You are on page 1of 5

Aralin 2: TEKSTONG NARATIBO: SINING NG PAGKUKUWENTO

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
1. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa.
2. naasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto.

TEKSTONG NARATIBO

Nagkukwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon o di-piksiyon.

Piksiyon at di-piksiyon

- Kapwa gumagamit ng wikang puno ng imahinasyon. layunin ng tekstong naratibo na


magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na pangyayari o magkwento
batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.

Halimbawa:

 maikling kwento, nobela, mito, kwentong bayan at alamat


 anekdota
 talambuhay
 balita
 pelikula, aklat o palabas

Elemento ng Teksong Naratibo

1. Banghay – tumutukoy sa paraan ng pagkakalahad at pagkakaayos ng mga pangyayari.


Karaniwang sinusunod na banghay ang pagkakaayos ng mga pangyayari ayon sa
Freytag’s Pyramid na nagsisimula sa eksposisyon, patungong komplikasyon, kasukdulan,
pababa s kakalasan at tungong wakas.
2. Tagpuan – lugar na pinangyarihan ng kwento at panahon kung kalian naganap.
3. Tauhan – nagdadala at nagpapaikot ng mga angyayari sa isang salaysay. Siya/Sila ang
kumikilos sa mga pangyayari t karaniwang nagpapausad nito.
4. Suliranin/Tunggalian – pinakamadramang tagpo ng kwento at inaasahang may
maidudulot na mahalagang pagbabago patungo sa pagtatapos. Mula rito ay maaring
makakuha ng kaisipan o mensahe na magsisilbing layunin ng tekstong naratibo.

Pamamaraan ng narasyon – maaaring gamitin ng manunulat upang maging kapana-panabik


ang pagsasalaysay.

1. Diyalogo – sa halip na pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan upang


isalaysay ang pangyayari. Ginagamit ito para pukawin ang kabagutan ng mga
mambabasa.
2. Foreshadowing – nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang
kahihintnan o mangyayari sa kwento.
3. Plot twist – tahasang pagbabago sa direksyion o inaashang kalalabasan ng iang kwento.
4. Ellipsis – omisyon o pag-alis ng ilang yugto ng kwento kung saan hinahayaaan ang
mambabasa na magpuno sa naratibong antala. Ito ay mula sa Iceberg Theory o Theory of
Omission ni ernest Hemingaw.
5. Comic Book Death – iang teknik kung aan pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit
kalaunan ay biglang lilitaw upang mabigay linaw sa kwento.
6. Reverse Chronology – nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula .
7. In medias res – nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kwento. Kadalasang
ipinakikilala ang mga karakter, lunan at tensyon sa pamamagitan ng mga flashback.
SAGUTIN NATIN

Pangalan: __________________________________ Iskor: ______________

Taon/Seksyon: ______________________________ Petsa: ______________

A. Panuto: Basahin nang mabuti ang kasunod na teksto.

Mabangis na Lungod ni Efran Abueg

1. Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na


lansangan, dmantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may
bagong lunas na walng bias. Ngunit ang gabi ay waring maninipis na sutla lamang ng
dilin na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga uang palapag ng mga gusali. Ang
gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig
lamang ng mabangis na liwanang ng mga ilaw-dagitab.

2. Ang gabi ay hindi napapansin ng labindalawang taong gulang na si Adong. Ang gabi ay
tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon,
hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng
Quipo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon
man o wala ang gabi- at ang Quiapo.

You might also like