You are on page 1of 2

Pagsusuri sa Maikling Kwentong Mabangis na Lungsod

CE2-7
PANGKAT 4
Aquino, Rishiko
Cabello, Angelica
Lagsit, Jessica Zarah
Landicho, Adrian
Padilla, Rose Ann Joy
Valderama, Alliah Eunice

1. Anu-ano ang mga simbolismo na nakapaloob sa akda? Isa-isahin at


ipaliwanag.
1. Bruno — Sumisimbolo sa mga mapagmataas na miyembro ng lipunan. Sila’y
mga uri ng tao na sakim at mapanlamang sa mga mahihina at walang kakayahang
makipaglaban sa kanila.
2. Adong — Sumisimbolo sa mga taong may mas mabababang kakayahan sa
lipunan. Sila ang siyang hindi gaano nabibigyang pansin at minsa’y kinamumuhian
pa ng nakararami.
3. Mga taong parang bato — Mga indibidwal na pinipiling magkawalang muwang
sa karalitaan ng kanilang paligid.
4. Quiapo — Sumisimbolo sa mga lugar na napagtatahanan ng mga taong
nakatira sa lansangan.
5. Bahaw na tunog ng babala — Sumesenyales sa panganib na maaaring
mangyari sa karakter/indibidwal.
6. Higad — Simbolo ng takot at pangamba na nararamdaman ng isang tao.
7. Apoy — Sumisimbolo sa galit at hinanakit ng karakter.
8. Basag na tinig — Tunog ng pighati at paghihinagpis.
9. Barya — Simbolo ng napakaunting tulong na nakukuha ng mga taong nasa
laylayan ng lipunan.
10. Maruming palad — Simbolo ng mga indibidwal na naninirahan sa lansangan
at nagtitiis sa kung ano lamang ang kanilang mapulot sa paligid.
11. Aling Ebeng — Sumasalamin sa mga taong nangangailangan ng tulong
medikal ngunit hindi natutulungan dahil sa kawalan ng salapi.

2. Ano ang mga mensaheng napulot mo sa kwentong Mabangis na Lungsod?


• Ang aral na mapupulot sa kwentong Mabangis na Lungsod ay ang
karapatan na ipaglaban ang sarili laban sa mga masasama sa paligid at sa
mga mapang-aping tao. Ang kwentong ito ay nagpapatunay lamang na
may mga taong wala man lang awa at walang pagmamalasakit sa kanilang
kapwa, kahit pa wala naman ginagawang masama ang isang tao mas
pinipili pa rin niyang saktan at apihin ito. Tunay ngang sa isang mabangis
na lungsod, may mga taong mang-aapi at tapak-tapakan ang iyong
pagkatao.
• Mabangis na lungsod ipinapakita nito na kung gaano man kahirap ang
buhay maari mo pa rin mabago ang kinabukasan mo, "Kung ngayon nasa
ilalim baka bukas nasa ibabaw naman," ayon sa kasabihan na yan kung
iuugnay natin sa kwento na ating nabasa maaari mo pa rin ipaglaban ang
iyong sarili laban sa mga nang aapi dahil ang buhay ay parang tatsulok
hindi laging sila ang nasa tuktok.

3. Bilang kabataan, paano ka makatutulong sa mga katulad ni Adong sa ating


lipunan?
• Bilang isang ganap na kabataan na namumuhay sa mordenasyong
henerasyon, makakatulong ako sa mga katulad ni Adong at sa iba pang
isyung panlipunan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
• Una, pagbibigay sunod sa alituntunin ng ating bansa. Dito ko
maipapakita ang pagiging isang makatao, na kung saan ito ang
magiging salamin ng nakararami lalo’t higit sa mga nasa murang
edad pa lamang. Bukod sa imimulat ko ang aking personalidad
bilang isang mabuting indibidwal, ay s’ya ring pagmulat ko sa
reyalidad ng mga nakababata pa sa akin.
• Ikalawa, pagtitiyaga na makatapos ng pag-aaral. Ito ay isa
mabisang paraan upang makamit ang aking mga pangarap. Ito ay
nagbibigay ginhawa sa ating kinabukasan, na kung saan
magkakaroon tayo ng kakayahan na makapag-abot ng tulong sa
mga nangangailangan katulad na lamang ni Adong.
• Paghuli, pagiging isang mabuting mamamayan.
• Pagkakaroon ng kusang loob na pagtulong.
• Pagbibigay respeto sa kapwa.
• Pagsunod sa batas.
• Maging responsableng kabataan.
• Pag-aalaga sa kalikasan.
• Ang mga gawaing ito ay hindi mahirap isakilos kung gugustuhin nating
maging maunlad ang ating bansa dahil ito ay malaking kontribusyon sa
kaunlaran ng ating nasasakupan. Sa simpleng pamamaraan na iyo, ay
ginagampanan namin bilang kabataan ang isang sikat na kasabihan na,
“Kabataan ang Pag-asa ng Bayan.”

You might also like