You are on page 1of 14

TEKSTONG

NARATIBO o
NAGSASALAYSAY
EDISON JR I. ANTONIO
TEKSTONG NARATIBO
Nagkukwento ng mga serye ng pangyayari na
maaaring piksiyo o di-piksiyon.
Layunin ng tekstong naratibo na magsalaysay ng
dugtong-dugtong at magkakaugnay na pangyayari o
magkwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo
man o hindi.
HALIMBAWA
- maikling kwento, nobela, mito, kwentong bayan at
alamat
- anekdota
- talambuhay
- balita
- pelikula, aklat o palabas
Elemento ng Tekstong Naratibo
1. Banghay- tumutukoy sa paraan ng pagkakalahad at
pagkakaayos ng mga pangyayari.

Karaniwang sinusunod na banghay ang pagkakaayos


ng mga pangyayari ayon sa Freytag’s Pyramid na
nagsisimula sa eksposisyon, patungong komplikasyon,
kasukdulan, pababa sa kakalasan at tungong wakas.
Elemento ng Tekstong Naratibo
2. Tagpuan- lugar na pinangyarihan ng
kwento at panahon kung kailan naganap.
Elemento ng Tekstong Naratibo
3. Tauhan- nagdadala at nagpapaikot ng
mga pangyayari sa isang salaysay.
Kumikilos sa mga pangyayari at
karaniwang nagpapausad
nito.
Elemento ng Tekstong Naratibo
4. Suliranin/ Tunggalian- pinakadramang
tagpo ng kwento at inaasahang may
maidudulot na mahalagang pagbabago
patungo sa pagtatapos. Mula rito ay
maaaring makakuha ng kaisipan o mensahe
na magsisilbing layunin ng tekstong
naratibo.
Pamamaraan ng Narasyon
Magsisilbing layunin ng tekstong
naratibo. Pamamaraan ng Narasyon-
maaaring gamitin ng manunulat upang
maging kapana-panabik ang pagsasalaysay.
Pamamaraan ng Narasyon
1. Diyalogo-sa halip na pagsasalaysay ay
gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan
upang isalaysay ang pangyayari.
-ginagamit para pukawin ang kabagutan ng
mga mambabasa.
Pamamaraan ng Narasyon
2. Foreshadowing- nagbibigay ng mga
pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang
kahihinatnan o mangyayri sa kwento.
3. Plot twist- tahasang pagbabago sa
direksiyon o inaasahang kalalabasan ng
isang kwento.
Pamamaraan ng Narasyon
4. Ellipsis- omisyon o pag-alis ng ilang yugto
ng kwento kung saan hinahayaan ang
mambabasa na magpuno sa naratibong
antala. Ito ay mula sa Iceberg Theory o
Theory of Omission ni Ernest
Hemingway
Pamamaraan ng Narasyon
5. Comic Book Death- isang teknik kung
saan pinapatay ang mahahalagang karakter
ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang
mabigay linaw sa kwento.
6. Reverse Chronology- nagsisimula sa dulo
ang salaysay patungong simula.
Pamamaraan ng Narasyon
7. In medias res- nagsisimula ang narasyon
sa kalagitnaan ng kwento. Kadalasang
ipinakikilala ang mga karakter, lunan at
tensyon sa pamamagitan ng mga flashback.
MARAMING
SALAMAT

You might also like