Professional Documents
Culture Documents
Noong iniwan mo ako nang walang pasabi at pangako ng pagbabalik umiyak ako buong gabi.
Umiyak ako ng sobrang tindi, kinailangan kong ibilad sa araw ang unan ko kinabukasan.
Ang sarap pala sa pakiramdam ng patulugin ka ng sarili mong pag-iyak.
Naisip ko, hindi pinakuluang dahon ng bayabas o alak ang sagot sa ganitong klaseng sakit.
Luha ang pinakamabisang panglanggas sa sugat ng puso.
Sinisimulan at tinatapos ko ang mga araw na binabalikan ang mga sugat na iniwan mo.
Iniisa-isa ko ang mga alal-ala at hinahanap kung saan sila bumaon dito sa puso ko.
Nakakatawa.
Na sila, na kahit ilang balde na ng luha ang aking pigain mula sa mata ko, magdurugo pa rin.
Mahal. Kita.
Kung titingnan nang maigi ang mga salitang isinulat ng lahat ng mga sugat na iniwan mo,
Yang dalawang yan ang mababasa ko.
Mahal.kita.
At sa inaraw-araw ng pagbibilad unan ko,
Nagmamanhid na sila.
Mahal. Kita.
Mahal.kita.
Magsasara at magiging mga pilat na paulit-ulit kong mababasa at parati lang sasabihin ay
”Mahal kita”
Mahal, kung magkita man tayong muli at tanungin mo ako uli kung pwede pa ba,
Ang hihilingin ko lang sa’yo ay mga bagong unan
Dahil lahat ng sa akin ay kala mo naulanan dahil lahat sila ay akin nang naiyakan ng mga
Kwento natin at nag-iwan ng marka sa kanila at ayaw ko na.
Ayaw ko nang matulog sa mga unang basa at malunod sa pagtulog sa alaalang na mahal kita.
Pero mahal,
Masakit pa!
Source: https://www.wattpad.com/132804381-mga-basang-unan-ni-juan-miguel-severo
Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan
kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan. Subalit sa
halip na pintura o pangkulay, mga salita ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa isipan ng
mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo. Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang
ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, o anumang bagay na nais
niyang mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa. Mula sa epektibong paglalarawan ay halos
makikita, maaamoy, maririnig, malalasahan, o mahahawakan na ng mambabasa ang mga bagay na
inilalarawan kahit pa sa isipan lamang niya nabubuo ang mga imaheng ito.
Bagama't mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit na mga salita sa pagbuo ng
tekstong deskriptibo, madalas ding ginagamit ang iba pang paraan ng paglalarawan tulad ng paggamit
ng mga pangngalan at pandiwang ginagawa ng mga ito gayundin ng mga tayutay tulad ng simili,
metapora, personapikasyon, at iba pa.
Obhektibo naman ang paglalarawan kung ito'y may pinagbatayang katotohanan. Halimbawa,
kung ang lugar na inilalarawan ng isang manunulat ay isa sa magagandang lugar sa bansa na kilala rin
ng kanyang mga mambabasa, gagamit pa rin siya ng sarili niyang mga salitang maglalarawan sa lugar
subalit hindi siya maaaring maglagay ng mga detalyeng hindi taglay ng kanyang paksa.
Halimbawa'y hindi niya maaaring sabihing "nagtatagpo ang asul na karagatang humahalik sa paaanan
ng luntiang hagdanhagdang palayan ng Banaue" sapagkat wala namang kalapit na karagatan ang
lugar na nabanggit. Sa halip, maaari niyang banggitin ang mga ilog na dumadaloy sa ilang bahagi ng
hagdan-hagdang palayan mi pinagmumulan din ng patubig sa mga nakatanim na palay. Dito'y
masasabing obhektibo ang paglalarawan sapagkat nakabatay sa katotohanan.
magagawa o mabubuo nang maayos ang isang bagay para sa tekstong prosidyural. Bibihirang magamit
ang tekstong deskriptibo nang hindi kabahagi ng iba pang uri ng teksto.
Ang limang (5) pangunahing cohesive devices o kohesyong gramatikal ay ang sumusunod:
reperensiya (reference), substitusyon (substitution), ellipsis, pang ugnay, at leksikal.
1. Reperensiya (reference) - Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging
reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari itong maging anapora kung
kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy; o kaya'y katapora
kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy
ang pagbabasa ng teksto.
