumagamit ng titik o letra. Makikita
ang cell reference box sa bandang itaas
ng screen.
ANG SORTING AT FILTERING
COMMAND
Ang Sort ay isang command sa electronic spreadsheet na
ginagamit upang maisaayos ang mga listahan ng numerikal at
tekstuwal na datos. May dalawang uri ng sorting command:

Sort ascending – isinasaayos nito ang listahan ng


mga tekstuwal na impormasyon sa alpabetikong
pagkakasunod mula A hanggang Z; ang
numerikal na impormasyon naman ay
naisasaayos mula sa pinakamababa hanggang sa
pinakamataas na bilang.
Sort descending – isinasaayos nito ang mga tekstuwal na
impormasyon sa baliktad na alpabetikong pagkakasunod
mula Z hanggang A; ang numerikal na impormasyon naman
ay naisasaayos mula sa pinakamataas hanggang sa
pinakamababang bilang.
Ang Filter ay isang command sa electronic spreadsheet na
ginagamit upang mabilis na masuri at masala ang mga
impormasyon na kailangan. Kaiba sa sorting, ang filtering
ay hindi lamang nagaayos ng pagkakasunod-sunod ng mga
impormasyon, itinatago rin nito ang impormasyon na hindi
pasok sa pamantayang naitakda.
Ang Filter button na makikita sa Data tab at grupo ng
Sort and Filter.
THANK YOU

You might also like