You are on page 1of 17

ANG PAKSA AT

PAMAGAT-
PANANALIKSIK
NINA: VLADIMIR BETACHE, ALLAINE JOHHANA LIM, AT MELVYN CATALUNA
MGA TIYAK NA PAMANTAYAN SA PAGGANAP

❏ Natutukoy ang mga maaaring paghanguan ng paksang-


pampananaliksik,
❏ Nalilimita ang mga paksa upang maging mahusay sa paksang-
pampananaliksik,
❏ Nakapipili ng isang paksang-pampananaliksik na kaugnay ng Wika o
kulturang Pilipino para sa pangkatang-pananaliksik; at
❏ Nakapagdedesinyo ng isang pamagat-pampananaliksik para sa
pangkatang pananaliksik.
HENERAL LUNA, NILALAPASTANGAN SA SARIAYA!

"Marami ang makabayan. Marami ang pwedeng magsabi na makabayan sila.


Pero iilan lang ang tunay na makabayan na handang ibuwis ang kanilang buhay para sa
kanilang bayan." - Heneral Luna

Nanganganib ang mga natitirang ancestral house, parke, at simbahan ng


makasaysayang bayan Sariaya Quezon na matatagpuan sa Heneral Luna street dahil sa
road widening project ng DPWH.

Ilan sa mga ito ang Natalio Enriquez Ancestral House na idinisenyo noong
1931 ni Andres Luna de San Pedro, anak ng bayaning pintor na si Juan Luna; ang art
deco municipal hall na idinisenyo naman ni Juan Arellano na siya ring arkitekto ng
Metropolitan Theater at Manila Central Post Office; at ang makasaysayang parke ng
bayan na itinayo pa noong 1748! Bukod dito, lahat din ng lumang bahay at
establisyimento sa Heneral Luna street ay lubhang maapektuhan.
Tutol ang NCCA (National Commission for Culture and the Arts) sa planong
ito ng DPWH kaya’t nagpalabas ito ng Cease and Desist Order noong Marso 2015.
Nagkaroon na rin ng tatlong (3) round table discussions sa pagitan ng DPWH, lokal na
pamahaalan ng Sariaya, Ang Dakilang Pamana ng Lahi, at mga may-ari ng Heritage 1. Ano ang paksa ng
teksto?
Houses. Napagkasunduan dito kung saan dapat ilagay ang mga ‘loading at unloading
bays’ na hindi dapat makakasira sa mga Heritage House at Old Town Streetscapes ng 2. Napapanahon ba ang
Sariaya na protektado ng Batas Republika Bilang 10066. pamagat ng teksto?
v Ipaliwanag

Ang problema, kahit pa may CEASE AND DESIST ORDER NG NCCA, 3. Angkop ba ang
kahit pa naka TATLONG (3) ROUNDTABLE DISCUSSIONS ang lahat ng panig, at ginamit na pamagat
ng teksto?
kahit pa may BATAS REPUBLIKA 1066 na nagpo-protekta sa heritage house at old Pangatwiran.
town streetscapes ng lugar, patuloy pa rin ang pagbubungkal at operasyon ng DPWH at
LA Clamor Corporation sa Heneral Luna Street.

Ang paglapastangang ito sa makasaysayang Heneral Luna street ay kawalang


pagpapahalaga sa kultura, identidad, at kasaysan ng Sariaya, Quezon.
A. ANG PAKSANG PAMPANANALIKSIK

Sa akademya, ang pananaliksik ay isang mahalagang gawain na


hindi maiiwasan ng sino mang mag-aaral. Karaniwan na ang
pagpapagawa ng mga pamanahong papel sa iba’t ibang subject bilang
isa sa mga pangangailangang akademiko. Ilan pa sa mga halimbawa
papel-pampananaliksik ay ang tisis ng mga kumukuha ng kursong
masteral at ang disertasyon ng mga kumukuha naman ng kursong
doktoral.
Sa kasalukuyan, hindi na dapat maging problema ang
pagsisimula ng pananaliksik para sa mga mag-aaral dahil sa marami na
ngayong mapagpipiliang paksa. Maiuugnay rin ito sa pag unlad ng
teknolohiya na nagpapagaan sa mga gawaing kaugnay sa pananaliksik.
MGA HANGUAN NG PAKSA

1. SARILI. Maaaring humango ng paksa sa mga sariling karanasan, mga nabasa,


napakinggan, napag-aralan at natutunan. Nangangahulugan ito na maaaring simulan sa
sarili ang pag-iisip ng mga paksang pagpipilian.

2. DYARYO AT MAGASIN. Maaaring paghanguan ng paksa ang mga


napapanahong isyu sa mga pamukhang pahina ng mga dyaryo at magasin o sa mga
kolum, liham sa editor at iba pang seksyon ng mga dyaryo at magasin tulad ng mga
balita, bisnis, entertainment at isport.