Halimbawa:
• Anapora
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan.
(Ang ito sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa aso na nasa unang pangungusap.
Kailangang balikan ang unang pangungusap upang malaman ang tinutukoy ng panghalip na ito.)
• Katapora
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi.
Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat para makapawi sa
kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ng aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang
bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa lamang.
(Ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang bunsong kapatid. Malalaman
lamang kung sino ang tinutukoy ng siya o niya kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa.)
2. Substitusyon (substitution) - Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang
salita
Halimbawa:
Nawala ko ang aklat mo. lbibili na lang kita ng iba.
(Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng salitan iba sa ikalawang pangungusap.
Ang dalawang (2) salita'y parehong tumutukoy sa iisang bagay, ang aklat.)
Halimbawa:
4. Pang-ugnay - Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng "at" sa paguugnay ng sugnay sa sugnay,
parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito higit na nauunawaan ng
mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-ugnay.
Halimbawa:
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat
magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
A. Reiterasyon - Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauri
sa tatlo: pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigay-kahulugan.
1. Pag-uulit o repetisyon - Maraming bata ang hindi nakakapasok sa paaralan. Ang mga
batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.
2. Pag-iisa-isa - Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong,
sitaw, kalabasa, at ampalaya.
3. Pagbibigay kahulugan - Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga
pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang
baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
B. Kolokasyon - Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa
isa't isa kaya't kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari
ding magkasalungat.
Halimbawa:
• nanay - tatay, guro - mag-aaral, hilaga - timog, doktor-pasyente
• puti - itim; maliit - malaki, mayaman – mahirap
Paglalarawan sa Tauhan
Paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga detalye patungkol
sa tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din ang pagkakalarawan dito. Hindi sapat sabihing
“Ang aking kaibigan ay maliit, maikli at unat ang buhok, at mahilig magsuot ng pantalong maong at
putting kamiseta.”
Ang ganitong paglalarawan bagama’t tama ang mga detalye ay hindi magmamarka sa isipan at
pandama ng mambabasa. Katunayan, kung sakali’t isang suspek na pinaghahanap ng mga pulis ang
inilalarawan ay mahihirapan silang maghanap gamit lamang ang naunang paglalarawan. Kulang na
kulang ito sa mga tiyak at magmamarkang katangian. Ang mga halimbawang salitang “maliit,
matangkad, bata, at iba pa ay pangkalahatang paglalarawan lamang at hindi nakapagdadala ng
mabisang imahe sa isipan ng mambabasa. Samakatuwid, mahalagang maging mabisa ang
pagkakalarawan sa tauhan. Iyon bang halos nabubuo na sa isipan ng mambabasa ang anyo, gayak,
amoy, kulay, at iba pang katangian ng tauhan gamit ang pinakaangkop na mga pang-uri. Mahalaga
ring pakilusin ang tauhan para mas magmarka ang mga katangiang taglay niya tulad ng kung paano
siya ngumiti, maglakad, humalakhak, magsalita, at iba pa.
Noo'y nasa katamtamang gulang nasi Ineng na wika nga sa mga nayon ay
"pinamimitakan nang araw." Ang gulang na iyan ay lalong kilala sa tawag na "dalaginding"
ng ating matatanda. Kung bagama't hindi gaanong kagandahan, si Ineng ay kinagigiliwan
namang lubos, palibhasa'y nakatatawag ng loob salahat ang pungay ng kaniyang mata, ang
kulay na kayumangging kaligatan, ang magandang tabas ng mukha, na sa bilugang pisngi'y
may biloy na sa kanyang pagngiti'y binubukalan mandin ng pag-ibig, ang malagong buhok na
sa karaniwang pusod na pahulog sa batok, na sa kinis ay nakikipag-agawan sa
nagmamanibalang na mangga, saka ang mga labi't ngiping nagkakatugunan sa pag-aalay ng
luwalhati't pangarap.
Mula sa "Ang Dalaginding" ni Iñigo Ed. Regalado
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang
putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas
ang damit niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay
na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang
magbubukid, ang kanyang kahangga na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumawata sa
nagkakagulong tao.
Mula sa "Si Tata Selo" ni Rogelio R. Sicat
Namumutla, nangangatog ang buong katawan, at nanginginig ang hoses, si Pak Idjo
ay walang iniwan sa isang taong inaatake ng malaria. Ang totoo'y may sakit nga siyang talaga.
