You are on page 1of 2

(background music)

BOTH : Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong pinagkakatiwalaang mamamahayag
na sina Loriz Rulloda at XY Buizon at ito ang Kaboses Mo. (sound effect)

Loriz : Magandang umaga sa inyong lahat!

(sound effect)

XY : Magandang umaga, pakner! Pero bago tayo dumako sa mainit na isyu, ay magpapatugtog muna tayo ng
kanta na hiling ng karamihan.

(song)

XY : Nagbabalik ang Kaboses Mo.

Loriz : Pakner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa
Senado.

XY : Oo nga, pakner. Naku! (sound effect) sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom of Income eh malamang
nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit nakapikit!

Loriz : Sinabi mo pa, pakner!

XY : Ano ba talaga yang FOI na `yan, pakner? For Our Information?

(sound effect)

Loriz : Bago ko sagutin `yan, magbabalik ang Kaboses Mo!

BOTH : Shopee 11.11

(commercial)

XY : ang Kaboses Mo ay nagbabalik.

Loriz : Sang-ayon sa seksyon anim ng Panukalang batas na ito ay bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita
at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.

XY : Naku! (sound effect) Delikado naman pala `yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at pakialamero sa
Pilipinas. (sound effect) Isyu dito, isyu doon na naman `yan! Demanda dito, demanda doon!

Loriz : Eh ano naman ang masama, pakner? Sa ganang akin, hindi ba`t dapat naman talaga na walang itinatago
`yang mga politikong `yan dahil sila ay binoto at nagsisilbi sa bayan.

XY : Sa isang banda kasi pakner, maaaring maging threat daw yan sa mahahalagang desisyon ng lahat ng
ahensya ng pamahalaan.

Loriz : Sa tingin ko pakner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at
matatakot ang mga corrupt na opisyal.

XY : Eh paano `yan, pakner? Ayon kay Quezon Representative Lorenzo Tañada III, “Pag hindi pa naipasa ang
FOI bago mag-Pasko eh mukhang matutuluyan na itong maibabasura.”
Loriz : Naku! Naloko na! (sound effect)

You might also like