3. Radyo, TV, at Cable TV. Maraming uri ng programa sa radyo at tv ang


mapagkukunan ng paksa. Marami na ring bahay, hindi lamang sa Metro Manila, kundi
maging sa mga probinsya, ang may cable tv. Mas maraming programa sa cable dahil
sa 24 na oras na balita, isports at mga programang edukasyonal
4. MGA AWTORIDAD, KAIBIGAN, GURO. Sa pamamagitan
pagtatanong-tanong sa ibang tao, maaaring makakuha ng mga ideya upang
mapaghanguan ng paksang-pampananaliksik. Makatutulong ito upang makakuha
ng paksang hindi lamang napapanahon kundi kawiwilihan din ng ibang tao.

5. INTERNET. Isa ito sa pinakamadali, mabilis, malawak at sopistikadong


paraan ng paghahanap ng paksa. Maraming mga web sites sa internet na
tumutugon sa iba't ibang interes at pangangailangan ng iba't ibang uri ng tao.

6. AKLATAN. Bagama't tradisyonal na hanguan ito ng paksa, hindi pa rin


mapasusubalian ang yaman ng mga paksang maaaring mahango sa aklatan.
Sa aklatan matatagpuan ang iba't ibang paksang nauugnay sa ano mang
larangang pang-akademya.
Sa puntong ito, kapaki-pakinabang marahil na pansinin ang naging obserbasyon
nina Atienza, et al. (1996):

Madalas, kapag nag-iisip na ang mananaliksik ng kanyang susulatin, papasok na ang


aborsyon, prostitusyon, paninigarilyo, drug addiction, faith healing, fiesta at marami
pang gasgas at gastado nang mga paksa. Bakit nga ba ordinaryo at paboritong paksain
ang mga ito? Dahil, mga karaniwang problema, pangyayari at elementong panlipunan
ang mga ito. Madalas ding talakayin ang mga paksang ganito sa akademya at sa midya.

Para maiwasan na ang inilahad na obserbasyon, kailangang maghanap at mag-isip ng


mga paksang wika nga nina Atienza ay hindi gasgas at gastado na na hango sa alin man
sa mga natukoy nang hanguan. Upang lalo pang matiyak ito, iminumungkahi naming
pumili ng paksa na kaugnay ng Wika at/o Kulturang Pilipino na siyang requirement ng
asignaturang Filipino sa kurikulum na ito.
MGA KONSIDERASYON SA PAGPILI NG PAKSA

1. Kasapatan ng Datos. Kailangang may sapat nang literatura hinggil sa paksang pipiliin.
Magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung mangilan-ngilan pa lamang ang mga
abeylabol na datos hinggil doon.

2. Limitasyon ng Panahon. Tandaan, ang kursong ito ay para sa isa o dalawang markahan
lamang. Magiging konsiderasyon sa pagpili ng paksa ang limitasyong ito. May mga paksa kasing
mangangailangan ng mahabang panahon, higit pa sa dalawang markahan, upang maisakatuparan.

3. Kakayahang Pinansyal. Isa pang problema ito sa pagpili ng paksa. May mga paksang
nangangailangan ng malaking gastusin, na kung titipirin ay maaaring maisakripisyo ang kalidad ng
pananaliksik. Samakatuwid, kailangang pumili ng paksang naaayon sa kakayahang pinansyal ng
mananaliksik.
4. Kabuluhan ng Paksa. Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang
kabuluhan ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluhan. Samakatuwid,
kailangang pumili ng paksang hindi lamang napapanahon, kundi maaari ring
pakinabangan ng mananaliksik at ng iba pang tao.

5. Interes ng Mananaliksik. Magiging madali para sa isang mananaliksik ang


pangangalap ng mga datos kung ang paksa niya ay naaayon sa kanyang kawilihan o
interes. Hindi niya na rin kailangang pilitin pa ang sarili sa pananaliksik kung ang
ginagawa niya ay nauukol sa bagay na gusto naman talaga niya.
PAGLILIMITA NG PAKSA

MGA BATAYAN SA PAGLILIMITA:

1. Panahon
2. Edad
3. Kasarian
4. Perspektibo
5. Lugar
6. Propesyon o Grupong kinabibilangan
7. Anyo o uri
8. Partikular na halimbawa o kaso
9. Kumbinasyon n dalawa o higit pang batayan
Batayan ng Paglilimita Pangkalahatang Paksa Nilimitang Paksa

1. Panahon Kasuotan ng mga Kababaihang Kasuotan ng mga


Pilipino Kababaihang Pilipino sa
Panahon ng Komonwelt

2. Edad Mga Mang-aawit na Pilipino at ang Mga Batang Mang-aawit


Hinaharap ng Musikang Popular na Pilipino (Edad 13-17) at
sa Pilipinas ang Hinaharap ng Musikang
Popular sa Pilipinas