Parang nakasabit na lang ang tagpi-tagpi·at maruming dami sa napakanipis niyang katawan,
at nakalubog sa humpak niyang mga pisngi ang kanyang namumula at nagluluhang mata.
Mula sa "Takipsilim sa Djakarta" ni Mochtar Lubis
(salin niAurora E. Batnag)
Gabay sa Pagsusuri
1. Ano ang masasabi mo sa paglalarawan para kay lneng? kay Tata Selo? kay Pak Idjo?
2. Masasabi bang epektibo ang pagkakalarawan sa mga tauhang ito? Bakit?
3. Anong damdamin ang naantig sa iyo ng pagkakalarawan kay lneng? kay Tata Selo? kay Pak
ldjo?
4. Kung ikaw ang maglalarawan sa iyong sariling tauhan, paano mo ito gagawin?
Paglalarawan sa Tagpuan
Sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o panahon kung
kailan o saan naganap ang akda sa paraang makagaganyak sa mambabasa. Sa pamamagitan nang
mahusay na pagkakalarawan sa tapuan, madarama ng mambabasa ang diwa ng akda.
Gabay sa Pagsusuri
1. Ano ang masasabi mo sa paglalarawan para sa Canal dela Reina? Sa tirahan ng dalaginding sa
Quiapo mula sa "Mabangis na Lungsod'"?
2. Nakikita mo ba sa iyong imahinasyon ang lugar na inilalarawan?
3. Masasabi ba kung gayon na epektibo ang pagkakalarawan sa mga tagpuang ito? Bakit?
4. Kung ikaw ang maglalarawan ng isang tagpuan para sa iyong sariling maikling kuwento, paano
mo ito ilalarawan?
Paglalarawan sa Damdamin
Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng paglalarawan sa yauhan subalit sa halip na sa
kanyang panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang binibigyang diin ito’y ang kanyang
damdamin o emosyong taglay. Napakahalagang mailarawan nang mabisa ang damdamin ng tauhan
sapagkat ito ang nagbibigay dahilan kung bakit nagagawa ng tauhan ang kanyang ginawa.
Makatutulong makanoekta ang mambabasa sa tauhan kung sa halip na ilarawan lang ng manunulat ang
damdamin ng tauhan kung sa halip na ilarawan lamang ng manunulat ang damdamin ng tauhan mula
sa malayo ay mismong ang tauhan ang magsaad ng emosyong nararamdaman niya.
“And now, Miss Kinder '83, ladies and gentlemen ... because of her simplicity, her
freshness, poise and total personality ..." pause. Birada ng tugtog. Mga nakabiting hininga.
"Maria Natalia Gascon!" Napalundag si Ding. At sa kabila ng damdamin niya, napalundag
din si Lea. Pati puso yata niya ay tumalon at nawala sa lugar. Pero siyempre, di dapat
malimutan ang kamera lalo na sa pagkakataong ito. Klik! Teka, ang likot ng kamera!
Nanginginig ba ang kamay niya? Klik! Habang sa tabi niya'y hindi makontrol ni Ding ang
buhos ng kaligayahan. Klik! Anak ko 'yon! Hahahaha! Mga kaibigan, si Maya ko 'yon!
Klik!
May kumurot sa aking laman. Pilit kong nilunok ang panunuyo ng aking bibig. Saka
ako napabuntunghininga. Nararamdaman kong may nagpupumilit bumalong sa aking mata.
Ngayon ko lamang nadamang kilala ko ang silid ng aking ama; dati-rati ko nang napapasok
ang kapirasong pook na ito.
Mula sa "Dayuhan" ni Buenaventura S. Medina
Paglalarawan sa Pangyayari
Maya-maya'y dumating si Danilo, ang panganay na anak ni Aling Feliza. Namumutla
ito at mukhang tulirong-tuliro. May ibinulong ito sa ina at narinig na lamang sa buong talipapa
ang malakas na hiyaw ni Aling Feliza kasabay nang bigla nitong pagtimbuwang. Nagkagulo
ang iba pang mga tindera pagtulong sa kasamahang hinimatay. May nagpaypay, may kumuha
ng tubig. Hindi nagtagal at nahimasmasan din si Aling Feliza. Panay ang hagod ni Danilo sa
noo ng ina. Kitang-kita ang pag-aalala nito sa kalagayan ng ina. Walang tigil sa kakaiyak
at hindi makausap si Aling Feliza kaya't nagdesisyon si Aling Flor na magsara na muna
ng tindahan tutal ay wala namang gaanong namimili upang maiuwi muna ang kaibigan sa
bahay nito.
