You are on page 1of 2

Filipino 2nd Quarter Reviewer

NOBELA
 Makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan.
 Binubuo ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng
buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa
damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.

Isang mahabang kathang pampanitikan ang Nobel na naglalahad ng mga pangyayari


na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap
ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayan isa dako at ng hangarin ng katunggali sa
kabila.

Iisa ang balangkas ng nobela at maikling kuwento ngunit nagkaiba lamang ito sa
nilalaman.

ELEMENTO

1.) Tagpuan. Ito ay lugar at panahon ng mga pinangyarihan.


2.) Tauhan. Ito ang nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela.
3.) Banghay. Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobela.
4.) Pananaw. Ito ang panauhang ginagamit ng may-akda
(a. una – kasali ang may-akda sa kuwento;
b. pangalawa – ang akda-akda ay nakikisap-usap;
c. pangatlo – batay sa nakikita o observation ng may-akda)
5.) Tema. Ito ang paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela.
6.) Damdamin. Ito ay nagbibigay kulay sa mga pangyayari.
7.) Pamamaraan. Ito ang istilo ng manunulat.
8.) Pananalita. Ito ang diyalogong ginagamit sa nobela.
9.) Simbolismo. Ito ang nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao,
bagay at pangyayari

TALINGHAGA
 Mula sa salitang talion at hiwaga na ibig sabihin ay isang pahayag na hindi tahasang
ibinibigay ang kahulugan – nakatago o hindi lantad.
 Ang mga pahayag na kung saan may nakatagong kahulugan.

TAYUTAY
 Ito ay sinasadyang pagyayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing
mabisa, matalinghaga, makulat at kaakit-akit ang pagpapahayag.
 Salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o
damdamin.
URI NG TAYUTAY

1.) Pagtutulad – paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan


ng mga pariralang katulad ng, gaya ng, tulad, pares, at iba pa.
2.) Pagwawangis – Naghahambing din ito tulad ng pagtutulad ngunit ito ay
tiyakang naghahambing at hindi gumagamit ng pariralang tulad ng, gaya ng,
at iba pa.
3.) Pagmamalabis – Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na
kalagayan ng tao, bagay o pangyayari.
4.) Pagtatao – Isang tayutay na nagkakapit ang katalinuhan at mga katangian ng
tao sa mga bagay na walang talion tulad ng hayop, ibon at bagay.

IDYOMA
 Ito ay di-tuwiran o di-tahasang pagpapahayag sa patalinghagang paraan.
 Hango sa karanasan ng tao, mga pangyayri sa buhay at sa paligid subalit nababalutan
ng higit na malalim na kahulugan.

You might also like