You are on page 1of 2

PAGSULAT NG TALUMPATI

TALUMPATI

Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa
na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado. Mananalumpati ang tawag sa taong
gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng mga tao.

LAYUNIN

Layon nitong magbigay ng kaalaman o impormasyon, tumugon, humikayat, mangatwiran, at maglahad ng


isang paniniwala. Isa rin itong uri ng komunikasyong pampubliko kung saan ang isang paksa ay
ipinapaliwanag at binibigkas sa harapan ng mga tagapakinig.

URI NG TALUMPATI

 Impromptu – ito ay biglaang talumpati na binibigkas pamamaraan na maaaring gamiting gabay sa


pagbigkas ng biglaang talumpati. Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita.
 Isinaulong talumpati – sa bahaging ito ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati.
Samakatwid, may paghahanda na sa ganitong tipo ng pagtatalumpati at kailangang memoryado o
saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati.
 Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya– makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa
pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya. Ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat
ng panimula, katawan at wakas/kongklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan.
 Extempore- Ang paghahanda sa ganitong uri pagtatalumpati ay limitado sa oras sa pagitan ng
pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahan.Samakatuwid ang pagpili ng materyal at ang pag aayos
ng panimula, katawan at ng konklusyon ay apektado sa itinakdang oras.

MGA KASANGKAPAN NG TAGAPAGSALITA/MANANALUMPATI


Tinig

Nakakatulong ang tinig sa pag-unawa sa nilalaman ng talumpati. Kailangang ibagay ang tinig sa nilalaman
ng pananalita. Isinasaalang-alang sa bahaging ito ang tulin o bilis ng pananalita, pagbibigay-diin sa
mahahalagang salita o mensahe na kailangang maunawaan ng tagapakinig, tono ng pananalita, pagtaas at
pagbaba ng tinig, at paglakas at paghina ng tinig. Ang magandang tinig ay madaling makaakit sa madla.
Iwasan ang matining na tinig o kaya ay garalgal na tinig na parang sirang plaka.

Tindig

Tumindig nang maayos at iwasan ang tindig militar na parang naninigas ang katawan. Sikaping maging
magaan ang katawan at nakarelaks. Mahalaga na magmukhang kapita-pitagan para makuha agad ang
atensyon ng mga tagapakinig. Ang ganitonng uri ng anyo ay nakapagpapahiwatig na handang-handa ang
tagapagsalita.
Galaw

Anng galaw ay tumutukoy sa anumang pagkilos na ginagawa ng tao na may kaugnayan sa pagsasalita o
pagpapahayag ng kaisipan o anumang damdamin sa madla o mga tagapakinig. Nasasaklaw ng galaw ang
mata, ekspresyon ng mukha, tindig, galaw ng ulo at katawan. Lahat ng ito ay nakatutulong sa paghahatid ng
mensahe.

Kumpas ng mga kamay

Ginagamit ang kumpas ng mga kamay sa pagbibigay-diin sa sinasabi. Halimbawa, karaniwang itinataas ang
hintuturo o braso kung ipinapahayag ang mahalagang opinion o puntos ng talumpati o pananalita.
Ginagamit din ang mga kumpas ng kamay para biigyan ng pagtutumbas ang ideya. Halimbawa, kung
binabanggit ang dalawang magkaibang katwiran ay maaaring itaas ang kanan at kaliwang kamay sa kumpas
sa pagpapatuloy ng diwa, imbis na “umm ,saka, bale” ang lumalabas sa tuwing may kailangang alalahanin sa
pananalita, ginagamit ang galaw ng kamay bilang di-verbal na komunikasyon. Kailangang tumpak, tiyak, tiyak
at maayos ang kumpas ng mga kamay. Ginagamit lamang ito bilang pantulong sa pananalita. Hindi dapat
makaagaw ng pansin ang sobrang pagkumpas ng kamay habang nagsasalita.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI

 PAGHAHANDA SA PAGSULAT. Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa pangongolekta ng mga


impormasyon at ideya para sa sulatin. Dito isinasagawa ang pagpaplano na binubuo ng paglikha,
pagtuklas, pagdebelop, pagsasaayos at pagsubok sa mga ideya. Ito ang hakbang na maghahanda sa
manunulat bago niya buuin ang kanyang burador.
 AKTWAL NA PAGSULAT. Sa hakbang na ito isinasalin na ng manunulat ang kanyang mga ideya sa
mga pangungusap at talata. Nag-eeksperimento na ang manunulat sa pagbuo ng kanyang sulatin.
Malaya siyang gumamit ng iba't ibang pamamaraan o istilo sa paglalahad ng kanyang mga ideya. Sa
hakbang na ito, malaya niyang inaalis, dinadagdagan o isinasaayos muli ang mga detalye. Gayun
paman, hindi parin niya binibigyan ng gaanong pansin ang pagwawasto sa mga kamalian sa
gramatika, sa gamit ng wika at sa mekaniks.
 PAGREREBISA AT PAG-EEDIT. Ang pagrerebisa na tinatawag ding pag-eedit ay nangangahulugan
ng muling pagtingin, muling pagbasa, muling pag-iisip, muling pagbubuo ng mga kaisipang nasa
sulatin upang tumugma sa iniisip ng manunulat. ang hakbang na ito ay nasasangkot sa maraming
pagbabago sa nilalaman, sa organisasyon ng mga ideya at sa istraktura ng mga pangungusap at
talata. Maaari pa ring baguhin sa hakbang na ito ang paksa, magdagdag ng mga detalye at muling
isaayos ang buong sulatin.

MGA BAHAGI NG TALUMPATI

 Panimula - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istatehiya upang kunin ang
atensyon ng madla.
 Katawan - pinagsunud-sunod sa bahaging ito ang mga makabuluhang puntos o patotoo.
 Paninindigan- Pinatotohanan ng Mananalumpati ang kanyang sinabi sa bahagi ng katawan.
 Konklusyon - bahaging nagbubuod o nalalagon sa talumpati.

You might also like