Nang nasa bahay na sila'y wala pa ring puknat sa pag-iyak ang kaibigan. Sa kapipilit ni Aling
Flor ay nagsalita rin ito. "Hay Mare... Ang placement fee na pinag-ipunan ko nang kay tagal,
wala na... hu-hu-hu!" Hindi halos mawawaan ni Flor ang sinasabi nito dahil sa bunghalit na
pag-iyak.
Mula sa “Ang Tindera" ni Alma M. Dayag
Ang puna ng ginto ay dinumog. Hawak ang matatalim na bakal, tinaga, tinapyas,
binali-bali. Pinagtutuklap ang puna. At sila'y nag-aagawan, nagtutulakan, nagsasakitan na,
nagsisipaan, nagkakabalian ng buto. Patuloy sa pagtaas sa pagyabong ang puna; patuloy rin
ang pagkaubos ng katawan ng puna. Bumibigat na ang yumayabong at patuloy na tumataas
na puna.
Mula sa "!sang Matandang Kuba sa Gabi ng Caiiao" ni Simplicia P Eisa
Gabay sa Pagsusuri
1. Anong pangyayari ang inilarawan sa "Ang Tindera"? at sa "lsang Matandang Kuba sa Gabi
ng Cafiao"?
2. Masasabi bang epektibo ang pagkakalarawan sa mga pangyayaring ito? Sa paanong paraan?
3. Kung ikaw ang susulat ng isang mahalagang pangyayari para sa sarili mong akda, sa paanong
paman mo ito ilalarawan?
Sapul nang pag-ukulan niya ng pansin ang unang lantsa ni Don Cesar ay nakadama
siya ng kakaibang pintig sa kanyang dibdib. Ibig niyang magkaroon ng lantsa balang araw.
Pag nagkaroon siya ng lantsa'y hindi na siya gagamit ng maliit na motor; hindi na siya
sasagihan ng munti mang pangamba, magngitngit man ang habagat, magngalit man ang sigwa
sa laot. Hindi na pansumandaling lalabas siya sa karagatan. Maaari na niyang marating ang
inaabot ng mga lantsa ni Don Cesar. Makalalabas na siya nang lingguhan. At pagbabalik
niya'y daan-daang tiklis ng isda ang kanyang iaahon. Hindi na rin mangangamba ang kanyang
ina kapag hindi siya nakababayad ng gasolina at Iangis. Matititigan na niya ang naniningkit
na mga mata ni Fides. Makapagpapakarga na siya ng kung ilang litrong gasolina sa kanyang
barko. Kung makakatabi ng kanyang barko ang kay Don Cesar ay magkakaabutan na Iamang
sila ng mga mangingisda ni Don Cesar. "Jiang araw kayo sa laot, ha?'' Itatanong niya. Siya'y
sasagutin ko. At, "ako'y tatlumpong araw," sasabihin niya pagkatapos.
Mula sa "Ang Mangingisda" ni Ponciano B.P. Pineda
Gabay sa Pagsusuri
1. Paano inilarawan ang krismas tri sa unang paglalarawan? Ang lantsa sa ikalawa? Ang bahay-
bahayan sa ikatlo?
2. Paano nakatulong ang paglalarawan ng may-akda sa krismas tri upang higit na madama ng
mambabasa ang kakulangan pa rin nito sa kabila ng mamahaling palamuting nakasabit dito?
3. Ano ang tila nakikita mo sa lantsang pinapangarap makuha ng tauhan sa ikalawang
paglalarawan? Mababanaag ba sa paglalarawan ang matinding pagnanais ng tauhan na makuha
ang bagay na ito?
4. Bakit kaya marangya ang bahay-bahayang inilarawan sa ikatlong teksto? Ano kaya ang
kahalagahan ng bagay na ito sa kabuuan ng teksto?
5. Bakit mahalagang maging mahusay ang pagkakalarawan ng mga bagay na ito?
Sanggunian:
Dayag, Alma M & Del Rosario, Mary Grace G. (2016). Pinagyamang pluma: pagbasa at pagsususri
ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House