3. Kasarian Mga Suliranin ng mga Katutubong Mga Suliranin ng mga


Minorya Kababaihan sa Katutubong
Minorya

4. Perspektibo Epekto ng Globalisasyon sa Epekto ng Globalisasyon sa


Lipunang Pilipino Espirituwal na pamumuhay ng
mga Pilipino
5. Lugar Mga Naiibang Tradisyong Mga Naiibang Tradisyong Pangkapistahan
Pangkapistahan sa katagalugan sa Malolos Bulacan

6. Propesyon o Grupong Pag-aaral ng Wika ng mga Bakla Pag-aaral ng mga Baklang Parlorista
Kinabibilangan

7. Anyo o Uri Persepsyon sa Kababaihan sa Persepsyon sa Kababaihan sa Larangan ng


Larangan ng Panitikang Ilokano Panulaang Ilokano

8. Partikular na Halimbawa Epektong Kultural ng Turismo sa Epektong Kultural ng Turismo sa Pilipinas:


o Kaso Pilipinas Kaso ng mga Ifugao sa Cordillera

9. Kumbinasyon Atityud ng mga Estudyante sa mga a. Preperensya ng mga Estudyante…


a. Perspektibo Programang Kultural b. Preperensya ng mga Estudyanteng
b. Uri nasa unang Taon…
c. Lugar c. Preperensya ng mga Estudyanteng
d. Anyo nasa unang Taon sa The National
Teachers College…
d. Preperensya ng mga Estudyanteng
nasa unang Taon sa The National
Teachers College sa mga Dulang
Panteatro sa Kampus
ANG PAMAGAT-PAMPANANALIKSIK

Ang pamagat-pampananaliksik ay kaiba sa pamagat ng mga akdang pampanitikan. Kaiba ito sa


pamagat ng mga, kuwento, nobela, sanaysay at dula. Pansinin ang mga kasunod na pamagat ng mga
sumusunod na akda:

1. Sa Kabataang Filipino (Tula)


2. Sa Kadawagan ng Pilik-mata (Kuwento)
3. Bata...Bata...Paano ka Ginawa? (Nobela)
4. Sino si Bill Gates? (Sanaysay)
5. Ang Paglilitis ni Mang Serapio (Dula)

Ang mga ganitong pamagat ay hindi maaaring gamitin sa pananaliksik. Bagama't makatawag-pansin
ang mga pamagat na 'yon at nagbibigay ng ideya kung tungkol saan ang paksa, masyadong literari
ang dating ng mga nabanggit na pamagat.
Sa pananaliksik, ang pamagat ay kailangang maging malinaw (hindi matalinhaga), tuwiran
(hindi maligoy) at tiyak (hindi masaklaw). Kung tutuusin, ang mga konsiderasyon sa paglilimita
ng paksa ay maaari ring isaalang-alang sa pagdidisenyo ng pamagat upang iyo'y maging malinaw,
tuwiran at tiyak. Kung tutuusin din, ang nalimitang paksa, maliban sa kaunting pag-aayos, ay
maaari na ring gamitin bilang pamagat pampananaliksik.

May iminumungkahi rin kaming bilang ng mga salita sa pamagat, hindi kasama ang mga salitang
pangkayarian tulad ng pantukoy, pananda at pang-ugnay. Hangga't maaari, ang mga salita ay
hindi kukulangin sa sampu (10) at hindi hihigit sa dalawampu (20).
Pansinin ang mga kasunod na pamagat-pampananaliksik hinggil sa iba't ibang larangan:

a. Isang Pagsusuri ng mga Pamamaraang Ginamit sa Pagsasalin sa Filipino ng mga Katawagang Legal sa Bagong
Konstitusyon ng Pilipinas

b. Preperensya ng mga Batang Preschooler ng Barangay South Cembo sa Pagpili ng mga Kwentong Pambata

c. Mga Estratehiya ng Promosyon ng mga Produktong Pabango ng Bench Phils.: Isang Analisis ng Epektibnes

d. Korelasyon ng mga Piling Baryabol sa Atityud sa Pangekonomikong Pamumuhay ng mga Magulang na Iskwater sa Bliss
Guadalupe

e. Pahambing na Pagsusuri sa Preperensya ng mga Kababaihan at Kalalakihang Mag-aaral ng UST sa Panonood ng mga
Telenobela

f. Isang Mungkahing Limang-Taon na Development Plan sa Pagtatatag ng Sentro ng Pananaliksik sa Unibersidad ng Makati
g. Mga Piling Estudyanteng May Malalang Bayolasyon sa Patakaran ng NTC-HSD: Mga Aral-Kaso

h. Disenyo at Gabay sa Paggamit ng Internet Web Site para sa Mutya Publishing House, Inc.: Isang Project Proposa

You might also like