You are on page 1of 1

Pangalan: Mohammad Yaqub P.

Abdul Petsa: 11/02/2022


Taon at Seksyon: 11 ABM-Xi Oras ng Pagpasa: 7:00 AM
Pamagat ng Teksto: “Ikaw” ni E.Y. Cunanan

1. Ano ang paksang tinalakay sa teksto? (5 puntos)


Ang paksa ng nabasang teksto ay patungkol sa totoong katauhan ng isang tao.
Isinasaad nito na ang bawat tao ay walang katulad at ang ating indibiduwalidad ay may
higit pa na kahulugan at kahalagahan kaysa sa ating akala.

2. Ano-anong mga salita o pariralang naglalarawan ang gamit upang ipakita ang
paksa ng teksto? (10 puntos)
- ang pinakamahalagang paksa sa anumang usapan.
- Ikaw ay nag-iisa sa iyong indibidwalidad.
- ang pinakamatalik na kaibigan o pinakamatinding kaaway ng iyong sarili.
- iyong paligid ay repleksyon lamang ng daigdig ng iyong kaluluwa.
- iyong daigdig ay nagbabago ayon sa mga pagbabago ng iyong iniisip at nadarama.
- hindi mo ganap na pag-aari ang iyong sarili.
- hindi ka maaring maging makasarili¸mapang-angkin, magagalitin, tiwali, o
mapagsamantala.
- hindi maaaring gumawa ng mabuti nang hindi nakikinabang,
- ang ginagawa mo sa iba ay siya na ring ginagawa mo sa iyong sarili.
- Hindi ka maaaring umiwas o tumakas sa tungkulin.

3. Paano mo maiuugnay sa iyong sarili ang tekstong binasa? Ipaliwanag. (5


puntos)
Nang dahil sa tekstong ito ay napagtanto ko ang kahalagahan ng aking
indibidwalidad at ng aking “pagiging ako.” Natutunan ko na kailangan kong tanggapin
ang aking totoong sarili ng buo - kasama na rito ang aking mga kalakasan, mga
kamalian, mga kakulangan, at lahat-lahat pa ng bagay na nagbibigay depinisyon at
kahulugan sa kung sino ako – sapagkat ako lang mismo ang huhubog sa aking
kinabukasan at ako lang din ang tunay na makakatulong ng husto sa akin. Ako ang
pinakamatalik na kaibigan at ang pinakamatinding kaaway ng aking sarili,
nagdedepende iyan lahat sa kung paano ko itatrato ang litratong iginuguhit ko para sa
aking sarili.

You might also like